Offer
"Are you serious? Nag-offer ka ng pera para lang layuan ka n'ya. How about the baby?""It is not my child. Alam ko sa sarili kong wala akong pinutukan isa man sa mga babaeng dumaan sa akin."Pinapapak ko ang chocolate sa plastic habang nakikinig sa usapan nilang dalawa."Come on, Argo. Hindi magandang rason 'yan!""That woman is a con-artist. Tanga lang ang maniniwalang nabuntis ko siya!"Tumaas ang kilay ko dito. Paano niya nalaman?"Then how about, Florisse and all of the people in the church, pati na rin ang media. Your company!"Argo sighed. Tila gulong-gulo na sa nangyayari."I only care about, Florisse. How was she?""She's with Pauline, ayaw daw umuwi sa kanila. You know her dad, Tito Francis, hindi iyon basta-basta papayag sa nangyari."Again, Argo blew out a breath and shook his head repeatedly."Ah, excuse me?" Nagtaas ako ng kamay.Sabay naman silang lumingon sa akin. Argo looked so pissed while staring hard at me."Saan ang C.R?""Damn it!" Tila napupunong mura ni Argo."Turn to your left." sagot naman ng lalaki sa akin."Thank you, pogi!" Tumayo na ako at diretsong naglakad papasok sa sinasabi nitong C.R.Binatukan ko ang sarili habang umi-ihi. Paano ko ba malulusotan itong gulong napasok ko? Mukhang seryoso sila sa biro kong buntis ako. Patay ka na talaga Natalia.Nang lumabas ako ng C.R ay namataan ko ang dalawa sa mini-bar na malapit sa kusina."Ah, excuse me. Pwede ba akong umuwi?"Tumaas ang tingin sa akin ni Augustus. Matapos ay dahan-dahan tumango.Kumibot ang aking labi. Hindi ba niya itatanong kung saan ako nakatira? How 'bout my phone? Wala ba siyang balak palitan ito?Tangka na akong tatalikod nang marinig kong nagsalita ito."Take your check with you. And–you can stay here whenever you want. Hanggang hindi pa lumalabas ang bata," aniya.Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hangggang lumabas ang baby? Shit na malupet, Natalia!"Okay, walang problema." sagot ko na hindi lumilingon dito.Matapos kong kunin ang tseke ay nagmamadali na akong umuwi at diretso sa apartment namin ni Rosario."Luka ka! Alam mo ba kung anong gulo ang ginawa mo?!" Salubong nito sa akin. Matapos akong hilahin papasok ng bahay."Pagod ako, bukas nalang tayo mag-usap.""Hindi, ngayon na. Ano ba kasi 'yang pumasok sa kukote mo? Ayon ginegera ako ngayon ng kliyente ko dahil natuloy ang kasal na dapat sana ay hindi!"Dinukot ko ang tseke sa aking sling bag at nilapag sa lamesa."Ano naman ito?l Kunot noong itinaas niya ang papel. Mabilis na nanlaki ang mata nito at tumingin sa akin."T-Twenty...million?!" nabubulol nitong saad."Oo, iyan ang kapalit sa nasira nating kliyente.""Saan mo naman nakuha ito?""Doon sa groom na inagawan ko ng bride." Tumungo ako sa refrigerator at kumuha doon ng malamig na tubig."You mean?""Oo, nagkamali ako ng simbahan na pinasukan. Muntik pa nga ako makulong dahil ayaw maniwala ng groom na buntis ako.Pasalampak akong naupo sa sofa at pumikit."What?! Pinanindigan mo talagang buntis ka?!"I rolled up my eyes, "Kung hindi ko ginawa iyon siguradong humihimas na ako ngayon ng malamig na rehas."Umayos ito ng upo, tila mas naging intresado sa aking kwento."Then anong nangyari? 'Yong bride nasaan na?""As usual, nag-walk-out ang lola mo.""E, ano naman sabi saiyo nung groom?"Huminga ako ng malalim at umayos ng upo paharap dito, "Kapag wala raw akong maipakitang bata sa susunod na siyam na buwan. Kalaboso ang bagsak ko.""Ano? E, hindi ka naman buntis. Saan ka naman kukuha ng baby aber?""Iyon na nga ang problema ko. Saka balak niya akong ibahay doon sa condo niya sa Makati, biruin mo?" Umiiling kong sinabi."Jackpot!" Pumitik ito sa akin matapos ay kumindat.Tumaas naman ang kilay ko dito. Base sa pagkindat at pagpitik nito ay may ideya nanamang pumasok sa kokote nito."Spilled it up." Tinatamad kong sinabi."Simple lang, de magpabuntis ka sa kanya.""What? No way! Hindi pa ako nasisiraan ng ulo noh!""Edi, kung ayaw mo naman magpakulong ka nalang." Taas kilay nitong sinabi at hinila ang tseke para sana isuksok sa dibdib nang hilahin ko ito mula sa kanya."Ibabalik ko ito at aaminin ang totoo sa kanya.""Kahit makulong ka?" Taas kilay