Share

Chapter 25

Allison POV

"Anak," pigil sa akin ni mama.

Napapapikit ako at huminto sa gilid ng hagdan. Hindi ko nilingon si mama pero nagsalita ako.

"Aakyat na po muna ako sa taas, Ma." Inalis ko lahat ng gumugulo sa utak ko. "Inaantok po ako."

Tumayo si mama at hinawakan na braso ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Malalaman mo lang ang nararamdaman mo kapag nasaktan ka." Ngumiti si mama bago ako bitawan. "Gusto mo ba siya?"

Umiling lang ako sa tanong niya at ngumiti. Tuloy-tuloy na naglakad paakyat sa taas hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko. Doon nawala ang ngiti ko.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama ko at natulala sa kisame. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahon kung paano ko nakilala si Jazzer. Kung paano ako galit na galit sa presensiya niya. Kung paano ako naiinis sa tuwing ngingitian niya ako o masilayan ko lang ang saya sa ekspresiyon niya.

Posible bang gusto ko nga siya?

Kaya ba gano'

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status