Minsan talaga nakakamatay ang inggit ahhahahahaha
"Rachelle, pwede ba tayong mag-usap?" sabi ni PJ habang nasa harapan si ate at nakikinig. "Wala tayong dapat pag-usapan PJ," sabi ko dahil wala naman talaga. Nagpa-pack na ako ng gamit para makauwi dahil babalik pa ng Spain si Rico. "Kahit sandali lang," sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Sabihin mo ang gusto mong sabihin PJ dito at nagmamadali ako." "Mahal kita, Rachelle." Sabi niya agad sa akin ng walang paligoy ligoy. Napatigil ako pero agad ko ring pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit. "Iyon lang?" "Rachelle naman. Babe, patawarin mo na ako," pagmamakaawa niya. Sinilip ko si ate at nakita ko siyang nakayuko. "Pwede kitang patawarin pero hindi na tayo magkakabalikan." Malamig na sabi ko sa kaniya "Babe.. Babe.. Hindi ako papayag. Ano. Galit ka lang." Sabi niya. Hinawakan niya ako sa kamay. Binawi ko rin iyon kaagad. "Rachelle please.. Hindi ba sabi mo mahal mo 'ko? Hindi ba ako ang papakasalan mo?" pagmamakaawa niya. Bago pa man ako makasagot, may kamay ng pumulupot sa
“Rico, nahihiya ako,” sabi ko kay Rico dahil sa bahay nila naroon ang mga magulang niya, ang nakangiting si Harmonia, at ang tatlo pang lalaki na hindi ko kilala. “Stop staring at her,” nakasimangot na sabi ni Rico sa mga tao sa harapan. “So siya pala ang inuwian ni Rico mula Spain hanggang Pinas,” namamanghang sabi no’ng lalaki na may puting buhok. “Did you dye your hair again, uncle Lee?” Lumabi iyong singkit ang mata. “I look young in this one, son. Hindi ba Sico?” Ngumiwi si sir Sico. “Uncle, mas pinatanda mo ang itsura mo.” Agad na natawa sina ma’am Lay sa sinabi ni Sico. “I told you not to dye it,” sabi naman no’ng katabi. “Kuya, uncle Richmoon teased me kanina.” Tumingin sina Sico sa itinuro ni Moni. “I told you earlier not to mess the princess. Spoiled sa dalawang kuya.” Sabi ni Mr. Shein sa sinabing uncle Richmoon ni Moni. Bakit ba ako nandito? Nahihiya ako. “Huwag niyo muna ako pagtuunan nang tingin. Let’s ask this lady here. Ang babaeng nagpatibok sa isa na naman
Tuyo na ang katawan naming mula sa kakaligo pero ang nasa gitnang bahagi ng hita ko ay hindi matuyo-tuyo. “Rico, matulog na tayo,” nakapikit na sabi ko. Kanina pa niya ako hinahaIikan sa balikat at buong katawan ko. Hindi yata siya napapagod sa mga pinagagagawa niya. Samantalang ako ay pagod na pagod na. “Alright. Goodnight, sweetheart,” natawa ako at humarap sa kaniya dahil kanina ko pa narinig ang goodnight sa kaniya. Inabutan na nga kami ng umaga at flight pa niya mamayang gabi. “Matulog ka na,” sabi ko at pinagsiksikan ang sarili sa katawan niya. Naramdaman kong hinaIikan niya ako sa ulo ko at niyakap ng mahigpit. Aalis na naman siya dito. Hindi na naman kami magkikita. Nakatulog ako ng mahimbing habang nakayakap sa kaniya. Nang magising ay may saplot na ako sa katawan. Binihisan niya ba ako? Himala at marunong pala siyang magsuot ng damit. Akala ko ay paghuhubad lang ang alam niya. Nang makababa ako ay naabutan ko sina uncle Rich na nasa sala at mukhang nagkakasiyahan sil
“Rachelle?” tawag ni ma’am Lay sa akin habang nasa banyo ako at sumusuka. Pang ilang araw ko na ito at hindi ako nagsasabi sa kanila. Hindi rin ako pumasok sa skwelahan buhat sa masama lagi ang pakiramdam ko. Pumasok si ma’am Lay sa kwarto. Alam ko kasi naririnig ko ang yapak niya papalapit sa akin pero hindi pa rin kumakalma ang tiyan ko. “Rachelle?” Naabutan niya ako iniduro na nagsusuka pa rin. Agad niya akong dinaluhan at hinahagod ang likuran ko. Hindi ko siya maharap dahil nahihiya ako. Naiiyak na nga ako kasi hindi talaga matigil ang tiyan ko kakasuka. Nang medyo maayos na ay inalalayan ako ni ma’am Lay pabalik sa kama ko. “Kamusta ang pakiramam mo?” kunot noong tanong niya. “Ayos na po t-tita,” nahihiya kong sabi. Nakita kong bahagya siyang ngumiti. Nasisiyahan sa hindi ko matukoy na dahilan. “Pasensya na po. Hindi ko po alam bakit ako nasusuka. Sa tingin ko ay dahil napapasobra yata ang kain ko,” sabi ko sa kaniya. Nahihiya kasi ako. “Ayos lang iyan. Ano ka ba,” n
