Share

KABANATA 484

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-09-26 17:22:56

Galit na galit talaga si Mateo at hindi maiwasang isipin ni Natalie na may kinalaman ito sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung bakit magkakaroon ng dahilan na wasakin ni Mateo si Dr. Yu kundi siya.

“Nat,” nag-alinlangan si Alex ng matagal bago tuluyang lakasan ang loob para magsalita.

“Alam kong hindi ako dapat nakikialam. Pero sa totoo lang, lahat kami naniniwalang mahal ka talaga ni sir. Totoong-totoo ang pagtrato niya sayo.”

“Mm.” Tumango si Natalie. Hindi niya iyon itinanggi dahil alam niyang basehan iyon. “Oo, mabait siya sa akin,” aminado s iya. “Pero hindi lang naman ako ang tinatrato niya ng mabuti. Hindi ba mas lalo pa niyang inaalagaan si Irene? Sa totoo lang… sa tingin ko, mas higit pa.”

Kinagat na lang ni Alex ang dila niya.

**

Kinabukasan, day off ni Natalie. Buong linggo niyang hinintay ang isang araw na pahinga. Sa wakas, makakapag-relax din siya. Natulog siya ng mahaba at nagising ng halos tanghali na. Nasa apartment pa rin siya ni Nilly.

Bag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (171)
goodnovel comment avatar
Emelyn Yango
kailan kaya ggaganda ang ending napaka haha na.1 taon na ako nagbabasa nito.wala pa endings dami ko nabasa na tapos na
goodnovel comment avatar
Terry Hallazgo
hala bakit wala parin update sa next episode
goodnovel comment avatar
Rossana Magbanua Nufable
may kasunod pa ba
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 485

    Natawa si Rigor, puno ng kawalang magawa. Alam niya kung ano ang iniisip ng anak niya dahil ilang beses na silang napunta sa ganitong pag-uusap. “Huwag kang mag-alala. Wala akong hinihinging kapalit sa pagtanggap mo nito.”Yun nga ang problema para kay Natalie. Kapag tinanggap niya ito—wala na raw kondisyon, walang hinihingi, walang kapalit…hindi niya maiwasan na isipin kung kaya ba talaga nitong magbigay ng walang kapalit?Kung pwede bang totoo ito?Hindi makapaniwala si Natalie. Totoong karapatan nila ni Justin ang mga inaalok nito dahil anak sila ni Rigor at sa mata ng batas, Dahil sa nakaraan nito at sa maraming beses na pinilit siya nito, may karapatan siyang magduda. Kailangan niyang magtanong at normal ang magdalawang-isip para sa isang anak na kinawawa noon.“Tigilan mo na ang paglalaro, Rigor. Hanggang dito na lang ang pag-uusap na ‘to. Kung alam ko lang na papupuntahin mo lang ako dito para ipagpilitan ang isang bagay na tinanggihan ko na noon pa man, sana pala, itinulog ko

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 484

    Galit na galit talaga si Mateo at hindi maiwasang isipin ni Natalie na may kinalaman ito sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung bakit magkakaroon ng dahilan na wasakin ni Mateo si Dr. Yu kundi siya.“Nat,” nag-alinlangan si Alex ng matagal bago tuluyang lakasan ang loob para magsalita. “Alam kong hindi ako dapat nakikialam. Pero sa totoo lang, lahat kami naniniwalang mahal ka talaga ni sir. Totoong-totoo ang pagtrato niya sayo.”“Mm.” Tumango si Natalie. Hindi niya iyon itinanggi dahil alam niyang basehan iyon. “Oo, mabait siya sa akin,” aminado s iya. “Pero hindi lang naman ako ang tinatrato niya ng mabuti. Hindi ba mas lalo pa niyang inaalagaan si Irene? Sa totoo lang… sa tingin ko, mas higit pa.”Kinagat na lang ni Alex ang dila niya.**Kinabukasan, day off ni Natalie. Buong linggo niyang hinintay ang isang araw na pahinga. Sa wakas, makakapag-relax din siya. Natulog siya ng mahaba at nagising ng halos tanghali na. Nasa apartment pa rin siya ni Nilly. Bag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 483

    Napatingin Natalie sa flyer na hawak niya. Tinitigan niya iyon ng maigi. Bukod sa mga kinalat na flyers, may mga ganoon din. Kung sino man ang may pakana ng paglabas ng lahat ng iyon ay may budget. Ang hinala niya, maaaring ang isa sa mga legal na asawa. Tinitigan niya iyon ng maigi. Sa totoo lang, ‘yung mga lalaki ni Dr. Yu—hindi naman sila pangit. Masama lang ang ginawa niya, pero kahit papaano, maganda ang panlasa niya. Masasabi niyang may taste ito sa mga lalaki.Binubuklat pa lang niya ang mga pahina ng biglang may anino sa harap niya—ipinikit niya ang mga mata, hindi siya handa sa presensya nito pero amoy mint at cologne… alam na agad niya kung sino ‘yon kahit na hindi pa siya magtaas ng tingin.Ang buong akala ni Natalie, malilibre ang araw niya dahil hindi nagparamdam sa kanya ang lalaki simula kagabi ng ihatid siya nito sa apartment unit ni Nilly. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang, naintindihan din nito sa wakas na tapos na siya.Pero narito ito ulit.Inagaw nito ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status