Share

Chapter Three : Unang Kabanata

Matapos ang isang gabi ng ganap na paghihintay, ngayon ay binabagtas na ni Arianne ang daan patungong Hotel Uno kung saan sa magtatrabaho. Sakay ng isang bus, parang ninanamnam ni Arianne ang bawat bago at kakaibang amoy ng hangin sa syudad. Nakasuot siya ng itim na shades, nakablouse ng kulay puti at paldang itim. Sa kaniyang ayos ay hindi siya mahihinuhang disente o fashionista, pero sa kaniyang pigura, mababakas na isa siya sa mga gustong makikipagsapalaran malayo sa pamilya. At ang taglay na awra ng katapangan at determinasyon ay isa sa mga pangunahing character ng tunay na may pangarap.

MAGKAHALONG kaba, eksaytment at pag-asam ang parehong nararamdaman ni Arianne habang papasok na sa opisina ng kausap niya kaninang umaga sa cellphone. Hindi naman siya nahuli sa time dahil sa katunayan, advance ng 5 minutes ang relo niya. Ginawa niya iyon para mas maaga pa siya sa kaniyang time sched. Una na niyang binati ang mga nakakasalubong sa kaniya ngunit hindi kilalang personalidad. Ugali na niya ang pagiging magiliw sa lahat ng nakakasalubong at nakakasalamuha niya. Dumeretso siya sa isang reserve area para sa isang pagtatanong.

“Good morning Maam.” Nakangiting bungad ng isang babae sa kaniya.nakangiti ito ng pagkaluwag-luwag. “Welcome to the Hotel Uno. How may I help you po?” dagdag pa nito na hinid inaalis ang pagkakangiti sa kaniya. Sinipat niya saglit ang nagsasalita. Sa suot nito at sa klase ng pag intertain nito sa kaniya ay mahihinuhang ito ang Frontdesk ng Hotel.

“Good morning too.” Nakangiti niya ring tugon. “I Am Arianne Arevallo, I am the applicant who came from Puerto Princesa, Palawan. I am looking for Vincent Ventura. Pwede mo ba akong dalhin sa kaniya?”

“No problem, ma’am.” Magiliw nitong wika. “I am Nica. Nica Vicente. The FD of this Hotel. It is nice to meet you,” dagdag pa nito na iniabot ang kamay sa kaniya.

“Nice to meet you too.” Nakangiting sagot niya at nakipagkamayan rito. Pakiramdam niya ay sobrang close nilang dalawa ng babae. Hindi pa naman may edad ang babae at sa tingin niya nga, ay magkasing edad lamang sila. At sa magiliw nitong pag entertain sa kaniya ay nasabi niyang mahaba na ang isang araw at may makikilala na agad siya.

“It’s my pleasure, ma’am.” Mayamaya ay sabi nito matapos silang magkamayan. “By the way, just a second ma’am. I’ll call Mr. Vincent for you.” Sabi nito at mabilis na pumindot sa intercom ng mga numerong ito lang ang nakakaalam.

Yes Sir.” Narinig niya sagot nito sa kausap. “I think sir, so it’s okay na po ba at papasukin ko na po siya?”

Pareho silang hinintay ang magiging sagot sa kabilang linya. “Okay sir. Papupuntahin ko na po.”

Iyon lang at mahina na nitong ini-off ang hawak na mic-monitor. Binalingan siya at kinausap na pumunta ng 2nd floor building at hanapin ang binanggit na personal.

Tinungo niya ang elevator at dinala siya sa kaniyang destinasyon.

