Share

KABANATA 48   

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2024-09-11 14:32:22
Umiling si Natalie. Kailan man ay hindi niya magagawang sumuka sa kamay nino man. Pero sukang-suka na siya. Anumang oras ay mailalabas na niya ang kanina pa niya pinipigilang mangyari.

“Dali na, Nat!” Utos ni Mateo sa kaniya.

Hindi na nga nagawang pigilan pa ni Natalie ang suka niya. Nagsuka siya at sinalo iyon ng mga nakaabang na kamay ni Mateo. Pati ang suoy nitong jacket ay nasukahan niya.

“S-sorry…” hingal niyang sabi, namumutla pa din ito.

“Okay lang.” Tinanggal niya ang jacket na suot at itinapon sa nakitang basurahan sa sulok. “Maghuhugas lang ako.”

Nang bumalik ito, basang-basa ang suot nitong damit. Napansin ni Natalie na hindi suot ni Mateo ang t-shirt na ginawa niya para dito. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pagkadismaya ngunit hindi iyon ang tamang oras para pag-usapan iyon. Nasukahan niya si Mateo. Ano na lang ang iisipin ng lalaki kung itatanong niya ang t-shirt?

“Kamusta ang pakiramdam mo, Nat?” Nasa tapat niya si Mateo at may bahid ng pag-aalala sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (33)
goodnovel comment avatar
Smiley Miles
Nakakagigil talaga c mateo ...
goodnovel comment avatar
Jill Tabarangao Vidal
pano kya kung malaman nia n siya pla ang tatay ano kya ang gagawin nia
goodnovel comment avatar
Monira Villar
hay nako talaga Mateo hanggang ngayon hindi mo pa din alam,sana kasi lumaki na tiyan ni Nathalie tapos manganak na tapos yung anak nila ni Mateo kamukhang kamukha dapat ni Mateo para malaman na niya na anak nila yun ni Nathalie
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 49  

    “Hindi ko alam. Pwedeng hindi niya alam o pwede ding alam niya pero ayaw lang niyang maging responsableng ama. Pwede ding wala kang itinama.” Ang tanong na galing kay Mateo ay ikinagulat ni Natalie. Bigla-bigla na lang kasi itong nagtatanong. Paano nga naman niya masasagot ang tanong na iyon kung sa una pa lang ay hindi naman niya kilala ang ama ng bata? Ang sinagot sa kaniya ni Natalie ay nagpalaki ng mga mata ni Mateo. Naisip niyang napakawalang-kwenta naman pala ng lalaking iyon. Hindi maituturing na matinong lalaki ang mga lalaking ganoon ang prinsipyo sa buhay. “So…'yon na ‘yon? Magkakaanak ka na, Nat…” Napahawak si Natalie sa tiyan niya. Hindi pa niya sigurado kung ano ang susunod niyang hakbang. Sa ngayon, iisa lang ang sigurdo niya…walang kasalanan ang bata kaya wala siyang karapatan na sisihin ito  sa kung ano man ang magiging takbo ng buhay niya dahil sa pagbubuntis niya. Napakaraming nakataya. Alam din niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Mateo. Sa ngayon ay iniisi

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 50  

    Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.” Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?” Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na bukod doon. Hindi rin naman niya magawang saktan ito. Nakahinga ng maluwag si Mateo. Pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik sa narinig. Napangiti siya. Alam niyang hindi matitipuhan ni Natalie ang lalaki pero may bahagi ng puso niya na nagaasam na may marinig pang iba. Nagsalita ulit si Natalie kaya nakinig siya ulit. “May iba kasi akong gusto, Dom.” “Ha?” Halos mapasigaw ito sa narinig. “Bakit hindi ko alam? Wala ka namang nobyo…alam ng lahat ‘yon. Teka, kilala ko bai to? Kaklase ba nat

    Last Updated : 2024-09-11
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 51

    Sa Tagaytay…Dalawang araw na si Natalie roon. Ang International Medical seminar para sa taong iyon ay ginanap sa isa sa mga pinakaaasam niyang mapuntahan. Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na sumama sa kanyang professor. Si Doktor Norman Tolentino ay ang napiling keynote speaker at bilang estudyante nito, kinailangan niyang samahan ang professor niya bilang assistant nito. Tapos na ang morning session at naghahanda na lang sila para sa closing program at para makauwi na sila nang makatanggap si Dok Norman ng isang importanteng tawag. “Hello? Ah, ganoon ba? Tapos na… Pauwi na kami. May hinihintay lang. Sige… Pabalik na ako,” tugon ni Norman sa kausap sa cellphone. Binalingan nito si Natalie na tahimik na nakikinig lamang. “Dok Natividad, tumawag ang ospital. May urgent cardiopulmonary transplant surgery roon at kailangan kong bumalik. Walang ibang doktor na pwedeng gumawa noon.” “Sige po, dok.” Tumayo si Natalie. “Kukunin ko lang po ang mga gamit ko.” Ngumiti ito, “Dito ka

