Share

KABANATA 360

Author: Lin Kong
last update Huling Na-update: 2025-05-30 18:23:04

Itinagilid ni Natalie ang mukha at sa ganoong paraan, kumawala siya sa hawak ni Mateo. Kinuha niya ang kumot ay mahigpit na binalot ang sarili, pagkatapos ay tumalikod.

Hindi niya pinaalis si Mateo, pero hindi rin nito sinabi na pwede siyang manatili. Walang sinabing direkta si Natalie kung pinapayagan niya ang pananatili ni Mateo sa kwarto.

Para kay Mateo, kahit ano pa ang iniisip ni Natalie sa kanya—wala siyang balak umalis sa tabi nito. Sa halip na umalis, inangat niya ang dulo ng kumot at pumasok sa ilalim nito para muling yakapin si Natalie.

Agad nag-alab ang inis ni Natalie.

Mabilis siyang bumalikwas at umupo at bumangon mula sa kama.

“Huwag kang gagalaw!” Alam na ni Mateo ang gagawin niya kaya mabilis niyang napigilan si Natalie sa pamamagitan ng paghawak sa pulso nito ng mahigpit pero hindi masakit. “Saan ka na naman pupunta?”

Kung ang isasagot nito ay sa sofa ito matutulog, gustong makita iyon ni Mateo. Pero nagkamali siya dahil wala namang planong matulog sa sofa si Natalie.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1123)
goodnovel comment avatar
Eam Amla
Ambot nimo writer ikaw may nangita problema aning relasyon nilang natalie mateo.
goodnovel comment avatar
Arlyn agopitan Cez
nkaka ............
goodnovel comment avatar
Jhe Niffer
Ang tanga namna ng writer na to lagung pinapahirapan c natalie
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 420

    Mula pa sa simula, plano na ba talaga niyang ipagdiwang ang kaarawan niya kasama si Irene? Nakaplano na ba ang araw na ito para sa kanila kaya hindi niya man lang nabanggit sa akin na kaarawan niya? Marahil ay iyon nga ang dahilan.Dapat na talaga siyang matuto—at tigil na ang mga walang kwentang bagay na siya lang ang nagpapakahirap, pero sa dulo, siya rin ang napapahiya. Nagpakapagod siya, hindi naman niya kailangan iyon, at sa huli, nauwi lang ang lahat sa wala.“Sana naniwala na lang ako kay Nilly. Hay. Kailan ba ako matututo? Bakit paulit-ulit na nangyayari ito?” Litanya niya sa sarili, umaasang sa pamamagitan nito, matatauhan siya at hindi na uulit pa.Nakahiga na siya, patay na ang ilaw, at sinubukan niyang matulog. Pero biglang may narinig siyang tunog mula sa pinto--ang tunog ng susi na iniikot sa seradura.Agad siyang napabangon.Sa parehong sandali, bumukas ang pinto, sumindi ang mga ilaw, at nagliwanag ang buong kwarto. Pumasok si Mateo ng walang pakialam at inihagis ang s

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 419

    “Hindi mo na kailangang malaman.” Hinila ni Natalie ang kamay niya palayo, hindi alintana ang hapdi.“Hindi ko na kailangang malaman?” Bahagyang kumipot ang malalim na mga mata ni Mateo at tuluyan ng nagdilim ang ekspresyon.” Asawa kita. Nasugatan ka, tapos sasabihin mong hindi ko na kailangang malaman?”Mahinang tumawa si Natalie, walang emosyon sa tinig niya—sobrang kalmado na parang simpleng paglalahad lang ng katotohanan ang ginagawa niya. “Buong gabi mong ipinagdiwang ang kaarawan mo kasama ang ex mo. Wala rin akong nalaman tungkol doon, hindi ba?”“…ano?” Natigilan si Mateo—hindi dahil sa konsensya, kundi sa gulat. “Anong sinasabi niyang pagdiriwang kasama ang ex ko?”Bago pa siya makasagot, nabawi na ni Natalie ang kanyang kamay mula sa lalaki at umakyat na sa taas.Kaarawan. May binanggit si Natalie tungkol sa kaarawan. Kumunot ang noo ni Mateo—tapos, biglang dumating sa kanya ang realization. “Sh*t. Sh*t. Tama. Kaarawan ko nga ngayon. Ibig sabihin… kaya niya ako niyaya ngayon

