Share

Chapter Five : Ang Pagkikita-kita

NAPANSIN ni Jake na nakangiti ang dalaga habang patuloy nilang ninanamnam ang sweet music. Napansin niya ring tila malalim ang iniisip nito bagamat nakatitig lang ito sa kaniya. Hindi ito ang unang beses na humanga siya sa babae, pero nang una pa lang niya itong makita ay para may kakaibang paghanga na agad siya rito. Kahit pa ang aksidenteng pagkakabangga niya rito noon ay hindi na maalis-alis sa isip niya ang mukha, boses at ekspresiyon nito nang magalit. Lalo itong nagiging kaakit-akit sa kaniyang paningin pag nagra-ratle.

Hindi niya ugali ang mag-sorry at lalong di niya papel ang pinapalengke ng isang babae. Siya ay si Jake Domingo, ang COO ng Hotel Uno. Ni minsan hindi sumagi sa isip niya na pagtatarayan siya ng isang staff lamang ng Hotel.

Nagawa pa nga niya itong asarin habang paitaas ang elevator kahit ang dapat na ginawa niya ay nagsorry sa babae. Iyon ang unang tagpo na naging daan para magkakilala sila ng babae. Araw-araw ay palagi siyang nagpapadala ng chocolates o bulaklak sa babae. Iyon ang kaniyang paghingi ng tawad sa babae. Gusto pa niyang makilala ang babae ng lubusan kaya’t gagawin niyang lahat para magkaayos silang dalawa.

Sa dami ng nangyari ay niya akalain na kasama niya ito ngayon, isinasayaw at nagtatama ang kanilang mga paningin. Hindi na ito pangarap ngayon kundi totoong totoo na. Patuloy niya itong pinagmamasdan at lalong sumisidhi ang kaniyang pagnanais na makamtan ang pag-ibig nito.

Sa unang tingin ay di mapapansin ng sinuman ang kagandahan nito. Hindi ito kaputian, hindi rin katangusan ang ilong. Manipis ang kilay, mala -inosente ang mata bagamat nag-iiba iyon pag nagagalit at isang tipikal na babaeng gusting gusto niya. At habang nakakasama niya ng matagal ang babae, namamalayan na lamang niya na nahuhulog ang loob niya sa babae. At sa sandaling ito, lalong bumibilis ang tibok ng puso niya habang kasama ito.

“Why? Is there anything wrong?”, pukaw niya sa kasama na parang dinadala sa ibang dimensiyon. Tahimik lang kasi ito at walang kaekspe-ekspresyon ang mukha.

“Huh? No… I mean nothing.” Sagot ni Arianne na waring nagulat. “I’m just got surprised, and I can’t help myself falling…”

Siya na ang nagtuloy ng kasunod pa sanang sasabihin nito. “Falling in love with me?”

Pinaglapat niya ang kanilang mga dibdib at lalo niyang pinaglapit ang kanilang mga mukha sa isat-isa. Tiningnan niya sa mga mata ang babae. Isang tingin na unti-unting bumababa sa ilong hanggang sa mga labi nito. Ang ‘di gaanong kapulahang labi nito ay tila nag-aanyaya ng isang matamis at masuyong halik. Nang-aakit at namamantala ng sitwasyon na kahit na sinong lalaki ay di matatanggihan. May tila kakaibang enerhiya na umaalipin sa kaniya at nagtutulak na hagkan ang mga labi nito. At this point, hindi niya ito kayang pigilan. Because the more he resists her tempting, the more it grows more in him and longing deeply for that one sweet kiss!

NAPAPIKIT si Arrainne sa nakatakdang gawin sana ni Jake. Ramdam niya ang bilis ng pintig ng puso nito habang naglalapat ang kanilang mga dibdib. Maging mga mata ng lalaki ay nakakahipnotismo sa kaniya. Ganoon din ang pagkakadikit ng kanilang mga balat ay tila may kung anong enerhiya na dumadaloy sa kanila pareho. Para siyang nagyeyelo sa kinatatayuan. Ginagapos siya ng kaniyang nararamdamang sensasyon lalo na kapag nararamdaman ang kanang kamay ni Jake sa kaniyang beywang. Mainit din ang kaliwang kamay nito na siyang may hawak ng kaniyang kaliwang kamay. Kusang nagbitiw sila pareho sa isa’t- isa ng biglang magsigawan ang kaniyang mga kasamahan ng “Happy Birthday Arianne!”, at sinundan ng mga putukan ng lobo. Napangiti na lang sila pareho sa nangyari.

“O siya, make a wish na Birthday girl.” Si Grace. Eksayted nitong inilapit sa kaniya ang hawak nitong cake na may sinindihang candle.

