Lumandas ang mga mata ni Sir Danny sa kamay ni Joel na mahigpit na nakalingkis sa baywang ko. Kunot- noo ko siyang tinitigan matapos matanggal ang puwing sa mata ko. Saka binaling ang tingin ko kay Joel na matalim din ang tingin kay Sir Danny. Kung magtitigan ang dalawa parang mortal na magkaaway. E, ngayon nga lang sila nagkita. Pero bakit ba biglang sumulpot ang lalaking ito na siyang dahilan kung bakit aalis ako sa trabaho, kahit mabigat sa loob ko."B-bakit po, Sir?" utal kong tanong pero na kay Joel ang tingin. Hila-hila ko ang manggas ng t-shirt niya. Ayaw kasi lubayan ng tingin ang boss ko. Ewan ko ba sa lalaking ito. Parang leon na gustong lapain itong boss kong buang. "Bakit? Do you know, kung ano ang nakapaloob dito sa kontrantang pinermahan mo? O talagang tanga ka lang kaya hindi mo na intindahan?!" "Danny!" singhal ni Sir Dante. Umiiling pa ito habang papalapit kinaroroonan ng Anak.Buti na lamang at nakita ko ang paghinto ng kotse ni Sir Dante. Muntik na naman kasi akon
"Arte-ate!" Umawang ang bibig ko. Touch na sana ako sa pabigay niya ng gamot, hindi naman pala bukal sa loob. Ay... ewan! "Arrianne! Ano ba ang pumasok sa utak mo at bigla ka na lang umalis?!" Singhal ni Nanay ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng quarters. Mabuti na lamang at wala ang iba kong mga kasama. Ang sakit siguro sa tainga kung sabay silang tumalak. Lalo tuloy akong nanghina. Hindi pa nga ako naka-get over sa mga nangyari kanina. Heto, sermon naman ang bungad sa akin ni Nanay. "Pasensya na po, Nay," halos pabulong kong bigkas. Tumiim ang bibig ko at yumuko pagkatapos. Bakas kasi ang inis sa mukha ni Nanay, ngunit may pag-aalala akong nakikita. Parang maiiyak pa nga. Guilty tuloy ako. Alam ko naman kasi na mali nga ang ginawa ko. Mali ang hindi kausapin si Sir Dante, bago ako umalis. At lalong mali na hindi ako nagpaalam sa mga kasama ko. Naging insensitive ako sa puntong iyon. Hindi ko naiisip na mag-aalala sila. Hindi ko na isip na masasaktan sila. Sarili ko lang ang nai
Natawa ako. Paulit-ulit ang pagkiling ko sa ulo ko. Hindi... mali ang naiisip ko. Arte-arte ko nga raw, tapos gagamutin niya ang sugat ko. Imposible! Paulit-ulit akong umiling kasabay ang mahinang tawa. Para na nga akong tanga. Nahawa na yata ako sa pagkabuang ng boss ko, o dahil sa wala pa akong tamang tulog kaya kung ano-ano na lang naiisip ko. Pinilit kong burahin sa isipan ang walang basehan na naisip ko. Napabuntong-hininga ako pagkatapos magamot ang sarili. Naisip ko kasi... kung sakali ba na tinulungan ko si Sir Danny noong unang gabi na nagkita kami. Hindi niya ba ako pag-iinitan ng ganito? Magiging maayos kaya ang pakikitungo niya akin? Ayoko kasi ng ganitong feeling. Ang bigat kasi sa pakiramdam na may taong galit o ayaw sa akin.Gusto ko naman talaga sanang tumulong nang gabing 'yon. Pero naisip ko rin ang bilin ni Nanay. Nakakainis lang, dahil sa gabing iyon, naging miserable ang pamamalagi ko rito. Ang laki ng epekto sa trabaho ko ang nangyari.Kung iisipin hindi ako ang
"Joel, kanina ka pa?" tanong ko. Ang lapad ng ngiti nito at talagang agaw pansin ang kakisigan. Nakakasilaw nga!"Kararating ko lang, " sagot niya kasabay ang pagbukas ng pinto ng kotse. Agad naman akong pumasok. "Salamat." Masyado akong pa-girl. Hindi naman ako ganito. Pero ewan, kapag si Joel ang kasama ko. Pinipilit kong maging mahinhin, kahit hindi. Maton kasi ako. Ako iyong babae na hindi kailangan ng lalaki sa buhay. Pero... muntik ko na rin makalimutan ang magiging maton ko. Sa sobrang takot ko kay Sir Danny. Pero ngayon hindi na ako takot. Lalo na at alam kong wala akong ginawang masama at nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko.Halos mapatalon nga ako nang marinig ko ang tili ng kambal at kalabog no'nong araw na huminigi ako ng sorry kay Sir Danny. May hang over pa yata siya no'n, o 'di kaya, tumaas ang presyon dahil sa akin. Natumba lang naman siya, pagtayo niya. Pinakakaba niya lang lagi ang kambal, si Nanay, at Sir Dante. "Arrianne... 'wag pagabi, ha!" pahabol na sabi ni
