"Dad!" sabay naming bulalas ng asawa ko."Hanggang ngayon pa rin ba, Danny, hindi mo pa rin tanggap na aksidente nga 'yong nangyari sa dati mong asawa at sa Mama mo?" gigil na gigil na tanong ni Daddy.Tumayo si Danny habang kapa ang ulo niya. "Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Dad. Bigla ka na lang na nanakit," reklamo nito."Biglang na nanakit! Buti nga at batok lang ang ginawa ko." Duro na niya si Danny. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Napisil ko nga rin ang sintido ko. Hindi na kasi matapos-tapos ang sermon. "Alam mo ba kung anong dapat gawin sa'yo? Iuntog iyang ulo mo, sakaling umayos at makapag-isip ka ng tama. Kung ganito rin lang at hindi pa rin pala tuluyang umayos 'yang utak mo. Hindi ko na sana binigay ang address ng pamilya mo," dismayang sabi ni Daddy.Kung kanina ay napisil ko ang sintido ko. Ngayon ay pigil na buntong-hininga naman ang nagawa ko. Panira kasi 'to si Daddy, e! Papunta na kami sa sweet moment. Sinira niya naman. "Dad, 'yan din ang hirap sa'yo.
" 'Be ko, bilisan mo," sabi ng asawa ko, habang hila-hila ako."Bakit ba, 'Be ko?" Bigla na lang niya kasi akong hinila palabas ng pool area. Nag-celebrate ka nga kasi kami dahil sa wakas ay buo na ulit ang aming pamilya. Nakabalik na rin kami sa mansyon sa wakas at kasama ko na rin ang mga kaibigan ko at ang mga kuya. Muli nang bumalik ang sigla at saya ng mga buhay namin. Lalo na kami nitong asawa ko na walang humpay kung maglambing. Bumabawi at pilit pinupunan ang mga araw na hindi kami magkasama. "May ipapakita nga ako," sabi niya pero huminto naman sa paghakbang at niyapos ako. "Akala ko ba, may ipapakita ka o gusto mo lang lumandi?" Hindi maalis ang malagkit na titig namin sa isa't-isa. "Hindi naman kita nilalandi, 'Be ko, nilalambing lang." Halik sa leeg at haplos sa likod ko ang kasabay ng salita niya. "Hindi pa ba landi 'tong ginawa mo, 'Be ko?" Sumabay ang tanong ko sa paglapat ng likod ko sa malamig na dingding dito sa hallway, papuntang pool area. " 'Be ko—"Hindi ko
Napabuntong-hininga ako pagkababa ko mula sa eroplanong sinakyan ko. Ito na ang simula sa pagbabago ng aking buhay. Ang makipagsapalaran sa lugar na ibang-iba sa aking nakasanayan. Mariin ako'ng pumikit at pagdilat ay simula na ang aking paghakbang. Sinundan ang mga tao na galing din sa sinakyang eroplano. Diretso na ako'ng naglakad palabas ng airport. Kung saan tumambad sa akin ang maraming sasakyan at mga tao na ang bibilis maglakad. Lahat nagmamadali na akala mo ay may hinahabol. Ang ingay ng paligid, busina dito, busina doon. Ang lapad pa ng mga kalsadang nakikita ko. Naisip ko pa, kung kakayanin ko ba ang buhay dito sa syudad. Muli ay bumuntong-hininga ako at inaalo ang sarili. Tapik ko ang dibdib ko na hindi matigil ang kabang nararamdaman. Halo-halo ang nararamdaman ko. Takot, kaba. Ayan kape pa! Nakailang buntong-hininga na ako, pero ni kaunti ay hindi nabawasan ang kabang nararamdaman ko. "Kaya mo 'to Arrianne, matapang ka! Kakayanin mo ang bago mo'ng buhay. Laban para k
Alas-kwatro pa lamang ng madaling araw ay dilat na ang mga mata ko. Medyo nanibago nga kasi ako. Hindi talaga ako sanay na wala si Mama sa tabi ko. Ito nga ang unang beses na malayo ako sa Mama ko.Ano pa nga ba ang magagawa ko. Kahit malungkot, at kahit miss ko na siya kailangan maging positibo. Focus sa kung ano ang pakay ko rito, iyon ay ang mabigyan ng magandang pamumuhay si Mama. Hindi man bumalik sa dati ang aming pamumuhay. At least hindi na kami maghihirap. Agad akong naligo, at pagkatapos ay nagluto ng almusal para sa aming lahat. Palakas sa mga kasama, para bati nila ako. Hirap na kung may hindi ako makapalagayan ng loob sa kanila. Sagabal iyon sa trabaho. Mas lalong hindi ako magiging komportable. Nilagang baka ang naisipan kung lutuin at nagprito rin ako ng isda. Buti na lamang at maraming laman ang ref. Matapos kung magluto. Hindi ko na muna ginising ang mga kasama ko kasi maaga pa naman. Nauna na rin lang akong kumain. Gusto ko na kasing magsimula na agad sa trabaho.Bu
