Hindi maalis ang ngiti ko habang tanaw ang kambal na masayang naglalaro sa dalampasigan. Kaarawan kasi nila ngayon. Seven years old na sila. Nakakalungkot dahil hindi pa rin namin kasama ang Daddy nila sa araw na ito. Ang dami na talaga niyang na missed na kaganapan sa buhay namin. Ano pa nga ba ang magagawa namin. E, 'di magpatuloy sa buhay, kahit wala siya. Ang sarap pakinggan ang mga tawanan nila. Mabuti na lang at dito sa beach naisipan naming mag-celebrate ng kaarawan nila. Sakto naman kasi na walang pasok dahil sabado. Bonding na rin namin 'to, kasi nga, hindi na kami madalas makakalabas dahil mayro'n na kaming bungisngis na baby na inaalagaan. Napatingin ako sa baby ko na kasalukuyang dumedede. Parang kilan lang nong nanganak ako at puro iyak pa lang ang naririnig ko na ginagawa ni baby. Ngayon napaka-bungisngis na. Tatlong buwan na kasi siya, kaya marunong nang maglaro. Kahit lagi akong puyat sa pag-aalaga sa kanya. Masaya pa rin ako. Bawing-bawi ang pagod ko dahil nag-uumap
Tuluyang nawala ang puwing sa mga mata ko, naanod yata. Bigla na lang kasing pumatak ang mga luha ko nang makita ang bayolenteng lalaki na sumugod kay Joel. Hawak na rin nito ang kwelyo ng kaibigan ko. Si Danny. Ang asawa ko na nagmukhang sinaunang tao dahil sa mahabang buhok at balbas. Puro paglalasing na nga lang yata siguro ang ginagawa niya, kaya pati ang pagiging tao ay nakalimutan na niya. Tingin ko nga sa kanya ngayon ay leon na malnourish. Kawawa, gusto ko tuloy agad siyang yakapin. Pakainin at paliguan. Ang dugyot kasi. "Walang hiya ka! Matapos ng ginawa mo kay Arrianne, may lakas ka pa talaga ng loob na lumapit sa kanya," nang gagalaiti nitong sabi. "Isa ka rin namang walang hiya!" tugon ni Joel. Hawak-hawak niya na rin ang kwelyo ni Danny. " 'Wag kang umasta na matino!" "Galing mo, nawala lang ako sa buhay niya, pumasok ka agad! Nakaabang ka lang palang hayop ka!" Marahas kong pinahid ang mga luha ko. Uminit bigla ang ulo ko sa narinig. Talagang iniisip niya n papatol u
"Aso nga, asong ulo!" gigil na sabi ni Nanay.Saka niya hinarap ang lalaking tinawag niya na asong ulol. Matalim ang mga titig niya at hindi pa kaagad nagsalita. " 'Wag mo akong matawag-tawag na mahal dahil matagal ka nang may ibang mahal," sikmat ni Nanay, duro niya pa ang matandang aso. "Teka nga lang!" awat ko sa dramang nagaganap. Hinarap ko si Maribel. "Maribel, sila ang sinasabi mong mga aso na humabol sa'yo?" Tumango siya. "Sila nga, Ate." Kilala n'yo pala sila?" tanong niya, kasabay ang pagkamot sa ulo. "Pasensya na po, akala ko kasi mga baliw."pahapyaw na tawa ang narinig ko mula kay Danny, na bakas ang inis kay Maribel. "Tinawag pa kita, Maribel, pero tumakbo ka pa rin." Napapailing pa siya. "Kung hindi ka sana tumakbo no'n. Noon pa sana naayos ang lahat," dagdag niya pa. "Pasensya. Kayo kaya ang sigawan ng taong hindi kilala at mukhang baliw? Hindi ba kayo tatakbo?" iritang tugon din ni Maribel. "Pero teka nga lang, bakit n'yo ho ba ako kilala?" Napakamot uli siya sa u
"Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.
" 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko
Napabuntong-hininga ako pagkababa ko mula sa eroplanong sinakyan ko. Ito na ang simula sa pagbabago ng aking buhay. Ang makipagsapalaran sa lugar na ibang-iba sa aking nakasanayan. Mariin ako'ng pumikit at pagdilat ay simula na ang aking paghakbang. Sinundan ang mga tao na galing din sa sinakyang eroplano. Diretso na ako'ng naglakad palabas ng airport. Kung saan tumambad sa akin ang maraming sasakyan at mga tao na ang bibilis maglakad. Lahat nagmamadali na akala mo ay may hinahabol. Ang ingay ng paligid, busina dito, busina doon. Ang lapad pa ng mga kalsadang nakikita ko. Naisip ko pa, kung kakayanin ko ba ang buhay dito sa syudad. Muli ay bumuntong-hininga ako at inaalo ang sarili. Tapik ko ang dibdib ko na hindi matigil ang kabang nararamdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba. Ayan kape pa! Nakailang buntong-hininga na ako, pero ni kaunti ay hindi nabawasan ang kabang nararamdaman ko. "Kaya mo 'to Arrianne, matapang ka! Kakayanin mo ang bago mo'ng buhay. Laban para k
Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay dilat na ang mga mata ko. Medyo nanibago nga kasi ako. Hindi talaga ako sanay na wala si Mama sa tabi ko. Ito nga ang unang beses na malayo ako sa Mama ko.Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit malungkot, at kahit miss ko na siya kailangan maging positibo. Focus sa kung ano ang pakay ko rito, iyon ay ang mabigyan ng magandang pamumuhay si Mama. Hindi man bumalik sa dati ang aming pamumuhay. At least hindi na kami maghihirap. Agad akong naligo, at pagkatapos ay nagluto ng almusal para sa aming lahat. Palakas sa mga kasama, para bati nila ako. Hirap na kung may hindi ako makapalagayan ng loob sa kanila. Sagabal iyon sa trabaho. Mas lalong hindi ako magiging komportable. Nilagang baka ang naisipan kung lutuin at nagprito rin ako ng isda. Buti na lamang at maraming laman ang ref. Matapos kung magluto. Hindi ko na muna ginising ang mga kasama ko kasi maaga pa naman. Nauna na rin lang akong kumain. Gusto ko na kasing magsimula na agad sa trabaho.Bu
Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat."Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya."Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako. "Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko. Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase it