Home / All / As You Needed / Chapter 29

Share

Chapter 29

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-07-24 06:00:00

NAABUTAN NI SOFIE si Georgia na nakaupo at humahagulgol sa gilid ng upper deck view. Kaagad niya itong pinatatahanan at yumakap na lamang sa kanya. Inalalayan na niya ito papasok sa silid sa yate, pero hindi pa rin ito tumatahanan.

"Tahan na, na -- iintindihan ko kung bakit mo yun ginawa. Maybe she deserves that.. Masyado kasi siyang feeling close na kay Silver." pagpapalubag loob pa ni Sofie habang hinahaplos ang likuran ni Georgia. Pareho silang nakaupo sa dulo ng kama.

"*sobs.. You -- you don't understand. Ako ang nauna kay Silver -- ako na sana eh." pilit namang sagot pa nito habang umiiyak.

Napapakunot noo naman si Sofie pero ayaw na lamang niyang makadagdag sa kalungkutan nito. "Okay, fine. Pero tama na. Magusap na lang kayo ni Silver." inaayos-ayos pa nito ang magulong buhok ni Georgia. Napansin din niya ang bangas sa mukha ni Georgia ngunit hindi naman niya malaman kung papaanong gagawin doon.

Nang makakababa si Silver sa upper deck, nagmamadaling pumasok siya ng control bridge at kinuha ang first aid kit box. Nagmamadali na rin sana siyang makalabas at bumalik kay Evie sa top deck ng makasalubong niya si Benjamin kaya napahinto siya rito.

"Nasa kwarto na si Georgia, kasama ni Sofie."

Napatungo na lang si Silver sa kaibigan at maglalakad na sana muli ngunit hinawakan siya ni Benjamin sa braso upang pigilan kaya natigilan rin siya.

Inagaw ni Benjamin ang hawak nitong first aid kit box at wala naman din siyang nagawa.

"I think, you better talk to Georgia first. Make things clearer for her." nagkatinginan na lamang sila at iniwan na ni Benjamin ito ngunit napahinto rin ito at tingin muli kay Silver. "And I think Evie needs to rest too." saka ito tuluyang umalis at nagtungo na ng top deck.

Napahilamos na lamang si Silver ng mukha niya at sinunod ang payo ni Benjamin. Nagtungo nga siya ng silid ng yate.

Napatingin naman kaagad si Sofie sa pintuan ng makitang pumasok doon si Silver. Napakaseryoso ng itsura nito at halatang galit.

Magsasalita pa lamang si Sofie nang makalapit si Silver kay Georgia at biglang hinigit ang braso nito kaya napatayo ito. Sa gulat ni Sofie, napaatras siya at tukod ng dalawang kamay sa likuran habang nakaupo pa rin sa kama.

Kahit pa umiiyak si Georgia, nabigla rin siya sa ginawa ni Silver ngunit alam niyang wala siyang karapatang magreklamo.

"Uulitin ko, wala kang karapatan mandamay ng ibang tao dahil dyan sa kadesperadahan mo." giit na saad ni Silver habang hawak ang braso ni Georgia. Wala siyang pakialam kahit umiiyak pa ito sa harapan niya.

"Sa akin ka lang dapat! Mahal na mahal kita Silver, noon pa man!" pagsusumamo pa ni Georgia.

"Pero hindi nga kita mahal! Ni hindi kita ginusto kahit anong pilit nila sa akin na pakasalan ka! Hindi ka ba talaga magkakaroon ng kahihiyan sa sarili mo?!" singhal pa ni Silver na nakapagpaiyak muli kay Georgia.

"Ako lang dapat ang pakasalan mo dahil yun ang gusto ng nanay mo --"

"Alam mo bang sinabi ni papa sa akin bago siya namatay?" tila nagpipigil naman ng galit pa si Silver at napapatingin pa rin si Georgia sa kanya. "Mabuti daw at hindi ako pumayag magpakasal sayo noon. Dahil nalaman niya na nagkautang pala ang madrasta ko sa tatay mo ng hindi niya alam! At ang gustong kabayaran ng tatay mo ay pakasalan kita para makamkam niyo ang perang mamanahin ko para mas mapalago niyo ang negosyo niyo!"

"Hindi totoo yan!"

"Alam kong alam mo ang totoo una pa lang, Georgia! Kaya nga ganyan ka kadesperadang habulin ako para pakasalan ka!"

