“Tiya! Tiyo! Mauna napo ako. ” Saad ng dalagang si Vivian habang pasakay ng tricycle, paalis na kasi ito ng baryo.
Ngumiti ang tiyo't tiyahin niya at kumaway ang mga ito sa kanya... “Mag-iingat ka doon, hija. B-balitaan mo kami kapag nakarating kana. ” umiiyak na Saad ng kaniyang tiyahin. Bigla nalang itong yumakap sa asawa nito at nagsimulang humagulgol. Hindi rin maiwasan ni Vivian ang nagbabadyang luha sa kanyang mata kaya napatingala ito. ‘Ayos lang yan, Viv. Babalik ka rin pagkatapos ng anim na taon. ’ Saad ng dalaga sa kanyang isip. Mailing iling niyang Iwinaksi sa kanyang isipan ang nakakalungkot na ideya ng kanyang pag alis at humarap mula sa mga taong nag aruga sa kanya. “Opo, Mauna napo ako... ” pagpapaalam niya. Kinalbit niya ang driver at sinenyasan ito na umalis na. ‘Hanggang sa muli... ’ . . . Nang makababa si Viv ay pinagsadlahan niya ng tingin ang malaking Gate. Kung tutuusin ay parang higante ang nakatira sa loob nito dahil sa sobrang laki. Napabuntong hininga siya ng maalala nanaman ang kanyang Tiya Isabel at tiyo Arlon. ‘Kung kasama ko ang mga ito ay malamang na matutuwa sila na makakita ng ganitong kalaking gate, lalo na si Eric.’ Saad niya sa kanyang isip. May kalayuan ito, napabyahe pa siya ng ilang oras para mag-apply ng trabaho dito. Yun rin kasi ang nais ng kaniyang yumaong lola. Matapos niyang pindutin ang doorbell ay nanatili siya sa tapat ng Gate, nagpalinga-linga kahit napakainit, hanggang sa may magbukas non. “Oh, Ma'am. Magandang umaga po, Ano po bang maipaglilingkod namin? ” bungad ng guard. May katandaan na ito dahil sa marami na itong puting buhok. Matangkad rin ito at kulubot na ang balat, ngunit mukha namang mabait dahil sa magandang bungad nito. “Magandang umaga rin po, manong. Huwag niyo na po akong tawaging ma'am dahil mag-apply po akong bagong kasambahay. ” nakangiting tugon ni Viv. Sinuklian siya nito ng ngiti at sinenyasan pumasok. Inihatid siya nito sa tapat ng malaking mansion. Nag-angat siya ng tingin sa nakakalulang tingin nito. Umalis ang guwardiya at mabilis niyang tinawag ang mayordoma at niyakap si Viv ng matanda. “Napakalaking bata mo na, Viv. Kay bilis naman ng panahon at dalaga na agad ang batang katulong ko sa paghugas ng plato. ” masayang bati niya. Niyakap niya ito pabalik. Ito si lola Martha— barkada ng kanyang lola. Nakasama na ni Vivian ito noon pa, anim na taong gulang palang kasi siya ng dalhin siya ng kanyang lola. Kaya ang ibang memorya niya ay napakalabo—kung kaya't hindi ko agad nakilala ito. “Sampung taon na rin ang nakakaraan. ” aniya at humiwalay sa yakap. Saglit niyang nilibot ng tingin ang loob ng mansion matapos ni Vivian na tumuloy doon. Masaya siyang marami ang nagbago at mas gumanda ang mansion... Pero ang ngiti sa labi ni Vivian ay mabilis na naglaho ng dumapo ang kaniyang mga mata sa kulay asul na mata na minsang naging pamilyar sa kanya. ‘Teka... Sino siya? ’ “Hija, parang natigilan ka at—” tila naputol ang kanyang sasabihin. “Viv, yan pala si Señorito Atticus—anak ng magiging amo mo, Si Señorita Katerina at Don Claudio. ” paliwanag ni manang Martha. Wala sa sarili napatango ang dalaga habang hindi pa rin ina-alis