Share

KABANATA 42   

Auteur: Lin Kong
last update Dernière mise à jour: 2024-09-11 14:32:21
Nasa art exhibit na sina Irene at Mateo. Maraming tao at gaya ng inaasahan ng babae, mababato siya doon. Hindi rin maganda ang mood ni Mateo. Pinapasadahan ng mga tingin ni Mateo ang iba’t-ibang uri ng paintings na  naka-display doon.

Naroroon man ang pisikal niyang katawan, ang isipan naman niya ay wala sa exhibit na iyon. Sa bawat painting na pinagmamasdan niya, ang imahe ni Natalie na nakangiti kanina at walang pakialam ay paulit-ulit niyang nakikita.

“Mateo,” tinabig na siya ni Irene para mapansin niya ito. May pag-aalala sa mga mata nito. “Trabaho pa din ba ang iniisip mo? O masakit ang sugat mo?”

“It’s neither, Irene.” Hindi na napigilan ni Mateo ang sarili.

“What?”

Walang pakialam si Natalie sa kaniya. Pero bakit tila apektado siya. Oo, mag-asawa sila, pero alam nilang pareho kung ano lang ang namamagitan sa kanila. Mag-asawa sila sa papel. At malapit ng magtapos ang relasyon nilang iyon. Si Irene ang kasama niya at siya ang babaeng gusto niyang makasama hanggang pagta
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (40)
goodnovel comment avatar
Maila Famanila Pacheco
patuloy no lang mateo
goodnovel comment avatar
Monira Villar
kaya nga teh kasi nung nakita ni Mateo yung picture ng album ng kababata ni Nathalie naging pamilyar siya dun sa picture baka nga talagang si Mateo nga ang childhood ni Natnat
goodnovel comment avatar
Monira Villar
NAKAKAKILIG TALAGA!!!yung tipong kasama niya si Irene sa isang exhibit pero yung utak niya na kay Nathalie tapos binilhan pa niya ng napakamahal na painting tapos sobrang gandang-ganda pa siya kay Nathalie kahit na simple lang ang itsura,at inaya niya pa sa isang dinner?hays sofer extreme kilig tala
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Related chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 43  

    “Ako? Iniimbitahan mo akong mag-dinner?” Hindi talaga magawang maintindihan ni Natalie kung ano ang trip ni Mateo kahit anong pilit niya. “Hindi ka na pwedeng lumabas, Mateo. Unang-una, lumabas ka na kanina para makipag-date sa nobya mo. Pinalampas ko na iyon, dahil sabi mo importante iyon. Pero bilang doktor mo, hindi ako pwedeng lumabas kasama ka. Paglabag iyon sa code of conduct ko.” “Nat, marami tayong dapat na pag-usapan.” Naging seryoso ito. “Ang sagot lang sa tanong ko ay oo o hindi.” Napalunok si Natalie. “Kakain lang naman, diba?” Hindi magawang tumanggi ni Natalie lalo na at naging seryoso na ito. Bukod pa doon ay may bahagi ng pagkatao niya na gustong malaman kung bakit siya niyaya nitong mag-dinner. Pakiramdam niya ay importante ang gabing ito. “Pumapayag ka na?” Muling tanong nito. “Oo nga.” Sumilay ang tipid na ngiti sa labi nito. “Okay, magkita na lang tayo mamaya sa kwarto ko. Ayaw mo namang paalisin ako ulit ng ospital.”  … Ang kwarto ni Mateo Garcia a

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 44

    “Hmm,” napansin n ani Irene ang nakahandang mesa. May dalawang plato, kaya kunot ang noo nito nang tanungin ang nobyo. “May ibang tao ba dito?” Hindi naman kasi alam ni Mateo na maka-cancel ang shooting nito ngayong gabi. Lalong hindi naman para kay Irene ang hinanda niyang dinner. Kung alam lang niya, sana pala ay nagpumilit na lang siya na sa labas na lang sila maghapunan ni Natalie. Naiinis siya sa pagsulpot nito ng walang pasabi. Pero hindi naman niya pwedeng sabihin ang totoo kaya kailangan niyang makaisip agad ng kapanipaniwalang rason. “Para sa amin ni Isaac yan. Hindi pa lang siya dumarating.” “Oh, I see.” Tsaka pa lamang nakahinga ng maluwag si Irene. Ang una niyang inisip ay baka may babaeng kasama si Mateo at kakain pa lang sila. Mabuti na lang at si Isaac lang pala ang kasama nitong kumain. Humila siya ng isa pang upuan. “Alam mo, boring kumain nang kayo lang. Samahan ko na kayo, okay?” Nanatiling nakatayo si Mateo, napansin na naman ito ni Irene. “Ayaw mo bang umup

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 45

    Nakahawak pa din si Mateo sa kamay ni Natalie. Gusto na niyang umalis pero hindi niya magawa. “'yong kamay ko…pwede pakibitawan tsaka, pwede na ba akong umalis? May lakad ako.” “Saan?” Nakasimangot na ang lalaki at hindi nagustuhan ni Natalie ang tono ng pananalita nito. Hindi niya maitago sa mukha ang disgust sa inaasta ni Mateo. “Teka, bakit ka nagmamaasim dyan? Eh, ikaw ‘tong nagyayang maghapunan tapos pinapasok mo ako sa banyo ng humigit kumulang isa o dalawang oras. Diba, dapat ako ang magalit?” Nagulat si Mateo at wala siyang naisagot. Hindi din niya alam bakit bigla na lang nawala ang pasensya niya at nagalit siya gayong tama naman ito dahil sino nga naman ang hindi magagalit kapag pinapasok ka sa banyo para magtago? Nabigla siya ng mga oras na iyon at aminado siyang mali ang ginawa niya. “Hey,” sabi ni Natalie sa kaniya. “Hindi naman ako galit. Naiintindihan ko. Natural na maging ganoon ang reaksyon mo. Priority lagi dapat ang girlfriend kaya no worries.” Para kay M