Sa sobrang gulat, napabitaw ako sa kamay ni Joel. Para akong dalagitang nahuli ng tatay na palihim na nakipag-date. Itong si Sir Danny naman kasi, parang Tatay nga kung makasikmat. "S-sir... day-off ko po ngayon," aniko. Nautal na naman tuloy ako. "Namasyal po lamang kami," dagdag ko pa. Pero teka, bakit ba ako nagpapaliwanag? Ano ba ang paki nito, kung mamasyal man ako sa araw ng day-off ko? Kaya lang, imbes sa akin ang tingin ni Sir Danny. Nakipagtitigan ba naman kay Joel. Ganito rin sila no'ng unang pagkikita nila sa labas ng village."Tara na, Joel," sabi ko. Hila ko na rin ang manggas ni Joel na ayaw din talaga patalo. "Alis na po kami, Sir—" Ang sarap na pag-untugin ang mga ulo nila. "Joel, tara na..." Sinadya kong maglambing para maawat ang titigan ng dalawa. Naagaw ko nga, hindi lang ang pansin ni Joel, pati na rin kay si Sir Danny. "Let's go, Anne." Matamis ang ngiti ni Joel at muling hinawakan ang kamay ko. Sekreto akong napabuga ng hangin. Sa dami naman kasing resor
Nahampas ko sa braso si Joel. Imbes na tulungan kasi si Sir Danny. Tawang-tawa pa. "Tumigil ka na nga sa katatawa, Joel! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nangudngod 'yan!" turo ko si Sir. "Bakit ako? Umatras lang naman ako. Kasalanan niya, lalasing-lasing hindi naman pala kaya, " depensa nito sa sarili. "Tulungan mo na nga lang ako!" Papadyak akong naglakad palapit kay Sir Danny na hindi pa rin gumagalaw. Natuluyan na yata."Sir, bangon na po," tapik ko ang balikat niya. "Joel, tulungan mo nga ako." "Bakit mo pa 'yan tutulungan? Sabi mo, masama ang ugali ng boss mo na 'yan!" Kinagat ko ang ibabang labi at sinamaan siya ng tingin. Daldal din pala nito si Joel. "Kahit na masama ugali nito. Boss ko pa rin 'to. Bawi naman ang ugali niya sa Daddy niya! Ano, tutulungan mo ba ako o maghahanap ako ng ibang tutulong sa akin? " Medyo naiirita na rin ako sa akto nitong si Joel. Parang bata. Wala na siyang tugon pero lumapit naman at inalalayang tumayo si Sir Danny."Kung hindi lang talaga
"Pasensya na po, Sir..." pahapyaw kong paghingi ng pasensya. "Tara na, Joel." Nauna na akong sumakay. A deep sigh came out nang makaupo ako. Gusto ko pa sanang magpaliwanag. Pero naisip ko, may mali rin naman talaga ako. Personal na gamit niya ang pinakialaman ko. kaya tanggapin ko na lamang ang galit niya. Sa tipo rin kasi niya na sobrang sungit. Aksaya ng laway, aksaya pa ng oras, ang magpaliwanag. Pareho pa rin ang resulta. Galit pa rin siya. Binubuhay na ni Joel ang makina. Pero biglang pumasok si sir. Walang imik. Basta na lamang siyang pumasok at pabagsak na sinara ang pinto. Kita ko pa ang paggalaw ng panga ni Joel. Akmang magsasalita na, pero inawat ko na lang. Nagsenyas ako na huwag na lamang pansinin. Ang hirap talagang intindihin ang ugali ng taong ito. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Mapapakuyom ka na lamang ng kamao at mapapamura ka na lamang ng sekreto.Tahimik ang naging byahe namin hanggang sa makatulog nga ako. Hindi ko alam kung may nangyaring bangayan ba hab
Matapos ang nakakagulat na sinabi ni Sir Danny. Agad na rin itong umalis na walang paalam, kahit kay Nanay.Talagang nakakagulat. Sa apat na buwan na nagtrabaho ko rito sa mansyon ay silid lamang ni Sir Danny ang hindi ko nakita at napasok, dahil ayaw naman niya ng bulaklak. Ayaw niya na maglagay ako ng bulaklak, dahil pambabae lang daw iyon. Bakit si Sir Dante, gusto ng bulaklak sa kwarto?Sa bagay iba nga ang utak ni Sir Danny. Bakit ngayon biglang nagbago? Siguro nasobrahan siya ng bagsak kagabi. Naalog ang utak. Pati tuloy si Nanay, nagulat sa akto ni Sir Danny. Pero wala naman siyang sinasabi. Basta naipunas niya lang ang basahan sa mukha niya. Muntik pa nga niyang makagat. Mabuti na lamang at nakita ko. Naawat ko ang nakakadiring gagawin niya. Nanay talaga.Matapos kong kumain. Bumalik na rin ako sa hardin. Namitas ng mga bulaklak para sa silid ni Sir Danny. Rosas at lily ang maraming bulaklak kaya iyon ang pinitas ko. Marami-rami rin akong napitas kaya dalawang vase ang nilagy