ang kanyang tingin sa gwapong binata—May Kaputian ito, matangkad at medyo payat. Di niya maiwasang bigyan ito ng ngiti ngunit agad na tumalikod sa kanya ang Señorito. ‘Masungit... ’ . . . Tahimik na nag tipon-tipon sa salas ang mga kasambahay ng mansyon, guwardiya at mga driver. Pati ang tatlong baguhan na si Stella, Nana at Vivian. Bagot at kinakabahan paring nanatili si Vivian sa pwesto niya. Habang ang Señorita Katerina at Don Claudio naman ay abalang binabasa ang mga Biodata nila. “I'm so glad to meet you again Vivian... ” Saad ng señora. Agad na nag-angat ng tingin si Vivian at sumagot. “P-po? ” utal at kabadong saad nito. Naguguluhan sa naging reaksyon sa kanya ng babae. Hindi niya matandaan na nakita niya na ito noon. “You're such a grown up beautiful lady. ” nakangiting usal ni Señorita kay Vivian na nanating nakatitig lang sa kanya. ‘T-teka, kilala nila ako? ’ “How old are you hija?” interview niya pa rin sa dalaga. “I'm s-sixteen po. ” sagot niya at napayuko. Alam ni Vivian na wala pa siya sa tamang edad para magtrabaho, ngunit ayaw niyang magsinungaling sa mga ito. Gusto niya na ring makatulong at makapag-ipon sa paparating na kolehiyo— lalo pa't na-advance siya ng dalawang taon. “Minor ka pa pala, is it ok to you if you work? ” takang tanong sa kanya ni Señorita Katerina. Nakikita ang concern ang kanyang mukha. Tumango naman ang asawa nito na si Don Claudio, na doon lang din nakitaan ni Vivian ng reaksyon. ‘Parang masungit rin ito katulad ng binata kanina. ’ Tango lang ang naging sagot ni Vivian, ngunit naging dahilan iyon para sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ng Señorita. “Sure then, would you like to be my son's personal maid? I mean, that's the only job that I have for you. ” Mabilis namang tumango si Vivian. Sa totoo lang ay ayos sa kanya ang kahit anong trabaho. Basta masaya siya at makakapag-ipon. Bigla nalang bumukas ang pinto ng salas, dahilan kaya napalingon lahat doon. Bigla nalang pumasok yung binatang sinasabi ni Vivian na masungit. Maganda ang postura ng katawan. May proper etiquette at pukaw atensyon, ngunit walang paggalang ang pagpasok nito. Diretso itong nakatingin sa kanya. Ni hindi man lang inalis ang tingin nito at lumapit sa kanila. “Now you're here Hijo,” bungad ni Señorita Katerina at h******n ang binata. Nanatili lang ang mga mata nito kay Vivian. “I want you to meet Vivian... And new hired personal maid mo. ” Nilamon ng kaba ang puso ni Vivian habang nakikipaglabanan ng titigan sa binata. ‘Bakit kaya siya nakatingin sakin?’ — “Oh sya! Manang Martha will guide you around the house and house chores too. ” Nakaw atensyong saad ng Señorita. Kusang napaiwas tingin si Vivian sa binata at humarap sa Mayordoma— si Lola Martha. Matapos ang ilang pang interview sa ibang mga baguhan ay iginaya ni Manang Martha si Vivian sa iba't iba kwarto sa unang palapag at ngayon ay kasalukuyan itong naglalakad sa malawak na pasilyo papunta sa kwarto ng Señorito. “Lola Martha, maaari ko po bang matanong kung gaano niyo po kakilala si Señorito? ” tanong ni Vivian, abala ito sa pagkutkot ng kanyang kuko. Halatang kinakabahan ang dalaga. “Hija, si Señorito