Share

Chapter Four : Huwad na Pag-ibig

MATULING lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Ngayon ay magtatatlong buwan nang nagtatrabaho sa Hotel Uno si Arianne. Nakapagpasuweldo na rin siya at nakapagpadala ng pera sa kaniyang mga magulang. Kinsenas kada isang buwan ang kanilang sahuran. Pakasahod niya ay agad siyang nagpapadala sa magulang.tulad ngayon, sahuran na naman ulit kaya napatawag na naman siya sa kanila.

“O nay, hello po, natanggap niyo na po ba ang perang padala ko?” bungad niya ng matiyak na nasa linya na ang mga ito.

Sakto namang kailangang-kailangan ng mga ito ng pera dahil nag aaral na si Joshua, ang kaniyang pangalawang kapatid sa College. Kursong Criminology naman ang napili nito. Hindi naman siya tumutol sa kagustuhan ng kapatid. Bata pa lang kasi ay pangarap na talaga nitong maging pulis. Tatlo lamang silang magkakapatid. Ang kanilang bunsong kapatid ay kasalukuyang nasa high school na. ang tanging kita ng tatay niya sa pangingisda at at munting pwesto nila sa palengke ang siyang bumubuhay at tumutustos sa kanilang magkakapatid sa pag-aaral. Puwera pa doon sa kanilang personal na gastusin. Minsan nga naisip pa niyang huminto noon para makatulong sa pamilya.

“Hello Arianne, anak. Oo, natanggap na namin.” Tuwang-tuwa na sabi ni Aling Leah nang masagot ang tawag niya. “Salamat talaga anak sa perang naipadala mo. Alam mo ba na sobrang saya ng kapatid mo? Kung alam mo lang kung gaano siya kaproblemado nakaraan dahil panahon na ng bayaran ng tuition nila.” Bakas sa boses ng ginang ang labis na tuwa. Dinig na dinig niya rin ang mga namimiss niyang boses na sumasabay habang nagsasalita ang kanilang ina.

“Hello Ate, salamat talaga!” Boses iyon ni Joshua.

“O diba Anak, narinig mo nag kapatid mo? Naku, kung alam mo lang.” pagkukunpirma ng kaniyang ina. “O heto, kakausapin ka daw.” Kahit man hindi sinabi ng kaniyang ina ang bagay na iyon ay narinig na niya ang mga bulong-bulungan ng mga ito.

“Opo. Sige Inay, pakibigay po ang linya nang magkausap kami.”

“Hello,Ate. Kumusta ka na po?” Bakas sa boses nito ang eksaytment at pananabik. “Namimiss ka na po namin ni Chen-chen.” Ang tinutukoy nito ay ang kanilang bunsong babae.

Nalungkot siya bigla ng marinig ang huling sinabi nito. Mas lalong nadagdagan ang kaniyang kagustuhan at pananabik na umuwi. “I miss you too, Josh. Namimiss na din kayo pareho ni Chen-chen ng ate.” Dinig na dinig niya na nag-aagawan ang mga ito sa kabilang linya. Napangiti siya habang naririnig ang mga ito.

“Wala ka bang pasok ngayon anak?” ang tatay naman niya ngayon ang kausap niya. “Baka may trabaho ka pa at nakakaistorbo kami. Mamaya niyan, mapagalitan ka pa dahil sa amin.

“Wala po Itay.” Sagot niya. Naka off-duty po ako ngayon. Bukas naman po uli ang aking pasok.”

Nakahinga ng maluwag ang kaniyang ama. “Mabuti naman kung ganon.”

“Opo.” Tugon niya. “Gusto ko po ngang matulog ngayon. Parang ang sakit- sakit kasi ng katawan ko ngayon.” Dagdag pa niya at sandaling nag-inat at napahikab.

“Kung ganoon anak, magpahinga ka na muna. Alam naming mas kailangan mo yan ngayon.”

“Okay lang po Itay.” Nakangiti niyang saad. “Medyo maayos na rin ang pakiramdam ko kanina nang nakaligo. Lalo pa ngayon at nakausap ko na kayo.”

“Pero kung mas inaantok ka na, pwede ka namang matulog anak.” Wika ng kaniyang ama. “Mamaya na lang kami tatawag sa iyo. Magpapahinga ka na muna.”

