Short
Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

Asawa ng Nakalimutan: Buntis at Inabandona

By:  KarenWKumpleto
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
8Mga Kabanata
596views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Nalaman ko na buntis ako kasabay ng childhood sweetheart ng asawa ko na si Rosa. Para protektahan ang kanyang anak mula sa pagpapaabort, sinabi ng asawa ko na anak niya iyon. Sa anak ko? Pinagaan niya ang loob ko, sinabi niya na aangkinin lang niya ang bata kapag isinalang na ito. Kinumpronta ko siya, gusto ko malaman kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Malamig at walang alinlangan ang sagot niya: “Ang angkinin ang baby ang tanging paraan para protektahan sila pareho. Hindi ko hahayaan na may mangyari sa kanya o sa baby niya.” Sa oras na iyon, habang nakatingin ako sa lalaki na minahal ko ng sampung taon, napagtanto ko na namatay na ang pag-ibig ko para sa kanya. Hindi nagtagal, kinundena ako ng pamilya ko, tinatawag akong pokpok dahil nagkaanak ako ng wala itong ama at pinressure ako na magpa-abort. Samantala, nasa ibang lungsod naman ang asawa ko, kasama ang sweetheart niya, tinutulungan siya sa kanyang pagdadalantao. Sa oras na nakabalik siya, nakaalis na ako.

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

Isabella’s POV

Nalaman ko na sinasamahan ng asawa ko ang childhood sweetheart niya na si Rosa para sa pregnancy check up niya sa ospital kung saan ako madalas nagpapacheckup ngayong tanghali.

“Vincent, ang cute ng baby natin sa monitor.

Mula sa maliit na awang sa pinto, nakita ko na napangiti ng husto si Vincent. Itinuro ni Rosa ang monitor, at tumango si Vincent, nakangiti sa kanya.

Kung hindi ko lang alam na asawa ko ang lalaking ito—ang ama ng aking dinadalang bata—iisipin ko sana na magkasintahan sila, masaya at nagmamahalan.

“Isabella Caruso? Handa na ang doktor para suriin ka,” tawag ng nurse.

Tumalikod si Vincent, namutla siya, sinuro nia ang hallway. Narinig niya siguro ang pangalan ko.

Noong napatingin siya sa akin, ibinuka niya ang kanyang bibig pero wala siyang nasabi.

Masaya ang aming pagsasama ni Vincent Falcone, ang mafia kong asawa, ng sampung taon. Sa taong ito, buntis na din ako sawakas at siya ang ama. Alam dapat niya higit kanino man kung gaano kahirap para sa akin ang magkaanak. Paano niya itong nagawa sa akin?

Mabagal akong naglakad palapit sa kanya, kumukulo ang dugo ko at nakaramdam din ako ng matinding kalungkutan ng maisip ko kung gaano katindi siyang nagsinungaling sa akin.

“Kaya ba sinabi mo na hindi ka makakarating sa appointment ko ngayon?” Sinubukan ko gawing kalmado ang boses ko, pero bumugso ang galit, kung saan imposibleng makontrol ko ito.

Hindi na ako nakapag-isip, itinaas ko ang kamay ko at sinampal si Vincent.

Unang beses itong naglabas ako ng galit sa kanya. Pero, kahit na sinampal ko na siya, tumayo lang siya doon, iniwasan niya ako ng tingin.

“Hindi nakakatulong ang katahimikan mo, Vincent. Dapat mo akong bigyan ng paliwanag.”

Hindi kumilos si Vincent, pero si Rosa—na nakatayo sa likod niya—ay lumapit at pinrotektahan siya mula sa galit ko.

“Mrs Falcone, Isabella, tama?” sambit niya, nanginginig ang kanyang boses, “Ako ang sisihin mo. Walang ginawang mali si Vincent.”

“Pagkakamali ko ito, Isabella. Ako ang nabuntis.”

“Ikaw ang sisihin ko para sa lahat, huh?” singhal ko, ramdam ang pait sa boses ko.

Matapang akong babae, pero gayunpaman, tumulo ang mga luha ko.

Tila ba may natrigger sa loob niya, nilampasan ni Vincent si Rosa at hinatak ako sa kanyang mga bisig.

“Huwag ka umiyak, Isabella. Hindi akin ang sanggol,” sambit niya, halos bulong ang boses niya.

Nanigas ako. Ano?

Pero, nagsalita bigla si Rosa, kumindat siya kay Vincent, “Vincent, hindi ba’t nangako ka na poprotektahan mo ang baby ko sa pagsabi na ikaw ang ama nito? Bakit mo ito sinasabi sa kanya ngayon?”

Protektahan ang baby niya? Ano ba ang nangyayari?

Kumawala ako sa yakap ni Vincent at tinitigan siya. “Anong kagaguhan ang nangyayari ngayon, Vincent? Anong pinagsasasabi niya?”

“Vincent!” Tinawag siya ni Rosa, malinaw na pinipigilan siya na magsalita pa.

Pero hindi nag-alinlangan si Vincent. “Asawa ko si Isabella. Nararapat lang malaman niya.”

“Sige,” maluha-luha akong tinitigan ni Rosa. “Kung kailangan mo talagang malaman, Isabella… napagdesisyunan ni Vincent na angkinin ang anak ko, kaya baka hindi niya maangkin ang anak mo.”

