Madeline's P. O. V.
Hinila ni Raven ang dalawang balikat ko patayo. Napatitig ako sa mga mata niya. Bakit pakiramdam ko ay nag-aalala siya?
"Huwag ka na makisali sa away ng pamilya ko," malungkot kong sambit.
"They will be my family too, you will become my wife soon."
Napaiwas ako ng tingin, parang ang awkward naman nito. Talagang kine-claim niya na magiging asawa niya ako, wala ba siyang ibang babaeng gusto at okay lang na ikasal siya sa kagaya ko?
"B-Bitawan mo na 'ko," nauutal kong sambit at tinanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa balikat ko.
"Maddy, ayokong magkaroon ng gulo. I want us to unite, we need cooperation."
Napataas ang kilay ko sa kaniya.
"Ikaw lang naman kasi yung makikinabang sa kasal na 'to. Yayaman ka, pero ako? Mawawala yung teenage life ko dahil lang kasal ako sa 'yo?"
Napa-cross arms siya at sumeryoso ang mukha nito sa akin. Hindi ako nagpatalo at mas tinarayan ko pa siya.
"Ano bang akala mo? I'll make you pregnant after the wedding?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko naman naisip 'yon, pero baka naman hindi niya nga gawin sa akin 'yon, kadiri. Hindi ko nga siya type!
"B-Bastos naman ng utak mo!" sigaw ko.
"Then why are you saying na wala ka nang teenage life? Hindi ka naman mag-aalaga ng bata. We will get married but we still have freedom to do what we want. You can go with your friends, you can study peacefully, because I won't disturb you. Kaso, kapag magba-bar kayo o club, sasama ako. I will make sure that you're safe."
Napapikit ako ng mariin, hindi niya ba ma-gets na iyon nga ang ayoko. Yung tipong kailangan pa akong bantayan?
"Bakit ba pumapayag kang maging CCTV ng parents ko? Akala ko ba mayaman ka? Tapos papayag kang maging baby sitter ko lang?" pang-aasar ko.
Rinig ko ang malalim niyang paghinga, mukhang napipikon na rin siya sa mga sinasabi ko. Ganyan nga, wala akong pakialam kung matapakan ko man ang ego mo, gusto kong i-atras niya ang kasal. Gagawa ako ng paraan para ayawan niya ako.
"Maddy, I already told you that I need this. Kung hindi ako magpapakasal sa 'yo, hindi namin makukuha ang yaman na pwede nating magawa nang magkasama ang company natin."
Pumikit ako ng mariin, hindi naman kasi ako business man para maintindihan ang sinasabi niya.
"Sulsolero ka kasi kay Daddy at Mommy, bine-brainwash mo yung utak nila para lang sa pera na gusto mo---"
"Remember that those money makes you have a good life."
Bigla siyang umabante, napaatras naman ako nang mapalapit ako katawan niya sa akin.
"I don't care, I want freedom more than money."
"Do you want me to tell them not to give you your allowance---"
"Hoy! Ibang usapan na 'yan---" biglang dumampi ang hilalaki niyang daliri sa aking labi dahilan para hindi ko na matuloy ang sasabihin ko.
"Trust me, kung anong gusto mong gawin, susuportahan kita. Let's make a deal, we will get married but we will support each other's wants." Nilahad niya ang kaniyang kamay.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Since yayaman ka dahil sa amin. You will buy anything that I will ask you." Tinanggap ko ang kamay niya.
"Wait--W-What? Don't tell me magpapabili ka bigla ng kotse?" aniya.
Tumawa ako ng mahina. Malalaman na lang niya.
*********************Lumipas ang ilang araw at dumating ang araw ng aming kasal ni Raven. Inimbitahan ko ang dalawa kong kaibigan na si Roselle at Catalina, sila ang ginawa kong bride's maid.
Dahil hindi naman ito totoong kasalan, hindi namin mahal ang isa't isa. Ako ang nagdesisyon na magkaroon na lamang kami ng beach wedding, na alam kong mas mahal pero ginusto ko lang din talaga makapunta sa beach kaya heto ako ngayon. Lumalakad papalapit kay Raven.
Walang emosyon si Raven hanggang sa makalapit ako sa kaniya. Pinalupot ko ang aking kamay sa kaniyang braso. Napairap ako, siya na nga ang makikinabang sa kasal na 'to, ayaw niya pa ipakita na masaya siya.
"Bakit ba ang lungkot ng mukha mo?" tanong ko sa kaniya.
"Nothing."
"Ang ganda ng view, El Nido 'to tapos ganiyan ang mukha mo?" irita kong tanong.
Nagsalita ang Pari pero hindi ako nakinig. Dinama ko ang ihip ng sariwang hangin at ganda ng dagat na sobrang linaw, excited na akong lumangoy, ang tagal matapos ni Father magsalita.
Bigla akong kinalabit ni Raven. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko napansin na natapos na pala ang Pari sa pagsesermon. Humarap ako kay Raven at itinaas ng Pari ang bibliya.