HINDI naman naging mahirap para sa kaniya ang pakikitungo sa mga naroong Hotel Staff. Madali niya ring natutunan ang ini-assign sa kaniya na trabaho. Sa ngayon ay isa muna siyang food attendant ng Hotel. Pansamantala ay doon muna siya io-observe. Ito ang kaniyang maging training grounds habang inaalam ang kaniyang kakayahan sa pamamahala at pag -intertain ng mga guests pag foods ang pinag-uusapan. Kahit pa sabihing graduated naman siya ay hindi naman ganoon kadali na agad ilalagay siya sa mataas na posisyon. Mas okay naman ito para sa kaniya. Mas pabor siya sa step-by-step na pag-angat. Hindi naman sa ayaw niya sa biglang angat, pero para sa kaniya mas mabuting nangaling muna siya sa mababang posisyon bago umabot sa promotion. Dahil ito ang kaniyang first day of work, pinagbuti ni Arianne ang kaniyang trabaho hindi para ma-impress ang mga kasamahan kundi dahil may passion siya sa kaniyang ginagawa. At nae-enjoy niya ang bawat bahagi ng kaniyang trabaho.

“Tama na muna ‘yan. Halika at mag meryenda muna tayo saglit.” Anang tinig mula sa kaniyang likuran. Kasalukuyan siyang nagliligpit na mga pinagkainan ng guest at pinupunasan ito. Lumingon siya saglit upang alamin kung sino ang nagsasalita. Isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kaniya. Nang lingunin ito ay saglit na muna niyang itinigil ang ginagawa at nginitian din niya ng ubod tamis.

“I’m Grace Blanco. Fresh from Bacolod.” Magiliw nitong pagpapakilala at iniabot sa kaniya ang kanang kamay nito. Nakangiting inabot naman niya ang kamay nito at nakipagkamayan. “I am the Head Staff of Food and Beverage Department. Bago lang ba dito?”

Tumango siya bilang sagot. “Yes Ma’am, kakapasok ko pa lang ngayong araw.”

Tumango-tango din ang kausap. “I see.” By the way, it’s already 10 o’clock. Will you mind to join us for a short break?” saglit nitong tiningnan ang suot nitong relo.

Tiningnan niya sa mata ang babae. Ganoon din ang mga kasamahan nila na isa-isang naglapitan sa kanila at parang hinihintay ang kaniyang sagot. Nagdadalawang-sip pa siya kung sasama o hindi.

“Come on. Our time is running.” Sabi ng isang staff na kulot at maitim ang buhok. Sa pigura nito, makikita na galing din ito sa simpleng pamilya hindi lang dahil sa skin tone nito kundi sa klase ng pananamit.

“Yes.” Mabilis na segunda ng isa pa. Ito naman ay tuwid ang hanggang balikat na buhok at may kaputian pero litaw pa rin ang pagiging tipikal na babae. “Come on. Bago pa tayo dagsain ulit ng guests.” Dagdag pa nito at nauna ng lumakad.

Medyo alanganin pa din siya dahil hindi pa niya halos natatapos ang kaniyang task. Tumingin din siya sa kaniyang relo para i-confirm kung anong oras na. it was just 9:45 pa lang ng umaga, taliwas sa sinabi ng nagpakilalang Grace Blanco.

“Don’t you worry. Hindi natin kaylangan maging time conscious when it comes sa work natin.” Natatawang wika ng babae dahil pakiwari nito ay natatakot siya at nag-aalala sa work niya. “Like what I said, ako ang Head Staff. Wag mong isipin ang manager natin o may-ari nitong Hotel Uno. Hawak natin ang oras natin dahil lagi tayong babad sa pressures at overtimes. Magkaiba tayo sa ibang departments dahil hindi natin napipigil ang pagpasok at pagdagsa ng mga guests in order to take our lunch, dinner or breakfast. Kaylangan nating mag-save ng time para makakain.” Mahabang pahayag nito. “Tara na. Ang tagal mo namang sumagot.” Natawa na siya dahil hinila na siya nito at hindi na hinayaan pang makasagot pa. ilang sandali pa ay kapwa na sila masayang nagbibiruan at parang ang close na agad nila sa isa’t-isa.

Doon na nila napagkwentuhan ang tungkol sa mga personal na buhay nila kasama na rin ang tungkol sa kani-kanilang mga pangarap.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status