ay mabait na bata ngunit mailap ito at pili lang ang taong kinakausap.” Paliwanag ng matanda. “Huwag kang matakot doon sa batang 'yon. Mainipin at masungit lang iyon pero mas natitiyak pa nga akong mahuhulog sa sa Charms no' n eh.” dagdag pa nito. Napangiwi lang siya sa sinabi ng matanda. Alam ni Vivian na imposible 'yon dahil una sa lahat ay gusto niyang magkaroon ng maayos at magandang trabaho. Pangalawa, ang nais ng dalaga ay makapagtapos at makatulong sa kanyang tiyo at Tiya, kung posible man ang sinasabi sa kanya ni Manang Martha ay tiyak na hindi niya rin iintindihin 'yon at hindi na importante sa kanya yon. Baguhan ang dalaga sa relasyon. Ngunit hindi niya ninais na magkaroon man lang ng ‘Crush’ o paghanga sa tao lalo pa't amo niya ito. Ilang minuto pang paglalakad ay narating nila ang pinto sa dulo ng pasiya. Kulay Dark brown ito at mukhang bagong barnis dahil makintab pa sa mata. “Oh Hija, maiwan na kita... Katukin mo nalang si Señorito at pag bubuksan ka no'n. Kailangan ko munang tapusin yung gagawin ko. ” paalam sa kanya ni Manang Martha. Tumango lang si Vivian bilang sagot at pinanood ang matandang makalayo. Napabuntong hininga si Vivian habang pinagmamasdan ang pinto. ‘Kakatokin ko ba si Señorito? Tulog kaya ito? —huwag na lang siguro.... ’ Akmang aalis na ito ng bumukas ang pinto habang si Señorito ay masamang nakatingin sa kanya. Agad na humingi ng tawad si Vivian. “I've been waiting for f*cking forty-six second. ” malamig na bungad ng Señorito. Napayuko nalang si Vivian. Hindi niya inaasahan magiging mali ang desisyon niya. Tiyak na pag nalaman ng Señorito na balak niyang bumalik sa Maids Quarter ay mas magagalit ito. “P-patawad po, S-señorito... ” nagsimulang manginig ang tuhod ni Vivian at nanatiling nakayuko. Hindi niya na ninais mangatwiran dahil baka mawalan pa siya ng trabaho. “You need to be punished.” ‘Parusa?’ tanong ni Vivian sa kanyang isip. Tila natulala siya sa sinabi ng señorito. Hindi niya mahanap ang tama sa sinabi nito. Ilang segundo lang siyang nahuli ngunit may karapatang parusa agad na ibibigay sa kanya ang señorito. Paano pa kaya kung umabot na ito ng isang minuto? “You need to clean my room... ASAP. ” masungit na utos ni señorito Atticus at pumasok sa kanyang. Napangiwi nalang si Vivian at sumunod naman ito. Nagtataka itong nilibot ng tingin ang kwarto. Malinis ito. Halos makakapag salamin ka na nga sa linis ng paligid. ‘Anong lilinisin ko rito?’ Aniya sa kanyang isip. Ngunit nanlumo si Vivian ng makitang hinuhulog ng Señorito ang mga gamit sa istante. Walang pakialam kung may nabasag doon. Ang mga libro, cd, koleksyon ng laruan, papel sa kanyang study table at mga damit nito ay ikinalat niya. Nalaglag ang Panga ni Vivian sa ginawa ng binata. “S-señorito... ” tawag niya dito at tumigil ang binata. “What?!” iritasyon ang bumalot sa mukha ni señorito Atticus ng lumingon ito kay Vivian. “Are you going to disobey my orders? I can fire you—” “Hindi po sa ganon! ” putol ng dalaga. “Then... ” mabilis na humakbang si Atticus kay Vivian na abala pa rin sa pagtingin sa mga kalat na ginawa nito. “Clean this mess. ” bulong niya sa tenga ni Vivian. Biglang