Share

KABANATA 256

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-03-03 18:52:10

“Naku, hindi mangyayari ‘yan, Dad.” Malambing na pagtutol ni Irene sa sinabi ng ama. “Paano naman mangyayari ‘yon? Hindi ko mapapantayan ang regalo ni mommy sayo dahil gawa iyon ng may pagmamahal---isang bagay na hindi kailanman nabibili ng pera. Hindi ba, Dad?”

Humagalpak ng tawa si Rigor, tumango ito habang tinitingnan ang sweater na bigay ng asawa. “Tama ka, wala itong katumbas.”

“Suotin mo, Dad, para makita natin kung bagay sayo.” Mungkahi ni Irene.

“Sige,” maingat na sinunod ni Rigor ang mungkahi ng anak at tinanggal ito sa kahon. Sinuot niya ang relo at inikot-ikot sa kanyang kanang kamay para pagmasdan ang ganda at pagkapulido ng gawa nito. “Napakaganda. Ito ang unang Rolex ko. Maraming salamat, anak.”

“You’re welcome, Dad,” sagot ni Irene. May pagmamalaki ito sa boses at sinadyang lakasan ang boses. “Ang mahalaga, nagustuhan mo ang regalo ko.”

Ang lahat ng mga mata ay lumipat kay Mateo na tahimik lang sa kanyang pwesto kanina pa. Wala pa ring mababasang ekspresyon sa mukha nit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (528)
goodnovel comment avatar
Rhain Ismael Hj Mohammad
c mateo lng ang myaman na tnga bkit dnya paombistigahan sobra nmn po pgpphirap mo k natalie bka ngkkmli ka na sobra pinhba mo ang kwento c irene na nging bida hays ubos lht ng ads ilang daan na episode wla pdn ngbgo sa kwento
goodnovel comment avatar
Jeralyn Celis
Siobelicious na page basahin niyo kahit mahahaba ang kwento ang gaganda at nakka tawa ung marrying a mafia un pinaka maganda nde pa paikot ikot ma e excite kayo heheh na e stress aq sa paikot ikot na kwento dito kung nde lang nka umpisa na aq ititigil ko na kse imbes malibang Utak ko naiinis aq lalo
goodnovel comment avatar
Ritzel Resurreccion
hnggang ilang chapter po ba Yan?,.. masyadong ng mahaba paikot ikot laang nman,..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 400

    “Nat?”“Hindi ka talaga sumusuko, ano? Bilib din ako sayo.” Hindi na nagpapaapekto si Natalie sa paawa-effect ni Rigor ngayon. “Noong hindi gumana ang pananakot mo, ngayon naman, sinusubukan mo akong konsensyahin? Akala mo ba, kapag binigyan mo ako ng bahay at pera, maaantig ako at kusa kong ibibigay ang atay ko?”“Hindi, hindi ‘yon ang ibig kong—makinig ka muna—”“Tumigil ka na.” Biglang tumayo si Natalie. Dahil nasa pampublikong lugar sila, hindi siya sumigaw, pero kitang-kita sa mga mata niya ang galit na pilit niyang pinipigil. Pinakalma niya ang sarili, pilit na pinipigilan ang bugso ng damdamin. Gusto niyang sampalin ang ama pero nasa ospital sila. “Wala ni isa sa mga salita mo ang kapanipaniwala. Kung iniisip mong may paraan kang kumbinsihin ako na ibigay sayo ang atay ko o ang sa kapatid ko, kalimutan mo na. Hinding-hindi mangyayari ‘yan.”Hindi niya namalayan, pero kusang dumako ang kamay niya sa kanyang tiyan. Bagamat maaga pa sa pagbubuntis at maluwag ang suot niyang damit,

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 399

    “Sandali lang...” iwinasiwas ni Natalie ang mga kamay, hindi niya mapigilan ang pagtawa bago tuluyang huminto. “Sorry, hindi ko makontrol…sandali lang…kailangan kong huminga.” Hinihingal siya sa kakatawa at kinailangan niyang tumigil sandali para habulin ang hininga.Samantala, nakatingin lang sa kanya si Mateo ng may makahulugang titig, may bahagyang kunot sa noo. “Ano ba kasi ang tinatawanan mo?”“Naisip mo na ba kung anong gagawin mo kung bumalik siya?”“Ha?” Bahagyang nagulat si Mateo bago umiling at tumawa ng mahina. Ang tanong na ‘yon ni Natalie ay matagal ng hindi sumasagi sa isipan niya. “Imposible. Hindi na siya babalik.”"Hindi mo masasabi ‘yan ng sigurado. Ibang klase kung magbiro ang tadhana, alam mo ba ‘yon?” Itinaas ni Natalie ang isang daliri at marahang itinulak ang dibdib nito. “Mr. Garcia, bente-sais o bente-siyete ka na, hindi ba? Ibig sabihin, mas bata pa sayo ang ‘little butterfly’ mo. Mahaba pa ang buhay—paano mo nasisiguro na hindi siya babalik?”Unti-unting kum