"Mahal kita Silver! Mahal na mahal!"

"Kaya pala gayun na rin ang desperasyon ni mama sa pagpilit sa aking pakasalan ka. Para maabswelto na siya sa pagkakautang niya sa pamilya mo dahil ayaw siyang bigyan ni papa noon ng pambayad! Niloko niyo ang papa ko!"

"Hindi! Hindi totoo yan!" pagpupumilit pa ni Georgia habang nagiiyak na naman. Patulak naman siya binitawan ni Silver kaya napasubsob siya sa kama.

"Utang na loob, Georgia! Tigilan mo na ako! Kahit anong gawin mo, hinding-hindi kita gugustuhin! Hinding-hindi kita pakakasalan kahit mamatay pa ko!" halos dinuro pa ni Silver si Georgia sa pagpipigil niya ng galit rito. Patuloy namang umiiyak si Georgia ngunit hindi siya nakakaramdam ng kahit anumang awa rito, kundi inis lang.

Malakas ang pinakawalang buntong hininga ni Silver upang makalma siya.

"Sa susunod na lumapit at manggulo ka pa sa akin, magpa-file na ko ng restraining order laban sayo!" huling saad pa nito at saka lumabas ng silid.

Lalong sinubsob ni Georgia ang sarili sa kama at nagpatuloy sa pagiyak. Napapakurap-kurap na lamang si Sofie sa nasaksihan, ni hindi siya nakagalaw. Sobra siyang nawindang ng malaman din ang katotohanan. Napatingin siya kay Georgia at napagtantong nagsisinungaling lang pala ito sa kanila. Hindi niya malaman kung maaawa ba siya rito o maiinis na pero hindi na lamang siya umimik.

HINDI na maalala ni Evie kung ano nga ba ang pinaka dahilan kung bakit siya napahagulgol ng iyak noong mga oras na iyon. Ang alam lamang niya, nasasaktan na siya at kailangan na naman niyang ilabas ito.

Hindi pa rin siya bumababa ng top deck, at gayun din ang aso niyang si Steve na nagsisilbing sandalan niya. Ang totoo ay parang naging support dog na niya ito. Kaya niya binili noon sa kapatid niyang breeder ito dahil walang bumibili at pumipili kay Steve noong tuta pa lamang. Nahulog ang loob niya rito dahil sa unang pagkikita pa lamang nila ng asong ito, napakalambing na sa kanya, at sa unang pagkakataon matapos ang mga masasalimuot na pinagdaanan niya noon, ay napangiti siya dahil sa saya.

Naramdaman niyang tumayo at bumaba na si Silver ng top deck ng hindi man lang nagpaalam kung bakit kaya napaangat na siya ng ulo niya. Alam niyang ngawit na rin si Steve dahil hindi ito gumagalaw sa kinauupuan. Mabilis niyang pinahid ang mga luhang nakapagpabasa na sa mukha niya at leeg. Pinahid niya ito sa sleeves niya at hinawi ng dalawang kamay ang mga nagkalat na buhok niya sa harap.

Kahit humihikbi pa at kinakapos-kapos ng hininga, pilit niyang kinakalma na ang sarili. Inalis niya ang magulo at sabit-sabit ng pagkakatali ng buhok niya. Hindi niya iyon masuklay ng basta gamit lamang ang kamay niya. Ngayon niya ramdam ang pagsakit ng anit niya dahil sa pagsabunot sa kanya at dahil na rin siguro sa pagbunot ng mga buhok niya.

Nakaramdam na rin siya ng hapdi sa may leeg at dibdib niya gawa marahil ng mga kalmot din ni Georgia sa kanya.

Pilit mang ayusin ang sarili, napapaiyak pa rin sa sakit hindi dahil sa dulot ng pakikipagaway niya, kundi dahil sa sakit na nadarama niya. At si Silver pa rin ang dahilan.

Makalipas ng ilang minuto, naramdaman niyang may umaakyat na naman ng top deck kaya minadali niyang ayusin ang sarili at pinunasan ang mga luha niya pa.

Kaagad niyang natanaw na si Benjamin ito kaya mas napanatag siya.

"Oh? Baka si Sofie mo naman ang sumugod sa akin dito?" saad pa nito at kinatawa ng bahagya ni Benjamin.

"Kaya mo pa round two?" tila pang aasar pa nito kaya napatingin sa kanya si Evie ng masama sabay irap.

