Share

KABANATA 326

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-05-14 18:56:26

Halos mabitawan ni Alex ang mga hawak niyang mga dokumento ng pumasok siya sa opisina ng CEO ng Garcia Group of Companies. Naroon si Natalie, tahimik na nagbabasa ng dala niyang medical books.

“Nat?” Kumunot ang noo niya dahil sa gulat. “Anong ginagawa mo dito? Paalis na nga sana ako para sunduin ka.”

Inangat ni Natalie ang paningin, walang naging pagbabago sa ekspresyon niya at tsaka marahang inilapag ang kanyang bag sa tabi ng couch. “Ayos lang, Alex. Alam kong marami kang trabaho. Hindi naman ako bata---kaya kong pumunta mag-isa dito.”

“Pero…”

Inayos ni Natalie ang pagkakaupo niya at tiningnan si Alex. “Nasa meeting pa ba si Mateo?”

Tumango si Alex at itinuro ang conference room gamit ang hinlalaki. “Oo, nasa loob pa siya.”

“Okay, sige.” Ipinagpatuloy na lang ni Natalie ang pagbabasa.

Pinagmasdan siya ni Alex sandali, natuwa ito ng bahagya. Ang kapal ng medical books na binabasa niya---mukhang mas nakakatakot pa kaysa mga legal na kontrata na hinahawakan ni Meteo araw-araw.

“Talaga
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Vee Sibayan
Author nalulungkot na ako para kay Nathalie..
goodnovel comment avatar
erlinda pagaura
ang gulo mong author ka
goodnovel comment avatar
NiLda Tangon
anu ba yan paulit ulit na lang ang kwento...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 328

    “Natallie,” mabigat ang tinig na ginamit ni Nilly habang nilalapag ang telepono sa harapan niya. “Ikaw ba ang tinutukoy dito?”“Ha?” Inosenteng kumurap si Natalie at kinuha ang telepono.Pagkatapos ay ibinaba ang tingin sa screen ng telepono at binasa ang nag-trending na balita sa social media:--Ipinahayag na ng Presidente ng Garcia Group of Companies ang kanyang pagpapakasal!Pinindot ni Natalie ang article at nakita ang isang maikli at pormal na anunsyo, walang larawan, walang detalye. Ang tanging nakasaad lang doon, ay ang pagpapakasal ni Mateo Garcia sa kanyang kasintahan mula pagkabata---si Natalie Natividad.Iyon lang.Sakto sa istilo ng pamilya Garcia, direkta, walang ingay at walang paligoy-ligoy.Dahil nabanggit na ito ni Antonio dati pa, hindi na nagulat si Natalie. Inabot niya pabalik ang telepono ng kaibigan at kalmado siyang ngumiti. “Nakasulat naman ng malinaw ang Natalie Natividad, hindi ba? Syempre ako ‘yan, Nilly.”Biglang napikon si Nilly. “Bakit ka nakangiti? Paano

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 327

    Walang iba kundi si Drake Pascual.Kakatapos lang ng meeting niya sa isang kliyente at pababa na siya mula sa restaurant sa itaas ng mall ng mapansin niya si Natalie na nakatayo sa harap ng isang jewelry store.Natigilan siya.Sa totoo lang, hindi pa naman ganoon katagal nang huli silang magkita---pero sa sandaling ito, pakiramdam niya ay parang buong buhay na niya ang lumipas. Nag-alinlangan siya kung lalapitan niya si Natalie o hahayaan na lang niya ito.Pero hindi niya mapigilan ang sarili.Walang pag-aalinlangan, lumapit siya sa kinaroroonan nito.Naramdaman ni Natalie ang paglapit ng isang tao mula sa likuran niya kaya itinaas niya ang tingin at nilingon ito. Wala pa ring emosyon ang emosyon ang mukha niya.Pagkatapos ay nginitian niya ang taong papalapit. “Hi.”“Hello.”Magaan ang tono na ginamit ni Natalie para batiin si Drake. Kalmado, ngunit wala na ang init ng dati nilang koneksyon. Isang komplikadong emosyon ang bumalot sa dibdib ni Drake---may sakit, panghihinayang at pait

