Share

Chapter 3

Penulis: Black Rose
last update Terakhir Diperbarui: 2025-12-11 18:24:36

CHAPTER 3:

Habang pababa yung mom nila mas lalo naman nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Parang nangangain siya tumingin kasi, parang, parang.. Gusto ko na ata mag back out! Hindi ko naman pinirmahan yung kontrata hindi ko pa nasasabi sa kanya sa sobrang busy niya hindi alam ni Zach yun!

"Hello woman. I'm Mikaela Esqueza" Nagcross arms pa yung mom nila sakin at nakataas padin yung kilay. Pinagaaralan niya yung buong katawan ko.

Hinawakan ni Zach lalo ang bewang ko, "Don't mind her act like normal. She's just testing you" Bulong sakin Zach.

Contract:

Rule no. 4

Act like a strong and happy couple to my family.

Hingang malalim ang ginawa ko "Goodevening Mrs. Esqueza or should I call you tita? I am Irisian Marie Villafuente, Er. Esqueza po pala. But you can call me Iris" Panay na ang yuko ko, nasobrahan ata yung pag akting ko. Crap!

Tinaasan lang niya ko ng kilay "Acting like a strong woman huh? Let us see"

I was frozen into place pero saglit lang I keep reminding myself that I need to be the best actress tonight.

Best. Actress. Tonight. Dapat ayan ata ayan lang ang papasok sa isip ko.

Ngumiti ako na sobrang labas ang mga ngipin "No, tita Ela po right? I am just very glad to show my gratitude to the person who took care of my loving husband" Hinawakan ko pa yung pisngi ni Zach nagfilinch naman siya pero nilakihan ko siya ng mata.

Come on Zach! Maki sakay ka naman.

"Diba, baby?" Kumunot yung noo ni Zach sa pagtawag ko sa kanya ng baby. Hindi kasi bagay parang ang weird lang.

"Of course, love" He said. Tinawag niya ko na love sa harap ng pamilya niya?

"What a sweet couple! Isn't it mom?" Singit ni Ashley.

Tumalikod lang naman si Tita Ela at dumeretso na sa room na dapat papasukan namin kanina.

"Don't mind her Iris she's just jealous because your prettier than her" She giggles.

Her mom is jealous? Ngayon lang ata ako nakarinig na nagseselos yung nanay dahil mas maganda yung girlfriend ng anak niya. Pero ramdam ko na may something like ayaw niya ko para kay Zach.

"Let's go love" He winked to distract me at hinila na ko papunta dun sa room.

"Son!" May lalaking kahit matanda na gwapo at matipuno padin siguro ito yung dad niya.

"Apo!" At may isang matanda na maputi na nakaupo sa isang wheel chair na todo ngiti samin ni Zach.

May isang bata naman na nakaupo sa gilid ng lamesa na nagbabasa, siya siguro yung lil brother nila.

"Dad, grandma meet my wife Iris"

"Nice to finally meet you daughter!" Sabi nung dad ni Zach.

I was taken aback "I can call you daughter right? Parte ka na ngayon ng pamilya namin" Niyakap naman ako ng mahigpit nung dad niya dito siguro namana ni Ashley yung ugali niya.

"Sure po tito" Bigla na ko nahiya.

"No don't call me tito call me miguel or dad instead okay ba anak?" Nafflatter ako naman ako nginitian ko siya.

Hinila naman ako ni Zach palapit sa lola niya hinalikan naman ni Zach ito sa noo.

"Grandma here she is. Iris this my grandma Isabel" Halos naiiyak yung lola niya ng makita ako.

"Iha come here" Umupo ako sa harap nito at hinawakan naman niya yung dalawang pisngi ko.

"You look familiar iha" Still holding my face.

"Grandma my wife is one of a kind paano siya magkakaroon ng kamuka?"

"Stop it Levi may naaalala lang ako sa kanya" Levi? Gosh, diba ayan yung second name ni Zach?

"Grandma I'm not a child anymore stop calling me Levi infront of my wife" Parang bata si Zach pag sa harap ng lola niya. Naramdaman ko din yung sinseridad ng lola niya sakin siguro kung ako nasa sitwasyon ni Zach gagawin ko din ang lahat mapasaya lang ang lola ko.

Tumawa lang ng napaka ganda yung lola niya at pinakawalan na ko.

