Share

Sixty Two

]

Lance

Alam kong kahit kaharap ko na si Liza kanina ay ramdam ko na may itinatago itong kaalaman sa tunay na lokasyon ni Mj. Batid kong may tinatago ito at ayaw lang sabihin sa akin. Hindi naman nakapagtataka dahil magkaibigan ang dalawa kaya imposibleng ilalaglag nito ang kaibigan.

Sa bagay iyon ay hindi naman ako pinanghinaan ng loob. Hinding-hindi ako susuko sa paghahanap kay Mj. Saka lang ako susuko kapag oras na para bumitaw o kapag nakita ko na si Mj at matiyak na ligtas ito.

Pauwi na ako sa amin ng hapong iyon nang aksidente kong makita si Mj sa kalsada. Nakatalikod ito at may mga bitbit na mga pinamiling gulay at kung ano-ano pa. Sa palagay ko ay nag-aabang ito ng taxi pauwi sa kanila.

Kahit nakatalikod ay alam kong kilalang-kilala ko ang nobya. Sa tindig nito, sa shape ng katawan at maging sa lugay at ayos ng buhok ay hindi ako magkakamaling si Mj nga iyon. Sasal ng tibok ang puso ko at parang dumadagundong sa kaba. Mabilis kong itinabi ang kotse at nagmadaling nilapitan ang babae na papasok na sana sa pinarang taxi. Mabuti na lamang at napigilan ko siya sa braso.

“Mj, sandali—”

Gulat na napalingon ang babae. Napahiya naman ako nang makumpirmang hindi ito si Mj. “Ano ba? Bitawan mo nga ako!” Pakli nito sa kamay ko. “Sino ka ba at ano’ng problema mo?” Tinaasan pa ako nito ng boses at mga kilay.

“I-am sorry, Miss. Akala ko kasi ikaw iyong babaeng kilala ko at –” hindi ko na naipatapos ang pagsasalita dahil sa isang malakas na sampal na tumama sa mukha ko.

“Next time, hindi lang sampal ang aabutin mo sa akin. You idiot wasting my time!” dagdag pa nito na napapalatak ng mura. “Shit this day!”

Naiwan akong tameme at nakita ko pa kung paano ako ngisihan ng taxi driver na nagbukas ng salamin nito para lang insultuhin ako.

“Masakit ba, Pare?” anito at pinatakbo na ang kotse.

Nahaplos ko ang mukhang parang kumapal sa lakas ng pagkakasampal sa babae. Napapiksi ako sa pagkaasar.

‘That woman! Pasalamat ka babae ka, kung lalaki ka lang at hindi ko hahayaang tumama ang kamay mo sa mukha ko!” tugis ng isip ko sa babae. Inironda ko ang aking mga mata sa paligid at baka mas maraming nakakita sa ginawang pagsampal ng babae sa akin pagkatapos ay inis na bumalik ako sa sasakyan .

Doon ko na lang kikimkimin ang pagkabuweset sa araw na iyon.

***

Crystal

“Buo na ba ang desisyon mong iyan?” tanong ni Jarred sa akin ng umagang iyon. Kagabi pa lang ay napagusapan na naming ang tungkol doon. Ipinaliwanag ko kay Jarred ang lahat ng bagay na gusto kong malaman niya. Sapat na ang mga araw na pareho naming niloloko ang aming mga sarili at umaasang matutunang mahalin ang bawat isa sa pagdaan ng mga araw.

Mapait akong tumango. Nakaupo na ako noon sa kama at kagigising lang ni Jarred ng mga sandaling iyon. Ayuko na sanang makita pa niya ako sa muling pagsilang ng araw sa Silangan pero may bagay na pumigil sa akin. Alam kong kagabi pa lang ay naayos na naming ang isa’t isa at nasabi na ang mga saloobin.

Sa katunayan ay ilang beses pa nga kaming nagniig kagabi para sa kung sakali mang mamiss naming nag isa’t isa ay sasariwain na lamang namin ang mga naganap na iyon.

Naramdaman kong gumalaw ang bedsheet ng kama tanda na bumangon na si Jarred. Hindi ko namalayang may luha na pala ang mga mata ko kaya napansin agad iyon ng lalaki.

“Then why are you crying?”

Sinulyapan ko siya at tinitigan ng matagal. Wari ay nag-uusap kaming dalawa ng mata sa mata.

Kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Sa dami ng mga pinagsamahan naming dalawa ay malabong ganoon kadali ko lang malilimutan siya.

Ewan ko, pero sa mga desisyon ko ay may isang katanungang unti-unting nabubuo sa isipan ko. Handa na ba akong iwan siya? Handa na nga ba akong tanggaping muli si Kent sa buhay ko matapos nitong saktan at pahirapan ang puso ko?

"But if you wish to stay with me, I will be here for you, as always." Sincered na wika ni Jarred sa akin na labis sanang ikinatuwa ng puso ko kung hindi ko lang naisip na masyado na ako magiging unfair sa sarili ko at maging sa kaniya.

Unfair sa kaniya dahil tatayo siya sa batang nasa sinapupunan ko gayong hindi naman siya ang ama nito. Hindi magiging biro iyon at commitment sa kaniya na labag sa kalooban ko.

Unfair sa sarili ko dahil alam makikisama ako sa isang taong hindi naman ang siyang totoong itinitibok ng puso  ko. Minsan na akong nagkamali noong isipin ko na matutunan ko din siyang mahalin sa pagdaan ng mga araw pero nabigo lamang ako.

Sapat na ang mga nangyari, ayuko nang dayain pa ang sarili ko at mababaliw na yata ako kapag ipinagpatuloy pa namin itong kahibangan. Isa pa ay hangad ko din ang kasiyahan niya kaya naman ay palalayain ko na din si Jarred.

"Napakabuti ng puso mo, Jarred. Dahil diyan, deserve mo ang maging masaya." pahayag ko na mapait na ngumiti. Sa pagkakataong iyon ay iba na ang pakiramdam ko, maluwag na sa dibdib at nakakahinga na ako. 'Deserve mo ang maging masaya kaya naman ay pinapalaya na kita. Alam kong hanggang ngayon ay si Mj pa din ang mahal mo, ramdam ko iyon."

Tiningnan ko si Jarred at walang emosyong mababakas sa mukha nito. Nananatili lang itong nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy makuha ang punto niya, kung nagagalit ba o nalulungkot.

"S-so, are you going to out of my life now?"

isang marahang tango lang ang tugon ko.

One Month later...

***

Jarred 

"Please, Liza! Tell me where's Mj is." Nagsusumamo kong tanong kay Liza nang minsan ay magkita kami nito sa isang department store. Ilang buwan na din ang nakakalipas at nasa maayos na na sitwasyon si Crsytal sa piling ni Pete Kent Buencamino.

Sa katunayan ay naipadalhan na din ako ng invitation card ng wedding date ng dalawa. Masaya ako para kanilang dalawa. Ngayon ay oras naman para ang personal kong buhay naman ang aasikasuhin ko.

"Ano ba , Jarred? Can't you understand one word?" Reklamo ni Liza na hindi magkadaugaga sa mga hawak na pinamili na hindi ko na maidentify kong ano. "Hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon?"

"I dont believe you." giit ko pa din kay Liza. "kahit pa ilang beses mong itanggi ay hindi pa rin ako maniniwala. Alam kong matagal na silang hiwalay ni Lance, kaya nakikiusap ako sa iyo... utang na loob! Sabihin mo na kung nasaan siya dahil nasa panganib siya ngayon."

Sukat doon ay napatingin sa akin si Liza. "How do you know na nasa panganib siya?"

Tiningnan  ko ang babae mula ulo pababa. Noon ko napansin na para itong namamawis gayong ang lamig ng aircon sa loob.

"Lance told me already." Mabilis nkong sagot. "He knows everything about Mj. I knew now that she is pregnant and bearing my child, our child." sinadya kong diinan ang huling sinabi para mas matandaan niya at iyon ang papasok sa isip niya.

Napansin kong natameme ang babae at napaurong ng dila. Dahil doon, mas lalo akong nagkaroon ng hinala na may alam nga ito sa lokasyon ni Mj.

"Lance also told me na ikaw mismo ang nagsabi noon!" paniniyak ko sa kaniya. 'And now, Lance is coming for her. Hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha si Mj sa akin at hangga't hindi siya nakakaganti sa akin."

Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ni Liza na parang biglang nataranta. Ibig sabihin lamang ay totoo nga ang sinabi ni Lance. Totoong buntis si Mj at siya ang totoong ama ng batang dinadala nito.