nitong saad.Lumunok ako, hindi ko yata kayang makulong sa murang edad. Marami pa akong pangarap at isa na doon ang makapunta ng Hongkong. Kung papayag ako sa suwestiyon ni Rosario tiyak na malalaman din niyang hindi ako buntis dahil wala pang lalaki ang nakauna sa akin kahit na sino."Bahala na, basta ibabalik ko 'yan sa kanya." Ayoko man aminin pero ngayon ay kinakain na ako ng guilt sa katawan.Kinabukasan ay mga yugyog ni Rosario sa aking balikat ang gumising sa akin."Natalia, bumangon ka dali may naghahanap saiyo sa labas.""Hmm, sino naman 'yan? Wala naman akong utang kahit na kanino?!" kamot ulo kong sagot."Huwag ka bakla naka kotse! Baka 'yong groom mo na iyon!"Mabilis akong bumabangon at kahit wala pang suklay at mumog ay kumaripas na ako ng takbo palabas.Dahi condominium type ang apartment namin na natayo sa squatters area ay hindi madaling lumabas ng building. Maraming bata rin ang naglalaro sa kalsada at mga kababaihan na nag-tsi--tsismisan tuwing umaga sa daan.Nang makababa ako ay naagaw agad ng pansin ko ang kotse na kulay itim.My heart starts racing for some reason. Hindi ko rin alam kung aatras ba o, lalapit sa kotseng pinagkakgulohan ng mga bata.Ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay bumukas na ang pinto nito at niluwa si Augustus in his neat black long sleeve at denim jeans.His hair combed perfectly with his strong facial expression and expressive eyes. Bumaba ang tingin ko sa mapupula nitong labi at doon nagtagal ng tingin.Ilang kababaihan ang nagtilian at nagtulakan ng makita itong umibis ng sasakyan.Tila nanaginip pa ako habang nakatitig dito. Mabilis kong binawi ang tingin dito at sinulyapan ang buong paligid."Anong ginagawa mo dito?" I asks in nervousness.Ngunit bago ito sumagot ay binisita muna nito ang suot ko.Dahan-dahan ayokong yumuko sa suot na spagetti strap without bra at short short. Itinaas ko ang hintuturo dito at tangka na sanang tatalikod para magbihis nang magsalita ito."Get in the car." aniya sa baritonong boses.Wala na akong nagawa nang tumatakbo na palabas ng squatters area ang sasakyan nito."Anong ginaagawa mo dito? Paano mo ako nahanap?""I can do anything with my money. Remember? I sold you for only Twenty Million pesos?!"Special Chapter 1L’ amoureMatapos ng kasal ay diretso kami sa resort para batiin ang mga bisitang dumalo sa pagtitipon. Simple lang din ang naging salo-salo sa gabing ito. Halos mga piling bisita lang din ang um-attend sa reception.Halos lahat ay masaya sa tinakbo ng seremonyas lalo na sina daddy at Inay na tila hindi maampat ang pakikipag kwentuhan sa mommy ni Argo."Congratulations to our newly wed!" Malakas na bigkas ni Christof habang hawak sa kamay ang bote ng champange.Nilapitan ito ni Argo niyakap bago tapikin sa balikat. Gumawi naman ang tingin n'ya kay Paul at George na siya rin niyang niyakap."Salamat sa pagdalo, akala ko hindi na kayo makakarating.""Kami pa ba? Alam namin matagal mo na itong plano." Christof shifted his eyes on me and give a wink.So, totoo ngang naka-plano itong kasal at hindi lang basta naisipan bigla ni Argo. Talagang mamaya sasabonin ko siya ng sermon."Congrats, Natalia." Tumingala ako kay Paul na malawak ang ngiti sa'kin. Gano'n rin ang ginawa
Kabanata 58AisleHindi maampat ang aking luha habang sakay ng sasakyan. Panay naman ang alo sa akin ni Inay na walang tigil ang paghaplos sa aking likod."Huwag kang mag-alala hija. Magiging maayos rin ang lahat."Ngunit walang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang pwedeng kahinatnan ni Argo. Sabi ni Inay ay naaksidente ito habang patungo dito sa Calatagan. Kaya pinadiretso ko na sa pinakamalapit na ospital ang sasakyan dahil dito daw malamang dinala si Argo.Ngunit nalampasan na namin ang ilang ospital ay hindi pa rin tumitigil ang sasakyan. Hindi ko na binigyan pansin ang bagay na 'yon pagkat gulong-gulo pa rin ang isip ko sa nangyayari.Subalit nakalabas na kami ng Calatagan ay hindi pa rin humihimpil ang sasakyan sa ospital."Saan ba tayo papunta?" Hindi ko na napigilan itanong kay Inay.Ngunit hinaplos lang niya ang likod ko't tumango sa'kin.Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mas lalong tumahip ng malakas ang aking puso. Ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Saan