Ala-sais ng umaga ay gising na ako. Nakatulugan ko ang pag-iisip, sa kung ano'ng ugali mayr'on ang mga boss ko. Hindi ko talaga maiwasan ang mangamba. Pero hindi naman siguro masyadong masama ang pag-uugali nila dahil hindi naman magtatagal itong mga kasama ko rito kung salbahe nga sila. Bahala na nga si batman!Lutang ako na lumabas ng kwarto at agad tinungo ang kusina. Kumakalam na kasi ang sikmura ko. Ngayon lamang ako nagising ng ganitong oras. Bawal na rin pala akong makialam sa kusina. Hardinera nga kasi ako, kaya do'n lamang ako sa hardin nararapat."Wow...sana all!" bungad ni Ate Sally nang datnan ko sa kusina. Umawang na lamang ang bibig ko dahil 'di ko na gets ang pa sana all niya."Ganda ng legs ah," sabat naman ni Ate Sonia. Tumingin na lamang ako sa mga hita ko'ng nakaluwa pala. Naka-dolphin short nga pala ako. "Kayo naman, kung maka-puri sa legs ko, parang hindi naman nag-gagandahan ang mga legs ninyo," sagot ko. Dinadaan ko na lamang sa joke ang hiya ko. Ibang klase it
Matamis na ngiti ang bungad ko sa mga kasama kinaumagahan, mapagtakpan lamang ang kalokohang tanong ko kay Aling Donna kagabi.Paminsan-minsan ako'ng nagnakaw ng tingin sa matanda. Tahimik na siya dati, mas naging tahimik pa ngayon. Pati mga kasama ko, nahawa yata at nawala na rin ang pagiging makulit. "Tuloy po ba ang uwi ng mga boss natin?" basag ko sa katahimikan. Nakakailang na kasi. Hindi ako sanay na ganito sila katahimik. "Mamaya nandito na ang mga 'yon," sagot ni Ate Sonia.Tumango lamang ako bilang tugon. Mukhang wala kasi talaga silang ganang makipag-usap o magbiro. Biglang change mode ngayong pauwi na ang mga boss.Matapos kumain ay matamlay ko'ng tinungo ang hardin. Abala na ako sa ginawa. Naagaw lamang ang pansin ko sa pagbukas ng malaking gate at pagpasok ng itim na sasakyan. Halos patakbo namang lumabas ang mga kasama ko. Nagtulong-tulong sila na ilabas ang mga gamit mula sa kotse. Habang si Aling Donna, nakatayo lamang sa gilid.Tanaw ko lamang sila at hindi na lumap
Ilang araw din ako'ng nagmistula zombie. Hindi kasi maalis sa isip ko ang talim ng tingin ni Sir Danny. Pati mabantot niyang amoy, hindi mawala sa ilong ko. May pa bawal-bawal pa kasi. Tapos galit pala kapag sinunod. Ay, ewan. Bahala nga siya! Gagawa-gawa ng rules, ngayon sa akin binunton ang galit. Kung sa tingin nila, mali ang ginawa ko'ng pagsunod sa kalokohan nilang rules. Nasa kanila na iyon kung sisantihin nila ako. Ang tapang ko no? Bahag pala ang buntot kapag makita ang lasinggo.Kasalanan din ito ni Ate Mercy. May pa sabi-sabi pa kasi na magdilang angel. Ayon, nagdilang anghel nga. Unang kita ko pa lang sa boss kung lasinggo, sablay na. Badtrip na!Para tuloy ako'ng kriminal na nagtatago sa mga pulis. Panay tago at iwas ang ginawa ko, hindi ko lamang makita si Sir Danny. Pati nga anino niya takot ako'ng makita.Ayoko na kasing maulit ang nangyari. Lalong ayokong magkasakit sa puso nang dahil lamang sa kaniya. Mabuti na lamang talaga at hardinera ang pinasok ko'ng trabaho at
Ito naman si Sir Danny, pwede naman kasing sukob lang, walang hawakan. Ibang klaseng kuryente ang naranasan ko. Nanigas lang naman ang buong katawan ko. Pati panga at dila ko nanigas! Paano ba kasi, iyong kamay niya na sobrang lambot, hawak pa rin ang kamay kong magaspang! "Hey!" sigaw niya sa tainga ko. Muntik ko na tuloy mabitiwan ang hawak kong mga bulaklak. Lunok muna bago tingin ang ginawa ko. Ayan na naman ang mga mata niyang matulis pa sa patalim. Nakamamatay!"S-Sir Danny?" kanda-utal kong bigkas na may kasabay na ngiting aso.Sana ay naging aso na nga lang talaga ako nang makagat ko itong kamay niyang lapastangan na hanggang ngayon hawak pa rin ang kamay ko. "Ihatid mo ako sa main door!" madiin nitong utos.Kumurap ako ng ilang beses. Saka kunot-noo na tumitig sa kan'ya. Talagang tumitig ako. "Po?" tanong ko. "Bingi ka ba? Sabi ko, ihatid mo ako sa main door," ulit niya. "Ah.. Eh.. Sir!" Muntik ko nang mabigkas ang buong alpabetong pilipino sa kabang naramdaman. "Ano?!