Share

KABANATA 41  

Penulis: Lin Kong
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-11 14:32:21
“Anong ginawa ni Natalie at bakit may regalo siya sa akin? Bakit nag-iba yata ang ihip ng hangin?” Tanong ni Mateo sa sarili. Nagulat siya dahil sa huling sinabi ng babae. Tsaka niya tiningnang muli ang t-shirt na bigay nito. “Ikaw ang nagtahi nito?”

“Um…oo…”

Hindi maintindihan ni Natalie kung bakit ganoon ang reaksyon ni Mateo. Kung bakit parang gulat na gulat ito na kaya niyang gumawa ng damit. Kung sabagay, iilan lang naman ang nakakaalam ng tinatago niyang talento. Ang namayapa niyang ina ay isang magaling na fashion designer. May studio ito dati, noong maliit pa si Natalie, madalas niyang pinapanood ang ina habang nagtatahi ito gamit ang mga kamay.

Kahit na maaga itong nawala, naituro na ni Emma ang mga basic skills ng pananahi sa anak. Magaling si Natalie, marahil ay namana nga niya ang galing ng ina. Ang pananahi ng simpleng t-shirt ay madali para sa kaniya.

Tahimik lang si Mateo pero sa loob-loob niya---talagang nasupresa siya. Hindi niya lubos akalain na ginawa ito ng
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (34)
goodnovel comment avatar
Remedios Rivera
kabNata 200
goodnovel comment avatar
Teng Paculdas
bkit kya pare pareho ang story iba lang ang pangalan ng tao bkit karamihan.lalaki mayayaman sobra sana maiba din ibang story ninyo
goodnovel comment avatar
Monira Villar
sa wakas May paki na din si Mateo kay Nathalie kinikilig ako tuwing nababasa ko yung pagkakaintindihan at mga malumanay na pag-uusap nila lalo na yung binigay ni Nathalie yung tshirt kay Mateo tapos ipinagdamot yun ni Mateo kay Isaac.nakakakilig!EXTREME KILIG TALAGA AKO DUN!!!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 487

    “Gusto niyang hawakan ang kamay ko? Anong klase ng kahibangan ang pumasok sa kokote nito? Nasiraan na ba ng bait ang lalaking ito? Seryoso ba siya? Ginising at tinakot niya ako para lang makipag-holding hands?”Wala sa plano ni Natalie na pagbigyan ang kabaliwang ito dahil naistorbo ang mahimbing niyang tulog. “May sasabihin ka ba talaga, o pwede na akong bumalik sa loob, inaantok ako, alam mo ba ‘yon? Papasok na ako—”Pero bago pa siya makatapos, lumapit na si Mateo at hinawakan ang isang kamay niya, at bigla siyang hinila palapit sa dibdib nito. Marahan ngunit may awtoridad.Muntik na siyang matapilok mabuti na lang at nakabawi siya sa pagbabalanse at nasalo rin siya kaagad ng lalaki. Nakadikit na siya sa katawan nito, at ng lingunin niya ang lalaki, nagulat siya ng makitang mahigpit ng nakalock ang dalawa nilang kamay—magkakabit ang mga daliri.“Nasiraan ka na ba ng ulo?” Singhal niya habang nagpupumiglas. “Muntik na akong matumba!”“Sa tingin mo ba, hahayaan kong mangyari ‘yon? Ts

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 486

    Hindi siya dumiretso sa apartment dahil iba ang naisip niyang gawin. Total bakante naman siya. Halos punuan na ang sinakyang bus ni Natalie pero dahil may nakapansin sa lumalaki niyang tiyan, may nagmagandang loob na paupuin siya—pupuntahan niya si Justin. May isang linggo na rin silang hindi nagkikita ng kapatid.Pagdating niya, abala si Nora sa pag-aayos ng silid nito. Nang makita siya ng babae, agad na nagliwanag ang itsura nito. Iginala ni Natalie ang kwarto ng kapatid at napansin niyang masinop ang nakuhang yaya ni Mateo para kay Justin.“Ay! Kabayo! Mrs. Garcia, nandito pala kayo. Pasensya na at magugulatin talaga ako. Lagi nga akong pinagtatawanan ni Justin.”“Mm. Nasaan na siya?”Itinuro ni Nora ang silid ni Justin at binaba ang boses. “May counseling session sila ngayon ni Doc. Mas mabuting huwag muna tayong manggulo—maupo na lang po muna kayo.”“Sige.”Nagdala ng tubig si Nora at ngumiti habang inaabot ito sa kanya. Likas na palakwento ang yaya ni Justin kaya siguro magkasu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 485

    Natawa si Rigor, puno ng kawalang magawa. Alam niya kung ano ang iniisip ng anak niya dahil ilang beses na silang napunta sa ganitong pag-uusap. “Huwag kang mag-alala. Wala akong hinihinging kapalit sa pagtanggap mo nito.”Yun nga ang problema para kay Natalie. Kapag tinanggap niya ito—wala na raw kondisyon, walang hinihingi, walang kapalit…hindi niya maiwasan na isipin kung kaya ba talaga nitong magbigay ng walang kapalit?Kung pwede bang totoo ito?Hindi makapaniwala si Natalie. Totoong karapatan nila ni Justin ang mga inaalok nito dahil anak sila ni Rigor at sa mata ng batas, Dahil sa nakaraan nito at sa maraming beses na pinilit siya nito, may karapatan siyang magduda. Kailangan niyang magtanong at normal ang magdalawang-isip para sa isang anak na kinawawa noon.“Tigilan mo na ang paglalaro, Rigor. Hanggang dito na lang ang pag-uusap na ‘to. Kung alam ko lang na papupuntahin mo lang ako dito para ipagpilitan ang isang bagay na tinanggihan ko na noon pa man, sana pala, itinulog ko

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 484

    Galit na galit talaga si Mateo at hindi maiwasang isipin ni Natalie na may kinalaman ito sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung bakit magkakaroon ng dahilan na wasakin ni Mateo si Dr. Yu kundi siya.“Nat,” nag-alinlangan si Alex ng matagal bago tuluyang lakasan ang loob para magsalita. “Alam kong hindi ako dapat nakikialam. Pero sa totoo lang, lahat kami naniniwalang mahal ka talaga ni sir. Totoong-totoo ang pagtrato niya sayo.”“Mm.” Tumango si Natalie. Hindi niya iyon itinanggi dahil alam niyang basehan iyon. “Oo, mabait siya sa akin,” aminado s iya. “Pero hindi lang naman ako ang tinatrato niya ng mabuti. Hindi ba mas lalo pa niyang inaalagaan si Irene? Sa totoo lang… sa tingin ko, mas higit pa.”Kinagat na lang ni Alex ang dila niya.**Kinabukasan, day off ni Natalie. Buong linggo niyang hinintay ang isang araw na pahinga. Sa wakas, makakapag-relax din siya. Natulog siya ng mahaba at nagising ng halos tanghali na. Nasa apartment pa rin siya ni Nilly. Bag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 483

    Napatingin Natalie sa flyer na hawak niya. Tinitigan niya iyon ng maigi. Bukod sa mga kinalat na flyers, may mga ganoon din. Kung sino man ang may pakana ng paglabas ng lahat ng iyon ay may budget. Ang hinala niya, maaaring ang isa sa mga legal na asawa. Tinitigan niya iyon ng maigi. Sa totoo lang, ‘yung mga lalaki ni Dr. Yu—hindi naman sila pangit. Masama lang ang ginawa niya, pero kahit papaano, maganda ang panlasa niya. Masasabi niyang may taste ito sa mga lalaki.Binubuklat pa lang niya ang mga pahina ng biglang may anino sa harap niya—ipinikit niya ang mga mata, hindi siya handa sa presensya nito pero amoy mint at cologne… alam na agad niya kung sino ‘yon kahit na hindi pa siya magtaas ng tingin.Ang buong akala ni Natalie, malilibre ang araw niya dahil hindi nagparamdam sa kanya ang lalaki simula kagabi ng ihatid siya nito sa apartment unit ni Nilly. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang, naintindihan din nito sa wakas na tapos na siya.Pero narito ito ulit.Inagaw nito ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status