kinilabutan si Vivian sa ginawa ni Atticus at kitang kita ang gulat sa mukha nito. “I'll be expecting that this whole place will be clean when I come back! And you must leave before I bring Elliest up here.” Mabilis na umalis si Atticus at pagbagsak na sinara ang pinto. Napabuntong hininga nalang ito dahil kahit papaano ay naka-hinga siya ng maluwag. ‘Mukhang matatagalan ako. ’Hindi alam ni Vivian kung anong oras siya nakatulog o hindi niya man lang rin napansin na nakatulog na siya. Basta ang alam niya lang ay naalimpungatan siyang tuyong tuyo ang lalamunan niya at kumakalamnan narin ang tiyan niya. Nakaligtaan niya rin kasing kumain. Wala rin naman si Dahlia sa kwarto kaya lumabas siya at nagbakasakaling gising pa ito at nasa baba.Bago siya makarating sa kusina ay nakita niyang bukas ang pinto papunta sa swimming pool. Ewan niya at nagkusa ang mga paa niyang pumunta doon. Yumakap sa kanyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Madilim at mahamog narin sa labas ngunit napahinto nalang siya ng makita ang bulto ng isang lalaking mag isang umiinom ng alak habang nakatingin sa kung saan.Pinaka titigan niya iyon at nakilalang si Atticus. Hindi pa siya handa para harapin ulit ito.Ngunit ang ginawa niyang pag-atras ay gumawa ng ingay mula sa lata ng Beer. Hindi niya nga napansin iyon sa pag-palit niya kanina tapos ngayon ay tila kabuteng tumubo nalang iyon sa
Kagat kagat ang kuko, habang nag paikot ikot si Vivian sa hagdan. Inaantay nito si Señorita Katerina upang magpaalam. Kanina pa hindi mapakali si Vivian sa kakaisip kung papayagan ba siya ni Señorita. Wala ring kasiguraduhan kung magpapaalam siya ka Atticus. Bukod kasi sa bipolar ito ay, mahirap rin itong kausapin nitong nakaraang araw. Ilang araw na ang lumipas mula nung mapangakuan niya ang kanyang pinsan na si Eric. Ilang araw na rin itong naghihintay ng balita mula sa kanya. Sa kabilang banda naman, hindi niya matyempuhan ang señorito dahil sa pagiging mailap nito. Ni hindi nga siya kayang pag buksan ng pinto tuwing dadalhan niya ng almusal ito... Napayuko si Vivian ng bumukas ang pinto sa kwarto nila Señorita Katerina at Don Claudio. “M-magandang umaga po... ” bati ng dalaga. Pinaglalaruan niya ang mga daliri. Mabilis rin ang tibok ng kanyang puso dahil sa kaba. “Vivian... ” tila nag-aalalang saad ng ginang at pinag-sa
Abala si Vivian sa paghahanda ng pagkain para kay Atticus. Nagmamadali na ito dahil huli na siya. Hindi kasi ito nakatulog kagabi magmula ng may mareceive itong text mula sa tiyahin. Nasa hospital ang mga ito dahil na dengue and tiyuhin. Ilang araw na ang lumipas magmula nung dumating ang bisita ng mga Sigertem. Hanggang ngayon kasi ay na nags-stay ang pamilyang Hiratchi. Nakilala niya yung binatang laging naka buntot kay Dahlia na si Cassius Kai Hiratchi. Mayaman rin ang pamilya nito kaya tinatawag nila itong Señorito Cassius.Kung si Señorito Atticus ay negative forty degree Celsius kung makitungo ay, mas lamang parin si Señorito Cassius, negative one hundred kung baga. Ngumiti nga, pero kay Dahlia lang.Nagpapakumbaba nalang kung makitungo si Vivian rito.Mabilis na inalalayan ni Vivian ang tray na hawak. Patungo na siya sa kwarto ni Atticus ng bumanga siya sa kung sino. Tiningnan niya muna kung ayos yung pagkain na sala niya bago siya mag-angat ng tingin.Nag-init ang ulo niya ng
