Share

Kabanata 4

Date

"Saan ba ang punta natin?" tanong ko dito habang sinusuklay ang buhok gamit ang aking daliri.

Naiinis ako dahil wala akong suot na bra. Kung tulad lang sana ng makopa itong dibdib ko ay okay pa pero hindi e, labas ang cleavage ko at bakat ang u***g ko sa suot ko.

Tumikwas ang kilay ko nang huminto ang sasakyan nito sa isang mall.

"Are you serious? Gusto mo akong maglakad d'yan na ganito ang suot?!"

Pinatay nito ang makina at bumaling sa akin. He glance at my chest and squared his jaw.

"Sino ba'ng may sabi saiyong lumabas ka sa bahay n'yo na ganyan ang suot?"

Naningkit ang dalawang mata ko dito. What the fuck?

"Excuse me, Ikaw nga itong kating-kati akong pasakayin sa kotse mo, porke ganito ang suot ko!"

Muli itong bumaling sa akin, this time niliyad ko ang dibdib ko at taas kilay na ngumisi dito.

I saw how his jaw work so hard and tried his best to looked away.

And a devilish grin appeared on my mouth.

One point Natalia.

Hinila niya sa back seat ang naka-hanger na long sleeve polo at inabot sa akin, "Wear this, saka ka nalang magpalit pag nasa loob na tayo."

Hindi na ako umimik, sinuot ko nga ang polo at tinupi iyon hanggang braso. Pinaragan rin ko ang kalahating laylayan nito sa aking short at pinusod ang buhok ng mataas gamit ang rubber bond na nasa aking palapulsohan.

"Ready!"

Bumalik ang tingin nito sa akin at sa ayos ko. His brows twitched and shook his head.

"Bakit? Hindi ba bagay?" Nakanguso kong tanong.

Hindi ito sumagot bagkus ay hinila ang kaniyang shades para suotin at lumabas na ng sasakyan.

Mabilis ko itong sinundan subalit dahil sa malalaki nitong hakbang ay hindi ko ito mahabol. Kaya pinili ko nalang na bagalan ang paglalakad.

Tumigil naman ito at lumingon sa akin. His eyes looked so dark that made my lips moved.

"Wala nabang ibibilis 'yang lakad mo?!" Nakapamewang nitong singhal sa akin nang maabotan ko.

"Bakit wala naman akong hinahabol bakit ko bibilisan? Hindi ba ikaw ang naghahabol sa ating dalawa?" I twitched my lips as I say the word that made him look more pissed.

"Shut the hell up, poor lady. You're talking nonsense."

Nang mag simula muli itong maglakad ay pansin kong binagalan na nito ang paghakbang. Tila hinintay ako para masabayan.

Two points, Natalia.

Hindi ko ito mapigilang sulyapan habang naglalakad. Kahit pa malayong malayo ang suot nito sa akin ay hindi ito lumalayo. He's tall alright, isang bagay na gusto ko sa lalaki.

Iba rin ang dating nito sa mga taong nadaraanan. Kahit may mga edad at may kasamang boyfriend o, asawa ay hindi mapigilang mapalingon dito.

I smiled at the back of my head, Geez, mukhang naka-jackpot nga yata ako kay pogi!

Nang marating namin ang department store ay diretso kami sa ladies wear.

"Choose anthing you want. Dress, shoes, bags, whatever."

Napapantastikohan akong tumingala dito. Totoo ba ang narinig ko? Bibilin niya lahat ng gustohin ko?

Bumaba ang tingin nito sa akin, gayon din ang shades niyang suot.

"What are you looking at, L'amour? Go shop!"

Maluwang ang ngiti kong sununod ang utos niya. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang ako makakapag-shopping na hindi iniisip ang kakainin kinabukasan.

Halos yata lahat ng klase ng damit sa shop na pinuntahan namin ay nabili ko. Hindi lang 'yon he also buy me a shoes and bags.

Halos hindi na nga nagkasya sa backseat niya ang mga pinamili naming damit. Sa wakas ay kapagpalit na rin ako suot ang bleach jeans, black T-shirt at two strap sandals.

Tinernohan ko lang naman ang suot niya.

"Grabe nakakapagod palang mag-shopping ano?" Pinapaypay ko ang kamay sa aking mukha nang makasakay ng kaniyang kotse.

He didn't bother to answer. In-start na nito ang engine at tumulak muli kami paalis.

Hindi na ako nagsalita pa nang ipasok niya sa isang sikat na restaurant ang sasakyan nito.

"Hindi mo naman sinabi na gusto mong makipag date, de sana nag-gown ako!" Ngumisi ako dito.

"Shut up.." he growled.

Sinulyapan ko ang restaurant bago pagkis-kisin ang dalawang palad, "Tamang-tama gutom na ako!"

