Lovebele
Kanina pa akong pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room habang nasa loob si Bebeng ginagamot ng duty doktor. Umupo ako sa tabi ni Analisa hinawakan ko ang palad niya. “Besh, natatakot ako baka kung ano na ang nangyari sa kapatid ko,” anang ko kinukurot ko ang palad ko. “Gaga, lalo kang kinakabahan kasi nga ang likot mo. Maaari bang pumirmi ka ng upo. Ako nga kanina pa nahihilo sa ‘yo,” saad ng bestfriend ko sa 'kin. Lumabas ang doktor na kasama ni Bebeng sa loob. Hinahanap nito kung sino ang kamag-anak ni Bebeng. Nagtaas ako ng kamay pinalapit n'ya ako. “Dok, kumusta po ang kapatid ko?” “Nalinis na namin sugat niya. Malaki kasi ang sugat no choice tinahi namin ng gayon maampat ang pagdurugo,” wika nito't pagkatapos bumaling sa hawak na medyo may kakapalan na papel. Binuklat nito ang hawak na papel. Kapagkuwan nagsulat ito at nang matapos bumalik ng tingin sa ‘kin. “Request ito para sa head CT scan ng kapatid mo. D'yan lang sa harap mayroon sila. Kapag nakapag palista ka na. Balikan mo ang kapatid mo para maisagawa na ngayon.” “Sige ho, dok. Pupunta na ako.” Nagpaalam ako sa kaibigan ko. Si Jaya gustong sumama sabi ko ako na lang mabilis lang naman ako. Babalik din agad ako. Pagdating ko sa sinasabi ni dok na CT scan corner. Walang tao kaya mabilis akong bumalik sa ospital binalikan ko si Bebeng. Mabilis lang natapos muli kaming bumalik sa ospital ni Bebeng. Dito pa kami matutulog kasi bukas pa ng tanghali ang result ayon sa radiologist. Pagdating ng hapon umuwi si Analisa. Kasi may pasok din ang kaibigan ko. Binilin ko dalhin niya pauwi ang bag ko na naiwan sa locker. “Besh, kahit kami na rito kasi alam ko puyat ka mamaya.” “Maliit na bagay. Matutulog naman muna ako bago pumarito.Tanghali pa naman diba ang labas ni Bebeng?” “Oo ikaw lang kasi puyat ka pa naman niyan.” “Kayang-kaya beshy no worries,” sabi nito. Naiwan kami ni Jaya. Bukas daw Sabi ni Doktora lalabas si Bebeng kung wala naman problema sa result ng CT scan niya. Kinabukasan nakuha namin ng alas-nueve ng umaga ng result. Dumating din si Analisa saktong pauwi kami. “Swerte pa rin ang kapatid n'yo kasi mababaw lang ang natamong sugat. Wala akong nakita sa result ng CT scan. Maaari na kayong umuwi ngayon. Ang reseta niyang gamot tuloy ang inom ha? Especially the antibiotics. Saktong seven days.” Bilin ng doktor bago kami iwanan. Nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib. Mabuti talaga maayos lang ang kapatid ko kun'di ewan ko na lang kung anong magawa ko sa Tiya Lena. Ala-una ng tanghali kasama na namin si Bebeng lumabas ng ospital. Kina Analisa pa rin muna kami umuwi. Pansamantala lang kasi hindi ko pa nakausap ang may-ari ng apartment na tirahan namin. Isa pa naroon pa ang susi hindi pa binigay sa ‘kin. Pagdating namin ng M. Dela Cruz. Mga marites nag-uumpukan puro tsismis inaatupag sa kalsada. Kaya walang asenso ang mga tao rito sa lugar namin. Dahil imbis na magtrabaho inuuna ang walang kabuluhang chismisan. Ending halos mga bata rito. Kapag hindi maagap nag-asawa. Hindi nakatapos