"I pronounced you, husband and wife. You may now kiss the bride."
Napataas ang kilay ko, akala ko ba ay walang ganito? I kissed many guys before kaya hindi naman siguro kawalan ang paghalik ko sa kaniya. Napapikit ako nang tanggalin ni Raven ang belo ko. Hinihintay ko ang paglapat ng labi niya sa akin ngunit napadilat ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko sabay halik sa aking noo.
Napatitig ako sa mga mata niya, bahagya siyang ngumiti. Ngunit kahit nakangiti siya ay kapansin-pansin ang lungkot sa mga mata niya.
"Congratulations!" sigaw ng mga nanonood. Halos lahat ng inimbitahan nila Mommy ay may kinalaman sa kumpanya, mga empleyado at business partners nila.
Napatingin ako kala Roselle na kinukuhanan ako ng litrato kasama si Raven. Hinawakan nito ang kamay ko. Pinaglakad na kami patungo sa hotel kung saan gaganapin ang reception.
"Bakit ang lungkot mo, dama ko kahit hindi mo sabihin," bulong ko kay Raven.
Binitawan niya ang kamay ko nang makarating kami sa hotel para magpalit ng damit. Nauna siyang sumakay ng elevator at sumunod naman ako.
"I onced dreamed of marrying the woman I really love."
Pinindot niya ang floor kung nasaan ang aming magiging kwarto.
"Hala... May babae ka talagang mahal? You sacrificed para lang sa business na 'to? Sino siya?" nag-aalala kong tanong.
"The problem is, I don't know where she is, what's her name, how she have been, if she's married or not..."
Napairap ako, ano ba namang klaseng sagot 'yan.
"Tinatarantado mo ba ako?" tanong ko.
"Nasa sa 'yo na if you'll believe me or not. I met her in my elementary school. She's pretty, we talked for a while and I tried to comfort her. Since then, I know that I want her, but I didn't get the chance to know her name. That's why until now, I can't find her."
Bakas ang lungkot sa boses niya, maski pala siya ay nahihirapan sa kasal na ito. Hindi ko rin siya masisisi sa part na bata pa siya noon kaya hindi niya alam ang gagawin, pero tanga niya lang sana inalam niya pangalan.
"Anong nangyare after noon?" tanong ko.
"Enough, hindi ko dapat sinasabi 'yon sa 'yo. Ngayong alam mo nang mayroon talaga akong babaeng napupusuan, siguro naman hindi mo na iisipin na magkakagusto ako sa 'yo." Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Grabe, nagtatanong lang. Ikaw naman ang unang nag-open up."
Bumukas ang elevator at nauna akong naglakad. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Pagpasok namin ng unit ay sinalubong kami ng make-up artist, wardrobe stylist at ilang assistant. Agad nila kaming inaasikaso ni Raven.
Gusto ko na matapos, langoy na langoy na ako.
*****************
Madeline's P. O. V.Hawak ko ang aking cellphone, naghihintay ako ng reply mula kay Roselle. Ang sabi kasi nilang dalawa ay dadalo sila sa welcoming ko bilang bagong CEO. Nakasakay pa rin ako sa kotse, nakaupo ako sa backseat dahil driver lang nila Mommy ang naghatid sa akin. Nasa company building na ngayon si Raven kasama nila Mommy."Hayst... Sabi nila pupunta sila," malungkot kong bulong.Pumasok ang driver sa loob ng kotse at naupo na sa driver's seat."Ma'am, tumawag na po ang Mommy ninyo, pwede na raw tayo pumunta sa entrance," aniya."Sige po, Manong!" Nakaramdam ako ng halo-halong emosyon, kaba, saya, at excitement. Napahawak ako sa aking dibdib dahil lumakas at bumilis ang tibok nito.Binalik ko na sa hand bag ko ang cellphone ko saka kinuha ang foldable mirror ko, tinignan ko ang aking make up, na ngayon ay hindi pa rin nagugulo. Ngumiti ako at nag-practice ng aking speech habang nagda-drive si Manong.Napatigil ako nang makita ko na ang grand entrance. Napaawang ang labi k
5 YEARS LATERMadeline's P. O. V."Ms. FA, ehem--Roselle!" sigaw ko nang hindi niya ako pansinin dahil busy siya sa pakikipag-picture sa kaniyang mga kaklase. Nang lingunin niya ako ay kusang gumuhit ang ngiti sa aming mga labi. Nagtatatalon ito papunta sa akin, nang makalapit siya ay binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. "Yes! Graduate na tayo!" sigaw ko habang yakap namin ang isa't isa.Humiwalay siya at hinawakan ang pisngi ko."Pero, Bes... Ang pinakamasarap sa lahat. Tapos na tayo mag-aral tapos sasahod na tayo!" sigaw niyang muli."Bakit parang hindi na ako kasali sa inyo?" Napatigil kami nang marinig namin ang boses ni Catalina. Paglingon namin sa likod ay nakita namin siyang nakatayo, may dalang isang bouquet ng bulaklak. Napataas ang kilay ko nang makita ang manliligaw niya sa kaniyang likuran."Oh, nandyan pala si Paul James," puna ko."May sasabihin kasi ako sa inyo, actually, kami... May sasabihin kami," ani Catalina sabay ayos ng kaniyang eyeglasses. Napakunot ang n