**

Magkatabi kami ni Zach sa hapag kainan at sa gilid ko yung bata na kanina pa nagbabasa ng libro sa harap ko naman si Ashley tapos katabi niya yung si Lola Belle sa magkabilang dulo naman yung Mom and Dad nila.

May mga lumapit naman na mga babae na may dalang pagkaen. Nakauniform sila yung may white apron saka black na dress tapos may nakalagay pa sa buhok nila. Ang cute lang! Muka sila mga cosplayer dito sa bahay nila Zach.

Mga nakamake-up pa at may blush on pero teka, parang sobrang namumula yung pisngi nila habang nakatingin kay Zach.Lumingon naman ako kay Zach. Oh..my yung dalawang butones ng polo niya natanggal na. Hinuba niya kasi yung suit saka tie niya kanina sa sasakyan naiinitan ata.

As long as they are enjoying the view so am I! Pero selfish ako ang kay Iris ay kay Iris lang.

Nilingon ko yung mga katulong na nagbablush sinubukan ko silang tingnan ng masama kaso na kay Zach talaga yung attention nila. Habang sinusubo ni Zach yung pagkain habang nilulunok napapalunok din sila.

"Zach" I said.

"What?" Sagot ni Zach habang ngumunguya.

"Masyado bang mainit?" Tanong ko.

"Not at all, why?" Nagtatakang tanongnito at uminom ng wine.

"Bakit nakabukas ýung damit mo?" Binalik ko dahan dahan yung mga butones pinagiingatan kong hindi tumama yung kamay ko sa dibdib niya.

Nagulat naman si Zach sa ginawa ko medyo napapalayo siya. I'm not gonna touch him or something pinagpepyestahan lang kasi talaga siya ng mga katulong nila. Nang matapos ko ngumiti si Zach ng pilit.

"Always the sweetest love. Thank you" Then he kissed me on the forehead.

"The most welcome, Zach" I pinched his cheek. He flinched at kumunot nanaman ang noo. Ayaw talaga niya na hinahawakan ko siya. Hindi ba siya komportable talaga sakin? Bakit before naman nakakapag usap kami nung nag uumpisa palang ako sa kompanya niya. Oo nga pala nag uusap kami pero bossy padin siya.

May narinig kami na umubo sa paligid namin napangiti lang kami ni Zach.

"So how did you guys meet?" Tanong ni Tita Ela habang iniikot yung pasta sa plate niya.

"Uhmm" Hindi ko alam sasagot ko actually. Sabihin ko kaya yung first day ko?

Bigla naman nagsalita si Zach "She's working in our company. I still remember the first time I saw her I told myself that this woman is the one I will marry" Hinawakan niya yung kamay ko.

Nice acting Zach. Napaka epic fail kaya nung unang pagkikita namin. Sana totoo yung sinasabi niya. Pinilit kong ngumiti.

"Till that day I can't take my eyes off her" He stare at me seriously without humor in his face.

That made my heart skips a beat.

"Zach.." Sa tingin ko maiiyak ata ako sa sinasabi niya.

"Hindi mo alam kung paano mo pinapabilis ang pagtibok ng puso ko sa tuwing nakakasalubong at nagkikita tayo"

Lahat sila napatigil na sa pagkaen at nakatingin lang samin.

"Alam niyo naman po kasi na may pagkasuplado itong anak niyo? Ni hindi nga po niya ko pinagaaksayahan ng panahon tingnan minsan pero thank heaven dahil in the end pareho lang po pala kami ng nararamdaman" Which is true ganyan talaga yung nangyari samin. Moody talaga kasi yan si Boss kung sa isang araw kakausapin ka niya the next day parang may nagawa kang mali.

"You guys are great couple! My gosh. Never kong narinig si Zach na nagsalita ng ganyan. Yung babae pa nga nagiintrouduce sa sarili nila eh kayo na talaga! Gusto ko din maging katulad niyo someday" Masayang sabi ni Ashley.

Kung alam niya lang. Ang lahat sa likod nitodiba?

"Ilang months muna kayo nagligawan iha?" Tanong naman ni Lola Belle.

"7"

"6"

Sabay namin sagot ni Zach. Nagkatinginan kame parehong nakakunot ang noo. I smiled awkwardly. Huminga ako ng malalim at sumagot ulit.

"6 pala"

"I guess it's 7"

Magkaiba nanaman naming sagot. Nakakahiya napansin kaya nila?

