Share

KABANATA 325

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-13 18:58:49

Ang malamig na tubig ay agad na nagpagising kay Mateo. Kumunot ang noo niya at awtomatikong pinahid ang palad niya sa basang-basang mukha. Ilang segundo rin itong natulala, naapektuhan ang paningin niya na nanlalab dahil sa epekto ng alak. Mabilis na luminaw iyon dahil sa ginawa ni Natalie.

Ang akala ni Mateo, imahinasyon lang niya kanina ‘yon.Pero si Natalie talaga ang nakatayo sa harapan niya. May mapanuyang ngiti na nakakurba sa kanyang mga labi.

“Okay, gising ka na. Tapos na ang trabaho ko dito. May dala akong damit na pamalit mo. Kung kaya mo na, pwede ka ng magbihis.” Magaan ang tono nito pero may halong pangungutya.

Saglit na kumurap si Mateo, pumipintig pa rin ang sakit ng ulo niya. Malabo pa ang isip niya dahil sa natitirang epekto ng alak kaya nahihirapan siyang iproseso ang nangyayari maliban sa lamig at pagkabasa niya.

Dahil sa pagkagulat, hindi siya kaagad nakapagsalita---tila isang batang inosente na tuluyang nagising.

Napabuntong-hininga si Natalie.Mukhang hindi pa niya
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (179)
goodnovel comment avatar
Mamu.♦️
Sa 325 na pagbabasa ko stress lang ang na kuha ko hindi sulit ang binayad ko tatandaan ko Author nito next tym di na ko magbbasa at sa una lang ok
goodnovel comment avatar
Rosebel
Next episode
goodnovel comment avatar
Liza Murillo
baka yong kapatid ni Mateo na nawawala hehehe hula lang
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 498

    Napuno ng masiglang atmospera ang doctor’s lounge. Isang magandang balita nga ito. Kapag may bagong doktor na nagkakaroon ng break na kagaya ng kay Natalie—maligaya ang lahat lalo pa at alam naman nila kung gaano niya pinagsikapan na makamit ito. May nagbiro ng masaya sa loob ng silid.“Dr. Natividad, paano ba ‘yan, ang ganda ng balitang ’to—hindi mo ba kami ililibre? Thanksgiving ba. Hindi ba nakagawian na ganoon? Hehe!”“Tama! Si Dr. Natividad natin ay si Mrs. Garcia na rin naman. Dapat lang ilibre kami ng maayos!” Sundot naman ng isa pa.“Libre lang? Dapat party na ’yan!”“Oo nga—party time!”Natatawa at nagsisigawan ang lahat sa silid. Parang bigla itong naging isang maliit na salu-salo—puno ng sigawan, tuksuhan, kantyawan at masayang ingay. Parating abala ang mga doktor sa kani-kanilang gawain sa ospital kaya kapag nagsama-sama sila, nabibigyan silang magkaroon ng pagkakataon na mamuhay sa labas ng mga propesyon nila.Napatingin si Norma sa kanyang alagang residente. Tumango ito

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 497

    Umiyak si Natalie!Sa pagkakatanda ni Mateo, si Natalie ay laging matatag—bihirang-bihira siyang makitang umiiyak. Hanggang kaya nitong itago ang nararamdaman, tinatago niya iyon. Lalo na pagdating sa damdamin. Ang tanging tao lang na kayang magpaiyak sa kanya ay si Justin.Pero ngayon…narito siya sa harapan niya at umiiyak.At siya—siya mismo—ang dahilan ng pagluha nito. Hindi alam ni Mateo ang gagawin, tila nawalan ng direksyon. Hindi niya alam kung paano patitigilin ang asawa sa paghihinagpis. Nasaktan na naman niya ito.“Nat…hindi ko sinasadya… pasensya na…” Inabot niya ang kamay, nais pawiin ang mga luha nito. Ngunit lumingon si Natalie palayo at iniwas ang mukha sa haplos niya.“Pakiusap… umalis ka muna,” mahinang sabi nito. “Ayaw muna kitang makita ka ngayon. Gusto ko lang mapag-isa, pwede ba?”Bubuka sana ng bibig si Mateo, may sasabihin pa sana, pero napigil niya ang sarili. Dahil ang totoo, ayaw pa talaga niyang umalis. Pinaiyak niya ang asawa at gusto niyang aluin ito hang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 496