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 52  

    Ito ang unang beses na nag-post si Natalie simula nang naging friends sila sa facebook. Napatingin si Drake sa labas ng bintana ng kwarto niya. Ang alam kasi niya ay may paparating na bagyo ngayong gabi at nasa Tagaytay si Natalie magisa. Ang balak niyang pagpapahinga ay naunsyami. Agad niyang pinulot ang coat at susi ng sasakyan niya. Hindi na niya napansin ang ina na nagtatapyas ng mga dahon ng mga halaman nito. Ito na ang pinagkakaabalahan nito ngayon. “Drake, aalis ka?” Napaismid si Drake. “Ma, malaki na ako. Siguro naman hindi ko na kailangan humingi ng permiso sa tuwing aalis ako.” “Hindi naman sa ganon,” napahiyang sagot ni Amanda sa anak. “Ang ibig ko lang sabihin ay masama ang panahon. Tsaka, hindi yata nabanggit ng papa mo pero may mga inimbitahan siyang kumpare para maghapunan dito mamaya.” “Talaga ba, ma? Mga kumpare niya na bitbit ang mga anak nilang babae?”Buhat ng bumalik siya ay hindi na tumigil ang mga magulang niya sa kakaimbita ng mga kakilala para mag-ha

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 53  

    Hindi nagtagal ay napuno ang lamesa nila ng samu’t-saring pagkain. Ni hindi man lang tinikman ni Natalie ang ibang mga putahe na nasa harapan niya. Pasensiyosa niyang hinintay ang inorder niyang bulalo at fruit salad. “Ma’am, andito na po ang bulalo niyo,” sabi ng waiter habang inihahain ang pagkain niya. Namutawi ang malapad na ngiti sa mga labi ni Natalie. Dinampot niya ang kubyertos at mukhang takam na takam. “Mmm! Ang bango!” Walang ano-ano ay hinila ni Irene ang bowl ng bulalo papunta sa kanya. “Mukhang masarap ‘to, ha! Nagutom tuloy ako!” Parang nakalimutan ni Irene na order iyon ni Natalie. Sa lahat ng mga pagkain, iyon ang inaabangan ng doktora. Tila, walang pakialam si Irene. Imbis na makaramdam ay sumandok pa ito at kinain ang taba ng baka sa pinakabuto nito. “Ay, ang sarap,” komento pa nito. Hindi pa nasiyahan ay humigop pa ito ng sabaw. “Mateo, come on. Tikman mo. Ang sarap, grabe! Talaga namang pambato ng Tagaytay ang bulalo!” Imbes na matuwa sa paanyaya ni Ire

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 54

    Walang balak si Natalie na makita ang paglalambingan ng dalawa. Matapos niyang titigan ng isang beses pa sina Mateo at Irene ay umalis na siya. Mula sa restaurant ay may kalayuan ang lobby ng hotel pero mabilis na narating iyon ni Natalie. Napaupo siya sa malambot na sofa at mabilis na nagkahungkat sa bag niya. Napasinghap siya ng mahanap ang isang chocolate chip cookie na alam niyang dala-dala sa bag. Napatigil siya ng maalala na iyon pa ang chocolate cookie na bigay ni Drake sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang gabing iyon dahil kasama ni Drake ang nobya niya. Alam ni Natalie na hindi siya mabubusog sa chocolate cookie na iyon pero mas mainam na may source of energy siya kesa wala. Agad niyang pinunit ang wrapper at kinain iyon. Mas malakas na ang ulan ngayon na sinamahan pa ng humahampas na hangin. Malamig sa Tagaytay pero dahil sa bagyo ay dumoble ang lamig.Lumabas na rin ng restaurant sina Mateo at Irene at madadaanan nila ang lobby. Mabilis na nakita ni Mateo si Natalie n