Umiling nalang ito sa akin bago lumabas ng kaniyang sasakyan. Agad naman akong sumunod dito. Nakapag pa-reserve na pala siya ng table para sa amin at sa VIP pa mismo, sosyal!

"Grabe nabusog ako!" Hinihimas ko ang tiyan habang nakasandal sa aking silya.

Tumaas ang tingin ko dito na kanina pa hawak ang cellphone. He tried calling someone pero parang hindi niya ito makontak.

I shook my head, I'm sure si Florisse ang tinatawagan nito. Hindi rin nito nagalaw ang pagkain para sa kanya dahil sa abala sa kinokontak.

Tinulak ko ang plato nito pa-usog sa kanya. Kaya napukaw niya ang pansin ko.

"Bakit hindi kapa kumain? Sayang naman 'yang food mo?"

Nagbitiw ito ng malalim na buntong-hininga bago muling subukan kontakin ang kanina pa tinatawagan.

I smiled widely, hinila ang plato nito palapit sa akin.

"What are you doing?" Nagtataka nitong tanong.

"Kung ayaw mong kumain, ako nalang ang uubos nito. Sayang naman kasi ang mahal-mahal."

"You already ordered four plates, tapos hindi ka pa busog?"

Ngumiti ako dito, "Ngayon lang kasi ako nakakain sa ganito ka-sikat na restaurant kaya sinusulit ko."

He just raised his hand to cut my word off and nod lazily, "Sige na, kainin mo na 'yan. Um-order kapa ng gusto mo, But please, shut your mouth and don't talk to me. Kung hindi mo kayang manahimik. You'll free to go!"

Ngumuso ako dito, e, ikaw nga itong nagdala sa akin dito, noh!

Siguro ay napuno na ito sa pambabara ko kaya tumayo at lumabas ng restaurant. Tinanaw ko ito mula sa glass window habang nasa tenga pa rin ang aparato.

Paroo't parito rin ito ng lakad habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya.

Bumaba ang tingin ko sa pagkain na dapat sana ay sa kanya. Hindi ko nanaman mapigilang kainin ng konsensya. Kung aminin ko na kaya sa kanya na hindi naman talaga ako buntis at raket lang namin ni Rosario ang mag-gatecrash sa kasal? Tiyak na ipapakulong niya ako at madagdagan pa ngayon ang kaso ko dahil sa mga mamahaling gamit at pera na nakuha ko mula sa kanya.

Muli kong binalik ang tanaw dito na ngayon ay may kausap na telepono. Nakahawak ito sa noo at umiiling-iling sa kausap.

Bumalik lang ang pansin ko sa pagkain nang makita itong pabalik.

"Are you done?" he asks in a rough tone. Kahit gusto ko pang kumain ay tumango nalang ako dito.

Tahimik kami buong byahe. Hindi ko rin tinangka na magbukas ng usapan dahil alam kong badtrip ito kanina pa.

Umayos lang ako ng upo nang ipasok na nito ang sasakyan sa parking area ng kaniyang condominium.

"H-Hindi mo ba ako ihahatid pauwi?" Nagtangka na akong magtanong.

"From now on, you're going to live here, L'amour."

Umawang ang labi ko dito at hindi nakapagsalita. Hangggang maka-akyat kami sa 30th floor ay hindi ko maramdaman ang aking mga paa.

"This is actually my hidden place. Ako at si Christof lang ang nakakaalam na may unit ako dito."

Nilapag nito sa carpeted floor ang lahat ng pinamili namin. Parang ayoko nang buklatin pa ang lahat ng iyon dahil kanina pa ako kinakain ng nerbyos.

"Here's your new phone. Nakalagay na d'yan ang number ko incase na may emergency."

Nilapag nito sa lamesita ang latest smart phone na tiyak kong binili niya habang namimili ako ng damit kanina.

"Diba parang sobra-sobra na ito?" Tumingala ako dito na bakas ang pag-aalala sa tinig.

"I'm not doing this for you," aniya sa akin. Bago ako talikuran papasok sa isang silid doon.

Kagat labi akong tumango. Iyon lang naman talaga ang papel ko dito ang isilang ang sanggol at iwan ito sa kanya. Pero paano nga mangyayari iyon kung hindi naman siya naniniwalang anak ko nga ang pinagbubuntis niya?

Hinila ko ang cellphone na binigay nito sa akin. Mabuti ay kabisado ko ang number ni Rosario kaya tinawagan ko ito at lumabas ng kaniyang unit.

"Ano? Sigurado ka naba na d'yan ka titira?"

"E, ano bang magagawa ko? Pag hindi ko sinunod ang gusto niya, tiyak na sa kulongan ang bagsak ko."

