Habang nagsasalita, sinulyapan ni Natalie si Tomas. Tila sinisiyasat kung tama ang hinala niya. Nanigas si Tomas, halatang gusto na lang lumubog sa lupa dahil napunta siya sa isang alanganing sitwasyon.Gustuhin man niyang itanggi, pero ang hiya sa mukha niya ang nagsabi ng lahat—tama ang hinala nito.“Sige na, pumunta ka na sa kanya,” sabi ni Natalie habang kinukuha ang bag mula sa sofa. “Kailangan ko ng bumalik sa department ko.”“Sandali, Natalie!” Agad hinawakan ni Mateo ang pulso niya, ayaw siyang paalisin. “Galit ka ba?”“May saysay ba ang tanong na ’yan?” Malamig na sagot ni Natalie. “Kung sabihin kong galit ako, mapipigilan ba ng galit ko ang pagpunta mo sa kanya?”“Nat…” wala siyang maisagot. “Masama lang talaga ang kalagayan ni Irene ngayon…sana maunawaan mo…”“Alam ko,” sagot niyang walang emosyon. “Kaya nga hindi kita pinipigilang puntahan siya.” Maingat niyang inalis ang kamay ng lalaki sa pulso niya. “Ang tanong ko ay theoretical. Hindi ‘yon utos. Bukod pa doon, may traba
Natigilan si Mateo. Parang nilaslas ang puso niya ng isang mabangis na pusa—malalim, sugat-sugat na ito, at dumudugo.Masakit. Masakit na masakit. Ilang beses na siyang napagsalitaan ng maanghang ni Natalie ngunit ito na yata ang pinakatumagos sa kanya. Nanigas ang gwapo niyang mukha sa tensyon, pero pinilit pa rin niyang ngumiti. “Paano mo nasabi na sayang ang oras ko kung mahal ko ang sarili kong asawa? Habang ikaw ang asawa ko, hindi ka makakatakas sa akin at sa pagmamahal ko. Kaya mas mabuti pang paghandaan mo na.”“Ganoon ba?” Ngumiti si Natalie, mapanukso. “Sige. Wala naman akong talo dito.” Pagkatapos, binago na niya ang usapan. “Tuyo na ba ang buhok ko? Matutulog na ako.”“Oo, tuyo na,” sagot ni Mateo habang iniaalis ang tuwalya sa buhok niya. Bigla-bigla, binuhat niya ang babae ng walang pasintabi.“Anong ginagawa mo? Hindi mo ba iniisip ang braso mo? Didikit ang sugat sa benda! Dudugo ‘yan!” Gulat na bulalas ni Natalie.May sugat pa si Mateo at hindi ito dapat nagbubuhat dah
Hinalikan siya ni Mateo ng mariin—puno ng emosyon, para bang doon niya ibinubuhos ang lahat ng kanyang inis at galit na nararamdaman mula sa malamig niyang pagtrato sa kanya. At pagkatapos, kinagat niya si Natalie—hindi sobrang lakas, pero sapat para iparating ang punto niya.Masama na nga ang loob ni Natalie, lalo pang uminit ang ulo niya sa kagat na ‘yon. Bumuwelta siya—hindi siya papayag na hindi rin makaganti sa ginawa nito sa kanya—kaya kinagat din niya si Mateo, pero hindi banayad, kundi mas madiin, mas mabagsik. Sapat para ipakita ang punto niya.Kung ang kagat ng lalaki ay isang babala, ang sa kanya ay isang buo at totoong parusa. Ang intensyon niya ay makasakit talaga ng pisikal dahil inunahan siya.“Ugh—” napaungol si Mateo sa sakit, napasinghap, pero hindi pa rin bumitaw. Sa halip, lalo pang naging mapusok ang halik niya.“Nababaliw na ba siya? Imbes na bumitaw…lalo pa yatang ginanahan.” Galit na galit na si Natalie. Habang lalo siyang hinahalikan nito, lalo niyang kinagat