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 418

    Pinikit ni Natalie ang mga mata at umiling. Pero hindi pa rin siya tiningnan nito. Ramdam ni Mateo ang bigat ng kanyang kasalanan. Pinaghintay niya ito buong gabi ng walang dahilan. At kahit na may dahilan pa—hindi niya rin magagawang sabihin ang nangyari sa asawa dahil hindi nito magugustuhan ang kinalabasan ng paghahanap niya.“Paano kung bukas ng gabi? Ako ang pipili ng lugar. Pangako, mauuna akong dumating.” Alok niya.“Hindi na kailangan.” Umiling muli si Natalie. Kinuha niya ang huling piraso ng maanghang na labanos at tsaka bumulong, “huling piraso na ito.”“Ako na, ikukuha kita ng mas marami.” Mabilis na tumayo si Mateo, halatang gusto niyang bumawi.Ngunit noong hawakan niya ang walang lamang pinggan—napagtanto niya ang isang importanteng bagay. Wala siyang ideya kung saan nakalagay ang mga side dish. Pero hindi siya tumigil—binuksan niya ang ref, pero wala siyang nakita doon. Pati mga cupboard ay binuksan niya.Nanatiling tahimik lang si Natalie. Ni hindi siya tinulungan o n

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 417

    Kaagad napansin ni Irene ang pagbabago sa ekspresyon ng lalaki. “May problema ba?”Tumayo si Mateo at tumango. “Oo. Irene, pasensya na. Kailangan kong umalis agad.”“Bakit ka humihingi ng paumanhin? Ayos lang. Salamat sa pagbabalik mo ng hairpin ko at higit sa lahat…salamat dahil bumalik ka.” Ngumiti si Irene ng maunawain, walang balak pigilan siya. “Isa pa, matagal na tayong magkaibigan—hindi na kailangan ng pormalidad. Kung may mahalaga kang dapat gawin, sige lang.”Mabilis na dumaan sa mata ni Mateo ang pasasalamat. “Mag-uusap tayo ulit.”“Sige, mag-ingat ka sa byahe.” Tumayo si Irene at tahimik na pinagmamasdan ang mabilis niyang pag-alis.Dahan-dahang lumitaw ang isang ngiti sa kanyang labi. Tumingin siya sa butterfly hairpin na nasa kanyang palad—at mahigpit na hinawakan ito.**Sa loob ng kotse, mabilis na tinawagan ni Isaac si Alex. "Utos ni sir, huwag mong hayaang umalis si Natalie dyan. Papunta na kami.”Mabigat ang buntong-hininga ni Alex. Sa totoo lang, kanina pa siya naha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 416

    Ganoong panahon din nagsimulang manilbihan sa kanya si Isaac. Galing ito sa mga tauhan ng lolo niya. Dahil sa ito ang pinakabata—minabuti ng lolo niya na ibigay sa kanya bilang personal bodyguard at PA niya. Tinanggap niya si Isaac dahil nagkasundo naman sila kaagad—doon din nagsimula ang pagsasama nila ni Isaac—halos kasabay ng pagtatapos ng kabanata nila ng dalagitang madaldal.Matapos tapusin ang utos ng araw na iyon, bumalik si Isaac at nag-ulat. “Tapos na. Ako mismo ang nag-abot sa kanya.”Saka lang nakahinga ng maluwag si Mateo. Naniwala siyang wala na siyang anumang alalahanin, kaya lumipad siya papuntang ibang bansa para sa kanyang gamutan.**Halos anim na buwan ng bulag si Mateo bago magsimula ang kanyang paggamot sa ibang bansa. At inabot pa siya ng anim na buwan ulit bago niya muling nabawi ang kanyang paningin. Hindi naging madali ang naging proseso ng kanyang operasyon. Marami siyang mga pinagdaanan bago niya nakamit ang positibong resulta.Pero sa huli—nagtagumpay ito.

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 415

    Bumalik sa isipan ni Mateo ang mga alaala ng kahapon—parang isang pelikulang mabilis na pinapatakbo pabalik. Malinaw na malinaw iyon sa kanyang isipan. Kahit kailan ay hindi nawala sa kanya ang mga alaalang ‘yon dahil lagi niyang binabalikan ang mga alaalang ‘yon sa tuwing naiisip niya ang babaeng binigyan niya ng butterfly hairpin.Noong bata pa siya—nagkaroon siya ng isang matinding aksidente sa sasakyan na nagdulot ng pagkabulag niya ng tuluyan. Literal na naging madilim ang mundo niya at nalugmok siya sa matinding depresyon.Naghanap ang Lolo Antonio niya ng pinakamagagaling na doktor sa buong bansa, ngunit wala ni isa ang makapagsabi kung maibabalik pa ang paningin niya. May malaking posibilidad na hindi na niya muling makikita ang liwanag—na mananatili siyang nakakulong sa kadiliman magpakailanman.Para sa isang tulad niya, na lumaking matapang, mayabang, at hindi natitinag, isa itong malupit na dagok. Habang hindi siya makakita ng anuman, naging mabangis at mainitin ang ulo ni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status