“Oo nga naman, anak”, segunda ng kaniyang ina na halatang inagaw na naman ang linya.

Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa mga sinabi ng mga ito. “Sige na nga, kayo na ang masunod”. May himig pagtatampo na sabi niya.

Natawa na ang mga nasa kabilang linya. “Eh, sabi mo kasi kanina inaantok ka kaya magpahinga ka na muna. Mahaba pa naman ang araw eh.”

Hindi na siya nangatwiran pa. Matapos magpaalam sa mga ito ay dahan-dahan na rin siyang nahiga. Marahang ipinikit ang mga mata at pinaglakbay ang isip. Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang tinangay ng kaniyang panaginip.

MGA bulaklak na rosas ang sumorpresa kay Arianne sa pagpasok niya kinabukasan sa trabaho. Unang bungad pa lamang niya bago makapag -in sa trabaho ay isang kumpol na rosas na ang sumalubong sa kaniya. Hindi rin magkandaugaga ang mga kasamahang babae sa hatid na kilig ng romantikong dala ng ambiance ng paligid. Labis naman ang kaniyang pagtataka kung kanino nanggaling ang mga ito.

Maya-mayang unti-unting maririnig ang isang malamyos na musika. Napalingon si Arianne sa lumalakad na bulto ng tao na natatakpan ng mga rosas ang mukha. Marahan lang ang lakad nito na parang ini-excite siya. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi naman niya kilala ang kung sinong ito, pero parang pamilyar ang kaniyang pigura.

Nang ganap na itong makalapit ay saka nito iniiangat ang hawak-hawak na kumpol ng rosas na siyang tumatakip sa mukha nito. Saka pa lamang niya nakilala ang lalaki. Hindi pa rin natigil ang malalakas na tili ng mga naroong kasamahan habang nakatingin pa rin sa kanila.

“Jake?” gulat na tanong niya. Nakangiti naman ito ng pagkaluwag-luwag.

“Yes, ako nga Arianne.” Sagot nito. Had I surprise you?”

“Oo naman.” Wika niya na di na rin maitatago ang kilig. “How’s romantic.” Dagdag pa niya dahil bukod pala sa napahambog nito minsan ay may natatagong pagiging romantic at mahilig mangsorpresa.

“By the way, flowers for you.” Maya-maya ay sabi nito at inabot sa kaniya ang hawak nitong bouquet of flowers na siyang pinaka-last na ibibigay sa kaniya.

“Thanks.” Sabi niya matapos abutin dito ang bulaklak at may pagsuyong sinamyo ang halimuyak na dala niyon. “Ang bango. And, I have nothing to say.”

“Then say nothing. Gaya ng sabi ko, mahal kita at papatunayan ko iyon.” Malambing ang boses na pagkakasabi nito. Tiningnan niya ito sa mga mata. Naiiba ang mga kislap niyon.

“But …thank you so much. I very appreciated.” Putol niya sa tila humintong oras sa pagitan nilang dalawa.” I didn’t expect this.”

Kumislap bigla ang mga mata ng lalaki sa narinig. Maya-maya pa ay nagbago ang musika. Napalitan ng isang sweet at romantic music. Ang sumunod na ginawa ng lalaki ay labis na ikinamaang niya.

“Can I dance with you?” anitong inabot ang kaniyang kamay. Mistulang nakaluhod ito habang hinihintay ang kaniyang mga sagot. Napatingin siya sa gawi ng mga kasamahang napatakip ng bibig. Halatang hindi maipaliwanag ang kilig na nararamdaman sa nakikitang tagpo.lalong napalakas ang mga tili ng mga ito. Muli niya itong tiningnan sa mga mata. Naroon ang sincerity at tila nangungusap nitong mga titig. Mga titig na tiyak niyang hindi niya matatanggihan lalo na ang hinihiling nito. Pero hindi naman siya yung babaeng easy-to get, ika nga.

“Please?” ngayon ay may halo na itong pagsusumamo.

“Pumayag ka na.” si Grace. “Wag mo nang pahirapan ang guy. Sige ka, mangangawit yan kaaantay ng sagot mo.”

“Oo nga naman Arianne.” Segunda ni Airene. Go,go,go!”