“Ayaw mo talagang tumigil, ano? Wala ka talagang balak na bigyan ako ng tahimik na buhay kahit na ‘yon ang gusto ko para sa ating lahat. Hindi ko na alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sayo.” Napabuntong-hininga si Natalie at tahimik na dinampot ang chopsticks at naupo. “Sige na nga. Tapusin na natin ang dramang ‘to. Sa totoo lang, kumpara sayo, hindi naman malaking isyu ang hindi masarap na pagkain sa akin. Hindi ako anak mayaman kaya wala akong karapatang mag-inarte.”Nagsimula siyang kumain—kaunting gulay, kaunting kanin. Gaya ng nakagawian. Habang kumakain siya, hindi na siya pinigilan ni Mateo. Tahimik lang itong nagsalin ng ulam sa plato niya, gaya ng dati nitong ginagawa para sa kanya.Tahimik na inubos ni Natalie ang pagkain niya, mabilis at walang imik. Ni hindi sila nag-usap. Sa kabilang banda, halos hindi man lang nakakain si Mateo, nakapaglagay siya ng pagkain sa plato niya pero hindi naman niya nagalaw—mas naging abala siya sa pagtingin sa babae.Matapos punasan ang
Maingat na kumatok si Leo sa pinto ng silid ospital. “Mateo, alam kong gising ka, papasok ako. May kasama nga pala ako!” Binuksan niya ang pinto at hinihila si Natalie papasok. “Ayan, dinala ko na siya sayo para hindi mo ako laging binubulyawan. Ako na nga ang nagmamalasakit sayo, susungitan mo pa ako.”Diretso siyang lumapit sa kama, binitiwan ang kamay ng babae, at bahagyang itinulak ito palapit kay Mateo.“Ay!” Napasubsob si Natalie, muntik nang matumba sa kama. Sa gulat, kumapit siya sa una at tanging bagay na abot ng kanyang kamay—ang pasyente mismo—kay Mateo.Hindi naman nagreklamo si Mateo, kahit na medyo nabigla sa pagdating ni Leo pati na rin sa kasama nito. Hindi naman talaga siya natutulog, nang makaalis si Leo, ipinagpatuloy niya ang panonood ng basketball game nito. Agad niyang iniakbay ang nag-iisa niyang malusog na braso sa asawa bago pa ito tuluyang sumubsob.“Ayos ka lang?” Tanong ni Mateo habang inaalalayan ang babae. Pagkatapos ay sinamaan ng tingin si Leo. “Ingat
“Hindi ko kailangan ng boyfriend! Meron na ako!” Bulalas ni Nilly. Halos magkulay makopa ang mga ping isa pinaghalong inis at galit.“Ano? Kailan pa nagka-nobyo ang babaeng ‘to?” Sandaling napatunganga si Leo. “May iba pang lalaking matapang na gustong makipagrelasyon sa kahuli-hulihang lahi ng dragon?!”Sinamantala ni Nilly ang pagkakataon. Halatang hindi inaasahan ng lalaki ang mga sinabi niya. Mabilis niyang inagaw pabalik ang inorder na milk tea at may ngiting tagumpay na tumalikod. Ang balak niya ay isarado sa pagmumukha nito ang pintuan ng unit niya.“Teka! Sandali lang!” Hinawakan ni Leo ang pulso ni Nilly. “Sino?”“Ha?”“Kung may nobyo ka na, gusto kong malaman kung sino.”“Ano ako, bale?” Saglit na natigilan si Nilly si bago naunawaan ang tanong. Gustong malaman ni Leo kung sino raw ang boyfriend niya. Pinilit niyang gawing kalmado lang ang sagot niya ngunit sinigurado niyang nakataas ang baba niya. “Sino pa ba? Kilala mo siya, malamang nakita mo na siyang kasama naming ni Na