Dahil kaming dalawa lang ni ma’am Lay ang nakakaalam tungkol sa pregnancy ko kaya ngayon, takang taka ang mga tao sa mga ikinikilos ko. Kanina, tinatanong ako ni Moni kung papasok ba ako sa school, umiling ako kasi ayaw ko. Nakakahiya dahil pinapaaral nila ako pero ayaw ko talaga at baka abutin ako ng sama ng pakiramdam doon. Tapos ngayon, panay kain ko ng mga pagkain na kung saan-saan ko isinasawsaw. “Is that normal?” rinig ko pang tanong ni Mr. Shein kay ma’am Lay nang makita niyang isinawsaw ko ang fried chicken sa ketchup at suka ng sabay. “Oo naman, normal ‘yan,” nakangiting sabi ni ma’am Lay sa kaniya. Sa tabi ko naman na si Moni ay nakangiwi, tipong sobrang weird ng mga kinakain ko. Nang matapos akong kumain, pumasok na si Moni sa school at si Mr. Shein sa trabaho kaya ako nalang ang naiwan sa bahay kasama ni ma’am Lay. “Tita, ano pong gagawin natin?” tanong ko. Nasa upper town kami dito sa bayan kaya sobrang refreshing dahil wlang masiyadong ingay at puro pa puno ang nak
Kada umaga, pag magigising ako, nasa kwarto ko na si ma’am Lay para bantayan ako sa morning sickness ko. Hindi niya ako pinabayaan at hindi rin siya nagkulang sa pag-aalaga sa akin. Nahihiya na nga ako minsan. Nasa banyo ulit ako para sumuka. “Rachelle, kailangan natin pumunta ng OB,” sabi niya. “Po?” “Don’t worry, may kaibigan akong OB doon tayo,” sabi niya. “Kailangan mong matingnan para ma monitor natin ang bata sa tiyan mo anak,” sabi pa niya sa akin. Tumango ako at sumuka ulit. Ang hirap pala nitong pagbubuntis. Akala ko ay madali lang. Nagkamali ako kasi hindi naman pala madali ang lahat. Kung hindi ako masusuka ay nahihilo naman ako. Nang matapos ako ay saka ako tumayo at inakay ni ma’am Lay sa kama. “Mukhang pinapahirapan ka ng apo ko ah,” nakangiting sabi niya. Alanganin akong ngumiti at tumango. Mukhang ganoon na nga ang nangyayari. “Lady Lay,” tawag ng katulong sa labas. “Bakit?” “Dumating na po ang bagong security para magbabantay kay Ms. Rachelle,” sabi nito
“Mia, salamat sa pagpayag mo na maging OB nitong anak ko,” sabi ni ma’am Lay at ako naman ang nahiya nang sabihin niya ang salitang anak. “Ano ka ba naman Lorelay. Para namang hindi tayo magkaibigan,” sabi nito saka tumingin sa gawi ko. Nakita ko ang magaan nitong ngiti sa akin. Gaya ni ma’am Lay at pamilya ni Rico, ramdam ko ang kasiyahan sa mukha nito. Para bang hindi kaso sa kaniya na galing ako hindi marangyang pamilya. “Hindi ko aakalain na may anak na ang anak natin, Lor.” Sabi niya kay ma’am Lay. “Ako nga rin Mia. I’m sure magugulat itong si Rico.” “Sabay ba silang uuwi ni Zee dito?” “Hindi ko pa alam e. Walang balita si Zee sa akin,” sabi ni ma’am Lay. “Nga pala Rachelle, itong si Mia ang mommy ni Rico. Pwede mo siyang tawaging mommy.” “Ay hala po!” Sabi ko. “Nakakahiya naman po tita,” sabi ko. Ngumuso si Doc Mia at sinabing, “mas ikakatuwa ko Rachelle kung tatawagin mo akong mommy.” Ako na ang nahihiya sa kabaitan na pinapakita nila sa akin. “S-Sige po,” sabi ko sa
Umuwi kami ng bahay kasama ni Doc Mia. Siya kasi ang nagmaneho ng sasakyan namin pauwi. Nasa likuran ako nakaupo habang si ma’am Lay naman ay tinatabihan ako. “Rachelle, Rico is calling,” sabi ni niya. Agad akong nabuhayan at agad na kinuha ang cellphone niya. “Sweetheart?” kakalagay ko lang ng cellphone sa tenga ko, narinig ko ang malambing na boses ni Rico. Kahit nasa tabi ko ang mama niya ay tumulo ang luha ko. “Rico, miss na miss na kita,” umiiyak na sabi ko. Nakita ko ang pagngiti ng mama niya at ni Doc sa sinabi ko. Nahiya ako bigla. “Aw. I missed you too sweetheart.” Hindi ko napigilan maging emotional. “Are you crying baby?” umiling ako at pinunasan ang luha ko. “Hindi ah,” sabi ko kahit na sunod sunod ng tumulo ang luha sa mata ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. “Kamusta ka diyan? Kumakain ka ba ng tama?” tumango ako sa tanong niya. “You missed me so bad?” “Opo,” sabi ko sa mababang boses at narinig ko nalang ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya.