Share

KABANATA 3

Author: Vaughnyume
last update Huling Na-update: 2025-10-11 13:27:53

Matamang pinagsadlahan ng masamang tingin ni señorito ang kanyang pinsan na si Salvi. Pinagtataka naman ni Vivian ang bagay na 'yon. Saglit niyang pinagmasdan ang dalawa saka tumikhim.

Si Salvi ay lumingon at ngumiti sa kanya. Habang ang señorito ay hindi inaalis ang tingin dito.

'Ano bang kinakasama ng loob ng Señorito?'

Bahagyang humakbang para agawin ang atensyon nito.

"Señorito... " tawag niya rito.

"Atticus... "usal naman ni Salvi.

Mas lalong tumalim ang tingin ni Señorito.

"Don't you dare, approach my girlfriend. " tila may bahid ng bantang sabi ni Señorito.

'S-sandali, girlfriend? Hindi ako kasintahan ni señorito! Anong sinasabi nito?'

"So, she's yours... Already?" dismayadong Saad ni Salvi. Nilingon naman ito ni Vivian. 'Bat ang lungkot nito?'

"Yeah, she's mine so back off... " pagbabanta ng Señorito. Hindi pinansin 'yon ni Salvi at akmang lalapit ito kay Vivian ng pigilan siya ni Atticus.

"Viv—"

"I said back off! " sigaw ni Atticus.

Doon lang napansin ni Vivian na napapalibutan na sila ng lahat. Maging ang mga bata ay nanonood na sa kanila.

'Masyadong nakagawa ng eksena ang Señorito. '

Mabilis na hinatak ni Atticus si Vivian papalayo sa lugar kung saan naman naiwan si Salvi. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ng dalaga at mabilis rin itong humahakbang.

Pagdating nila ng parking area ay pinagbuksan siya ng pinto ng binata.

"Get it. " maowtoridad na utos nito. Nanginginig na sumunod si Vivian.

Yakap-yakap ang pinamili habang Pinagmasdan niyang umikot sa sasakyan ang señorito at naupo sa Driver seat. Saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

"Why are you with him? " tanong nito, mahinahon pero punong puno ng pagtitimpi.

"Nakita ko lang siya señorito... " kalmado ng sagot ni Vivian. Ang totoo ay natatakot siya—pero ayaw niyang ipakita 'yon. Baka kasi mas lalong masira ang Mood ng señorito kung pautal utal siyang magsasalita. Mainitin pa naman ang ulo nito.

"Do you like him? " biglaang tanong nito. Hindi pa man nakakabawi ang dalaga sa tensyon kanina ay tila ba nadagdagan na ang iniisip dahil sa tanong ng señorito.

"H-Huh? "

'T-teka!? Ano bang iniisip ni señorito? '

Sandaling natulala kay Atticus si Vivian. Inaaral kung tama ba na sinabi niya iyon. Nakapokus ang señorito sa pagmamaneho. Napakadali lang ng tanong na yun ngunit tila ayaw mag proseso sa utak ng dalaga. Anong klaseng tanong yun? Bakit natanong ng binata at higit sa lahat bakit kailangan niyang tanungin yon?

Tumikhin si Atticus, nais nitong ipahiwatig kay Vivian na inaantay nito ang sagot niya.

Umiling ang dalaga at tumingin sa bintana.

"Hindi po... " sagot niya nalang. Kita niya sa repleksyon ng salamin ng sasakyan ang pag sila'y ng ngiti sa labi ng binata, na ipinagtaka niya rin.

Huminto sila sa isang gas station. Si Vivian ay mabilis na ibinaba ang bintana at lumanghap ng hangin. Nagsasawa na kasi ito sa amoy ng aircon. Isa pa, umiikot rin ang sikmura niya.

"What do you want to eat?" tanong ng binata. 'Siguro ay nabagot lang ito dahil matagal magpa-fulltank. '

Saglit niya itong hinarap. Kalaunan ay napairap rin.

"Ikaw ang bahala señorito... Busog pa ako. " walang ganang sagot ni Vivian dito.

Labag man sa loob ay sinabi niyang busog siya, sa totoo lang ay hindi man lang umabot sa tiyan niya yung suhol nitong vanilla ice cream kanina. Napakakuripot kasi.

"Really?" matunog na 'Tsk' ang ginawa ni Atticus. Umiling iling pa ito. "It's already 2 pm. I thought you're already hungry... You know, we missed our lunch. " tila nagpaparinig na dagdag ni Atticus.

Hindi sana ito papansinin ni Vivian ng mag-ingay naman ang tiyan na. Parang gusto niya nalang isabay sa paglunok ang kasinungalingan kanina. 'Hindi bagay sa bibig ang kasinungalingan kung pagkain ang hanap nito at ng tiyan. '

Bumuntong hininga siya at humawak sa siyang bago humarap sa binata na ngayon ay nakangisi sa kaniyang. Makahulugan niya 'tong tiningnan.

"Let me ask you again... San mo gustong kumain? " pag-uulit niya.

Medyo natigilan ang dalaga. 'Bakit mas lalong gumwapo nito ng magtagalog ito? '

Napaisip si Vivian na kahit saang anggulo talaga ay gwapo ito— teka!

Winaksi ni Vivian ang pagpapantasya kay Atticus at pinuno ng pagkain ang isip. Pangarap niyang makakain sa Jollibee, mula pa iyon nung bata siya pero hindi niya talaga 'yon naranasan. Mahirap na mahirap ang buhay nila kaya ganon. Hulog na ng langit si Atticus para sa darating na grasya na magpapalaya ng tiyan niya. At ang sabi ng matatanda ay 'Masamang tumanggi sa grasya. '

Nag-angat ng tingin si Vivian kay Atticus habang nakangiti.

"Nais kong makatikim ng Jollibee, Señorito! " masiglang sagot niya.

Napahagikgik ang binata pati ang gasoline boy sa kanya. Parang kumakausap ng bata ang Señorito sa inasta ng kanyang P/A.

"A-are you sure? " natutuwang tanong ni Atticus, hindi niya na mapigilan ang pagtawa. Tango lang ang sagot ni Vivian.

Pagkatapos na pagkatapos nila sa gasoline Station ay nag stop over sila sa malapit na Jollibee para kumain.

Dalawang fried chicken, Fries, burger at float yung in order nila. Dinagdagan pa ni Atticus ng Peach pie para kuno sa dessert nila.

Lumaki ang mata ni Vivian sa tuwa ng ilapag na ng waiter yung order nila. Manghang mangha ito sa itsura niya at higit sa lahat ay takam na takam ito.

Masaya niyang ninamnam ang bawat subo sa manok. Nakakahiya man sa harap ng señorito ay nagkamay parin ito...

Sinusubuan ng Fries ni Atticus si Vivian kahit puno ang bunganga nito ng kanin. Hindi na pinansin ni Vivian ang bagay na 'yon. Ang mahalaga ay kumakain siya at nag-eenjoy.

"Tsk! Messy... " pang-aasar ni Atticus. Pinunasan ang gilid ng labi ni Vivian dahil sa ininom nitong float na direkta sa baso.

"Hindi masarap ang pagkain kung hindi ka makalat kumain. " pangangatwiran niya at tumuloy sa pagkain.

"But you're not a kid anymore. You should watch yourself... " pangaral sa kanya ni Atticus. Umirap lang si Vivian.

Hindi niya na alam ang irarason niya. Ang mahalaga ay natutuwa siya dito. Ayaw niya na munang makipag debate.

.

.

.

Nakaupo sa labas ng Jollibee si Vivian. Inaantay nito si Señorito na bumalik dahil nagpaalam itong may sasagutin na importanteng tawag.

Tumagal ng limang minuto bago nakabalik si Señorito at pareho silang sumakay ng kotse at umalis.

Mabigat ang hangin na nakapaligid sa sasakyan, nakakunot ang noo habang salubong ang kilay ni Atticus at madiin din ang pagkakahawig nito sa manobela dahil kitang kita na naglalabasan ang ugat nito sa kamay.

Tahimik siyang Pinagmasdan ni Vivian. Gusto man niyang tanong ang señorito kung ano ang problema ay hindi niya magawa. Baka Pagalitan pa siya nito.

Hanggang sa makarating sila ng mansion, akmang tutulong na si Vivian sa pagliligpit ng biglang higitin ni señorito ang braso niya.

"Rest Vivian... " utos nito. Umiling lang si Vivian sa kanya bago sumagot.