Natawa sila pareho sa kapilyuhan ng mga ito. Nagsimula na rin siyang magblush sa hiya dahil ang tagal ng response niya rito.

Matapos marinig ang mga sinabi ng kasamahan ay hinarap na niya uli ang lalaki. Mag iisang buwan na rin hanggang ngayon mula ng magtapat ang lalaki ng nararamdaman nito para sa kaniya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot ang binata.

“Please?” muling ulit ng lalaki sapagkat saglit siyang natigilan.

“Makakatanggi pa ba ako?”

Sapat lang yong narinig nito at mabilis itong tumayo. Hawak ang kaniyang kamay ay iginiya nito ang babae sa naroon space kung saan sila magi-sweet dance. Medyo naasiwa pa siya ng maramdaman ang kanang kamay nito sa kaniyang beywang. Itinaas naman nito ang kaniyang kaliwang kamay at masuyong ipinatong sa balikat nito habang hawak naman nito ang kaniyang kanang kamay. Hindi siya makapaniwala na ang akala niyang hambog na si Jake Ventura ay isa pa lang maginoo, romantiko at may tinatagong kilig sa katawan. Nakatitig lang sila pareho habang dinadama ang musika sa bawat galaw ng kanilang mga paa. Naroong magdidikit ang kanilang mga ulo at mapipikit ang isa’t-isa. Parang dinadama nila pareho ang init ng pagkakadikit ng kanilang mga noo. Na para bang wala sa isipan nila kung sino man ang mga nanonood o nakatingin sa kanila.

Pareho na rin nilang nakalimutan na pareho silang nasa trabaho at nauubos ang kanilang oras. At dahil nawala na iyon sa kani-kanilang mga isip, kapwa na din sila natangay ng kasiyahan.

NOON ay kasalukuyang palabas na ng elevator mula sa first floor si Arianne. Bukod kasi sa unang palapag ay may tinatawag pang groundfloor ang Hotel Uno. Sa hanggang sixth floor ang Hotel. May Private pool pa ito sa roof top kung saan tumatambay ang sinasabing tagapagmana ng Hotel Uno, Si Blake John Del Fuego. Ang first Floor ng building ay Food Station, Accomodation sa 3rd Floor at Conference Building ang sa Fourth Floor. Dito nagmeeting at nagpaplano ang buong management ng Hotel Uno tulad ng Chief Executive Officer (CEO), Chief Operation Officer (COO), at Chief of Finance Officer (CFO), kasama ang iba pa. Ayon sa sabi-sabi, dahil hindi pa naman siya nakakaabot ng fifth to sixth Floor, ang dalawang palapag ng building ay nakareserve sa buong pamilya ng Del Fuego. Ito ay daw ay private building na kung saan ay isolated sa lahat ng staffs at employee ng nasabing Hotel. Saglit siyang napahinto malapit sa elevator ng biglang mag vibrate ang cellphone niya. Sinadya niyang nasa ganong mode ang cellphone upang hindi maging disgusting pag nagkaroon ng message alert o kahit pa incoming calls. Ang kapatid niyang lalaki ang tumatawag , si Joshua. Mahina niyang ini-scroll ang message at binasa hanggang dulo. Hindi niya napansing may papalapit at papasok ng elevator. Nagulat na lang siya dahil ang laki naman ng space pero nasagi pa rin siya ng di kilalang personalidad. Kilala siya bilang palaban at hindi pumapayag na apihin lang. dahil doon, nag burst-out naman ang totoong Arianne lalo na’t nabitiwan niya ang hawak-hawak na cellphone. Kinabahan pa siya ng maisip na nabasag ito.

“Ang bastos mo naman. Kalapad ng daan, nakuha mo pa akong bungguin?” wika niya na hinarap ito ng ganap niyang matiyak na hindi nabasag ang cellphone niya.

. Binanga nito siya ng sadya kahit alam nitong malapad naman ang espasyo. Pinukol niya ng tingin ang lalaking nakangiti pa ito na parang ininsulto siya. Naka-shade ito ng itim at walang ekspresyong mababakas sa mga mukha nito kundi pagiging maawtoridad na personalidad. Hindi niya kilala ang lalaki pero sa suot nito ay mahihinuhang hindi ito pangkaraniwang staff o employee ng Hotel Uno.

