Share

Chapter Two : Bangungot

Lulan ng eroplanong Cebu Pacific, mapayapa at matatag ang loob na nakasakay si Arianne dala-dala ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Kung ano ang sayang naramdaman niya noong nakaharap siya sa entablado bitbit ang diploma ng pagtatapos, ay kagaya din ng sayang tangan niya ngayon habang nakatingin sa labas ng bintana at tanaw ang mga ulap.

Ngayon ay ganap na siyang beynte dos anyos na taong gulang. Fresh Graduate kaya walang kaekspe-experience sa field ng hotel management kahit pa sabihing ito ang kursong kaniyang napagtapusan ay mas importante pa ring may sapat na kaalaman at karanasan pagdating sa mga ganitong bagay. Naniniwala naman siyang kaya niyang lampasan ang lahat ng iyon at mabilis niya lang matutunan ang bawat tasks.

Saglit niyang hinamig ang sarili sa paglalakbay-isip. Pilit niyang isinantabi muna ang mga iyon. Ipinikit ang mga mata, huminga nang malalim at binalak na makatulog. Medyo kinakabahan siya pero mas umaapaw ang eksaytment sa puso niya. Sa wakas, unit-unti nang matutupad ang mga pangarap niya. Ilang minuto lang ang lumipas, muli na namang naglakbay ang isip niya.

“You’re all animals!” malakas na sigaw niya sa kaharap. Hindi pamilyar sa kaniya ang mga mukha pero pwede niyang isalarawan ang mga ito. Una ay isang mesteryosang ginang na kasing-edad ng Nanay niya,nakasuot ng mamahaling damit at nadaramtan ng mga mamahaling alahas. Pangalawa ay isang ama na hindi rin magkasing layo sa edad ng tatay niya ngunit desente manamit at mahihinuhang mula sa mayayamang pamilya at isa pang lalaking may taglay na nakakaakit na karisma, matangos ang ilong at mapuputi ang mga tuwid at pinong mga ngipin. Pero imbis na paghanga ang nararamdaman niya sa mga ito, bakit puro pagkamuhi? Kulang na lang isumpa niya ang mga ito.

“Pagbabayaran niyo ng mahal ang gagawin niyong ito sa akin!” Muli ay naibulalas niya. Puro ngisi lang ang iginanti ng tatlong pinapanood siya habang pilit na kumakawala sa pagkakagapos. Para siyang isang pasyenteng manganganak pero ang pinagkaiba lang, gapos ang dalawa niyang kamay at mga paa. Kahit ang lalaking nasa harapan niya ay hindi rin mababakasan ng anumang bahid ng pagkaawa. Puro kasakiman ang bumabalot sa mga mukha nito.

“Don’t waste your energy, babe!” wika ng lalaking hinaplos pa ang kaniyang buhok. “Everything will be okay. So don’t torture yourself by hoping you can get away from this. This is your destiny.” Dagdag pa nito na sinundan ng malademonyong ngiti.

“F*ck you!” Mura niya sa lalaki at dinuraan pa ito. “You’re all insane!”

Pilit pa rin siyang kumawala sa pagkakagapos niyang iyon. Pero ano bang laban niya sa mga lubid na siyang tumatali sa kaniya?

Hindi siya tumigil sa kakapalag sa pagkakagapos pero saglit na huminto ang oras para sa kaniya ng marinig ang iyak ng isang sanggol. Kalong-kalong ito ng isa pang persona na hindi niya alam kung sino na bigla na lamang lumitaw doon. Inilapit nito sa lalaki ang sanggol at buong pagmamahal na kinalong ng lalaki. Mahina pa nitong kinakantahan ang bata upang panatilihing tulog. Parang pinipiga ang puso niya sa nakikitang nakakainggit na tagpong iyon. Nakita niyang nagsilapitan ang iba pa at paisa-isang kinalong ang bata.

“Pakawalan niyo ako rito! Utang na loob!” sigaw niya at muling parang baliw na nagpapasag-pasag upang makawala sa pagkakagapos. Pero tama ang lalaki, nagsasayang lamang siya ng lakas at boses.

“Shh!” saway ng lalaki. “Huwag kang maingay. Natutulog ang baby natin.” Sa pagkakataong iyon ay saka pa lamang unti-unting nabibigyang linaw ang mga nagaganap. Ang ‘di lang malinaw ay kung sino-sino ang mga ito. Inirapan niya ang lalaki at pinukol ng masakit na tingin. Kung sino man at anong klaseng mga tao ang kaharap niya ngayon ay sana makaligtas siya. Gusto pa niyang mabuhay. Gusto pa niyang makauwi at makita ang mga magulang niya. Napapikit siya ng mariin at nahilam sa luha ang mga mata. “Diyos Ko, tulungan niyo ako. Wala na akong ibang mahihingan ng tulong kundi Ikaw na lang. Iligtas Mo po ako sa impyernong ito.’ Piping dasal niya at sinikap na isiping panaginip lang ang lahat ng ito. Na anumang oras ay magigising siya sa isang masamang bangungot.