Lumapit naman na si Benjamin kay Evie at naupo rin sa sahig katabi ito. Minasdan siyang mabuti ni Benjamin at saka inipit ang buhok nito sa likod ng tainga niya. Inilapag ni Benjamin ang hawak na first aid kit box sa harap at doon lamang napansin ni Evie ito. Naglabas siya ng bulak at nilagyan niya ng alcohol.

"Medyo masakit ito ah? -- mukha kang bruha." bigla naman siya nahampas ni Evie sa braso ngunit mahina lang at saka tinabunan ng masamang tingin. Kinatawa naman niya ang pangaasar pa rito.

Dahan-dahang dinampian at nilinis ni Benjamin ang mga kalmot ni Evie sa leeg pati na rin sa pisngi. Hinayaan na lamang ito ni Evie.

Kahit mahapdi, tinitiis na lamang din ito ni Evie. Napapapikit ito sa tuwing matindi ang hapdi sa balat niya.

"Sorry. Konting tiis na lang."

"Mas masakit yung natiis ko noon kaysa dyan, sige lang." pasaring pa ni Evie at nangingiti pa rin si Benjamin sa kanya.

"Hayaan mo na lang yung Georgia na yun, malamang na-insecure lang yun sayo." saad pa ni Benjamin habang focus pa rin sa paglilinis sa may leeg ni Evie gamit ang bulak na may alcohol.

"Dapat lang ma-insecure siya." pagmamalaki pa ni Evie.

"Nabanggit din siguro sayo ni Silver noh?"

"Ang alin?"

"Na hindi niya daw totoong fiancé yun. Nagpupumilit lang sa kanya kasi dati pa silang pinagkakasundong ipakasal, pero ayaw niya talaga." paliwanag pa ni Benjamin na kinabigla ni Evie.

So, alam na kaya ni Benjamin ang totoo? Shit!

"Ah -- talaga? So -- alam mo na?" kinakabahang tanong pa ni Evie.

"Oo." pinanlakihan ng mata ni Evie ang sagot na ito ni Benjamin ngunit hindi siya nakaimik. "Nadamay ka pa tuloy sa gustong pagiwas ni Silver kay Georgia. Sabi niya, he also asked you a favor na hayaan siyang magdididikit sayo para hindi siya malapitan ni Georgia. Kaso ang ending -- ikaw naman ang napagbalingan niya. Nakakatakot yung ganoong mga babae noh? Masyadong desperada." paliwanag pa ni Benjamin at halos maibuga ni Evie ang lahat ng hangin sa katawan sa kapanatagan.

Nasabi pa rin pa pala ni Silver ang katotohanan ng hindi naaamin ang tungkol sa kanila.

"Ahm, oo nga eh. Malay ko rin bang -- aawayin ako di ba? Akala naman niya aatrasan ko siya? Siya kaya naunang muntik sumampal sa akin at biglang nanabunot." pagsakay na lamang ni Evie sa kwento ni Benjamin. Tila nabunutan siya ng tinik.

"Alam ko namang hindi mo magagawang pumatol, unless ikaw ang inunahan. Pero mukhang nakatikim talaga sayo si Georgia ah? Laki ng bangas sa mukha eh." biro pa ni Benjamin habang nililigpit na nito ang mga gamit sa first aid kit.

Napatingin naman si Evie kay Benjamin na alam niyang pinagagaan nito ang loob niya. Napaka tamis pa rin ng ngiti sa kanya nito.

"Pero sana sa susunod, huwag mo ng hayaan masaktan ka ng iba." paghaplos pa nito sa pisngi ni Evie. Napapatulala naman si Evie sa kanya at labis natutuwa ang puso sa pagaalala nito sa kanya.

"Sa -- salamat Benj."

Ilang saglit pa ay naramdaman nilang bigla umandar na ang yate. Tila nagtaka sila ngunit hindi na lamang nagtanong pa.

Makalipas ng ilang minuto ay nasa dalampasigan na muli ang yate nila. Nagaalangan namang bumaba pa si Evie dahil magkakasalubong na naman sila ni Georgia at baka magka-round two nga.

"Dito ka na lang muna, sisilipin ko sila sa baba." saad naman ni Benjamin at iniwan na muna si Evie sa top deck.

Napabuntong hininga na lamang si Evie at baling ng tingin sa may tulay na kahoy. Doon na lamang din niya aabangan ang paglabas ng mga ito.

