Share

KABANATA 132  

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-12-27 16:11:48
Kinagat ni Natalie ang kan’yang labi’t nagsalita ng may pag-aalinlangan. "Alam mo na ang tungkol sa aking nakaraan, ‘di ba?”

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang pagiging komplikado ng nakaraan niya.

Malinaw na malinaw pa sa kanyang alaala kung gaano siya kinamumuhian ni Mateo noon.

Dumilim ng bahagya ang mata niya. Kung sasabihin ng lalaki na wala naman itong pakialam sa nakaraan ng dalaga ay tiyak na magsisinungaling lamang siya ngunit ano ang magagawa niya? Mahal niya si Natalie.

"Lahat naman tayo ay may nakaraan, Mayroon ka at mayroon din ako. Pareho lang tayo."

Hindi niya na kailangang alamin pa ang nakaraan ni Natalie at hindi rin niya hahatulan ang nakaraan niya.

"Hindi, hindi tayo pareho.” Umiling si Natalie habang ang boses ng dalaga ay nanginginig.

Nagsimulang mainis si Mateo, umigting ang panga ng lalaki at nagtanong ng mariin, "Anong naman ang kaibahan ng nakaraan nating dalawa?"

"Ako... ako..." Dahan-dahang inilapat ni Natalie ang mga kamay sa tiyan. "May anak ako..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (25)
goodnovel comment avatar
Sheer Lii
Gikapuy na ko patuyok tuyok ra ang storya. Kanus a pani mahuman man?
goodnovel comment avatar
Angel Anne Dee Cos
d ba nag iisip si Mateo kung anong meron kay Nathalie at Irene ey pareha sila Natividad. hays..
goodnovel comment avatar
Ressie A. Maden
next episode pls ty
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 133  

    "Ano?" Laking gulat ni Natalie nang marinig ang sinabi nito. Agad na dumilim ang ekspresyon ng binata at kalmadong nagsalita. "Mag-asawa naman na tayo sa mata ng batas, ikakasal din tayo at tanggap iyon ng mga taong nakapaligid sa atin. Kaya, ano naman ang problema kapag matutulog tayo sa iisang kama?""Uh, oo. Wala ngang problema,” sagot ni Natalie ngunit hindi pa rin matanggap ang nangyayari. "Kung ganoon, matutulog tayo ng magkatabi sa iisang kama."Tumaas naman nang bahagya ang mga labi ni Mateo saka ngumiti, "Mauna ka ng matulog. Mayroon pa akong mga kailangang ayusin, nandiyan lang ako naman ako sa study room.""Okay sige." Nahihiyang tumango si Natalie. Nang makaalis ang binata sa silid, ilang minutong nakatingin lamang si Natalie sa malaking kama, nag-aalangang siyang humiga roon. Nakatulog naman na siya sa kama na nasa harapan niya ngunit matulog ng kasama ang binata ay ibang usapan na iyon. Bagamat may nangyayari na sa kanila, ang pagtulog sa kama ay tila masyado

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 134  

    “Alalahanin mo ito, Natalie. Simula ngayon, akin na ang batang ‘yan kaya dapat lagi kang nag-iingat.” Natigilan si Natalie, tsaka yumuko na parang batang nahuli sa nagawang pagkakamali. “Napakaseryoso mo naman,” sabi ni Mateo habang hawak pa rin ang kamay niya. Banayad niya itong minamasahe. “Nasabi ko lang naman iyon dahil nag-aalala ako. Nagagalit ka na kaagad diyan. Sorry na. Hindi ako dapat magsalita ng ganoon. Kailan ka bakante, Nat?” Nagisip pa si Natalie sandali bago ito sagutin. “Medyo maluwag ang schedule ko ngayong araw dahil patapos na ang internship ko…pero kailangan ko pa ring magpunta ng ospital.” “Okay.” Tumango si Mateo. “Mamaya, susunduin kita. Kapag nakarating na ako ng ospital, tatawagan kita ulit.” “Sige, ayos lang.” Pagkatapos nilang mag-agahan, inihatid n ani Mateo si Natalie sa ospital. Bumaba pa ang lalaki ng kotse para samahan siya hanggang sa bungad ng gusali ng surgery department. “Mateo, okay na ako. Pwede ka nang umalis.” Sabi ni Natalie haban