Mas lalo akong kailangan ni Mj sa panahong ito. Natatakot ako sa magiging kaligtasan ng aking mag-ina oras na totohanin ni Lance ang mga sinabi nito nang minsan ay tumawag ito sa akin para lang ibalita ang mga nalaman nito kay Liza.

“I don’t care kung ano man ang mga sinabi ni Lance sa iyo.” Pahayag ni Liza na nagmamatigas pa din.

“Why so hard, Liza? Nagmahal ka din naman di’ba? Bakit moa ko pinahihirapan? Bakit mo kami pinahihirapan ni Mj?” sumbat ko sa kaniya na hindi ko maiwasang maisalita iyon  sa  kaniya. “You’re so selfish!”

Nakita ko kung paano tila gumalaw at nagsilakihan ang mga ugat nito sa labi at sa panga. “How dare you to say that? I am just protecting Mj against you! Sino ba ang may kagagawan kung bakit nagkaletche-letche ang buhay ni Mj? Di’ba ikaw din? Then why are you saying that like I was the one who made her what she is now!”

Iyon lang at walang sabing tinalikuran na ako ni Liza. Tulad ng dati ay naiwan na naman akong umaasa at naghihintay sa magiging sagot niya habang nakasunod na lamang ng tingin sa papalayong si Liza.

Gusto ko nang mawalan ng pagasa pero ayukong sumuko. Totoo man o hindi ang sinabi ni Lance tungkol kay Mj, kaylangan ko pa ring hanapin ang babae. Hindi ko hahayaang magtagumpay si Lance na makuha siyang muli. Heto na ang tamang pagkakataon para ipaglaban ko siya.

Ang malaki ko lang tanong ay kung saan ko siya hahanapin.

***

Liza

Nakasakay na ako ng isang taxi ng mga oras na iyon dala ang mga pinamili kong mga gamot na ihinabilin sa akin ni Mj. Naroon din ang mga vitamins na kakailanganin ng baby sa tiyan  niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa sinabi ni Jarred tungkol kay Lance at sa magagawa nito kay Mj.

Lahat ng mga sinabi ni Jarred na nalaman daw nito mula kay Lance ay totoo. Pinilit ako ni Lance na magsalita nang minsan ay magkita kami. Hanggang nagyon ay hindi makatkat sa isipan ko ang pagkumpronta ni Lance at panggagamit ng dahas para lang magsalita ako tungkol kay Mj.

Wala na akong magagawa dahil nasabi ko rito ang lahat. Ikaw ba namang tutukan ng baril ay hindi ka pa magsasalita.

“Im sorry, Mj.” Pabulong na wika ko sa hangin kasabay ng pagpatak ng mga luha ko sa mga mata. Wala na akong pakialam kung makita man ako ng drayber na umiiyak. Tama nga si Jarred, naging selfish ako hindi lang sa kaniya kundi maging kay Mj.

Ngayon ay nanganganib na ang buhay ng kaibigan ko at nang baby sa sinapupunan nito.

Inayos ko ang sarili ko at isang desisyon nag nabuo sa isipan ko. Kaylangang may gawin ako para matulungan si Mj. Hindi ako papayag na may makapanakit sa kaniya!

Kahit si Lance o kahit si Jarred pa iyon!

Pinahid ko ang mga luhang nagpapadilim sa aking mga mata at sinipat ang daanan kung malapit na ba ako sa amin. Nagulat naman ako nang bigla ay nagring ang phone ko na nasa loob ng palda ko.

Awtomatikong kinuha ko ito at sinagot matapos kong mabasa ang pangalan ni Jaspher.

“Hello, my candy. Napatawag ka?’ malambing na tugon ko sa kausap.

“I am just checking on you. So where are you now?’

Ahmm, I just approaching home now. Pumunta kasi ako ng department store, may mga importanteng binili para sa akin at kay Mj.” Mabilis kong tugon. “Why, something is wrong?”

“Nope.” Iling ng kausap sa kabilang linya. “Are you free tonight?”

“Nope.”

“Would you mind coming with me? My friend having his birthday tonight.”

“Sure!” eksayted kong sagot. “Daanan mo lang ako dito sa bahay.”

“Okay.”

“Sige. Malapit na ako sa bahay namin. See you later.” Pamamaalam ko na din dito dahil tanaw ko na ang bahay namin.

“See you later, too. I can’t wait na.”

Mahina akong napatawa. “Okay, bye.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status