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 326

    Halos mabitawan ni Alex ang mga hawak niyang mga dokumento ng pumasok siya sa opisina ng CEO ng Garcia Group of Companies. Naroon si Natalie, tahimik na nagbabasa ng dala niyang medical books.“Nat?” Kumunot ang noo niya dahil sa gulat. “Anong ginagawa mo dito? Paalis na nga sana ako para sunduin ka.”Inangat ni Natalie ang paningin, walang naging pagbabago sa ekspresyon niya at tsaka marahang inilapag ang kanyang bag sa tabi ng couch. “Ayos lang, Alex. Alam kong marami kang trabaho. Hindi naman ako bata---kaya kong pumunta mag-isa dito.”“Pero…”Inayos ni Natalie ang pagkakaupo niya at tiningnan si Alex. “Nasa meeting pa ba si Mateo?”Tumango si Alex at itinuro ang conference room gamit ang hinlalaki. “Oo, nasa loob pa siya.”“Okay, sige.” Ipinagpatuloy na lang ni Natalie ang pagbabasa.Pinagmasdan siya ni Alex sandali, natuwa ito ng bahagya. Ang kapal ng medical books na binabasa niya---mukhang mas nakakatakot pa kaysa mga legal na kontrata na hinahawakan ni Meteo araw-araw.“Talaga

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 325

    Ang malamig na tubig ay agad na nagpagising kay Mateo. Kumunot ang noo niya at awtomatikong pinahid ang palad niya sa basang-basang mukha. Ilang segundo rin itong natulala, naapektuhan ang paningin niya na nanlalab dahil sa epekto ng alak. Mabilis na luminaw iyon dahil sa ginawa ni Natalie.Ang akala ni Mateo, imahinasyon lang niya kanina ‘yon.Pero si Natalie talaga ang nakatayo sa harapan niya. May mapanuyang ngiti na nakakurba sa kanyang mga labi.“Okay, gising ka na. Tapos na ang trabaho ko dito. May dala akong damit na pamalit mo. Kung kaya mo na, pwede ka ng magbihis.” Magaan ang tono nito pero may halong pangungutya.Saglit na kumurap si Mateo, pumipintig pa rin ang sakit ng ulo niya. Malabo pa ang isip niya dahil sa natitirang epekto ng alak kaya nahihirapan siyang iproseso ang nangyayari maliban sa lamig at pagkabasa niya.Dahil sa pagkagulat, hindi siya kaagad nakapagsalita---tila isang batang inosente na tuluyang nagising.Napabuntong-hininga si Natalie.Mukhang hindi pa niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 324

    Mula ng bumalik si Natalie sa bahay sa antipolo, hindi na nagkaroon ng kahit na isang araw ng katahimikan at kapayapaan sa pagitan nila ni Mateo.Kung hindi siya tinatabangan nito, siya naman ang hinahanapan ng away.Ang bawat pag-uusap nila ay laging puno ng tensyon---isang tahimik na digmaan sa pagitan ng dalawang tao na hindi dapat pinagsama sa umpisa pa lang.At ang gabing ito ay hindi naiiba.Naroon pa rin sa harapan ni Natalie si Mateo, ang mga mata ay nakatutok sa kanya. “Alam kong galit ka, pero sa tingin mo ba, ayos lang ako?”Natawa si Natalie---isang malungkot at walang buhay na tawa iyon. “Sige nga, sabihin mo nga sa akin kung anong klase ng buhay meron ang isang babae na nakikisama sa isang lalaking may ibang mahal?”Isang malakas na suntok sa sikmura ang mga salitang iyon. Pero hindi iyon sinagot ni Mateo.Nagpatuloy siya, “mas gugustuhin ko pa nga na maging masaya kayo ni Irene, nang sa gayon, tantanan mo na ako at makalaya na ako!”Kalayaan at pagtakas.Huminto ang pag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 323

    Mahimbing ang naging tulog ni Natalie. Pakiramdam niya ay naubos ang lahat ng enerhiya niya ng nagdaang gabi kaya bumawi ang katawan niya sa tulog. Mataas ang araw ng magising siya---alas dos na ng hapon pag-check niya sa orasan.Biglang kumalam ang sikmura niya, indikasyon na gutom na gutom na siya. Isang matinding gutom ang bumalot sa kanya, parang hindi siya kumain ng ilang araw. Kaya dahan-dahan siyang bumalikwas at bumangon sa kama. Nagtataka at natutuwa siya na bumalik na ang gana niya sa pagkain.Naka-abang na si Tess kanina pa. Alam niya na pabago-bago ang gana at ang panlasa ni Natalie kaya naghanda siya ng iba’t-ibang putahe. Nang puntahan siya ni Natalie sa kusina, handa na ang lahat, ihahain na lang.Pero ngayon, tila iba ang naging takbo ng sitwasyon. Nanumbalik ang gana ni Natalie.“Ate Tess! Lahat ay amoy masarap!” Puri pa nito at hindi na nag-aksaya ng oras.Dinampot ni Natalie ang kubyertos at nagsimulang kumain. Maganang-magana ito, halos hindi na nag-iisip dahil sub