"Hindi ba niya nababanggit saiyo ang kasal? Tutal pinanindigan mo na rin lang na buntis ka, idamay mo na rin pati ang kasal. Para kung magkabistohan man, maliit ang chance na maipakulong ka n'ya."

Napasapo ako sa noo., "Hindi ko pwede gawin 'yon. Tiyak na malalaman n'ya agad na hindi ako buntis, saka hello, buti kong pakasalan ako ni pogi! Isa pa, hindi ba sobra-sobrang panloloko na itong ginagawa ko sa kanya?"

"Bakit hindi mo naman hiniling sa kanya ang lahat ng iyan ah? Siya ang kusang nagbigay niyan at hindi mo hiningi!"

Kagat labi akong pumikit. She was right. Wala naman akong hinihingi na kahit na ano, siya pa nga itong bigay ng bigay e.

"Baka hindi muna ako mauwi d'yan ngayong gabi."

"Sure! Okay na okay! No,problem!" Halos pagtulakan na ako nito sa sagot niya.

I rolled up my eyes! Alam na alam ko kung ano ang tumatakbo sa utak nito at likaw ng bituka nito. She badly wants me to get impregnate by Argo para tapos na ang problema ko.

"Okay, bye!" Naiiling na sinuksok ko sa bulsa ko ang aking cellphone at umakyat na sa elevator.

"Saang floor ka Miss?"

Tuminga ako sa lalaking katabi ko. Sa tingin ko'y hindi sila nagkakalayo ng height ni Argo. May matangos ding ilong at may nangungusap na mga mata. Nakasuot lamang ito ng plain white shirt at black trouser pero grabe sa sex appeal.

Hindi ko mapigilang lumabi bago sumagot, "Ah–sa 30th floor," sagot ko.

"Great, doon din ako." Pinindot na nito ang floor at namulsa ng tayo sa tabi.

I felt so uncomfortable, dahil kaming dalawa lamang ang mismo ang nasa loob ng elevator.

"Are you visiting someone, or you also leave here?" Yumuko itong muli sa akin. This time he show up his pearly teeth.

"50/50?" Alangan kong sagot bago ito gantihan ng ngiti.

He chuckled a bit, "Nice answered."

I bite my lower lip matapos ay tumango dito.

"I'm Marco– Marco Sandoval." Walang pag-aalinlangan nitong nilahad ang kamay sa akin.

I shyly grabbed his strong hand and shake it well, "I'm Natalia Punongbayan."

Doon bumukas ang elevator at sabay kaming lumingon sa lalaking nakatayo sa mismong pintuan nito.

Argo looked straight to our hands and slowly meet my eyes. Hindi ko maipaliwanag kung anong reaksyon ang pinakita niya pero sigurado akong hindi ito natuwa sa nadatnan.

"A–Argo, nandyan ka pala." Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko kay Marco at humakbang na palabas ng elevator.

Laking gulat ko ng hilahin nito ang balakang ko palapit sa kaniya. My head slowly looking up at him with an astonishment in my face.

"Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap.

Mabilis akong sumulyap kay Marco na lumabas na rin.

"Ah, may kausap lang ako sa phone, si Marco pala–Marco, si Argo." Pakilala ko dito.

"Hi!" bati dito Marco.

Imbes na sumagot ay tango lamang ang ginawa nito. I could feel his tight hand at my waistline.

"Let's go, gutom na ako."

Hindi na ako nakapag paalam kay Marco dahil mabilis na niya akong hinila papasok sa kaniyang suite.

"What the fuck is it?" Singhal niya sa akin matapos isarado ang pinto.

Bumaba ang tingin ko sa braso kong hawak niya matapos ay sinalubong ang matalim nitong mga titig.

"And what do you think you are doing?" I squinted my eyes, already pissed.

Agad itong bumitiw sa akin at tumingala. Tila napupuno na sa tiyak kong galit.

"Hindi kita dinala dito para makipaglandian sa kung sinu-sino."

I laugh out loud, sino naman may sabi sa kanya na nakikipaglandian ako?

"Nakilala ko lang siya sa elevator." Tumalikod na ako dito at tumuloy sa kusina, pero hindi pa pala ito tapos sa akin.

"And then what? You both end up in bed, huh?"

Marahas akong humarap dito na siyang nasa hamba ng pinto.

"Watch your word, Argo!" matigas kong sinabi.

"You watch your action, poor lady! Ilagay mo sa lugar 'yang kati mo, because I don't tolerate your fucking itchiness in my house!"

Tinikom ko ang aking mga labi at nilunok ang lahat ng kaniyang sinabi.

Ano paba ang dapat kong ibato? Eh, kahit naman ipilit ko ang totoo ay iyon pa rin ang tingin niya.

I'm a fucking slut and a poor fucking one night stand!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status