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 55

    “What if, mag-share na lang tayong dalawa ng kwarto, Dok Natalie?” nakangiting tanong ni Irene sa doktora. “Abalang tao si Mateo at kahit wala sa opisina ay nagtatrabaho siya. Bukod pa roon ay masikip para sa tatlong lalaki ang isang regular room.” May punto naman ito kaya hinitay ni Mateo ang pasya ni Natalie. “Ano sa palagay mo? Tama siya.”Ang balak sana ni Natalie ay tahasang tumanggi sa ideyang ito. Mas gugustuhin niyang matulog sa sofa ng lobby kesa makasama sa iisang kwarto ang kapatid. Bago pa man siya makapagbigay ng sagot ay napahiyaw na sa tuwa si Irene. “Ayan, roomies tayo tonight, Dok!” Hindi nakaligtas kay Mateo ang pagdadalawang isip niya kaya binulungan siya nito. “Isipin mo ang katawan mo.” Naging mas malamig ang panahon at mukhang matatagalan pa bago humupa ang bagyo. Kung magiging matigas siya at ipipilit niyang manatili sa lobby, malaki ang posibilidad na magkasakit siya. Napangiwi si Natalie. Tinitimbang niya ang kapasidad niyang makasama sa isang kwarto a

    Last Updated : 2024-10-14
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 56

    Kahit anong laban ni Natalie sa antok, wala pa rin siyang nagawa nang tuluyan siyang makatulog. Dahil sa pagbubuntis niya, naging takaw-tulog talaga siya. Malamig man sa pwesto niya, napahimbing ang dapat ay idlip lang sana.***Magmamadaling-araw na nang narating ni Drake ang Tagaytay. Kung hindi dahil sa bagyo, malamang ay mas maaga siyang nakarating doon. Nakita niya kaagad ang bintanang pinost ni Natalie sa kanyang update sa facebook kaya doon siya unang nagpunta. Doon ay nakita niya si Natalie na nakahiga sa sofa, nakapamaluktot at bakas sa magandang mukha ang hirap sa sitwasyon niya. Para hindi ito magulat, dahan-dahang lumuhod sa harapan niya si Drake. Pinagmasdan niya ang payapang mukha nito at pinag-isipang mabuti kung gigisingin niya o hindi si Natalie. ‘Think, Drake. Baka mas okay kung buhatin ko na lang siya at kargahin siya sa papunta sa kwarto,’ sambit niya sa sarili. Nang makita niya ang post ni Natalie kanina, nag-book na siya agad ng kwarto. Nabuhat na niya si

    Last Updated : 2024-10-14

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 310

    “Lolo, huwag po kayong magsalita ng ganyan…pakiusap po.” Nanginginig ang boses ni Natalie. Mahigpit niyang hinawakan ang payat na kamay ng matanda. Naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan ang damdamin.Muling nagbalik sa kanyang isipan ang medical records ng matanda---ang prognosis, ang mga plano sa paggamot at ang katotohanang hindi niya matanggap.“Lolo, mabubuhay ka pa ng matagal,” sabi ni Natalie. Pilit niyang pinapanatali ang katatagan sa kanyang tinig. “Kailangan mong mabuhay. Kailangan mong makita akong maging isa sa pinakamagaling na surgeon sa bansa. Kailangan mong makita si Justin na makapagtapos sa Wells. Nangako ka, lolo!”Natawa si Antonio at hinaplos ang ulo ni Natalie. “Tsk, tsk. Napakabait mong bata. Hindi ka pwedeng umiyak. Alam mong ayaw kong umiiyak ka.”Mariing kinagat ni Natalie ang labi niya at mabilis na pinahid ang luha sa kanyang pisngi. “Sino po ang umiiyak? Hindi naman po ako umiiyak, eh.”“Mm, tama.” Tumango ang matanda at kunwaring naniniwala. “Ganyan ka r

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 309

    “Ate!” Sigaw ni Justin ng pumasok ito sa kwarto niya. May ningning agad sa mga mata nito at puno ng pananabik. Ang mga kamay ay yumakap kaagad sa leeg ni Natalie.Ngumiti si Natalie. “May ibibigay ako sayo, Justin.”Inabot niya ang isang brochure mula sa Wells Institute. Maingat naman itong tinanggap ng bata at hinaplos ang cover nito. Hindi man niya lubos na nauunawaan ang kahulugan ng pagpasok niya sa Wells, isang bagay lang ang malinaw kay sa bata niyang isipan---masaya ang ate niya.At kung masaya ang ate niya, ibig sabihin, tama ang ginagawa niya.“Ang galing-galing talaga ng kapatid ko!” Inabutan niya ng nabalatang orange ang bata. “Gantimpala mo ‘yan. Pero sa susunod, ikaw na ang magbabalat, ha?” Masiglang tumango si Justin, halatang proud sa sarili. “Mm! Marunong na kaya ako, ate!”“Talaga? Mabuti naman,” marahang tinapik ni Natalie ang ulo nito. “Sige, kainin mo na.”Habang pinapanood niya ang kapatid, isang kakaibang init ang lumaganap sa kanyang dibdib. Lumalaki na si Just