Kabanata 57LunchMaaga pa lang ay naghanda na ako para magtungo sa Nasugbu para bisitahin ang hotel doon ni Dad. Sabi n'ya ay ako na ang bahala mamahala doon mula ngayon.Naabisuhan na rin n'ya ang lahat ng staff at manager ng hotel kaya hindi na mahirap para sa akin ang magpakilala.Matapos ang kalahating oras na byahe ay tumigil ang sasakyan sa tapat ng hotel. Doon pa lang ay kita ko na ang mga staff na nakahilera na tila inaantabayanan ang pagdating ko.Naroon na rin si Rosario na siyang aking magiging personal assistant at si Shiela na aking sekretarya.Huminga muna ako ng malalim bago bumaba matapos akong pagbuksan ng isa sa aking mga security. Si Daddy ang nag request na bigyan ako ng seguridad dahil sa mga pagbabantay sa akin ni Andra at mga nangyari noong mga nakaraang linggo.Isa pa lumakalad na sa tatlong buwan ang batang dinadala ko kaya todo ingat ako sa mga kilos ko. Gustohin man akong pigilan ni Inay at mamalagi na lang sa Villa ay hindi ako pumayag.Gusto kong tulongan
Kabanata 56RealTanghali na nang dumaong ang sinasakyan naming yate sa Isla. Maluwang ang naging pag ngiti ko pagkat sinalubong kami ng ilang naka-unipormadong lalaki. May ilan pa ngang sinabitan kami ng mga bulaklak sa leeg na tiyak na gawa nila."Welcome to Isla Verde!" Malugod nilang pagtanggap sa amin.Gaya ng dati ay hindi pa gano'n kadami ang tao dito ngunit may ngilan-ngilan na rin na nagtatayo ng maliliit na negosyo dito para sa mga turista na gustong mamasyal.Katunayan kahit walang kuryente sa gabi ay nakadaragdag pa 'yon ng atraksyon sa mga turista na nais mag camping dito.Sa isang bungalow type kami dumiretso kung saan may inihanda na pa lang pagkain ang mga lokal para sa pagdating namin. Kasama na doon ang Mayor at ilang Konsehal na sumalubong sa amin kanina."Mabuti naman ho naisipan n'yong mag-invest dito sa Isla namin. Ang totoo ho ay nahihirapan kaming i-promote ang Isla dahil sa kakulangan ng supply sa kuryente," anang Mayor kay Argo habang sinisimulan na namin ang
Kabanata 55Isla VerdeNagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking pisngi. Kasabay nito ang malamig na hangin na hinihipan ang puting kurtina. Mahigpit ang naging pagyakap ko sa unan at ninamnam ang malamig na simoy ng hangin."Good morning, L'amoure?"Mabilis ang naging pagdilat ko at pagbalikwas akong bumangon nang marinig ko ang mababang boses ni Argo na nagsalita."Why are you still here?!"Hindi ako nagdalawang isip na ibaba ang comporter sa aking katawan at bumaba ng kama. Hinanap ko agad ang mga damit ko ngunit hindi ko makita.'Are you looking for this?"Umangat ang tingin ko kay Argo na hawak sa isang kamay ang hinubad kong white lose shirt. Dahil sa sobrang gulat at hiya ay halos lundagin ko siya sa kama para maagaw mula dito ang damit."Give me that!" Imbes na ibigay ay narinig ko ang malutong niyang halakhak matapos ay hinila ang balakang ko papalit sa kanya. Shit na malagkit, Natalia. You're completely naked. Gaya ko'y hindi pa rin ito nakakapagbihis kaya malaya
Kabanata 54Sweet Fire KissLumalim ang gabi, naging magaan para sa'kin ang mga eksena maging ang pagtanggap sa'kin ng mga bisita. Hindi na rin muli pang nag-krus ang landas namin nina Andra at Florisse. Pansin ko rin ang maagang pag-uwi ng mga Greensmith at maging ng mga Villarosa.Dahil hindi ako pwedeng magpuyat ay sinubukan ko nang magpaalam kina daddy at Inay. Pinuntahan ko rin ang lamesa ni Shiela at Rosario."Ayos lang ami dito madami pa naman boylet e," ani Rosario na panay tungga ng alak sa baso."Baka naman malasing ka n'yan?" Suway dito ni Shiela."Naka-ready naman na ang guest room para sa inyo," wika ko sa mga ito."Kung pwede lang nga sana mag-leave ako sa trabaho, kaso baka mapagalitan ako ni ma'am Andra." Nginuso pa n'ya ang grupo nina Andra at Florisse na siyang nasa isang lamesa habang kausap ang ilang pulitiko at business man."Kung gusto mo pumasok ka na lang secretary ko, do-doblehin ko ang sahod mo, o di kaya ay ti-triple-hin ko pa?" Agad na nagliwanag ang mukha