Habang nagiintay siya, hinihimas naman niya ang natutulog na aso sa tabi, ilang minuto na ang lumipas ngunit ni wala pa rin yatang bumababa ng yate. Ni hindi pa rin bumabalik si Benjamin.

Kaagad na lamang tumayo si Evie at minasdan ang paligid.

"Steve, tara na! Uwi na tayo!" kaagad naman tumayo ang aso at magpagpag ng katawan. Bumaba na sila mula top deck at dumire-diretso sila sa lower deck at tumalon na sa tulay na kahoy. Mabuti na lamang sumunod din ang aso niya at hindi na nagpabuhat kagaya ng ginawa nito kanina.

Nagmamadali naman si Evie sa paglalakad para wala ng makakita sa kanya ngunit nakarinig siya ng malakas na pagsipol na tila tinatawag ang aso niya si Steve. Napahinto siya dahil huminto rin si Steve sa paglalakad at bumaling sa likuran nila saka nagmamadaling nananakbo.

"Steve, come back!" paghabol pa ni Evie sa aso niya ngunit iniwan na siya nito.

Nang tingnan ni Evie kung saan ito nanggaling, nakita niyang si Silver ang sinalubong ng aso. Naglalakad ito papalapit sa kanya na.

Bumuntong hininga na lamang si Evie at tumalikod rito, naglakad na siya ulit sa tulay ngunit mabilis na hinablot ni Silver ang kamay niya.

"Bitawan --" pagpalag pa ni Evie.

"Come with me." tila pakiusap pa ni Silver kaya napatingin sa kanya si Evie mula sa likuran, tinitigan naman niya ito na nangungusap talaga ang mga mata.

Hindi naman maintindihan ni Evie kung bakit o saan siya ni Silver pinapasama.

"WHY are we sailing? Baka hanapin nila tayo?" takang tanong pa ni Evie habang nakaupo rin sa loob ng bridge control room katabi si Silver na hawak ang steering wheel at sinisimulang paandarin ang yate.

"Basta."

Napalingon naman si Evie sa asong nakahiga sa tabi niya.

"Paano sila? Sina Benjamin? Si -- Georgia mo?"

"Wala ka ng dapat alalahanin kay Georgia, I made things clear to her, again! Alam na nila ang totoo na hindi ko nga siya fiancé." sagot pa ni Silver rito.

Napataas na lang ng dalawang kilay niya si Evie dahil sa narinig.

"Balak ko sana siyang idemanda dahil sinaktan ka niya kaso -- mas mukhang siya yung nabugbog mo eh." pagngiti pa ni Silver kay Evie na tila nangaasar

Napairap na lamang sa kanya si Evie.

"Pasalamat siya yun lang ang inabot niya."

"Tapang talaga ng asawa ko. Kaya mahal na mahal kita eh." natutuwa pang saad ni Silver rito na kinasimangot ni Evie.

Hindi man aminin ni Evie, tila hindi niya mapigilang kabahan pa rin at maramdaman ang nginig sa tuwing sasabihin ito ni Silver.

"Tigilan mo ko, Silverio. Bumalik na tayo! Baka magtaka pa si Benjamin bakit umalis tayo."

"I've actually told Benjamin na sa yate muna tayo mag-stay para hindi ka magulo pa ni Georgia. Siya na lamang daw bahala kay Georgia, and I actually let him use the other yacht."

Halos hindi naman makapaniwala si Evie na napapayag nito si Benjamin. Napapaisip siya kung ano pa kayang dinahilan nito sa boss niya para lang masolo siya ng hindi naghihinala tungkol sa kanila.

"He also wants you to be safe and a good rest. Eto yung paraang naisip ko na pabor sa lahat."

"Paano yung -- yung hinanda niyong salubong mamaya. Ilang minuto na lang, new year na."

"Si Benjamin na daw bahala dun eh. Hindi naman tayo lalayo, sapat lang para hindi tayo mahabol at maistorbo ng kahit sino."

"Hindi bobo si Benjamin para hindi maghinala sa totoong intensyon mo."

"Pero hindi rin naman siya kumontra."

Nagkatinginan pa sila at napailing na lamang si Evie rito.

Lumabas si Evie sa upper deck ng yate at tanaw pa rin nila ang isa pang yate kung nasaan sila kanina. Nasa gitna rin ito ng dagat ngunit hindi rin ganoon kalayo.