Nginitian ko si Zach "Zach diba? 6 months yun? Kala ko kasi nung binibigyan mo ko ng flowers nang liligaw ka na sakin" Not true. Puro documents ang inaabot sakin ni Mira, yung secretary niya.

"It's 7, love. Medyo nag aalinlangan lang ako dahil may boyfriend ka pa nun" He said seriously again without looking at me.

"Yeah I guess it's 7 po" Tumawa na lang ako sa kahihiyan.

Thank God at wala na masyadong nagtanong. Tango lang sila ng tango samin. Kumain na kami ng matiwasay the whole time. Although ramdam ko na nakatingin padin sila samin ni Zach nagoobserba.

"Levi! Ipakita mo naman kay Iris itong buong bahay!" Utos ni Lola Belle.

"Tama si grandma Zach para hindi naman maligaw si Iris since dito na muna kayo titira for 3 days!" Nakangiting saad ni Ashley.

Nagulat ako sa sinabi ni Ashely t-three days?

"What?" Zach said really surprised.

"Yes son, dito muna kayo titira minsan lang kami umuwi ng pilipinas para naman makasama namin kayo ng asawa mo ng matagal kahit papaano" Says Tito Miguel.

"No we still have works to do. We can't do that saka wala kaming dalang mga damit"

Naninigas padin ako dahil oras oras na lang ako nagugulat dito.

"Come on Zach. May mga damit ka naman dito and Iris? I think magkakasya naman sa kanya yung mga damit ko"

"No" He said.

"Levi"

Napalingon kaming pareho.

"Dito muna kayo magstay in 3 days ok? Ilang years ka na namin hindi nakakasama pagbigyan mo naman ang kahilingan ko"

"Grandma" He said then closed his eyes.

"Zach it's okay, 3 days lang naman infact gusto ko din mas makilala yung pamilya mo"

Hahawakan ko sana yung shoulder niya pero nahawakan niya agad yung kamay ko.

"Don't" He snaps.

Binaba ko naman agad yung kamay ko at yumuko.

Naramdaman ko na tumayo na si Zach at hindi ko na alam kung saan nagpunta.

Nilapitan naman ako ni Ashley "Come here Iris ipapakita ko sayo yung room niyo ni Zach"

Sa kabila ng pagiging masungit ng kapatid niya nginitian padin niya ako, to cheer me up.

**

Andito kami ngayon ni Ashley sa 3rd floor at may pinasukan kaming napakalaking kwarto sa loob naman nun puro pinto. Ang daming pinto sa bahay na 'to actually.

"Pasensya ka na kanina ha?" She said apologetically.

"Okay lang sanay na naman ako sa kanya" I tried to smile pero nasaktan talaga ako kanina.

"I don't know what's wrong with him actually. Ganyan na talaga si Zach mula pagkabata aloof siya kay dad pero mas aloof siya kay mom. Hindi ko alam kung anong rason, siguro si mom yung sinisisi niya sa mga nangyari before sa buhay niya. He's not that hard sa mga babae before but when his girlfriend Ericka and he broke up hindi na siya nagpapahawak sa ibang babae. Kaya nga nagulat ako nung una dahil naglalambingan pa kayo. I'm sorry again Iris"

May tila naman sumasaksak sa dibdib ko. E-ericka? Lucky her kung sino man siya.

"Bakit hindi siya nagpapahawak?"

"I think usapan nila yun.Long story kasi Iris basta may konek sa past niya sa mga nangyari sa kanya kay Erikca.."

"Bakit sila nag break?" Curious na tanong ko.

"May mga bagay na mas mahalaga para kay Ericka kaysa sa relasyon nila ni Zach. Ang alam ko may isang bagay sila na nakakapagkasunduan may mga bagay na hindi.Pero nung araw na umalis si Ericka naging miserable si Zach like he can't live withouther sabagay dahil yan dalawang yan lang talaga ang nagsasabihan ng sikreto." Lumungkot naman yung muka ni Ashley.

"Totoo ba?"

"Na?"

"Pinuntahan ni Zach si Erikca sa Europe para pabalikin dito?"

