Hindi pa siya nagpapaliwanag nang lubos pero agad na nitong tinanggap na mga anak nga nito sina Steev at Brina. Kunsabagay wala namang makakatanggi niyon. Kaya nga nang magbalik sila ng mga bata dito sa San Isidro ay agad nahulaan ng mga kakilala niya kung sino ang ama ng mga anak niya.
“Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo ang totoo. Bastian---“
“Shut up! I need to find my children!” wika nito saka muling binunot ang cellphone nito.
Kanina pa nito tinawagan ang ilang kakilalang maaring makatulong sa paghahanap sa mga anak niya. At tulad ng mga pulis, ang tanging maipapangako ng mga iyon ay gagawin ang lahat para mahanap ang mga bata.
“Hello, I need you to come here right away,” utos nito sa
maawtoridad na boses sa kausap. “No, not tomorrow, dammit! Right now! Those missing kids are my kids, F
“Hi! Ah---ako ang---“Subalit hindi siya pinatapos ng mga bata sa alanganing pagpapakilala niya sa mga ito. Sapagkat animo mga miniature torpedoes na biglang inilunsad ng mga ito ang mga mumunting katawan palapit sa kanya.“Daddy!!!” sigaw ng mga ito sa pinakamatamis na sigurong katagang maari niyang marinig sa tanang buhay niya.Lumuhod siya sa lupa. Ibinuka ang mga bisig upang saluhin ang mga katawan ng mga ito. And as his arms closed around his two perfect angels, his anger at their mother quickly faded away.“Daddy! You’re here, Daddy!” “Daddy! We went lost! But you find us!”Hindi makamayaw ang mga ito sa pagsasalita. Mahigpit na mahigpit ang mg
HINDI alintana kahit mabalian man siya ng buto sakaling mahulog siya sa hagdan na tumakbo pababa si Aishell. Natagpuan na ang mga anak niya!Pababa pa lang ng sasakyan si Bastian karga-karga si Brina ay nakayakap na siya dito.“Oh, thank God! You’re safe!” bulalas niya na pinupog ng halik ang mga pisngi nito. “Mommy!” hikbi ng anak niya na mahigpit na yumakap din sa kanya.Pagkuwan ay bumaling siya kay Steev na naghihintay mapansin niya habang nakaupo ito sa loob ng sasakyan. Nang ilahad niya ang mga braso dito ay dali-dali itong yumakap sa kanya.“We’re sorry, mommy!” wika nito.“We won’t go away again. We got scared very much, mommy!” pangako naman ni Brina.“You’re back. I’ll lock you both in your rooms and throw away the k
“Ni hindi mo sila maalagaang mabuti! Hinayaan mo pa silang iwala ng sekretarya mo!”“That was...you---“ mariing naglapat ang mga labi niya. Sa puntong iyon ay tama ito. Kasalanan talaga niya kaya nawala ang mga anak niya. Naging pabaya siya sa pag-iiwanan niya sa mga bata kaya nangyari iyon.Just the thought that she may never have seen her children again brought the tears back in her eyes. Dagli siyang tumalikod dito upang ikubli ang mga luhang pumatak sa mga pisngi. Kinuskos ng mga palad ang mga luha.Isang mahabang buntung-hininga naman ang pinakawalan nito. Lumapat sa kaliwang balikat niya ang isang mainit na palad nito. Marahang pumisil iyon. Nang-aalo at nanghihingi ng paumanhin. Gusto niyang palisin iyon. Hindi niya kailangan ang pang-aalo nito.Pero kusa na rin nitong binawi agad iyon. At ang estupid
Nakausap na rin niya ang abogado ng lolo nito na si Atty. Nuarin. Pagdating sa usapin tungkol sa pagbili ng lolo nito sa pabrika ay wala silang argumento. Ni hindi tumawad ito sa asking price nila.Ayon sa abogado ng lolo nito, tila si Bastian daw ang ilalagay ng matandang Aseron bilang temporary general manager ng pabrika. Wala pa raw kasing ibang bini-brief ang matanda ukol sa pabrika maliban kay Bastian. Bagamat imposible din naman daw na permanenteng ilagay ng matandang Aseron doon si Bastian.Dahil may mataas na posisyon din sa Aseron Corporation ang binata. Hindi pa naikukwento ni Bastina mismo ang nangyari kung paano nito natagpuan ang lolo nito sa ama. At sa estado ng pakikitungo nito sa kanya ngayon, duda siya kung sasabihin pa nito iyon sa kanya. Pero dahil sa madaldal na si Atty. Nuarin, halos napagdugtong-dugtong na rin niya ang mga nangyari.