Naramdaman niyang nahinto na rin ang yateng sinasakyan nila at lumabas din sa upper deck ang asong si Steve at lumapit sa kanya.

"Gutom ka na siguro baby noh? Sorry hindi ka napakain kanina ni mommy, may bruhang nakipagsabong sa akin eh." paghimas pa niya rito.

"Eh di sabay-sabay na tayong kumain." saad pa ni Silver na nasa tabi na niya. Tiningala siya ni Evie at nakitang may dala siyang basket.

Nagtulong naman na silang naglatag at handa ng kakainin sa harapan ng yate. Habang kumakain sila, panay bigay din nila kay Steve ng makakain nito. Mabuti na lang at nakapagdala pa si Silver ng mga pagkain mula sa mga dala rin nila kanina.

"30 minutes na lang pala." saad pa ni Silver pagkasulyap niya sa wrist watch na nasa kaliwang pulsuhan.

"Ang bilis ng oras."

"Mukhang mas okay na narito tayo, makikita mo kung papaano magiilaw ang yate kong yun mamaya." pagturo pa ni Silver sa yateng nasa bandang kaliwa nila kaya napatingin dun si Evie.

"Sayang naman, hindi tayo magkakasamang sasalubong mamaya."

"Pero at least magkasama tayo."

Napatingin na lang si Evie kay Silver na todo ngiti sa kanya pero siya ay wala man lang reaksyon.

SAMPUNG minuto bago ang bagong taon, umayak na sina Evie at Silver sa top deck ng yate niya. Dala-dala rin ni Silver ang ilang lusis at inabutan niya si Evie.

"Eto lang nakuha ko kasi nakakabit na dun sa isang yate lahat eh."

"Okay lang, para hindi rin matakot si Steve." paglingon pa nito sa asong nakaupo sa tabi nila.

Minasdan pa ni Evie ang kabuuan ng yateng sinasasakyan nila ngayon ni Silver mula sa pwesto nila sa mas malawak na top deck. Eto yung bago nitong yate na binili niya kay Khalil at may pangalan niya sa gilid.

Tila napagtanto ito muli ni Evie at hinarap si Silver.

"Baka nakita na nila Benjamin toh?" pagaalala pa ni Evie kaya napatingin na rin sa kanya si Silver.

"Nakita ang alin?"

"Etong yate mong toh."

Napapaisip naman bigla si Silver. "Oo, nakita niyo naman na ito noong una pa lang na punta niyo di ba?"

"I mean -- yung --" hindi naman masabi ng diretso ni Evie dahil medyo naiilang siya. "Yung ano.."

"Yung pangalan mo sa yate ko?" pagdiretso na ni Silver rito.

"O -- oo."

Napangiti naman si Silver at magkibit balikat. "Ewan ko? Siguro."

Bigla naman bumilis ulit ang pagtibok ng puso ni Evie at hindi niya mawari kung sa kaba o tuwa.

"Alam mo ba noong nakita yun ni Georgia, yung pangalan mo dito sa yate, sinumbong niya kaagad kay mama. Alam mo bang ginawa niya nun?" nakatingin lang si Evie sa kanya at nakikinig. "Binuhusan nila ng pulang pintura yung pangalan mo kaya halos hindi na makita."

Napakunot naman ng noo si Evie dahil rito.

Nag-duet pa talaga ang dalawang hitad na yun?

"Oh? Buti napatanggal mo?"

"Syempre naman noh. Pinatawag ko ang maintenance service ni Khalil sa mga yate para ipatanggal at ipapintura ulit ito. Pina-report ko sila sa pulis pero dahil lawyer nga ang nanay nun ni Georgia, naabswelto sila ni mama."

Hindi naman na napigilan ni Evie na matawa dahil hindi siya makapaniwala sa nangyari.

"Mas pinagandahan ko na lang ang pagpintura ng pangalan mo."

"Bakit mo ginawa yun?"

Napatingin naman sa kanya si Silver at nginitian niya nito.

"Naniniwala pa rin kasi akong magkikita tayo, gusto kong iregalo sayo ito kaya binili ko."

Hindi inaasahan ni Evie ang sinabi ni Silver na ito. Hindi siya makapaniwala.

Napaiwas siya ng tingin rito habang parehas silang nakahawa sa may railings. Parehas silang tumanaw sa dagat habang sinasalo ang malamig na simoy ng hangin.