"Hindi na po señorito, kanilangan ko pong tulungan sila sa gawaing bahay. "sagot ng dalaga. 'Yon ang nais niya. Masyado na siyang nagliwaliw sa labas at nakalibre sa naunang gawain. Ayaw niya namang magmukhang tamad sa mata ng lahat.

Ayaw niya rin na ikainit ng mata 'yon ng nga kapwa niya kasambahay.

Ngumiti siya sa binata. "Salamat sa araw na' to señorito, masaya po ako! " galak na sabi niya at binigyan ito ng matamis na ngiti.

Samantala, sa kabilang banda...

Pag-akyat ni Atticus sa hagdan at tumungo sa kanyang kwarto.

Napahawak ang binata sa doorknob ng pinto at nasapo ang mukha. Pulang-pula ang tenga nito. Masaya Ito dahil nakasama ang dalaga. Masaya ito sa kanya...

Yun ang mahalaga...

Ang totoo ay hindi niya maipaliwanag ang mga emosyon na ito. Banyaga para sa kanya ito... Bago pero nakokontento ang kanyang puso.

He was still thinking on how to show his good side to Vivian until today. He was still unconscious about his intentions to the maiden but he knew he likes her...

Her presence, Touches, Gentles, Care and her smile. It all matters to him.

Kahit pa simpleng galaw ng dalaga ay nakukuha ang atensyon niya. Even the first time they met. He become intrigued about her, the first time he laid his eyes on her.

 

He touches his chest to check if its beating the same time he was with her... It is!

It was so rapid.

"D*mn! Woman... What did you do?"

Tahimik na nagpupunas ng Counter table si Vivian habang nandon parin ang malapad na ngiti sa labi niya.

Kalahating araw palang ay marami ng Eksena ang nangyari sa buhay niya. Isa na doon yung masayang kanina. Unang beses na nangyari 'to... Swempre hindi niya naranasan na magkaroon ng nobyo. Patunay na lamang siguro ito na sasaya ka kahit kanino—kahit pa sa amo mong gwapo.

Ang tingin ng dalaga no' n kay Atticus ay isang lalaking masungit, walang magawa sa buhay, masungit, boring at walang thrill ang buhay.

Wala ring pakialam.

Pero ngayon ay masasabi niyang mabuti naman ito, siguro ay nahihiya lang ito na magpakita ng maraming emosyon dahil ng sa malaki na ito.

"Viv... " tawag ng kung sino. Napaigtag sa gulat si Vivian at nilingon ito... Doon niya napagtanto ng si Dahlia ito.

Tinitigan niya ito at naguluhan ng mahina itong napahagikgik.

"Masyado nang malinis ang Counter... Baka maging diyamante na 'yan sa kintab. " Saad nito. Dahan-dahan g bumaba ang tingin ni Vivian sa tinukoy ni Dahlia... Doon niya napagtantong malinis at makintab na ito..

Humingi siya ng paumanhin sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay at may dalawang daliri. Tumalikod din siya agad at bumalik sa Dirty Kitchen upang ibalik ang basahan.

Paghugas niya ng kamay ay pinunas niya iyon sa kaniyang apron. Lilingon na sana siya ng magulat siya sa bulto ni Dahlia.

'Ikakam*tay ko ang panggugulat nito. ' Saad niya sa kanyang isip saka tiningnan ito.

"Maari mo bang ikuwento sa akin ang mga nangyari sa iyong gala ni Señorito? " tola kuryosong tanong niya. Medyo umakto pa na parang bata— ay kinse palang pala itong si Dahlia.

'Nalaman ko kasing anak siya ni Atiya, yun ay isa sa mga naunang maid. Halos kasabay ng aking lola. '

Umiling si Vivian at sumagot. "Wala namang importanteng nangyari. " Saad niya..

Lumakad na ito at pumasok muli sa loob. Hindi niya na inintindi ang pangugulit ni Dahlia.

'Baka kung ano pa ang isipin nito kung ikwekwento niya. '

Nagtungo si Vivian sa dining area, tumulong na siya sa paghahanda doon. Inasikaso niya ang kubyertos at mga kutsilyo. Si Stella naman ang nag ayos ng table napkin dahil hindi niya iyon kaya. Kahit mag-alok pa siya ng pagtulong ay mas natitiyak niyang panggugulo ang tawag doon.