Hinawakan siya sa siko at iginiya palabas ng silid. Sa dining room ay nakahain na ang mga pagkain. At sa nakita niyang pagkaka-ayos ng dining table ay biglang sinalakay ng kaba ang dibdib niya. Puros mga paboritong pagkain at prutas niya ang naroon. May wine pang nakalagay sa ice bucket. Pero ang ang pumpon ng sarisaring bulaklak na nasa gitna ng mesa ang mas nagpabilis ng tibok ng puso niya.In all appearances, it looked like a romantic dinner setting. Pero imposibleng iyon ang gusto nitong palabasin. Ni halos hindi nga siya nito kinakausap kung hindi rin lang napipilitan dahil sa kambal o dahil sa negotiation nila tungkol sa pabrika. Kaya bakit ito naghanda ng ganito ngayon? “Why?” tanong niya dito. Puno ng kuryusidad at pangamba ang tono niya. At natitiyak niyang mababakas rin iyon sa m
“Too long? I think so too. Pero ayokong magpakasal sa huwes. Gusto ko engrande na mayroong maraming litrato at videos para kapag malaki-laki na sina Brina at Steev at nakakaunawa na, hindi nila iisiping nagpakasal lang tayo dahil sa kanila. This marriage has to appear real to them and to the rest of my family.” Ang mga sinabi nitong iyon ang pumutol sa pagha-hang ng utak niya. Malakas na itinulak niya ito palayo.“Bastian! Stop it! Hindi ako magpapakasal sa iyo! Ni wala tayong relasyon!” mas malakas kaysa normal niyang boses na wika niya dito.Bagamat hindi iyon sinlakas ng sigaw dahil pinipigilan siya ng matinding galit na pumupuno sa dibdib niya ng mga oras na iyon. How dare he treat marriage to her like it was some business deal?! Ang tono nito, ang ekspresyon nito kahit ang mga salita nito mismo ay nagsasaa
ISLA FUEGO. ASERON FARMS. Natigilan si Aishell nang tumambad sa kanyang namamanghang mga mata ang malaking mansyon ng mga Aseron. Wala sa loob na mahigpit na napakapit tuloy siya sa kamay ni Bastian na inaalalayan siya sa pagbaba mula sa sasakyan nito. Kasya ang limang mansyon nila sa loob ng mansyon ng mga Aseron. Pakiwari tuloy niya, isang biro lang ang pagiging mayaman ng pamilya niya noon kumpara sa mula pa kanina ay nasasaksihan niyang yaman at impluwensya ng pamilya ni Bastian. Mula kasi sa arkong nagsasaad na papasok na sila sa Aseron Farms, limang kilometro pa yata muna ang binagtas nila bag
“You are one lucky son of a gun, Bastian! They’re very cute kids,” nakangising puri ni Simoun habang nakamata sa mga batang nag-uunahan sa pagkukwento kay Lolo Nemo ng lahat-lahat ukol sa maikling talambuhay ng mga ito.“That I am, Simoun,” malawak ang ngiting tango naman ni Bastian.The sight of pure pleasure that spread on her children’s faces were more than enough to convince her that marrying Bastian is a good thing after all. Sapagkat kahit hindi matanggap ang mga ito ng lola niya at madrasta, sa side naman ng pamilya ni Bastian ay malinaw na tanggap na tanggap ang mga ito.“I promise, Aishell, everything wil be alright from now on. Our children will never lack for anything,” bulong ni Bastian sa tainga niya nang kabigin siya nito sa balikat at hapitin palapit dito. Nakita kasi nito ang pamamasa din ng mga mata niya sa nasasaks