Nawala na sa isip niya ang sumunod na pangyayari. Naramdaman na lamang na parang itinutulak siya at dadalhin sa kung saan. Gusto pa rin niya sanang gumalaw pero pakiramdam niya ay mabigat at wala ng lakas ang kaniyang buong katawan. Kahit ang mga pinagtalian sa kaniyang mga kamay at paa ay may bakas na rin ng latid at pasa gawa ng mahigpit na lubid at lalong nadaragdagan kapag lumilikot siya. Mapupusyaw ang mga ilaw na nakikita niya sa daraanan. Sa tingin niya ay sa ICU siya dadalhin ng mga ito. At kung ano ang gagawin sa kaniya ay isang bagay na di niya alam. Naramdaman niyang bumibigat ang mga talukap ng kaniyang mga mata.

Matagal siyang nakatulog. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nawala sa sirkulasyon. At sa muli niyang pagmulat, isang bulto ng tao ang naroon na tila inaabangan ang paggising niya at may hawak na isang rebolber. Isang nilalang ‘di naman niya kilala pero tahimik ang awra ngunit mapanganib ang mga mata.

“Mabuti naman at nagising ka na,” anang baritonong boses. Nakamaskara ito at nakasout ng ternong itim. Mahihinuhang isang bayarang mamamatay-tao ito ayon sa taglay na pigura at maawtoridad na boses. Halatang sanay na sanay na itong kumitil ng buhay ng isang inosente man o kriminal. Marahang itinutok nito sa mismong ulo niya ang baril at mahinang ikinasa.

“Anong gagawin mo sa akin?” nagawa pa rin niyang tanungin ito gayong alam niya rin ang mangyayari. “Pakiusap, maawa ka sa akin”. Pagsusumamo niya. “Kung sino ka man, please spare my life…I beg you…” halos paanas na ang pagkakabigkas ng kaniyang huling sinabi. Pati yata boses niya ay bumigay na rin sa isang kabaliwang nagaganap ngayon sa kaniya. Hindi niya maisip na aabot sa ganito ang lahat. “Anong atraso ko sa’yo para gawin mo sa akin ito?”

“Pasensiya na, trabaho lang Miss. Walang personalan.” Iyon lang ang sagot ng kausap. Walang emosyong mababakas kahit sa tono ng boses nito. Nawalan na siya ng pag-asa. Ipinikit na lamang niya ng mga mata at hinintay ang susunod na mangyayari.

Mayamaya pa, isang malakas na putok ang umalingawngaw at bumasag sa katahimikan ng silid na iyon.

“Hah!” Napasinghap si Arianne matapos mapabalikwas ng bangon mula sa pagkakatulog dahil sa isang masamang panaginip. Saglit niyang chineck ang buong katawan upang siguraduhing walang bakas ng bala sa roon. Kahit ang dalawa niyang kamay at mga paa. Pakiramdam niya ay totoong-totoo ang kaniyang panaginip. Para pa niyang naramdaman ang hapdi ng pagkakagapos sa kaniya. Basang-basa din siya ng sariling pawis. Kahit ang mga paa niya ay nangatog sa kaba dala ng takot na mamatay na siya. Hinamig niya ang sarili at niyapos. Para siyang magkakasakit sa kaniyang napanaginipan. Kung totoo ang mga sabi-sabi ng mga matatanda, isa iyong masamang palatandaan ng “Bad Luck”. Napailing siya saglit sa isiping masyado na siyang unprofessional para maniwala pa sa mga ‘old beliefs’ gayong computer age na. Nagkibit -balikat na lamang siya at iwinaksi sa isipan ang napanaginipan. Kinuha niya sa backpack ang baong Mineral water para paginhawain ang sarili. Hindi na ito gaanong malamig katulad ng pagkakabili niya kanina pero isa iyong makakapagpaluwag ng kaniyang nararamdaman ngayon. Ang lakas ng pintig ng kaniyang pulse rate maging ang tibok ng kaniyang puso. Nang ganap siyang makainom ay saka lang siya nakahinga ng malalim. Ang weird ng panaginip niya. Kahit siya ay hindi ma-imagine ang sarili na nagkaroon ng ganoong uri ng panaginip sa tanang buhay niya.

Nawala lang sa isip niya ang nangyari na mga anunsiyo ang mga staff na passenger plane na malapit na silang lalapag. Kumalat na rin sa buong eroplano ang mensahe sa pamamagitan ng intercom alert. Saka pa lamang siya umayos dahil medyo nangangawit na rin ang kaniyang buong katawan dahil sa ayos ng kaniyang pagkakahiga.

Mayamaya pa’y lumapat na sa lupa ang sinasakyang eroplano. Isa-sang bumababa na rin ang mga pasahero. Medyo nasilaw pa siya dahil patapat sa papalubog na araw ang unloading area ng kanilang sinakyang eroplano.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Love Eu
guys please support , he can write more and more . he is my brother
goodnovel comment avatar
Switspy
nice. basahin ko na po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status