    “Ayos lang ako…salamat, Alex.” Mahinang sagot ni Natalie, kahit patuloy pa rin sa pagsigaw si Irene, tila nawawala sa sarili.“Miss Irene, kalmahin po ninyo ang sarili niyo! Wala pong mananakit sa inyo dito! Ligtas ka dito!” Paniniguro ng doktor. “Bilisan ninyo, kunin ang niyo ang pampakalma! Hindi uubra ang pakiusap lang!”“Opo, doc!”Nagpumiglas si Irene habang pilit siyang kinakalma ng mga doktor at nurse. Napakalakas nito kumpara sa maliit nitong katawan. Sa sobrang pagpupumiglas nito, natatakot si Natalie na baka mabalian ito ng buto.“Miss Irene, tigilan mo na ang pagwawala! Masasaktan mo lang ang sarili mo! Safe ka dito!”“Safe? Hindi! Siya ‘yon…” Histerikal ang sigaw ni Irene habang nanlilisik ang mga mata at nakaturo ang kamay kay Natalie. “Pagmasdan niyo! Hindi ba kilala niyo siya?! Siya ang dahilan! Siya ang sumira sa buhay ko! AHHHH—!”Napatingin ang doktor kay Natalie may bahid ng pag-aalala sa mata. “Doc, anong nangyari? Anong ginawa niyo bago ito nangyari?”“Ako…” Napas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 495

    Maingat na inilahad ni Mateo ang kutsara sa labi ni Natalie, hindi na ito naghintay pa na pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Kung titingnan, mukha itong banayad at puno ng pag-aalaga.Pero ang nasa isip ni Natalie ay ang tagpo sa ospital kanina—ganitong-ganito din ang eksena na ‘yon. Kung paanong pinapakain din ni Mateo si Irene sa ganoon ding paraan. Isang matalim na kirot ang tumusok sa kanyang dibdib. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay, halos hindi pansin dahil mabilis niyang tinago.“Hindi na kailangan…”“Natalie,” bulong ni Mateo, bahagyang naningkit ang mga mata, may anino ng pagkairita sa tingin. “Akala ko pa napag-usapan na natin ‘to.”“Ang ibig kong sabihin, kaya ko naman,” agad niyang dagdag, ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon. Inilapag niya ang twalya at kinuha ang mangkok mula sa kanya. “Tuyo na ang buhok ko. Ako na ang gagawa.”Tinanggihan niya ang pagsubo nito sa kanya dahil una, hindi siya sakitin. At higit sa lahat, hindi siya si Irene na kailangan alagaan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 494

    Tahimik ang naging byahe nila. Pero kahit na ganoon pa rin, nanatiling nakahawak ang kamay ni Mateo sa kamay ni Natalie. Gaya ng pinangako nito, naroon nga si Justin sa BelAir Mountain Villa. Isang autistic therapy facility na hindi basta-bastang pinupuntahan ng mga ordinaryong mamamayan. Para lang ito sa mga may kaya sa buhay.Inilipat siya sa isang pribadong villa kung saan may sariling medical team na nakatalaga sa kanya. Gaya din ng nauna nitong sinabi, kasama pa rin ng kapatid ang doktor nito at si Nora. Nasa labas sila ng dumating sina Natalie at Mateo. Mukhang may outdoor activity si Justin sa ilalim ng mayabong na puno dahil nagkalat ang mga laruan.Nang makita ang kapatid, agad na lumiwanag ang mukha ni Justin. “Ate!”“Ang galing-galing at ang tapang-tapang mo, Justin. Alam mo ba ‘yon? Namiss kita.” Ngumiti si Natalie at lumapit upang yakapin ito.Napatingin si Justin sa likod niya at nakita si Mateo. “Kuya!” masiglang bati nito sa lalaki. “Ang laki ng lugar na ‘to! Ang ganda

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 493

    Nakatayo si Natalie sa tabi ng malaking bintana sa dulo ng pasilyo, handa na sana siyang maghintay ng matagal. Ngunit sa kanyang pagkabigla, lumabas agad si Mateo—ng mas maaga kaysa sa inaasahan niya.Ano man ang sinabi nito kay Irene, mukhang mabilis itong naging epektibo dahil hindi man lang ito nagprotesta nang iwan niya ito. Hinanda na ni Natalie ang lahat ng sasabihin niya. Kahit paano ay nabawasan ang pagkataranta niya dahil alam niyang hindi sasaktan ni Mateo ang kapatid. Gayunpaman, hindi pa rin tama ang ginawa nitong paglipat sa kanya ng hindi hinihingi ang pahintulot niya.“Hi, Nat.”Pagharap niya, mahinahon ang anyo niya pero matalim ang tinig. “Nasaan si Justin? Saan mo siya dinala?”Bagama’t kontrolado ang tono ng boses, nakasara ang kanyang mga palad sa gilid ng katawan, senyales ng poot na pilit niyang itinatago. Pati ang paghinga niya ay kontrolado.Napansin ‘yon ni Mateo. Bahagya siyang napakunot-noo at sumagot ng mahinahon. “Hindi sapat ang dati niyang pasilidad. Hin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status