Share

KABANATA 382

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-06-17 19:03:19

Hindi alam ni Mateo kung ano ang dapat niyang maramdaman—kung mas magugulat siya o matutuwa sa ginawang pag-amin ni Natalie ng totoong nararamdaman nito para sa kanya. Hindi naman kasi kagaya ng ibang relasyon ang naging sitwasyon nila. Madalas sa mga relasyon, nagkakagustuhan muna ang dalawang tao bago lumagay sa tahimik—taliwas ng sitwasyon nila ni Natalie na matapos ng napakaraming pinagdaanan at dalawang kasalan—ngayon pa lang sila magkakaaminan.

Sa gulat niya, napatanong siya, “t-talaga?”

Pero nang pagmasdan niya ang magandang mukha ng asawa, tila wala na itong alinlangan. Ngumiti lang ito—isang tahimik, magaan na ngiti, tila nabunutan ng tinik. “Talaga. Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Ngayon pa ba? Ikaw ang asawa ko—ang magkagusto sayo, mali ba ‘yon? O bawal?”

Walang butas ang kanyang katwiran. At gayunman, may bahagi pa rin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, nagtanong siya, “Gaano mo ako kamahal kumpara kay Drake?”

Malinaw na m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (230)
goodnovel comment avatar
Sally Camu
next episode
goodnovel comment avatar
Jhet Chan Alcala
bumalik na nman Kay Irene hahahah
goodnovel comment avatar
Nicasio Salvacion Marcela
update nman po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 382

    Hindi alam ni Mateo kung ano ang dapat niyang maramdaman—kung mas magugulat siya o matutuwa sa ginawang pag-amin ni Natalie ng totoong nararamdaman nito para sa kanya. Hindi naman kasi kagaya ng ibang relasyon ang naging sitwasyon nila. Madalas sa mga relasyon, nagkakagustuhan muna ang dalawang tao bago lumagay sa tahimik—taliwas ng sitwasyon nila ni Natalie na matapos ng napakaraming pinagdaanan at dalawang kasalan—ngayon pa lang sila magkakaaminan.Sa gulat niya, napatanong siya, “t-talaga?”Pero nang pagmasdan niya ang magandang mukha ng asawa, tila wala na itong alinlangan. Ngumiti lang ito—isang tahimik, magaan na ngiti, tila nabunutan ng tinik. “Talaga. Bakit naman ako magsisinungaling sayo? Ngayon pa ba? Ikaw ang asawa ko—ang magkagusto sayo, mali ba ‘yon? O bawal?”Walang butas ang kanyang katwiran. At gayunman, may bahagi pa rin sa kanya na hindi pa rin makapaniwala. Matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, nagtanong siya, “Gaano mo ako kamahal kumpara kay Drake?”Malinaw na m

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 381

    Pagsapit ng alas-sais ng gabi, natapos na rin ni Natalie na asikasuhin ang lahat ng pasyente niya. Limitado lang ang konsultasyon na ginagawa ni Doctor Norman Tolentino--may takdang bilang lang ng pasyente kada araw dahil hindi lang siya basta doktor sa ospital na iyon, direktor din siya at head ng research department. Kung tutuusin, hindi na dapat kumukuha ng shift ang doktor pero ipinagpilitan ito mismo ni Norman.Matapos maghugas ng kamay at magpalit ng damit, nakita niyang pumasok si Alex sa opisina niya. “Pasensya ka na, Alex. Maghapon ka ng naghihintay. Pwede na tayong umalis.”Ngumiti lang si Alex at nakahalukipkip ang mga kamay sa bulsa ng pantalon. “Okay lang. Trabaho ko ‘yon. Tsaka, walang nagmamadali, Nat. Paparating na rin si sir dito.”“Ano kamo?” Saglit na natigilan si Natalie. At nang maunawaan ang sinabi ni Alex, bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Paparating siya dito?”“Oo, ‘yon ang sabi niya.”Umupo siyang muli, banayad at magaan ang boses niya. “Kung ganoon,