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 46

    Wala pa ding sagot si Natalie. Namumutla lang ito na tila nawalan ng dugo ang balat. Nakaramdam ng simpatya si Mateo para sa babae. Nainis din siya sa sarili dahil sa sobrang galit niya ay kung ano-ano ang nasabi niya. “Ayos ka, Mateo. Bakit mo kailangang magsalita ng masasakit kapag dismayado ka?” Puna niya sa sarili. “Nat…”nagsisisi siya sa mga sinabi pero hirap siyang humingi ng tawad. “Hindi ko sinasadya. A-ang ibig kong sabihin…” “Tama ka.” Ngumiti si Natalie. “May bastardo nga sa tiyan ko. Ang mga taong kagaya ko ay hindi nararapat na pagtuunan ng pansin ng mga kagaya mo. Huwag kang mag-alala, Mateo. Hindi naman namin kailangan ng tulong mo.” Nagbukas ang elevator at mabilis na lumabas ang babae kahit hindi niya floor iyon. “Natalie!” Hindi na niya naabutan pa ito. Sa inis niya sa sa sarili, nasuntok ni Mateo ang elevator. Halo-halong emosyon ang nanaig sa kaniya. Sa palagay niya ay malalagutan siya ng hininga. Kinahapunan, nagrounds si Natalie sa kwarto ni Mateo per

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 47

    Nagsisimula nang bumalik ang ulirat ng matanda at nang makita nitong si Natalie ang nasa tabi niya, nangilid ang mga luha nito. Naintindihan ni Natalie ang ibig nitong sabihin. “Ayos lang po si Mateo. Alam ko po ang naging kalagayan niya. Ako po mismo ang tumitingin sa kaniya sa ospital na ito. Huwag na po kayong masyadong mag-alala sa kaniya.” Ipinikit muli ni Antonio ang mga mata niya. Bakas sa mukha nito na hindi na ito nagaalala ng malamang maayos ang apo. Hindi namalayan ni Natalie na nasa likod na niya si Mateo. Tinabihan nito ang lolo at hinawakan ang isa pa nitong kamay. “Lo, nandito na po ako…see? I’m fine.” Gustong magsalita ng matanda ngunit garalgal na tinig lamang ang naririnig ng dalawa. Muli na namang nagalala si Mateo para sa lolo. “A-ano pong kailangan niyo?” Ang sumunod na ginawa ng matanda ay malinaw para kina Mateo at Natalie. Dahil hindi ito nakakapagsalita, marahan nitong hinila ang mga kamay nilang hawak niya sa kamay at pinag-isa. Gusto nitong maging maa

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 48   

    Umiling si Natalie. Kailan man ay hindi niya magagawang sumuka sa kamay nino man. Pero sukang-suka na siya. Anumang oras ay mailalabas na niya ang kanina pa niya pinipigilang mangyari. “Dali na, Nat!” Utos ni Mateo sa kaniya. Hindi na nga nagawang pigilan pa ni Natalie ang suka niya. Nagsuka siya at sinalo iyon ng mga nakaabang na kamay ni Mateo. Pati ang suoy nitong jacket ay nasukahan niya. “S-sorry…” hingal niyang sabi, namumutla pa din ito. “Okay lang.” Tinanggal niya ang jacket na suot at itinapon sa nakitang basurahan sa sulok. “Maghuhugas lang ako.” Nang bumalik ito, basang-basa ang suot nitong damit. Napansin ni Natalie na hindi suot ni Mateo ang t-shirt na ginawa niya para dito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya ngunit hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan iyon. Nasukahan niya si Mateo. Ano na lang ang iisipin ng lalaki kung itatanong niya ang t-shirt? “Kamusta ang pakiramdam mo, Nat?” Nasa tapat niya si Mateo at may bahid ng pag-aalala sa

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 49  

    “Hindi ko alam. Pwedeng hindi niya alam o pwede ding alam niya pero ayaw lang niyang maging responsableng ama. Pwede ding wala kang itinama.” Ang tanong na galing kay Mateo ay ikinagulat ni Natalie. Bigla-bigla na lang kasi itong nagtatanong. Paano nga naman niya masasagot ang tanong na iyon kung sa una pa lang ay hindi naman niya kilala ang ama ng bata? Ang sinagot sa kaniya ni Natalie ay nagpalaki ng mga mata ni Mateo. Naisip niyang napakawalang-kwenta naman pala ng lalaking iyon. Hindi maituturing na matinong lalaki ang mga lalaking ganoon ang prinsipyo sa buhay. “So…'yon na ‘yon? Magkakaanak ka na, Nat…” Napahawak si Natalie sa tiyan niya. Hindi pa niya sigurado kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa ngayon, iisa lang ang sigurdo niya…walang kasalanan ang bata kaya wala siyang karapatan na sisihin ito  sa kung ano man ang magiging takbo ng buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Napakaraming nakataya. Alam din niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mateo. Sa ngayon ay iniisi

    Dernière mise à jour : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 50  

    Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat

    Dernière mise à jour : 2024-09-11

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 306

    Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 305

    Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 304

    Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 303

    Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 302

    “Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status