"Hindi ko alam Iris, ayoko magtanong dahil ayoko na makarinig na kung ano pang balita tungkol sa babae na yun. That bitch was my bestfriend before pero nung nalaman ko yung ginawa niya kay Zach hindi ko na siya kinausap ni hindi ko na nga inalala na may Ericka akong bestfriend na nageexist sa mundong ito I know Zach tried that too, pero ang lalim kasi ng koneksyon nila"

Bakit nakakaramdam nanaman ako ng selos? Bakit parang nasasaktan ako? Gusto ko sana magtanong ng magtanong pero hindi pa 'ko handa sa mga naririnig ko, "Pero it's all in the past right now. Ikaw ang present mahal ka niya ayun ang importante ngayon"

Yeah. Mahal niya for the sake of his family, for the sake of the contract.

Tumayo na si Ashley, "Sige Iris ikukuha na lang muna kita ng damit para pamalit sa suot mo. Feel at home room naman to ni Zach. I'll be back okay?"

Hinawakan niya muna yung kamay ko at lumakad na palabas ng pinto.

Naglibot libot ako sa kwarto na may sala tiningnan ko yung mga larawan na nakalagay sa mesa. Si Zach nung bata siya ang cute niya. Ang gwapo niya na pala kahit noong bata pa siya hindi ko mapigilan mapangiti.

Inilibot ko yung mata ko sa mga larawan na nakapinta sa dingding halos lahat ng ipinta ay puro sa dagat. Isang napaka gandang dagat si Zach ba ang gumawa nito? Wow nice talent.

Babalik na sana ako sa inupuuan ko kanina ng may narinig akong nagppiano. Napahinto ako. Pinakinggan ko kung saang pinto ba nang gagaling ito. Lumakad ako sa pinto na nasa gilid ko at dahan dahan binuksan.

At nakita ko si Zach nakaupo sa harap ng isang napakalaking piano. Tumutugtog siya pero ramdam ko yung lungkot sa musika. Gusto ko pumalakpak sa sobrang galing niya pero pinigilan ko na lang yung sarili ko. Pinakinggan at pinagmasdan ko na lang siya.

Ang swerte ko sa napangasawa ko kahit nakatalikod ang gwapo padin. Humakbang ako ng kaunti para umupo sa couch na nasa gilid.

Pero huminto siya sa pagtugtog at lumingon sakin.

"Kanina ka pa andyan?" Seryosong tanong niya sakin. Galit padin ba siya?

"Medyo" Pag amin ko.

Lumapit ako sa kanya "Sir"

Umayos siya ng upo.

"Pwedeng magrequest?"

Tumaas naman yung kilay nito.

"Pwedeng ituloy mo yung pagtugtog mo? Naalala ko kasi yung papa ko dyan lagi niya ko tinutugtugan pag malungkot ako. Sinubukan niya ko turuan pero never akong natuto. Ang slow ko diba?" Sinubukan ko magbiro.

"I know that already" He jokes.

I roll my eyes. Hmp bumalik nanaman yung bully side niya.

Nagsimula na siya ulit tumugtog.

"To build a home?" Isa kasi yan sa mga kantang pinapakinggan ko pagnalulungkot ako. Minsan nga naiiyak na lang ako bigla basta marinig ko lang yan.

Tinitigan ko gumalaw yung mga kamay niya at seryosong seryoso sa pag pindot ng pyesa.

"Yes" He said, still playing.

"I love that one"

"So am I Mrs. Esqueza" Bumalik nanaman kami sa Mrs. Esqueza he's always saying that pag ganito yung moment namin may affection.

"Galit ka padin ba?" Tanong ko.

Hindi siya sumagot. Patuloy lang sa pagpipiano. He's sad right now really sad, because I can feel the deep sadness throughout this room. why? Ganun ba kalaki yung kasalanan ko?

"Sorry.." I said.

Huminto na naman siya at lumingon sa akin.

"Hindi maliligtas ng sorry mo ang kapalit na nagawa mo, Iris" There's an enthusiasm in his eyes, na magagawa niya kung ano man gusto niya ipagawa sakin ngayon.

He is leaning down again. Then played again.

"Anything I want you to do. Remember?" His voice become sexier his hand swifting fastly on the piano keys. He's good, real good.

I tried to keep calm dahil sa pagtugtog niya? Dahil sa galit niya? I don't know.. Really..

"There is something I want to tell you" I said, nervously.

"What?" He keeps playing.

Hindi ako sumagot. Huminga muna ako ng malalim at kumuha ng lakas para masabi ko yung kasalanan ko. Lumapit yung bibig niya sa likod ng tenga ko then he showers small kisses on it. Tumatayo na yung balahibo ko he's still playing while doing that.