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 308

    Hindi kailanman inakala ni Rigor na magiging ganito kawalang-puso ang sarili niyang anak. Naging tahimik ang buong silid at isang nakakapanindig-balahibong katahimikan ang bumalot sa kanila. Ang malamig at matalim niyang tingin ay nakatuon kay Irene.“Ulitin mo,” mariin ang bawat bigkas ni Rigor. “Gusto kong ulitin mo ang lahat ng sinabi mo kay Natalie---bawat salita---dito mo sabihin sa harapan ko.”Nanginig ang labi ni Irene, ibinuka niya ang bibig ngunit walang tunog na lumabas. Paano nga naman niya uulitin ang mga sinabi niya sa harapan mismo ng ama?Sinabi lang naman niya ang mga iyon para makumbinsi si Natalie na lumayo kay Mateo. Hindi niya iyon seseryosohin.“Dad…” mahina at basag ang tinig ni Irene pero hindi niya mahanap ang tamang sagot.“Hmph.” Malamig na tumawa si Rigor at umiling. “Hindi mo kailangang ulitin dahil narinig ko naman ang lahat ng malinaw.”Naghahabol ng hininga si Irene, pakiramdam niya ay nauubusan siya ng hangin.Ngunit hindi pa tapos si Rigor. “Sinabi mo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 307

    Kumuha si Natalie ng isang orange mula sa fruit basket at naupo muli, ang kanyang mga daliri ay maingat na nagsimulang magtanggal ng manipis na balat nito. Kumalat sa hangin ang samyo ng prutas habang patuloy siya sa ginagawa---payapa at hindi nagmamadali.Sa harap niya, nakaupo si Irene ng tuwid at mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang designer handbag, halos mamuti na ang mga kasukasuan sa sobrang diin ng pagkapit.“Magsalita ka na, Irene,” udyok ni Natalie ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kausap. Patuloy lang ito sa pagbabalat ng prutas. “Ano ba talaga ang gusto mong pag-usapan natin?”Huminga ng malalim si Irene, para bang nag-iipon ng lakas ng loob. “Narito ako para makipag-usap tungkol kay Mateo.”Tumango si Natalie, walang emosyon sa boses. “Oo, ilang beses mo ng nasabi ‘yan. Ngayon, ano mismo ang gusto mong pag-usapan natin?”Nagdalawang-isip si Irene, kuyom ang kanyang mga kamay sa malambot na balat ng bag bago muling nagsalita para sabihin ang tunay na pakay.“Gust

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 306

    Mula pagkabata nila, hanggang ngayon ay hindi pa niya narinig na magpakumbaba sa kanya si Irene. Halos nagmamakaawa na ito na kitain niya.Nakakatawa iyon para kay Natalie.Talagang mahal na mahal ni Irene si Mateo.May bahagyang kislap ng panunukso sa mga mat ani Natalie. Kasabay ng pasilay ng labi para sa isang maliit na ngiti. Ibinaba niya ang bag sa sofa at naupo, ang tono ng pananalita niya ay sinadya niyang gawing kaswal.“Sorry, pero dadalawin ko si Justin. Hindi ako pwede.”At pagkatapos---ibinaba na niya ang tawag.Kung talagang gusto siyang makita ni Irene, nararapat lang na ito ang kusang lumapit sa kanya at hindi kabaligtaran. Naningkit ang mga mata ni Natalie, kahit paano ay alam na niya kung ano ang aasahan sa susunod na mangyayari.**Sumakay ng bus si Natalie. Hindi siya nagsisinungaling kanina nang sabihin niyang pupuntahan niya si Justin.Tahimik ang naging biyahe niya, maliban sa mahinang ugong ng makina ng bus, at nag-uusap na mga pasahero. Gustuhin man niyang matu