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 380

    Matapos maligo at ayusin ang sarili, pinagsabay na lang ni Natalie ang agahan at tanghalian bago kinuha ang bag niya at lumabas. Pagdating niya sa bungad ng mansyon, isang nakangiting mukha ang bumungad sa kanya.“Magandang umaga, Nat!” Masiglang bati ni Alex sa kanya. “Ang sabi ni sir, simula ngayon, ako na ang sasama sayo tuwing lalabas ka.” At para hindi isipin ni Natalie na magiging anino siya nito, agad itong nagdagdag, “huwag kang mag-alala, hindi ako magiging istorbo. Ituring mo na lang akong driver mo—karamihan ng oras, hindi mo man lang mapapansin na nariyan ako. Promise.”Alam na ni Natalie ang tungkol dito dahil nabanggit na ito sa kanya noong nakaraan at pumayag siya dahil para din naman iyon sa kaligtasan niya. Pero hindi siya sanay na may umaali-aligid sa kanya at hindi rin magandang tingnan sa ospital na may bodyguard siya.“Maaasahan kita, ha?” sagot niya dito ng may ngiti.“Walang problema. Sige, sakay na.”“Okay.”**Sa Ospital.Pagdating sa outpatient department, ag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 379

    “Ganun lang? Direkta lang niyang inamin? Hindi man lang siya nag-deny o nagalit dahil nagtatanong ako?” Saglit na napako si Natalie.Hindi si Mateo ang tipo ng lalaking basta na lang nagkukwento tungkol sa nararamdaman niya—lalo na tungkol sa pag-ibig. Para aminin niya ito nang ganito ka-dali…Ibig sabihin, napaka-espesyal ng babaeng iyon.Hindi niya napigilan ang sarili, pakiramdam niya ay hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya natatanong ang pinaka-importanteng tanong. “Sino siya?” At bago pa niya namalayan, sunod-sunod ng lumabas ang mga tanong mula sa kanya. Parang may sariling buhay ang bibig niya. “Kilala ko ba siya? O nakita ko na siya dati? Nasaan na siya ngayon? Anong nangyari sa inyo?”Nakakapagtaka.Matagal na silang magkasama ni Mateo bilang mag-asawa, pero bukod kay Irene wala naman siyang ibang babaeng nakikita sa paligid nito kaya isa iyong palaisipan sa kanya. Kahit bago pa niya ito makilala, walang mga balitang may babaeng na-involve sa kanya. Sa impluwensya ng pa

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 378

    Tahimik na pinagmamasdan ni Antonio ang lahat ng nagaganap—masaya siya dahil tama ang desisyon niya—mula ng dumating si Natalie sa buhay ng apo niya, madaling makita na muli itong nagkaroon ng buhay. Hindi na lang ito parang robot na basta na lang gumagalaw ayon sa dapat nitong gawin.Lahat ng ginagawa niya ay para sa kabutihan ng nag-iisang apo niya at noon pa man, alam na niya na si Natalie ang makakabuti sa kanya at hindi ang pipitsuging artista na ‘yon. Kaya naman ginawa niya ang lahat para lang matuloy ang pagpapakasal ng dalawa kahit pa siya ang lumabas na masama sa paningin nito noong umpisa. Tiniis ni Antonio ang lahat ng iyon para lang matiyak na mapupunta si Mateo kay Natalie—at ngayon, nagawa na niya ang kalahati ng misyon niya.“Okay na ako, mga apo.” Nang masigurong maayos na ang lahat, kumaway siya bilang hudyat ng pagpapaalam. “Pwede na kayong umalis. Kailangan ko na ring magpahinga. Tumatanda na talaga ako. Hindi na kaya ng katawan ko ang mahabang biyahe.”“Kaya nga po

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 377

    “Nat, tapos na ako. hindi ka ba magbabanyo?”Boses iyon ni Mateo mula sa loob ng banyo. Agad na natauhan si Natalie mula sa panandaliang pagkatulala at mabilis na sumagot. “Ah, okay! Hindi na!”Kahit na nagulat siya, nagawa pa rin niyang ibalik ang cellphone nito mula sa orihinal na pwesto. Pero nilamon na siya ng kuryosidad, kailangan niyang malaman kung tama ang hinala niya--dimapot niya ulit ang cellphone at mabilis na tinipa ang birthday ni Irene habang nagdadasal na mali siya.‘Incorrect password’Para lang makasiguro, tinipa niya din ang pangalan ni Irene pati ang apelyido nito—incorrect password pa rin. Sa hindi maipaliwanag na dahilan—nakahinga siya ng maluwag. Ang malamang hindi konektado kay Irene ang password ni Mateo ay nagbigay sa kanya ng ibang klase ng kapanatagan. Kapanatagan na hindi naman niya alam na kailangan noong una.Paglapag niya ng cellphone sa mesa, sakto naman na lumabas na si Mateo at agad na hinawakan ang kamay niya. “Tara na? Gutom na ako, eh.”“A-ako rin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status