Tiningnan pa niya si Jake na parang humihingi ng permiso. Tumango lang ang lalaki at nagsimula na siyang pumikit. Nag-usal siya ng mga kahilingan siya lamang ang nakakaalam. Matapos makapag-wish ay humarap na siya sa kaniyang cake candle pero bago yon ay saglit muna siyang huminga.

Mayamaya pa’y sunod-sunod ng nagpalakpakan ang lahat matapos na matagumpay niyang ma-blow ang kandila.

“Happy birthday Arriane!” tinig mula kay Jake. “I hope you’re happy now.”

Napaiyak si Arianne sa effort at sorpresa na ginawa ng mga kasamahan niya sa trabaho. Mas lalo na sa ginawa ni Jake. Lalo siyang pinahanga ng lalaki.

“Oh babe, don’t cry.” Pigil ni Jake. “I hate the way you look at me washed by tears. Wag mong sabihing kulang pa ang preparation ko?” nagbibirong wika nito para patawanin siya.

“No. Sobra-sobra na nga ee.” Sagot ni Arianne at pinahid ang mga luha. “I am very very happy! It’s just tears of joy, dahil sa inyo at higit sa lahat ay sa’yo, Jake. Sobrang thank you talaga sa inyong lahat.” Dagdag pa niya at ngumiti ng buong tamis sa lahat habang pinapahid ang mga luha.

“You’re welcome , Arianne.” Tugon ni Lorna.

“So ano pang hinihintay natin?” putol ni Grace. “Let’s party party!” sabi pa nito na may hawak-hawak na wine at goblet. Naghiyawan pa ang ibang kasamahan na parang nasa isang bar sila pareho. Nagtinginan sila pareho at bigla na lamang silang hinila ni Marife para sa sumayaw at makisayaw.

Hindi sanay sa ganitong atmosphere si Arianne at maging sa uri ng mga nightlifes. Maging ang spotlight na nagsasabog ng iba’t ibang kulay ay nakakahilo sa kaniya. Maaga pa naman pero tila sinadyang bawasan ang mga ilaw at pinalitan ng mga dim light. Sinadya ding ilagay sa gitna ang spotlight na iyon na dinesenyo talaga sa isang disco porpuses. Masuyong iginiya siya ni Jake at tinuruang sumayaw. Panay din ang alok nito sa kaniya ng alak. Noong una nagawa pa niyang tanggihan ito pero kakapilit ng lalaki sa kaniya katagalan ay tinanggap niya na rin. Sa buong buhay niya ay hindi naging ganito ka thrill ang buhay niya , walang wala sa kaniyang isip ang mga ganitong uri ng social life. Para sa kaniya, ang pamilya lang ang mundo niya. Doon at hanggang doon lang umiikot ang kaniyang mundo.

Mahalaga sa kaniya ang makatapos at makatulong sa kaniyang mga magulang. Malaki ang mga pangarap niya sa buhay at para sa kaniyang mga magulang. Pero gaya ng sabi ni Grace, hindi masamang mag-enjoy paminsan minsan. At dahil nga birthday niya, sinamantala na lamang niya ang pagkakataon.

Ang totoo ay wala siyang ideya sa sorpresang ginawa ng mga ito dahil wala siyang plano na paghandaan ang birthday niya. At kung sino man ang nagsabwatan kay Jake tungkol sa kaarawan niya, ay saka na lamang niya aalamin pa.

“Toast?” tanong ni Jake sa kaniya matapos salinan nito ng alak ang hawak hawak niyang baso. Nakipag toast na rin si Jake sa iba pang mga ksamahan niya.

“Sure.” Tipid niyang sagot. Sabay -sabay nilang nilagok ang kaniya-kaniyang lamang alak ng hawak nilang goblet. Matapos magtoast ang dalawa ay saglit na pinatahimik ng binata ang lalaki.

“I offered this toast for this beautiful lady beside me, and the only woman I love, and I will love today and in forever.”

Hindi magkamayaw na tilian ang kasunod. Natigilan naman si Arianne dahil sa gulat. Lahat ay nagpalakpakan sa tuwa at binati silang dalawa.

“And this,” mayamaya ay wika ni Jake na umakmang muling luluhod. Dahil sa gulat, walang naging reaksiyon si Arianne katulad kanina kundi mapamaang at mapatingin na lang sa ginawa ng lalaki. “Ms. Arianne Arevallo, will you be my girlfriend?” dagdag pa ng lalaki at gaya ng dati, ang mga mata ay nakikiusap. Nakatingin naman ulit ang lahat na parang hinihintay ang mga sagot sa isang makakapigil hiningang tagpo sa pagitan nina Arianne at Jake.

“What is going on here?”

Kapwa napalingon ang lahat at napamaang ng makilala kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status