"Sinadya kong bilihin ito kahit pa matapos niya akong alagaan, kaya gayun na lang siguro ang pagngingitngit niya. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit siya ang nandyan, ikaw pa rin ang mahal ko."

Napalingon muli si Evie kay Silver na nakatingin rin sa kanya at nangungusap ang mga mata. Hindi niya alam kung bakit sa mga oras na ito, pakiramdam niya ay nalulusaw siya. Sobrang lakas ng kabogsa dibdib niya at kahit na nilalamig siya, nagiinit ang pisngi niya.

Arf!

Tila parehas silang natauhan sa tahol ni Steve at naalala kung anong oras na.

"Two minutes na lang pala." dinukot na ni Silver ang lighter sa bulsa niya at lumapit kay Evie.

Sabay naman na silang humarap kung nasaan ang isang yate ni Silver.

"Mommy.." naiilang man sumulyap muli si Evie sa kanya. "Couldn't thank God enough for this moment. Sa wakas, napagbigyan niya muli ako."

Sampung segundo na lamang sinindihan na ni Silver ang lusis niya at itatapat na lang niya ito sa iba pang lusis na hawak nila ni Evie.

"Five.."

"Four.."

"Three.."

"Two.."

Salitan pa nilang saad bago nasindihan ang lahat na hawak na na lusis nila.

"One!"

Bigla namang nagsimulang magliwanag ang paligid ng yateng minamasdan sa harap, mas unti-unti itong magliliwanag kasabay na ang paglipana ng fireworks at kwitis sa paligid nun.

Natuwa naman si Evie at namangha dahil tunay ngang nagliwanag ang kabuuan ng yate.

"Ang ganda!" namamangha pa niyang saad habang winawagayway ang mga lusis na hawak.

"Happy New Year Steve!" pagyuko pa ni Evie at halik sa ulo ng aso.

"Happy New Year, mommy." saad pa ni Silver kaya napatingin sa kanya si Evie.

"Happy New Year too!" pagpigil pa niya ng ngiti sabay irap kay Silver.

Bigla namang tinapon ni Silver ang mga paubos ng lusis niya sa dagat na kinabigla ni Evie.

"Huy! Huwag mong --" bigla namang hinigit ni Silver ang beywang niya kaya nagkalapit sila. Pilit naman niyang iniwas ang mga hawak niyang lusis rito para hindi mapaso. "Anong ginagawa mo?"

Hindi sumagot si Silver at hinigpitan ang pagkakakapit sa beywang niya at ang isang kamay ay sinalo ang batok niya saka siya nito sinapo ng halik.

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Evie at natuod sa kinatatayuan. Dahil sa mga hawak na lusis sa magkabilaang kamay na inilalayo kay Silver, hindi niya nagawang palagan ito o itulak man lang palayo.

Inangkin ni Silver ang mga labi niya na kahit pa hindi siya tumutugon sa halik nito, patuloy pa rin ang pagpisil ng labi nito sa labi niya.

Shit! Bakit ganito?! Sobra akong nanghihina sa mga hawak pa lang niya, ano pa itong halik niya? Hindi ko na yata kaya!

Tunay pang kahinaan ni Evie si Silver. Sa ilang segundong paghalik nito sa kanya, napapikit na lamang din siya at sinimulang tugunin ang mga halik nito sa kanya.

Mas lalong naging madiin at mainit ang halikan nila ng parehas na silang tumutugon sa mga labi ng bawat isa. Humigpit rin ang pagkakakapit ni Silver kay Evie at mas tumitingkayad naman na si Evie para mas maabot ang labi ni Silver.

Nagpatuloy ang halikan nila hanggang sa matapos na ang mga putukan at maubos na ang mga ilaw mula sa lusis nila.

Dahan-dahan namang binitawan ni Evie ang mga upos ng lusis at sinapo nito ang mukha ni Silver ngunit nabigla ito sa kanya ng bigla niyang ipaglayo ang mukha nila at natigil ang halik. Pareho naman din silang naghahabol ng hininga.

"This wasn't supposed to be." pagaalangan pa rin ni Evie.

"This is a dream come true." sagot naman ni Silver at muling inangkin ang mga labi ni Evie.

Wala na naman na din nagawa ang dalaga kundi tugunin ang bawat haplos at halik niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status