Share

Kabanata 60

Tumayo ako at muling tinapunan ng matalim na tingin si Maribel na ngayon ay nakatayo na sa likuran ni Mama para magtago. Saka ko naman hinarap ang bwesitang nagpakulo ng dugo ko.

"Ang lakas naman ng loob mo na magpakita sa akin matapos ng panlolokong ginawa mo!" may diin kong sabi.

Nagngingitngit ang kalooban ko habang nakatingin kay Joel na ngayon ay wala na sa mukha ko ang tingin. Kun'di na sa tiyan ko.

"Ano ... sinong ..." Dahil sa pagtataka ay hindi niya magawang ibigkas ang salitang gusto niyang itanong.

Talaga namang nakapagtataka itong nangyari sa akin. Matapos ba naman niya akong maloko, heto at nadali naman ako ng isang lalaking paasa lang din pala.

"Wala kang karapatan na magtanong ng kahit na ano tungkol sa akin, Joel! Umalis ka ngayon din!" sikmat ko. Saka lamang siya nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ko. Nagbabagang tingin ang pinukol ko sa kanya. Ang amo ng mukha niya ngunit hindi nawala ang bakas ng pagtataka.

Napapikit ako sandali. Sinubukan kong ikalma ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status