Madeline's P. O. V.Lumipas ang ilang araw, natiis ko ang limang araw na pag-tutor sa akin. Natapos ang lahat ng modules ko sa tulong ng bwisit na si Professor Pauline. Kahit ba malagkit ang tingin nito sa asawa ko ay napakinabangan ko naman siya, although bayad naman ang trabaho niya."I'm happy that you already finished all of these, next week exam na lang then bakasyon ka na," ani Raven habang nakatayo sa harapan ng lamesa kung saan nakapatong ang mga tumpok na modules and answer papers.Biglang hinawakan ni Prof. ang braso ko sabay ngiti. I suddenly felt awkward again pero nasanay akong pekein ang pagngiti ko sa kaniya."Of course, sa talino ba naman ng asawa mo, Sir Raven. I'm so impressed in her skills, from reading comprehension to memorizing. Malayo ang mararating ni Mrs. Madeline." Hinimas-himas niya pa ang balikat ko.Napairap ako at tumingin sa kaniya. Bahagya kong hinampas ang braso niya, gusto ko ngang lakasan. Aalis na lang ang dami pang satsat."Thank you for the compli
Madeline's P. O. V.Pagsapit ng gabi ay antok na antok na ako. I felt mentally exhausted sa dami ng inaral namin in just a day, pakiramdam ko sinasadya na niyang wala man lang pahinga. Tuloy-tuloy ang pagpasok ng information sa utak ko. Although gusto ko na talaga matapos ang modules but I really feel awkwardness between me and Prof. Pauline."Love, you keep on yawning. I think you should sleep early," puna ni Raven sa akin. Tumango ako at kinapa ang gilid ng mata ko na puno ng luha kakahikab ko. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko. Nakaupo kami sa sala at nagpapahinga dahil kakatapos lang namin mag-dinner. Ayoko naman matulog kaagad dahil kakakain ko lang, may mga masamang kasabihan about sa pagtulog ng busog."Love..." hinawakan ni Raven ang kamay ko.Bigla niyang pinatay ang TV kaya nanlaki ang nga mga mata ko."Oh, I thought you want to watch soccer?" tanong ko."But your sleepy, kaya matulog na tayo sa kwarto," ani Raven."Pero kung gusto mo manood, okay lang sa akin. Buksa
Madeline's P. O. V."Huwag ka na kaya magluto ng lunch mamaya?" suhestyon ko kay Raven habang kumakain kami ng umagahan."It depends, why?" Napairap ako, nagsu-suggest na nga akong huwag na pero parang gusto niya pa ring magluto at kumain na naman dito si Prof."Bakit ba gusto mong magluto? Pwede naman tayong um-order na lang. Masyado kasing epal si Prof. magaling nga siyang guro pero yung ugali, tagilid." Pabagsak kong binitawan ang kutsara ko sabay kuha ng aking hot chocolate drink."Love, it's not like that. Gusto ko lang ring kumain ka ng niluluto ko. Sunday ngayon, tapos the next five days, I'll be busy again." Mahinahon ang pagsasalita niya habang nakatitig sa akin."Kahit na ba! As long as dito kakain yung haliparot na 'yon, huwag ka magluto." Padabog kong ipinatong sa lamesa ang tasa ko. Napapikit naman si Raven sa lakas ng tunog na nagawa ko. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya, mukhang napapagod na siya sa ugali ko."Love, can you calm down?" aniya sabay bitaw sa kutsara'
Madeline's P. O. V."Grabe, I didn't knew you're best sa kusina, Sir Raven!" Napatigil ako sa pagnguya, pakiramdam ko exaggerated na ang reaksyon ni Prof. Pauline. Ganoon lang ba talaga siyang klaseng tao? Matalino siya at friendly, pero minsan mapapansin talaga na hindi normal yung kilos niya, especially ang tawa niya."Thank you for the compliment, Prof. Pauline." Ngumiti si Raven at kinuha ang basong juice niya na melon dahil pinangakuan niya ako.Biglang kinuha rin ni Prof. Pauline ang kaniyang basong juice sabay taas nito, tumingin siya sa akin."Cheers?" aniya.Naiilang akong kinuha ang baso ng juice ko, go with the flow lamang ako. Nakangiti naman si Raven habang pinagdidikit namin ang mga baso namin. Parang nagugustuhan naman niya ang pakikisama ni Prof. "Bukas, sunday. Are you still available for tutoring?" tanong ni Raven."Of course, pwedeng-pwede. Kung okay lang ding mag-aral ng sunday, Mrs. Madeline?" tanong nito at tumingin sa akin."H-Huh? Okay lang naman... Para din