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 305

    Mailap ang tulog kay Irene nang gabing iyon. Ilang beses siyang nagpapalit-palit ng posisyon sa kama, ngunit wala kahit isang saglit ma katahimikan ang dumaan sa kanyang isipan.Isang tanong lang ang laman ng isipan niya: “Bakit biglang nakialam ang lolo ni Mateo? At hindi lang pangingialam ang ginawa nito—naging malupit din ito.”Sa umpisa pa lang, alam naman niya na hindi siya gusto ng matanda---iyon ay matagal ng malinaw. Ngunit kahit na dismayado ito sa relasyon nila, hindi ito hayagang nakialam noon.Ngunit ngayon, sa isang iglap lang, sinira na ng matanda ang lahat ng pinaghirapan nila ng nanay niya.“Pero bakit ngayon? Ano ang nagbago?” Paulit-ulit na binalikan ni Irene ang mga pangyayari.Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya.Ang pagkakasakit ng tatay niya---doon nagsimula ang lahat.Simula ng pilitin nila si Natalie na magdonate ng kanyang atay. Nanlamig ang katawan ni Irene. Hindi pa niya sigurado pero hindi niya pwedeng alisin ang posibilidad. Isang malamig na kilabo

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 304

    Gustuhin man ni Mateo na maging kalmado, huli na. Kilalang-kilala niya ang lolo niya. Hindi ito nagbibiro. Nanigas ang buo niyang katawan at tumibok sa sakit ang kanyang sentido. Unti-unting namayani ang inis sa kanyang sistema at hindi na niya napigilan ang bibig.“Lo, anong ginawa mo kay Irene?”May bahid ng galit at pagkabalisa sa kanyang tinig---isang bagay na bihira niyang gawin sa harapan ng lolo niya.“Hmph.” Imbes na masindak, humagikgik pa ito. Mapanuya at halong lantad na pagkadismaya. “Mateo…pansin ko lang, lumalakas yata ang loob mo. Mula ng samahan mo ang babaeng iyon, wala ka ng ibang ginawa kundi ang bigyan ako ng sakit ng ulo. Ipapaalala ko lang sayo kung ilang beses mo na sana akong muntik ilibing ng buhay dahil sa kakadikit mo doon!”Hindi pa tapos si Antonio, nais nitong iparating ang punto niya ng malinaw. “Ganito mo ba pasasalamatan ang taong nagpalaki sayo? Sa pamamagitan ng pagsuway sa akin sa bawat pagkakataon?”Napayuko si Mateo at nakakuyom ang mga kamao niya

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 303

    Halos hindi makatulog si Natalie buong gabi. Kahit na ramdam ng katawan niya ang matinding pagod, hindi naman nakikisama ang kanyang isipan at mas gusto nitong manatiling gising.Kinabukasan, kahit kulang sa tulog, wala siyang nagawa kundi pilitin ang sarili na pumasok sa trabaho, ngunit wala siyang maayos na konsentrasyon sa ginagawa. Kahit anong pilit niyang ituon ang isip sa trabaho, patuloy siyang bumabalik sa usapan nil ani Antonio kagabi.Ayon sa matanda, may dalawang araw siya para magpasya.Ang dalawang araw na iyon ay para pag-isipan kung tuluyan na siyang lalayo o babalik sa magulo niyang nakaraan kasama si Mateo.Pagsapit ng tanghali, sa halip na magpahinga, mas pinili niyang dalawin ang kapatid sa rehabilitation center. Noong nasa Canada siya, may mga binili siyang regalo para kay Justin at gusto niyang personal na ibigay ito.Pero higit pa roon---kailangan niyang sabihin kay Justin ang mga nalaman niya tungkol sa Wells Institute.Kung tatanggapin man niya ang tulong na in

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 302

    “Ben.”“Yes, sir.”Hindi na kailangang ipaliwanag pa ni Antonio kay Ben ang gusto niyang mangyari. Sa isang kumpas lang ng kamay ni Ben, isa sa mga lalaking naka-itim ang lumapit at bago pa man makaiwas si Janet---Pak!Isang malakas at walang awang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi. Malutong at malakas at umalingawngaw sa tahimik na hardin.“Mmph---!” Napapatras sa lakas ng pwersa si Janet. Kung hindi siya maingat ay baka natumba na siya dahil sa isang sampal. Nalasahan niya ang dugo sa bibig at nanginig ang kanyang labi sa sakit at pagkabigla.Ngunit hindi siya naglakas-loob na gumanti.Nagbuga ng hangin si Antonio, dinampot ang isang puting panyo at pindampi iyon sa gilid ng bibig. Pagkatapos ay itinapon iyon na para bang isa itong nakakadiring bagay. “Tingnan mo nga ang sarili mo, Janet. Saan ba ako magsisimula…ah…isa kang matandang babaeng walang modo. Kahit anong alahas ang ipalamuti mo sa katawan mo, wala ka pa ring class. Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan ang buhay mo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status