Raven's P. O. V. Manghang-mangha ako sa ganda ng bago kong sasakyan. It felt like nabangga ako for purpose, dahil doon I was forced to buy a new car. Here I am with my new BMW car. "Radio ba 'to?" tanong ni Maddy habang nakasakay sa passenger seat."Yup, it's touch screen, you can click it," ani ko.Pinindot niya ang radio at kitang-kita ko ang saya sa kaniyang mukha. She appreciates my car so much, kaysa sa pag-aasikaso ko sa kaniya. Oh, how I wish I'm just like my car. "Hala! Ayan favorite ko!" ani Maddy at nagsimulang umindak habang sinasabayan ang kanta sa radio.This is a two seated car only, habang nasa highway na kami ay sinubukan kong pindutin ang roof remover."Hala! Ang galing!" sigaw ni Maddy habang pinapanood ang unti-unting pag-angat ng bubong.Napangiti ako sa reaksyon niya. Dahil walang masyadong sasakyan sa dinadaanan namin ay binilisan ko ang pagmamaneho. Nagulat ako nang biglang isigaw ni Maddy ang kaniyang kinakanta mula sa radio habang nakataas ang dalawa niyang
Madeline's P. O. V.Namasyal kami ni Raven, roadtrip. Hanggang sa sumapit ang lunch, nakaramdam na ako ng gutom kaya hindi na ako sumasabay sa tugtog ng radio rito sa kotse ni Raven. Nakatitig na lang ako sa kalsada na aming dinadaanan."It's getting hot, kanina mukhang uulan, ngayon tumitirik na ang araw. Madeline, I'll close the roof now," ani Raven.Tumango ako sa kaniya, unti-unting gumalaw ang bubong ng sasakyan at natakpan na kami mula sa sikat ng araw. "Why are you getting so silent, kanina lang ang lakas mo kumanta," puna sa akin ni Raven."Hhmmm, gutom na kasi ako," bulong ko at tinapat sa akin ang aircon ng sasakyan."Drive thru tayo?" tanong niya."Nasaan na nga pala tayo?" tanong ko. "Near tagaytay, fifteen minutes na lang papunta sa picnic grove. Gusto mo ba roon?" tanong niya.Nanlaki ang mga mata ko, sa tagal naming bumabyahe, hindi ko akalain na ang highway na dinadaanan namin ay patungo na pala sa tagaytay. Ibig sabihin hindi lang ito basta roadtrip?"Bakit hindi mo
Madeline's P. O. V."Are you still mad at me?" seryosong tanong ni Raven habang nagmamaneho ito.Hindi ko siya pinansin at nanatiling nakatitig sa bintana, pinapanood ko ang mga tao at sasakyan na nadadaanan namin o nakakasabay. "It's been hours, hindi ka pa rin ba magsasalita? Kapag hindi ka nagsalita, I'll believe that you're really jealous---""Fuck it, kahit kailan hindi magseselos ang isang Madeline na kagaya ko!" sigaw ko sa kaniya.Nang humarap ako sa kaniya at magtama ang mga mata namin ay bigla na lamang siyang natawa nang hindi ko malaman ang dahilan. Tinaasan ko siya ng kilay, kahit ano namang gawin kong pagtataray sa kaniya, it never worked!"Then why are you mad?" tanong niyang muli."Paano kapag nakita ng mga reporters 'yon, or yung picture lang mismo? They might fake it as you're a playboy, who dates four women at one time," ani ko.What a genius scenario, hindi imposible na mangyare 'yon. Feeling ko tama naman ang ipinaglalaban ko."Hhmmm, you have a point," aniya."A
Madeline's P. O. V.Hinawakan ni Raven ang kamay kong nakahawak sa buhok ni Bianca. Hindi ko siya binibitawan kahit na sumisigaw na ito sa sakit, mas lalo ko pang diniinan ang paghila sa kaniyang buhok na tipong malalagas na ang ilang hibla nito. "Madeline!" sigaw ni Raven.Bigla namang hinampas ni Bianca ang tiyan ko sabay sipa sa aking tuhod. Gumanti ako at sinipa rin siya. Dahil sa pagpigil ni Raven sa akin at ang pagpupumiglas ni Bianca ay tuluyan akong napabitaw sa kaniya. Nagulat na lamang ako nang maramdaman ko ang dalawang braso ni Raven na pumalupot sa aking beywang."WHAT'S WRONG WITH YOU!?" sigaw ni Bianca habang tinatanggal ang mga buhok na nakaharang sa kaniyang mukha.Habang ang katawan ko ay biglang umangat nang buhatin ako ni Raven. Lumakad si Raven paatras upang mailayo ako kay Bianca. Dahil matipunong lalake si Raven ay hindi na ako makaalis sa kaniyang pagkakabuhat sa akin. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko."Stop flirting with my husband!" sigaw ko kay Bianca