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 398

    Nagtaka si Natalie—“Seryoso ba siya? Hindi ba niya nami-miss si Irene? Paano siya nakakapagpakita ng ganitong klase ng lambing sa akin, na parang perpekto siyang asawa, matapos ang lahat? Meron bang totoong tao na kayang mahalin ang dalawang tao ng sabay?”Alam ni Natalie na hindi ni Mateo ‘yon. At ayaw na rin niyang itanong pa. Wala ng saysay ang pagbabalik-balik sa usapang ito. Dahil paulit-ulit na lang at ayaw na niyang lumabas na insecure na asawa. Kung gusto ni Mateo na magplastikan sila—kaya niya ring gawin ‘yon. Ang tanong lang ay kung hanggang saan niya kaya?“Bigyan mo lang ako ng limang minuto pa.” Napabuntong-hininga si Natalie, sumuko na lang siya dahil sa itsura ni Mateo—alam niyang hindi siya tatantanan nito. “Tatapusin ko lang ang pahinang ‘to. Sayang naman kung iiwan ko pa ang sub-topic na ito.”“Sige.” Sinilip pa ni Mateo ang binabasa niya—konti na lang talaga ang natitira. “Hintayin na lang kita, dahan-dahan lang.”“Sige,” nagpatuloy siya sa pagbabasa.Habang naghihi

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 397

    Tinitigan ni Irene si Mateo ng mataman, ang mga mata nito ay punong-puno ng emosyon, na parang may pag-ibig na handang umapaw anumang oras. Ang pagkapit nito sa lalaki ay may halong himas. Lumamlam ang mata nito at lumambing ang boses. “Mateo, hindi mo rin ako kayang bitawan, hindi ba? Aminin mo…”Hindi sumagot si Mateo. Sa halip, matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan, dahan-dahan niyang inalis ang pagkakahawak ng babae sa kanyang pulso.Biglang nagbago ang ekspresyon ni Irene, parang gumuho ang buong mundo niya. “Gusto ko lang naman malaman kung pareho pa rin tayo ng nararamdaman, Mateo…”Matatag ang boses ni Mateo ng magsalita siya. “Irene, may asawa na ako at alam mo ‘yan.”Anuman ang nangyari noon sa pagitan nila, anuman ang naramdaman niya, may sinumpaan na siyang pangako sa harapan ng altar at sa harapan ng mga taong mahalaga sa buhay niya—may asawa siya ngayon, at kailangang manatili siyang tapat sa babaeng iniharap niya sa altar. Kailangang malaman ni Irene na may limita

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 396

    “Hmm, parang ganoon na nga. Bakit mo natanong, nurse?” Ngumiti ng bahagya si Natalie,hindi niya kinukumpirma pero hindi rin niya itinatanggi ang anumang koneksyon kay Rigor.Inakala ng nurse na sapat na ang sagot na iyon at nagpatuloy sa pagsasalita. “Doktor po kayo, kaya sigurado akong alam mo na—kung hindi makakahanap ng liver donor ang pasyente mong kamag-anak, ang bawat gamutan ay panandalian lang. Pinapahaba lang nito ang oras niya, pero sa huli, nakasalalay pa rin sa katawan niya kung hanggang kailan siya kakayanin.”“Salamat.” Alam iyon ni Natalie pero may bahagi ng utak niya na nagsasabing huwag iyon ang isipin niya. Ibinigay niya ang medical records pabalik. “Paki-monitor na lang siya ng maigi.”“Walang problema, huwag kang mag-alala, doc.”Pagkalabas niya mula sa hepatobiliary surgery department, mas lalong gumulo ang isip niya. Imbes na mapanatag. Wala nang ibang posibleng donor—ang natitira na lang ay siya o si Justin. Hindi niya matanggap iyon. Ang alaala ng lahat ng gina

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 395

    Kinabukasan, gaya ng nakasanayan, naunang bumangon si Mateo kaysa kay Natalie. Wala na ito ng magising siya. Habang pababa siya ng hagdan para mag-almusal narinig niya ang pag-uusap ni Mateo at ni Tess.“Makinig ka sa akin. Simula ngayon, kailangan kong abalahin ka sa paghahanda ng lima o anim na maliliit na pagkain para kay Natalie araw-araw. Dapat magaan pero masustansya ang bawat isa. Kaya mo ba ‘yon?”Mahigpit na ipinayo ni Dr. Cases na ito ang pinakamabisang paraan para matiyak na lalaki nang maayos ang bata sa sinapupunan. Kailangan niyang kumain ng masustansyang mga pagkain at prutas sa lahat ng oras. Maliit ang sukat ng sanggol para sa kanyang edad sa pagbubuntis, at bagaman nakakatulong ang IV nutrition, mas mahalaga pa rin ang tamang diyeta at pangangalaga sa ina.“Aba, oo naman! Walang problema!” Tumango si Tess ng seryoso.Ang pinag-uusapan dito ay ang magiging tagapagmana ng pamilya Garcia—kaya hindi niya ito maaaring ipagsawalang-bahala. Bubusugin niya si Natalie kagaya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status