May bisita kasi ang mga Sigertem. Hindi niya naman kilala 'yon kaya hindi na siya makikiusyoso sa mga 'yon.

Naupo sa isang silya si Vivian. Napabuntong hininga. "Nakakapagod palang maghanda sa hapag... " mahinang usal niya ay tumingin sa kisame.

Napasandal siya doon at hindi namalayan ang pagsarado ng mga talukap niya.

Ngunit hindi pa man siya tuluyan nakakarating sa pagtulog ay may tumawag sa kanya. Na pabalikwas ito ng Bangon at nilingon ang dumudungaw sa pinto.

Si Dahlia...

"Pinapatawag ka ng Señorita!" Saad niya.

Kumunot ang nuo ni Vivian at nagsalubong rin ang ang kanyang kilay. 'Bakit naman ako ipapatawag ni Señorita eh oras ng hapag ngayon? '

Walang nagawa si Vivian at nagtungo sa labas kasama si Dahlia. Nagulat siya ng maupo sa isa sa dalawang makaharap na bakanteng upuan si Dahlia. Katabi niya ang mistitong binata. Mukhang isa sa mga bisita ng Sigertem.

Sakto lang ang pangangatawan nito. May hitsura ngunit mas gwapo ang señorito para kay Vivian. Mukhang may lahi rin ito, hindi niya lang masabi kung ano.

Ngunit hindi sa pisikal na anyo natigil ang pag-oobserba ni Vivian sa binata dahil sa malagkit at intimitadong tingin nito kay Dahlia. Mukhang may gusto ito rito.

"Vivian... "

Napalingon ito ng marinig ang boses na tumawag sa kanya. Sinenyasan siya ni Señorita na maupo sa isa pang bakanteng upuan.

Ayaw niya ng una pero nakita niyang ngumuso at ngumiti si Dahlia sa kanya. Sumesenyas rin ito na umupo. 'Hindi ba siya nahihiyang sumali sa mga bisita? '

"Dalian mo..." mahinang Saad ni Dahlia.

Hindi siya sang-ayon sa bagay na'yon ngunit wala rin siyang na nagawa kundi ang maupo. Doon niya lang nilingon ang katabi at sinalubong ang mga tingin ng señorito.

'Nandito siya?! '

Hindi maiwasan ni Vivian na mas lalong magtaka ng ilibot niya ng tingin ang malaking lamesa habang prenteng nakaupo.

Lahat sila ay may kapareho...

'Ahh, kaya siguro inimbitahan silang sumalo dahil dito sa dalawang binata. '

Ayos na sana ang nirason ni Vivian sa kanyang isip ngunit... Bakit silang dalawa? Bakit kasama siya? Bakit hindi nalang ibang tagapagsilbi? Bakit sila lang?

Hindi niya maiwasan ang mga katanungan.

Napaigtag at napatigil si Vivian sa kakaisip ng maramdaman niya ang mainit na bagay sa kamay niya. 'Kamay? '

Malaki iyon at may mga ugat. Literal na mas malaki sa kamay niya. Makinis at maputi rin.

Sinundan niya ng tingin kung kanino 'yon.

Kunot noo siyang nagpahiwatig kay Atticus na mabilis na nag iwas tingin...

Wala naman siyang nakuhang sagot kaya binawi niya ang kamay niya.

"I know that you're confused right now, Hija... " Saad ng Señorita. Pukaw atensyon sa lahat maliban kay Atticus at sa katabi ni Dahlia. Tila alam na nila ang sasabihin nito.

"But I really like you! Pwede ba kitang ampunin? " dagdag ni Señorita. Natawa ang lahat maliban ulit sa dalawa. Si Señorito kasi parang hindi naging sang ayon. Ay yung lalaki naman, na kay Dahlia parin ang atensyon.

 

Ngayon lang nakita ni Vivian na nagbiro ang Señorita ngunit hindi parin nagawang sumayaw o matawa sa biro nito.

"Shut up everybody! I'm not joking! " sigaw ni Señorita... Napatigil ang lahat. Maski ang asawa nito ay napatingin sa kanya ng diretso.