“Hindi ka man lang ba magso-sorry?” untag niya sa binata na nakatingin lang.Galit na galit si Arianne nang makitang hindi man lang nagsorry ang lalaki sa ginawa nito.

“Why would I will ask sorry?” mapresko nitong sagot. “Don’t you even know me?”

“Ke anak kaman ng presidente ng Pilipinas, matuto kang mag sorry kung nakaagrabyado ka ng tao!” halos pasigaw na wika pa niya rito.

“Why should I care ? You’re wasting my time!” tugon nito na tinalikuran siya.

Nag-igping ang mga ngipin niya at humandang sugurin ang lalaki pero nagsara na ang elevator at umakyat paitaas. Kinawayan pa nito siya na parang inaasar habang nakikita paitaas ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

‘Buweset na lalaking iyon.’ Sa loob-loob ng dalaga. ‘Nanadya na nga, nagawa pang mang asar. Balang araw, magkikita pa tayo at sisiguraduhin kong pagsisihan mo ang ginawa mo.’ Itinatak na talaga niya sa isip ang mukha ng lalaki. Nangingitngit na nilisan niya ang lugar na iyon.

IYON ang simula ng kanilang ugnayan. Dahil sa nangyari, nagkadahilan ang si Jake na makipag-usap sa dalaga pagkatapos ng tagpong iyon. Araw-araw ay laging may mga padalang chocolates at kung hindi man ay bulaklak kay Arianne ang binata. Ayon sa binata ay ‘peace offering’ lang daw iyon kaya hindi na niya bingyan ng kahulugan. Pero nagdaan pa ang mga araw , at pati siya ay naguguluhan na rin sa ikinikilos ng binata. May hindi malinaw kasi sa ginagawa nito. Isang bagay na gusto ding malaman ni Grace at ng iba pa niyang mga kasamahan. Madalas na rin siyang maging ugat ng tuksuhan maging simula ng parinig-rinig.

“Mapapasana-all na lang tayo sa iba diyan.” Sabi ni Lorna, kasamahan niya sa trabaho. “Ikaw ba namang araw-araw nakakatanggap ng bulaklak o di kaya’y tsokolate, saan ka pa niyan.”

Namula na naman siya ng marinig iyon. Alam niya kasing siya naman ang pagmumulan ng topic ng mga ito kahit maaga pa.

Kinurot naman siya ni Grace sa tagiliran. Napangiwi na alng siya at napangiti dahil magsisimula na naman ang tuksuhan. “Baka naman pwedeng paambon ng sekreto mo sa mga lalaki.” Biro lang iyon pero may halong pang-aasar.

“Ang haba naman ng hair ko kung ako yung sa side ni Arrianne.” Naki-eksena na rin si Marife. “Ako kaya, kailan makakatanggap ng flowers mula sa aking prince charming?” dagdag pa nito at ipinikit pa ang mga mata habang itinapat ang dalawang kamay sa dibdib.

“Tonta!”, iyong sapok sa kaniya ni Grace para gisingin ito sa kahibangan at pag-asam. “Tingnan mo nga yang sarili mo?Duh!”, may halong pang iinsulto na sagot naman ni Celine. Sa lahat ng mga kasamahan nila ay ito ang maarte, may class at may katarayan sa mukha.

“Grabe ka naman sa akin.” May himig pagtatampo ang boses na tugon ni Marife. “Hayst! Wala na ba akong pag-asang makalovelife?”

Napailing na lang si Arrianne sa dalawa.

“Sa pagputi ng uwak!”. Muling litanya ani Celine. “In short, imposibleng mangyari!”

Bago pa lumala ang sitwasyon at magkasakitan ng loob ang dalawa, namagitan na si Grace.

“O..o, tama na yan.” Awat ni Grace. “Baka kung saan pa abutin yang pinagtatalunan niyo. Alalahanin niyo, today is Monday. Ayukong masira mood ko dahil lang sa simpleng away niyo.”

Nagpaawat naman ang dalawa at tumahimik na.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Juanmarcuz Padilla
malalim Po ba ? sorry. next time pababawin ......
goodnovel comment avatar
Lady Mermaid
ang aking ilong ay tila ba'y may umaagos na dugo sa lalim ng iyong tagalog.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status