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 135  

    Kumunot ang noo ni Mateo at hindi agad nakasagot.Ang sinabi ng binata ay kalahating totoo at kalahati namang hindi. Gusto niyang makasama si Natalie ngunit ang ugat ng lahat ng ito ay hindi dahil sa dalaga, kundi dahil sa kanya mismo.Napalunok ng mariin si Mateo at nagsalita ng mariin, "Problema ko ito at wala kinalaman dito ang iba."Isa iyong responsableng sagot ngunit para kay Irene, hindi ito nakapagpagaan ng loob.Tinitigan ng dalaga si Mateo. “Sige, sabihin na nating problema mo nga. Pero paano na ang mga pangako mo sa akin? Paano mo basta-basta na lamang i-cancel iyon? Hindi ba’t kailangan ko pa rin ng paliwanag?”Nanatiling tahimik si Mateo, ni hindi alam kung ano ang sasabihin sa babae. "Wala kang makukuhang paliwanag. Pasensya na."Ang pagtataksil ay isang pagtataksil pa rin. Walang paliwanag na makakapagbago roon.Para bang huminto ang mundo ni Irene, hindi siya makahinga’t ang mga mata ng dalaga ay nanunubig habang nakatingin sa binata. “Ibig sabihin, tapos na an

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 136  

    Nagmamadali namang nilapitan ni Natalie ang kanyang matalik na kaibigan. "Nat, anong nangyari?" tanong nito.  "Wala..." Kinakabahan na sagot ni Natalie, "Wala ka bang ginagawa ngayon?" dagdag pa niyang tanong sa dalaga. "Oh!" Para bang biglang may sumagi sa isip ni Nilly kung kaya’t tiningnan nito ang telepono, "Kailangan ko na pa lang pumasok sa trabaho! Aalis na ako! Mauna na ako, Nat! Paalam!" Iwinagayway naman ni Nilly ang kamay sa dalawa at nananakbong lumayo at pumasok sa loob ng ospital.   Agad na tumalikod si Mateo at mabilis na naglakad patungo sa kabilang bahagi ng kalsada.Kumunot naman ang noo ni Natalie at mabilis na sinundan ang binata. Pagpasok nila sa kotse, nanatiling tahimik lamang si Mateo, ang kamay nito ay nakapatong sa manibela ngunit hindi pa rin pinapaandar ang kotse.Alam ng dalaga na galit ito ngunit wala siyang ideya kung paano nga ba ipapaliwanag sa lalaki ang lahat nang hindi ito nagagalit. Ni hindi niya alam kung paano suyuin ang lalaking nas

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 137  

    Naubusan na ng pasensya si Mateo, mabilis niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Natalie at pilit tinitingnan ang mukha ng babae. "Mag-usap nga tayo."Halatang namumula ang pisngi ni Natalie habang ang kilay nito ay magkasalubong. "Pwede pag-usapan na lamang natin ito sa labas? Hindi ka ba nahihiya?"Mabilis na siniko ni Natalie si Mateo at tumakbo palabas ng silid ng doktor. Agad namang sinundan nito si Natalie nang mapansing nahihiya ito. Mabilis ang mga hakbang ng babae gano’n din siya at nang matangay ni Mateo ito at ay agad na nagpupumiglas ang babae sa kan’ya.  "Huwag ka ngang magpupumiglas!"Tumawa ng mahina si Mateo at nagsalita, “Isa ka namang doktor at normal lang naman sa’yo ang tanong ko ‘di ba? Ano'ng nakakahiya roon?""Alam ko, pero bakit tinatanong mo pa 'yon?" Agad na sinamaan ng tingin ni Natalie si Mateo. "Sige na, hindi na ako magsasalita pa,” sukong saad nito, ngumiti ito at hinalikan siya sa tuktok ng ulo.  "Ang dali mo namang mahiya,” dagdag pa n