Madeline's P. O. V.Kinabukasan, maaga akong gumising. Parang hindi ko na kaya harapin pa si Raven, gusto ko na lang lumayo sa kaniya. Parang mababaliw ako tuwing naaalala na nahalikan niya ako, nang hindi sinasadya. Ayoko na siyang makita, nakaka-trauma. Feeling ko kapag didikit siya sa akin mahahalikan na naman niya ako. I hate what I felt after that f*cking kiss!"6:30 am pa lang. Siguro naliligo pa lang 'yon, since 7 am kami umaalis. Magta-taxi na lang ako," bulong ko sa sarili ko habang nagsusuklay ng buhok ko.Kinuha ko ang aking paboritong shade ng liptint at naglagay sa aking labi. Kinuha ko na ang backpack ko at cellphone saka lumabas ng kwarto. Napansin ko namang tahimik sa sala at kusina kaya mukhang nasa kwarto pa si Raven. Mabuti naman.Naglakad na ako pababa ng hagdanan, dumiretso ako sa shoe rack at kinuha ang black shoes ko for school na may 1 inch na takong. Nang akmang isusuot ko na ang sapatos ko ay nagulat ako nang marinig ang mabibigat na yapak sa hagdanan. Alam k
Madeline's P. O. V.Hindi ako sinundo ni Raven, hindi ko rin alam kung bakit ako naghintay sa kaniya. Nang pumatak ang 5 pm, umuwi akong mag-isa. Nag-taxi lang ako, habang pauwi ako ay dama ko ang pagod sa buong maghapon. Ang hirap mag-aral. Sa Thursday at Friday ay exam na namin, kailangan ko mag-review."Ma'am, nandito na po tayo sa subdivision, papasok po ba ako sa loob?" tanong ng driver.Umayos ako ng upo."Opo, kuya. Pasok po kayo. Ituturo ko na lang po yung bahay." Sumunod sa akin ang driver. Maayos at ligtas akong nakauwi sa bahay ni Raven. Matapos kong magbayad sa driver ng taxi ay bumaba na ako. Binuksan ko ang naka-lock na gate, matamlay kong kinuha ang susi ng bahay. Nang buksan ko ang pinto ay tahimik ang buong kapaligiran."Hindi pa pala siya umuuwi," bulong ko.Akmang aapak na ako sa loob ng bahay pero nakita ko ang tsinelas na bigay sa akin ni Raven. Hinubad ko ang aking sapatos at sinuot 'yon. "Wala namang ganito noon sa amin, na palaging nandyaan si Yaya para salub
Madeline's P. O. V.Hindi ako sinundo ni Raven, hindi ko rin alam kung bakit ako naghintay sa kaniya. Nang pumatak ang 5 pm, umuwi akong mag-isa. Nag-taxi lang ako, habang pauwi ako ay dama ko ang pagod sa buong maghapon. Ang hirap mag-aral. Sa Thursday at Friday ay exam na namin, kailangan ko mag-review."Ma'am, nandito na po tayo sa subdivision, papasok po ba ako sa loob?" tanong ng driver.Umayos ako ng upo."Opo, kuya. Pasok po kayo. Ituturo ko na lang po yung bahay." Sumunod sa akin ang driver. Maayos at ligtas akong nakauwi sa bahay ni Raven. Matapos kong magbayad sa driver ng taxi ay bumaba na ako. Binuksan ko ang naka-lock na gate, matamlay kong kinuha ang susi ng bahay. Nang buksan ko ang pinto ay tahimik ang buong kapaligiran."Hindi pa pala siya umuuwi," bulong ko.Akmang aapak na ako sa loob ng bahay pero nakita ko ang tsinelas na bigay sa akin ni Raven. Hinubad ko ang aking sapatos at sinuot 'yon. "Wala namang ganito noon sa amin, na palaging nandyaan si Yaya para salub
Madeline's P. O. V.Nang marinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko ay wala akong maramdaman na kahit anong inis, hindi kagaya noon na gustong-gusto ko pang matulog. Pakiramdam ko ay ang sarap mabuhay, hindi ko rin alam kung bakit. "Nababaliw na ata ako," bulong ko habang nagtatanggal pa ng morning stars sa aking mga mata.It's 6 am. Tumayo na ako para pumunta sa banyo. Humihimig ako habang tinitimpla ang tamang temperatura ng heater. Nagbasa ako ng katawan, maligamgam na tubig ang panligo ko tuwing umaga. I hate cold waters, ang hirap maligo. Habang naglalagay ako ng shampoo sa aking buhok ay napatingin ako sa salamin, napangiti ako roon. I feel so pretty today, parang gusto ko suotin ang paborito kong drop type of earrings.Habang naglalagay na ako ng milk scrub sa aking katawan ay hindi ko mapigilang mapakanta. Kung anong kanta ang pumasok sa isip ko ay binibirit ko. Hanggang sa matapos akong maligo, kinuha ko ang puting twalya saka binalot sa katawan ko. Mayroon din akong isa pang