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 322

    Natigilan si Natalie. Nagsimula ng kumulo ang kanyang sikmura at isang matinding alon ng pagsusuka ang sumiklab sa kanya ng napakabilis at hindi siya nakapaghanda. Mabilis niyang tinakpan ng kamay ang bibig at dali-daling tumakbo papunta ng banyo.“Saan ka pupunta?” Sinundan niya si Natalie, puno ng pagkabahala ang boses. “Wala kang tsinelas, Natalie!”Walang pangyapak si Natalie dahil binuhat niya ito kanina. Napagkasunduan nilang maglakad ito pero dahil nagdabog ang babae, binuhat niya ulit kaya nahulog ang suot nitong tsinelas.Nang marating niya ang pintuan ng banyo, si Mateo naman ang napatigil. Dahil ang eksenanang bumungad sa kanya ay naging rason para para mapasinghap siya. Nakayuko si Natalie sa inidoro, nanginginig ang maliit na katawan habang sinusuka ang laman ng kanyang sikmura.Lalong dumilim ang ekspresyon ni Mateo.Hindi niya maintindihan. Nitong mga nakaraang araw, maayos naman itong nakakakain. Hindi na ito kagaya ng dati na nararanasan pa ang matinding morning sickn

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 321

    Muling napuno ng alanganing katahimikan ang silid. Nakatayo pa rin sa gilid ng kama si Mateo, nakasiksik ang mga kamay sa bulsa ng pantalon habang pinagmamasdan si Natalie na lalong binalot ang sarili sa kumot. Kagabi pa masakit ang ulo niya, naglaho ito kahit paano dahil nakatulog siya sa study. Ngunit ngayon, nagsisimula na namang pumitik ang sentido niya.Parang hindi siya nakikita ni Natalie. Batid niyang sinasadya niya ito.Hindi bulag at lalong hindi manhid si Mateo---batid niyang galit ang babae.Ngunit pagod na siya matapos ng magdamag na pag-iisip. Ang daming nangyari kahapon at Milagro niyang maituturing na nalagpasan niya ang buong gabi ng hindi dumedepende sa alak. Maging ang sigarilyo ay hindi niya naubos kagabi. Masasabing ubos na ang lakas at pasensya niya para pagtiisan ang malamig na pakikitungo ng babae sa kanya ngayong umaga.“Bumangon ka at kumain bago matulog.” Utos iyon ngunit hindi matalim.Inilabas ni Natalie ang mukha mula sa kumot at tinitigan si Mateo na pa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 320

    Ramdam ni Mateo ang bigat na nasa balikat niya. Malamlam ang ilaw sa silid, ang tanging liwanag ay nagmula sa kanyang desk lamp na nagtatapon ng mahahabang anino sa pader. Niluwagan niya ang kurbata, binagsak ang pagal na katawan sa leather couch at mula sa drawer, kumuha ng isang kaha ng paborito niyang sigarilyo.Ang unang hithit ay nagbigay ng matinding hapdi sa kanyang mga baga ngunit tinanggap niya ito ng buong-buo.Dahan-dahang napuno ng puting usok ang paligid niya at hinayaan niyang palambutin nito ang matatalim na sulok ng kanyang isip. Gaya ng usok na ibinubuga, malabo rin ang utak niya---hitik na hitik ng alingasngas na hindi niya mahanapan ng kasagutan.“M-mateo…ang baby natin…ang baby…”Naririnig pa rin niya ang mga katagang iyon. Ang pira-pirasong hikbi ni Irene.Mariin niyang hinigpitan ang hawak sa sigarilyo at nakagat ang pang-ibabang bahagi ng labi, hanggang sa maramdaman niya ang kirot sa kanyang panga.Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang boses ng kanyang l

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status