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 138  

    May ginagawa si Mateo nang mag-ring ang kanyang telepono. Tumingin siya sa screen at agad itong sinagot, nakaramdam ng saya ang lalaki nang makita kung sino ang tumawag. Si Natalie ang tumawag sa kanya—isang napaka bihirang pagkakataon.  Napangiti siya. "Nat," sagot niya. "Mateo,” tugon naman ni Natalie, hindi pa rin nasasanay ang babae sa malambing na boses ng lalaki sa kan’ya. "May plano ang mga kaibigan ko mamaya at sasama kami ni Nilly. Uuwi na lamang akong mag-isa. Pwede ba nating ituloy ang paglilipat ng mga gamit ko sa susunod, okay lang ba?""Plano?" kunot-noong tanong ni Matei.  "Sino-sino naman ang nandoon? Lalaki ba o babae?""Hmm. Pareho," sagot ni Natalie, "Kilala mo naman sila, sina Nilly at Chandon."Napabuntong-hininga si Mateo. Ang mga kaibigan lang pala nito.  "Sige, saan kayo kakain? Kung aabutin man kayo ng dilim, susunduin na lamang kita." "I-se-send ko na lamang sa’yo ang address. Kung maaga kaming matapos, uuwi na lamang akong mag-isa.""Sige."Pag

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 139  

    “Natalie.” Lumambot ang ekspresyon ni Drake at mahinahong nagsalita, "Bibigyan kita ng pagkakataong magsalita, pero maaari mo ba akong pakinggan muna? Sandali lamang ako." Hindi naman maintindihan ni Natalie ang sinasabi ng lalaki, "Mayroon pa bang hindi natin na-aayos?""Meron," Tumango si Drake at seryoso tumingin sa babae. "Tatlong taon na ang nakalipas nang masaktan kita. Pero ngayon, nagbago na ang lahat…""Nag-iba?? Paano?""Kasi..." Napahinga ng malalim ang lalaki at may pagsisising tumingin kay Natalie. "Noong nakaraan, maraming mga masasamang salitan kang narinig mula sa nanay ko.  Pero huwag kang mag-alala, hindi na siya makakapagpalayo sa atin."Kumunot ang noo ni Natalie, ano kaya ang ibig sabihin ng lalaki? Sandaling nanigas si Natalie at nalilitong tumingin kay Drake. "Umalis na ako sa bahay ng pamilya ko," patuloy pa nito. "Hindi lang iyon, nagtatag  din ako ng sarili kong kumpanya. Malayang-malaya na ako sa kanila. Hindi ko na kailangan pang umasa sa pamilya

    Last Updated : 2024-12-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 140    

    Bakas na bakas ang pagkahiya ni Chandon sa mukha niya at napapakamot pa siya ng ulo. Sobrang nahihiya siya dahil sa nangyari kanina."Kasalanan ko ito, patawarin niyo ako. Pangako, hindi ko na uulitin iyon.""Dapat mong panindigan ang sinabi mo, Chandon! Dapat lang na humingi ka ng kapatawaran!" matalim na sagot ni Nilly. "Pakisabi riyan kay Drake na sobrang busy si Natalie sa pag-aaral. Kung talagang mahal niya ang babae, hindi nito dapat paulit-ulit na binabalikan ang mga isyu sa pamilya nito at paulit-ulit na saktan ang dalaga, at huwag niya na kamong istorbohin siya!""Ah oo," sagot ni Chandon ngunit agad siyang natigil na may maalala. "Sandali lang, ang postgraduate exam? Hindi ba’t nakuha ni Natalie ang recommendation para sa graduate studies niya?" tanong ni Chandon sa dalaga. Napatigil si Nilly saglit, naisip niyang nakapagkwento na naman siya ng sobra sa binata,"Uh, yung— yung recommendation, plinanong sirain ng matandang bruhang Irene at ni Janet iyon! Ayaw ni Natalie na

    Last Updated : 2024-12-27

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 306

    Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 305

    Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 304

    Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 303

    Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 302

    “Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status