mag-aral. “Mabuti naman walang masamang nangyare kay Bebeng,” nag-aalala na sinalubong kami sa pinto pa lang ng Nanay ni Analisa na si Aling Sally. “Oo nga ‘nay eh. Sobrang natakot po ako,” tugon ko sa kaniya. Nanay ang tawag ko sa Aling Sally. Nakasanayan ko na. Tinapik niya ako sa balikat. “Hindi pa rin talaga magtatagumpay ang masama laban sa kabutihan. Siya magpahinga na kayong lahat. Lalo na si Bebeng, ako'y sa talipapa bibili ng mailulutong hapunan mamaya," anang nito bago kami iwanan lumabas ng pinto. “Besh, okay na kami dito pahinga ka na rin pare-pareho tayong mga pagod.” “Saglit lang ako iidlip besh. Mamaya tayo chikahan.” “Ate ako rin maari ba akong matulog muna?” tanong ni Jaya. Baka pagod din ito kasi pareho kami hindi makatulog kagabi nag-aalala sa bunso naming kapatid. “Oo naman Jaya. Dadalhin ko na rin si Bebeng sa kuwarto. Sakto may kasama siya,” “Ate pahinga muna tayo,” niyaya ako ni Bebeng. “Wala ka pang tulog,” dugtong nito nakatitig sa mukha ko. “Sige na nga,” pagpayag ko. Tumayo muna ako upang i-locked ang pinto. Iiwan ko sana muna sila rito upang puntahan ang lilipatan naming bahay. Magsisikap ako para hindi kami mapaalis kapag wala akong pambayad. Hinawakan ni Bebeng ang palad ko. “Bakit bunso?” tanong ko. “Ate, salamat po ah. Palagi na lang kami pabigat sa ‘yo. Iyan tuloy hindi ka na nagka jowa dahil sa amin ni Ate Jaya.” “Ikaw talaga bata pa alam na jowa. Ayos lang kahit wala akong jowa. May dalawa naman akong kapatid na magaganda at mabait.” “Hayaan mo ate. Kapag ako'y maging mayaman na mayaman. Hindi ka na mahihirapan mag trabaho,” sabi pa ni Bebeng. “Sarap naman niyang pakinggan. Pero ‘wag muna iyan ang isipin natin. Kasi mga bata pa kayo. Ang magandang gawin aral kayo pareho ng mabuti. Ang Ate na ang bahala sa lahat.” Napangiti pa ako ng pareho nila akong niyakap. “I love you, Ate Lovebele. The best kang ate sa buong unibers,” saad ni Bebeng. “Ako rin naman. Mahal na mahal ko kayo ng Ate Jaya. Tara na pahinga muna tayo tatlo,” wika ko kasi kanina ko pa gustong matulog, masama ang pakiramdam ko pinipilit ko lang maging okay para hindi nila ako mahalata. May extrang k'warto sila Analisa. Kasi dati itong silid ng Kuya niya noong hindi pa nag-aasawa. Bumukod kasi simula ng magkaroon ng pamilya. Sa ibang lugar nakatira hindi rito sa M. Dela Cruz. Kaya kapag kami narito sa bahay ng kaibigan ko. Dito kami natutulog sa bakanteng silid ng Kuya nito. Kasya kaming tatlo sa kama. Medyo masikip ngunit kere lang. Dahil ligtas naman kaming tatlo sa bahay ng Aling Sally. Ang balak kong pagidlip humaba. Inabot ako ng alas kuwatro ng hapon. Mabigat ang katawan ko ngunit binulabog kami ng malakas na katok sa labas. Nagising ang dalawa naramdaman ko iyon. Mahirap lang idilat ang aking mata. Naulinigan ko nagbubulungan ang dalawa kong kapatid na kung maysakit daw ba ako kasi ang init ko raw. Sumunod boses ni Tiyang sa labas. Nag-init ang ulo ko naalala ko ang ginawa nito sa kapatid ko. “Ate!” saad ng dalawa. “Hindi ako mapapahamak, pangako,” ani ko sa dalawa. Dahan-dahan akong