'Hindi siya nagbibiro? '

"Ikaw lalaki! I'll deal with you later! " tinuro niya ang kanyang asawa. "I'm serious Vivian... I want you to become my daughter... " sinseridad na dagdag nito matapos tumingin sa kanya.

Nanatiling tahimik si Vivian.

Ilang minuto lang ang nakililupas ay umiling ito.

Ayaw niyang magpaampon dahil masaya ito ngayon sa kanyang tiyo Arlon at Tiya Isabel, pati ang pinsan niyang si Eric. Yun lang ang pamilya niya.

Isa pa, kontento na siya sa trabaho niya. Masaya siyang nakikihalubilo, tumulong at higit sa lahat ay ang mangarap. Yun yung bagay na ipinunta niya rito. Hindi niya gustong makuha ang buhay na gusto niya ng hindi pinaghirapan.

Tingnan niya ng diretso sa mata ang Señorita at sumagot. "Hindi ko po matatanggap ang alok niyo. " pilit siyang ngumiti rito. "Mahal ko po ang pamilyang kinagisnan ko at ayaw ko po silang iwan. Gusto ko pong gumanda ang buhay namin ng sabay sabay. "

Napa'aww' na lamang ang Señorita. Kahit malungkot ang mga mata nito ay tatanggapin niya iyon... Sa ngayon.

Tumuloy na sila sa hapag. Nagulat siya sa inakto ng dalawang lalaki. Si Señorito ay inasikaso siya at ganon din ang isang lalaki kay Dahlia.

Dapat sila ang gumagawa non ngunit sila ang pinagsisilbihan ngayon....

Nagsimula silang kumain sa iisang lamesa. Mariing pinagmamasdan ni Don Claudio ang ginagawa ng kanyang anak.

Pareho sila ng asawa na nagtataka sa kinikilos nito. Ibang iba ang anak bila pagdating kay Vivian. He never plan on pushing her away.

Hindi katulad ng ibang katulong dahil nga mababa ang tingin niya sa nga 'to. Maski ang trato nito sa magulang niya ay ibang iba. He looks like a Knight who always ready to kneel down andvkiss the shoes of his Queen.

.

.

.

After they finished eating dinner, Don Claudio called his son to his office. Hindi agad sumama ang binata dahil tinutulungan niyang magligpit si Vivian.

Minutes passed and he heard a creak on the door. He turned to see his son, looking so dumb while holding his chest.

"What's wrong? " He asked. Agad itong lumapit sa kanyang anak dahil sa pag-aalala.

Umiling lang ito at ngumiti ng malaki sa kanya.

"I was just so happy dad..." Atticus said unconsciously.

"What? " tanong ni Don Claudio. Parang gusto nitong ipaulit ang sinabi ng anak.

Hindi na ito muling sumagot at mabilis nawala ang emosyon sa kanyang mata.

He seems like to be an emotionless doll. Nawala narin ang ngiti sa labi nito at tumingin ng diretso sa mata ni Don Claudio, dahilan para magulat ito.

"Why did you called for me dad? " walang paligoy-ligoy na tanong nito.

Napalunok si Don Claudio at tumikhim.

"I just want to remind you that your going back to States after 2 months... " Saad ni Don Claudio.

"You have to finish you're school... You're the heir, Atticus. " paliwanag pa nito. "Don't disappoint me, Atticus Hermit Sigertem. " may halong pagbabantang saad nito.

Ikinatigil iyon ni Atticus at tila na estatwa ito.

"I know... " malamig na tugon niya. Walang sabi sabing tumayo at umalis sa office ni Don Claudio. 

Padabog na sinarado ni Atticus ang pinto at itinapon ang sarili sa kama.

Napahawak nalang sa sintido ang binata sa kanyang sintido at Nagpakawala ng sunod-sunod na buntong hininga habang nakasubsob ang mukha sa unan.

'I'm leaving this place after two months and I'll be back after two years...' Saad ng bintana sa kanyang isip.

Right, he's an heir... He can't disappoint his whole clan. That's it! He's leaving and he was going to chase his dreams. Kahit sinong pumigil sa pangarap nito ay sisirain niya. He need to be strong and have a great future.

Pinalaki si Atticus na maraming taong nag-eexpect sa kanya. He was more than anything. Isa lang yung gusto niya. Ang mamuno sa clan nila. He also want to ruin his Uncle Custodio for ruining his lola's clan. He promised to himself that he would do anything para mapabagsak ito.

But...

Why does he feel empty? It was like unending dark abbys, nahuhulog siya doon at unti-unting nawawalan ng hininga. Bakit parang nauubos na siya habang iniisip na aalis siya? Ito ba talaga ang gusto niya?

"No... " bulong nito. Umikot siya at humarap sa kisame.

Tumitig siya dito ng ilang sandali, hindi niya inaasahan na mabubuo sa kanyang isip ang isang imahe.

Ang masayang mukha ni Vivian. He couldn't get enough of her. Habang mas tumatagal ay hinahanap niya ito.

He felt something warm as if she was become his light. He felt secure, carefree and overwhelmed.

"What is this? " He ask on himself while touched his chest. It was secluded and silent place... Enough to hear his heartbeats. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 5

    Kagat kagat ang kuko, habang nag paikot ikot si Vivian sa hagdan. Inaantay nito si Señorita Katerina upang magpaalam. Kanina pa hindi mapakali si Vivian sa kakaisip kung papayagan ba siya ni Señorita. Wala ring kasiguraduhan kung magpapaalam siya ka Atticus. Bukod kasi sa bipolar ito ay, mahirap rin itong kausapin nitong nakaraang araw. Ilang araw na ang lumipas mula nung mapangakuan niya ang kanyang pinsan na si Eric. Ilang araw na rin itong naghihintay ng balita mula sa kanya. Sa kabilang banda naman, hindi niya matyempuhan ang señorito dahil sa pagiging mailap nito. Ni hindi nga siya kayang pag buksan ng pinto tuwing dadalhan niya ng almusal ito... Napayuko si Vivian ng bumukas ang pinto sa kwarto nila Señorita Katerina at Don Claudio. “M-magandang umaga po... ” bati ng dalaga. Pinaglalaruan niya ang mga daliri. Mabilis rin ang tibok ng kanyang puso dahil sa kaba. “Vivian... ” tila nag-aalalang saad ng ginang at pinag-sa

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 4

    Abala si Vivian sa paghahanda ng pagkain para kay Atticus. Nagmamadali na ito dahil huli na siya. Hindi kasi ito nakatulog kagabi magmula ng may mareceive itong text mula sa tiyahin. Nasa hospital ang mga ito dahil na dengue and tiyuhin. Ilang araw na ang lumipas magmula nung dumating ang bisita ng mga Sigertem. Hanggang ngayon kasi ay na nags-stay ang pamilyang Hiratchi. Nakilala niya yung binatang laging naka buntot kay Dahlia na si Cassius Kai Hiratchi. Mayaman rin ang pamilya nito kaya tinatawag nila itong Señorito Cassius.Kung si Señorito Atticus ay negative forty degree Celsius kung makitungo ay, mas lamang parin si Señorito Cassius, negative one hundred kung baga. Ngumiti nga, pero kay Dahlia lang.Nagpapakumbaba nalang kung makitungo si Vivian rito.Mabilis na inalalayan ni Vivian ang tray na hawak. Patungo na siya sa kwarto ni Atticus ng bumanga siya sa kung sino. Tiningnan niya muna kung ayos yung pagkain na sala niya bago siya mag-angat ng tingin.Nag-init ang ulo niya ng

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 3

    Matamang pinagsadlahan ng masamang tingin ni señorito ang kanyang pinsan na si Salvi. Pinagtataka naman ni Vivian ang bagay na 'yon. Saglit niyang pinagmasdan ang dalawa saka tumikhim. Si Salvi ay lumingon at ngumiti sa kanya. Habang ang señorito ay hindi inaalis ang tingin dito. 'Ano bang kinakasama ng loob ng Señorito?' Bahagyang humakbang para agawin ang atensyon nito. "Señorito... " tawag niya rito. "Atticus... "usal naman ni Salvi. Mas lalong tumalim ang tingin ni Señorito. "Don't you dare, approach my girlfriend. " tila may bahid ng bantang sabi ni Señorito. 'S-sandali, girlfriend? Hindi ako kasintahan ni señorito! Anong sinasabi nito?' "So, she's yours... Already?" dismayadong Saad ni Salvi. Nilingon naman ito ni Vivian. 'Bat ang lungkot nito?' "Yeah, she's mine so back off... " pagbabanta ng Señorito. Hindi pinansin 'yon ni Salvi at akmang lalapit ito kay Vivian ng pigilan siya ni Atticus. "Viv—" "I said back off! " sigaw ni Atticus. Doon lang napansin ni Vivian n

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 2

    Pasado alas kwatro ng hapon ng matapos si Vivian sa paglilinis ng kwarto. Pabalik na sana siya sa Maid Quarters ng masalubong niya ang tila naliligaw na lalaki.“Uhm? Miss, Do you know where the bathroom is? ” Tanong nito..Saglit na nakatitig si Vivian dito. Isa itong mestiso, kayumanggi ang buhok at Green na mata. Hindi na magtataka si Vivian dito dahil mukha naman itong may lahi— at higit sa lahat... Gwapo ito.“Mayroon po sa taas, sa kaliwang banda malapit sa dulo. ” pagtuturo ni Vivian ng direksyon. Iyon lang ang alam niya dahil do'n naman siya nagcr kanina.“S-salamat... ”nahihiyang saad ng binata. Tumango naman si Vivian at nauna ng naglakad paalis. Naalala niya kasing maghahanda na sila sa mga lulutuin para sa hapunan....Pagbalik niya sa Maid's quarter ay mabilis niyang pinalitan ang damit gamit ang binigay na Maid's outfit. Mas pinili niya yung komportable siya at dumiretso sa kusina.Abala yung mga lumang maid at yung dalawang baguhan na kagaya niya ay tumutulong na sa p

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   KABANATA 1

    “Tiya! Tiyo! Mauna napo ako. ” Saad ng dalagang si Vivian habang pasakay ng tricycle, paalis na kasi ito ng baryo.Ngumiti ang tiyo't tiyahin niya at kumaway ang mga ito sa kanya...“Mag-iingat ka doon, hija. B-balitaan mo kami kapag nakarating kana. ” umiiyak na Saad ng kaniyang tiyahin. Bigla nalang itong yumakap sa asawa nito at nagsimulang humagulgol.Hindi rin maiwasan ni Vivian ang nagbabadyang luha sa kanyang mata kaya napatingala ito.‘Ayos lang yan, Viv. Babalik ka rin pagkatapos ng anim na taon. ’ Saad ng dalaga sa kanyang isip.Mailing iling niyang Iwinaksi sa kanyang isipan ang nakakalungkot na ideya ng kanyang pag alis at humarap mula sa mga taong nag aruga sa kanya.“Opo, Mauna napo ako... ” pagpapaalam niya. Kinalbit niya ang driver at sinenyasan ito na umalis na. ‘Hanggang sa muli... ’...Nang makababa si Viv ay pinagsadlahan niya ng tingin ang malaking Gate. Kung tutuusin ay parang higante ang nakatira sa loob nito dahil sa sobrang laki.Napabuntong hininga siya ng

  • Atticus Hermit Sigertem (Señorito Series #1)   PROLOGO

    PROLOGOMaingat na ibinaba ng binata ang dalaga sa kanyang kama. Mabilis niyang hinalikan ang noo nito at siniil ang labi niya.Hindi parin maalis sa isip ng binata ang alitan nila kanina ng dalaga. Aminin man o hindi, nasaktan siya...Pero hindi 'yon sapat na dahilan para hayaan niyang kunin ng iba sa kanya ito."Akin ka, Viv... Hindi ko hahayaang agawin ka ng iba sa akin. " tiim bagang na Saad nito.Nagsimulang bumaba ang halik nito sa leeg ni Viv. Habang ang dalaga naman ay nanatili sa kanyang pwesto. Hindi ito makagalaw ng maayos dahil sa itinurok na kung sa kanya ni Señorito.Mabilis na naglakbay ang kamay ng lalaki sa kanyang katawan. Hindi niya rin maiwasan ang mapadaing ng ang isang kamay nito ay napunta sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan."H-hindi Señorito... Hindi maaari ito. " Pilit usal ni Vivian kahit nahihirapan ito at nanghihina. Binigay niya ang kanyang buong lakas upang tanggalin ang kamay nito.Ngunit imbes na matinag ay tiningnan lang siya nito habang puno ng

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status