He really is a multi-tasking man.

"What is it?" His lip's now running down to my neck "What Mrs. Esqueza?"

"Promise me first you won't get mad."

"That depends Mrs. Esqueza" His lips slowly tracing my cheek then went to my nose up to my forehead.

"H-hindi ko pa napipirmahan yung kontrata"

He stops. He stopped playing and the stopped kissing me. Nagbago na ulit yung ekspresyon ng muka niya. He looks disappointed and angry at the same time.

"What?!"

End Of Chapter 3

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Arranged Marriage To My Boss   Chapter 3

    CHAPTER 3:Habang pababa yung mom nila mas lalo naman nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Parang nangangain siya tumingin kasi, parang, parang.. Gusto ko na ata mag back out! Hindi ko naman pinirmahan yung kontrata hindi ko pa nasasabi sa kanya sa sobrang busy niya hindi alam ni Zach yun!"Hello woman. I'm Mikaela Esqueza" Nagcross arms pa yung mom nila sakin at nakataas padin yung kilay. Pinagaaralan niya yung buong katawan ko.Hinawakan ni Zach lalo ang bewang ko, "Don't mind her act like normal. She's just testing you" Bulong sakin Zach.Contract:Rule no. 4Act like a strong and happy couple to my family.Hingang malalim ang ginawa ko "Goodevening Mrs. Esqueza or should I call you tita? I am Irisian Marie Villafuente, Er. Esqueza po pala. But you can call me Iris" Panay na ang yuko ko, nasobrahan ata yung pag akting ko. Crap! Tinaasan lang niya ko ng kilay "Acting like a strong woman huh? Let us see"I was frozen into place pero saglit lang I keep reminding myself that I need to

  • Arranged Marriage To My Boss   Chapter 2

    CHAPTER 2:I check my reflection in the mirror for the 9th time already. Pakiramdam 'ko hindi padin ako handa. Crap! Okay na ba 'tong suot ko? Hinawakan ko yung muka ko at tumalikod at sumilip sa salamin, muka naman presentable itong suot kong black dress na patube siya 2 inches lang naman above the knee yung haba niya.Hindi naman siguro sila sobrang conservative diba? Hayy. Paano kung hindi nila ako magustuhan? Baka bigla siyang umatras sa contract! Aba hindi pwede kailangan ko maging best actress kahit ngayon gabi lang.Pumunta na 'ko sa kwarto ni Mr. Esqueza ayun naman sabi niya eh, kumatok lang muna ako pag walang sumagot at di nakalock yung pinto dumeretso pasok na lang ako."S-sir?" I said, nasa table siya sa gilid ng kwarto niya may binabasang papel. He's still wearing his black suit and tie dahan dahan naman umangat ang ulo niya. Nung nakita niya 'ko tingin ko ngumiti siya ng kaunti.Did I please him? The way I dress tonight? "Done already?" Tanong nito biglang itinago ang m

  • Arranged Marriage To My Boss   Chapter 1

    CHAPTER 1:First 1 month namin ngayon. Naging okay naman ang pagsasama namin sa loob ng isang buwan kahit minsan napaka bossy niya, pag nasa mood siya pinapansin niya 'ko pero pag wala. Ay, asa naman ako. Laging busy si Mr. Esqueza kahit sa iisang Company lang kami nagtatrabaho madalang kami magkita. Pinapatawag niya lang ako pag may kailangan siya o minsan para asarin ako.Ang sweet niya diba? Kadalasan talaga naiisip ko kung tama 'tong pinasukan ko. Pero kaya ko naman magtyaga ang gwapo kaya ni Mr. Esqueza."Huy Iris! Nakakaloka! Bakit ka pinapatawag sa taas?!" Pagiinterrupt sakin ng kaibigan ko na si Romeo sa umaga Juliet sa gabi.Tumingin ako sa itaas --kisame. Masyado kasing seryoso mga tao ngayon gusto ko naman magpatawa kahit waley kadalasan mga jokes ko."At nakuha mo pang magbiro ha? Haha! Ewan ko lang kung makakapagbiro ka pa niyan pag nakaharap mo na si Gorgeous-hot-temper-right-now Mr. Esqueza!"Sumeryoso ako, "How bad is it?""Atey! Halos lahat ng pinapatawag niya ngayon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status