bumangon ngunit ang init talaga ng katawan ko. Kahit nanginginig ang tuhod ko pinilit kong magtungo sa pinto. “Nandyan iyan sa loob mamang pulis. Hoy babae! Ilabas mo ang matapang mong kaibigan nasaan na siya ngayon.” “Subukan n'yong mayroon pumasok sa loob ng bahay namin. Dedemanda ko. kayong lahat! Trespassing kayo,” binulyawan din ng kaibigan ko si Tiyang Lena. Sumulpot ako sa pinto si Tiya Lena agad ang nakakita sa akin nanlilisik ang mata. “Sabi ko na nasa loob lang iyan. Sige hulihin n'yo iyang babaeng iyan. Nakita n'yo itong mga pasa ko sa magkabila kong tuhod at mga gasgas sa magkabilang braso. Pinagtangkaan akong patayin niyang babaeng iyan.” “Kapal ng mukha mo Tiya Lena. Bagay lang sa ‘yo ang nangyare dahil ang sama mo! Lumayas kayo rito,” “Ano pa ang ginagawa n'yo hulihin iyang babaeng ‘yan,” galit na sabi ni Tiya Lena. “What's going on here?” “S-Scott?”Scott MiguelNang tuluyang makaalis si Belle, sa buong venue. Gusto ko na lang din sumunod ngunit pinigilan ako ng mga kaibigan ko. Tang-na, napakasadi nilang sabihin na hayaan ko raw munang mag-isip si Belle at ‘wag sabayan sa ngayon dahil hindi sila ang nadurog.“Gago bitiwan n'yo ako susundan ko si Belle sa bahay niya,”“Matigas pala ang ulo mo. Hayaan mo magulo pa ang isip ni Belle. Kung ngayon ka susugod lalo kang masasaktan dahil hindi ka niya pakikinggan.”“Hindi ko kayang mawala siya sa buhay niya,” hagulgol ko.Wala akong pakialam kahit maraming nakakita sa akin ngayon na umiiyak. Lumapit si daddy sa akin. Tinapik niya ako sa balikat pagkatapos niyakap ako ni Dad.“Tama ang mga kaibigan mo. Bukas mo na kausapin si Belle,” anang daddy naulinigan ko basag ang boses niya.Nagpakalango ako sa alak. Saan ba ang mali ko? Hindi ko maintindihan ang sinabi n'ya sa akin. Wala akong kinalaman sa kaso naganap sa pagitan ng recruiter at Tatay niya dahil lihim ko iyon inalam bakit ganun si
Belle “Love, wait lang,” hinabol ako ni Scott. Para naman nakahalata sina kuya Daniel. Pinagkaisagan nila akong iniwan kay Scott. "Luh! Iiwan n'yo ako?" saad ko sa kanilang lahat. Bumungisngis sina Jaya at Bebeng. Aba't nag-thumb ups pa ang dalawa kong kapatid. Si kuya Daniel naman nanunukso ang mata nito. "Kaya mo iyan sis," ani nito inakbayan na sina Jaya at Bebeng. Pumagitna si Kuya kay Bebeng at Jaya. “Besh! Moment mo na ‘yan. Kausapin mo na para sa future ng inaanak ko. Aba malaki na iyan wala pang linaw ang love life ng magulang niya dahil sa padalos-dalos na desisyon ng mommy Belle niya,” “Bahala na,” tugon ko. “Balikan mo na hayaan mo na ‘yang biyenan mo at ng inaanak niyang brat. Hindi masama maging madamot lalo na kung pareho n'yong mahal ang isa't isa. Paano naman ang buhay n'yo ni attorney kung gusto mong paluguran ang ibang tao pero kayo ni hottorney ang magsa-suffer. Hindi na uso ngayon ang sobrang bait. Dapat medyo lang. 'wag mong sagarin ang kabaitan baka