Namutla si Vincent, pero nanatili siyang tahimik, hindi niya itinama ang kanyang sinasabi.

“Pero huwag ka mag-alala,” patuloy ni Rosa, ang tono niya ay biglaan naging sweet ng abutin ang kamay ko, ang mga daliri niya nasa ibabaw ng kamay ko. “Sinabi ni Vincent na kahit na hindi niya maaangkin ang anak mo ngayon. Aampunin niya ito sa oras na manganak ka.”

“Mapapasakamay ng mga anak natin ang pangalang Falcone,” dagdag niya, ramdam ang pekeng sinseridad sa boses niya.

Sigurado akong nakita ko ang ngisi sandali sa mga labi niya, pero agad itong nawala bago ako maging sigurado.

Humarap ako kay Vincent, tahimik siya, nakayuko pa din na tila hindi niya maatim na ako’y tignan.

“Totoo ba ito, Vincent?” nanginig ang boses ko habang pinipilit ang tanong. “Isusuko mo ang baby natin para iligtas ang kanya?”

“Pasensiya na, Isabella,” bulong niya, paos ang kanyang boses, hindi halos marinig.

Nanggilid na naman ang mga luha ko. “Mas mahalaga ba ang baby niya at iaabandona mo ang atin?”

Nag-alinlangan si Vincent, ang sakit sa pakiramdam ng hindi siya sumagot agad.

“Hindi mo naiintindihan ang pamilya ni Rosa,” bulong niya, mabagal ang pananalita niya. “Hindi maglalakas loob ang pamilya ni Rosa para kontrahin ako. At dahil nilinaw naman nila na tatanggapin lang nila ang bata kung wala akong ibang anak, hindi ko masasabi na akin ang anak mo—hindi hanggang sa isilang ang anak ni Rosa.” Tinignan niya ako na parang marangal na bagaya ang ipinaglalaban niya, na tila hustisya ang sinasabi niya.

Pero nakakatawa ang logic sa likod nito.

Ang bagay lang kung saan tama si Vincent ay walang may malakas ang loob na kontrahin siya—at least wala sa Timog. Mafia kingpin siya, may kinalaman sa mga baril at drug trafficking.

Kahit na may koneksyon ang pamilya ko sa mga mafia, dahil sa pagkakaroon ng ilang mga casino, pipitsugin lang kami kumpara kay Vincent.

Kaya, noong nalaman ng mga magulang ko na may namamagitan sa amin ni Vincent, halos ipagtulakan nila ako sa kanya.

Si Vincent, na malamig at may awtoridad na tao, ay sa akin lamang ipinapakita ang kanyang lambing. Pero ngayon, nakita ko na ginawa din niya ito para kay Rosa.

Inabot niya ako ulit, nakabukas ang mga bisig niya, sinusubukan niya akong hatakin palapit. “Huwag ka mag-alala. Hindi ko hahayaan lumaki ang anak natin ng walang ama. Magtiwala ka sa akin, okay? Sa oras na isilang ang anak ni Rosa, lilinisin ko ang pangalan mo.”

Pagkatapos ng checkup, ipinilit ni Vincent na ihatid ako para magdinner. Sabik si Rosa na sumama. Sinabi niya na masaya siya dahil hindi lang siya ang nagdadala ng anak ni Vincent sa kanyang sinapupunan, pero kita ko na umaarte lang siya.

Masyado niyang ginagalingan sa pag-arte bilang mapag-alala at supportive na kaibigan.

“Ano kaya kung doon tayo sa karaniwan nating kinakainan? Matagal na akong nagkecrave para sa pagkain nila,” ideya ni Rosa habang hindi pa ako nakakaupo halos.

Mukhang masyadong sabik si Vincent. “Mukhang okay. Doon tayo sa Sixth Avenue.”

Nanatiling pangkaraniwan ang ekspresyon ko, pero nalulukot ang sikmura ko dahil hindi ako mapakali. May itinatago si Rosa sa malapad niyang ngiti.

Naupo si Rosa sa backseat, agad siyang napahawak sa kamay ni Vincent. “Iniisip ko… baka puwede tayo dumaan saglit at tuminging ng mga damit para sa baby pagkatapos ng dinner. Hindi pa ako nakakahanap ng mga bagay.”

“Okay lang naman, hindi ba, Isabella?” humarap siya sa akin, nanghahamon ang mga mata niya. “Mag-isa na lang ako ngayon. Si Vincent lang ang maaasahan ko.”

Kalokohan. Mas mukhang magkasintahan si Rosa at asawa ko kaysa sa kaming dalawa.

“Galit ka ba sa akin, Isabella?” Kumurap si Rosa sa akin, kita sa mga nagniningning niyang mga mata na hindi ito puro. “Puwede ka sumama sa amin kung gusto mo.”

“Hindi na kailangan. Naihanda mo na ang mga damit ng baby sa mansyon.” Tapos na akong sakyan siya.

Noong tumigil sawakas ang sasakyan, bumaba ako at nakita ko na nasa Japanese restaurant kami, na ang specialty ay sashimi at sushi.

Nakalimutan na ba ni Vincent na hindi ako kumakain ng hilaw na seafood? Nakalimutan na, simula ng pagdadalantao ko, sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa amoy nito?

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
8 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status