Matamang pinagsadlahan ng masamang tingin ni señorito ang kanyang pinsan na si Salvi. Pinagtataka naman ni Vivian ang bagay na 'yon. Saglit niyang pinagmasdan ang dalawa saka tumikhim. Si Salvi ay lumingon at ngumiti sa kanya. Habang ang señorito ay hindi inaalis ang tingin dito. 'Ano bang kinakasama ng loob ng Señorito?' Bahagyang humakbang para agawin ang atensyon nito. "Señorito... " tawag niya rito. "Atticus... "usal naman ni Salvi. Mas lalong tumalim ang tingin ni Señorito. "Don't you dare, approach my girlfriend. " tila may bahid ng bantang sabi ni Señorito. 'S-sandali, girlfriend? Hindi ako kasintahan ni señorito! Anong sinasabi nito?' "So, she's yours... Already?" dismayadong Saad ni Salvi. Nilingon naman ito ni Vivian. 'Bat ang lungkot nito?' "Yeah, she's mine so back off... " pagbabanta ng Señorito. Hindi pinansin 'yon ni Salvi at akmang lalapit ito kay Vivian ng pigilan siya ni Atticus. "Viv—" "I said back off! " sigaw ni Atticus. Doon lang napansin ni Vivian n
Pasado alas kwatro ng hapon ng matapos si Vivian sa paglilinis ng kwarto. Pabalik na sana siya sa Maid Quarters ng masalubong niya ang tila naliligaw na lalaki.“Uhm? Miss, Do you know where the bathroom is? ” Tanong nito..Saglit na nakatitig si Vivian dito. Isa itong mestiso, kayumanggi ang buhok at Green na mata. Hindi na magtataka si Vivian dito dahil mukha naman itong may lahi— at higit sa lahat... Gwapo ito.“Mayroon po sa taas, sa kaliwang banda malapit sa dulo. ” pagtuturo ni Vivian ng direksyon. Iyon lang ang alam niya dahil do'n naman siya nagcr kanina.“S-salamat... ”nahihiyang saad ng binata. Tumango naman si Vivian at nauna ng naglakad paalis. Naalala niya kasing maghahanda na sila sa mga lulutuin para sa hapunan....Pagbalik niya sa Maid's quarter ay mabilis niyang pinalitan ang damit gamit ang binigay na Maid's outfit. Mas pinili niya yung komportable siya at dumiretso sa kusina.Abala yung mga lumang maid at yung dalawang baguhan na kagaya niya ay tumutulong na sa p
“Tiya! Tiyo! Mauna napo ako. ” Saad ng dalagang si Vivian habang pasakay ng tricycle, paalis na kasi ito ng baryo.Ngumiti ang tiyo't tiyahin niya at kumaway ang mga ito sa kanya...“Mag-iingat ka doon, hija. B-balitaan mo kami kapag nakarating kana. ” umiiyak na Saad ng kaniyang tiyahin. Bigla nalang itong yumakap sa asawa nito at nagsimulang humagulgol.Hindi rin maiwasan ni Vivian ang nagbabadyang luha sa kanyang mata kaya napatingala ito.‘Ayos lang yan, Viv. Babalik ka rin pagkatapos ng anim na taon. ’ Saad ng dalaga sa kanyang isip.Mailing iling niyang Iwinaksi sa kanyang isipan ang nakakalungkot na ideya ng kanyang pag alis at humarap mula sa mga taong nag aruga sa kanya.“Opo, Mauna napo ako... ” pagpapaalam niya. Kinalbit niya ang driver at sinenyasan ito na umalis na. ‘Hanggang sa muli... ’...Nang makababa si Viv ay pinagsadlahan niya ng tingin ang malaking Gate. Kung tutuusin ay parang higante ang nakatira sa loob nito dahil sa sobrang laki.Napabuntong hininga siya ng