Belle “Ahm attorney Scott,” sinamantala kong tawagin siya habang hindi pa siya nag-u-umpisa. Akala ko nga hindi ako papansinin pero laking tuwa ko ng lumingon si Scott sa akin. Kasi kailangan na niyang ipakilala ang sarili n'ya bilang tatayong attorney ni kuya Daniel. Mahina siyang tumango animo pwede na akong magsalita dahil nag-aantay siya. Tipid akong ngumiti. Bahagya pa akong napanguso kasi pinasadahan niya ulit ako ng tingin. “Thank you dumating ka. May text ako sa ‘yo hindi mo ba nabasa?” bulong ko kay Scott. Saglit pa s'yang kumunot ang noo ngunit ganun pa rin no reaction ang Scott Miguel n'yo. Tss ang seryoso lang hmp! Ano naman kaya ang plano ni Scott nasobrahan ng tahimik. Kahit hindi niya ako pansinin ngayon. Ang tanging mahalaga sumipot siya ngayon gumaan ang pakiramdam ko dahil sigurado akong mayroon magtatanggol kay kuya mababasura ang walang kwentang kaso na isinampa sa kaniya ni Maricon. “Att. Scott Miguel Stewart respectfully appeared to defend my client t
Belle Nagkatinginan kami ni Analisa, ng tumayo ang clerk ng trial court. Animo iisa ang aming iniisip. Matagal dumating si Scott Miguel ito na talaga hindi na mapigilan mag-uumpisa na ang hearing. Wala pa rin si Scott. Ang ngisi ng ex ni kuya Daniel na si Maricon. Daig pa niya ang nakakita ng ginto dahil walang attorney na magtatanggol kay kuya Daniel. Nasa isip nito panigurado na raw ang panalo nila sa araw na ito at guilty si kuya. "Ayaw pa kasi umamin na inabuso mo ako," sabi pa nito kay lakas ng loob kahit nasa loob na ang Judge. Ayos ah. Akala ko naghahabol lang ito dahil buntis at ayaw siyang pakasalan ni kuya Daniel. Ngayon naman inabuso siya ni kuya Daniel. Ano iyon may evidence ba siyang dala kay galing mangdoktor ng ebidensya ah. Pero palagi pa rin mananaig ang mabuti kaysa masama kaya wala kaming dapat ikabahala. Nakaramdam ako ng banas kay Scott. Ano ba ang ginagawa ng kumag na iyon bakit nagpapatagal dumating. Kahit isang text Wala lang pasabi. Makatitikim talag
Belle Nang makarating ako sa tabi ni kuya Daniel. Busy ito sa pag dotdot ng phone niya. Sinubukan kong silipin kung sino ang kanina pa text niya. Si Scott? So aantayin pa pala namin ang ugag na iyon bago umalis? Ayos anong oras na kami nito makakaalis talaga naman ang kupad kumilos. “Wait lang bunso ha,” hingi pa ng paumanhin ni kuya Daniel sa akin ng hindi lang niya ako tinapunan ng tingin. Pero at least alam n'yang nakalabas na ako ng k'warto kasi si Jaya, akala mo aalis na kami nagmamadaling kumatok hindi pa pala kami aalis busy pa si kuya kontak-in si attorney. Tinawagan ni kuya Daniel si Scott ng walang reply ang damuho. Kumunot ang noo ko ng puro ring ang napala ni kuya kaya ako'y nauurat kay Scott. Alam n'yang hearing ngayon pero nagpa-late pa siya. Anong nangyari kapag pati sa court late siya? Edi talo na si kuya Daniel ng walang kalaban-laban. Imbis na goods na siya sa akin ma bwesit pa ako ngayon sa kaniya sa ginagawa niyang ito pakaba sa ‘min. Kinuhit ko si kuya D
Belle “Ate Love! Matagal ka pa r’yan? Anong oras na ate ko. Aabutan tayo ng traffic kung magtatagal ka r’yan ate,” sigaw sa labas sa pinto ng k’warto ko ng kapatid kong si Jaya. Halata sa boses nito naiinip na sa labas dahil sa boses nito parang naiinis. Dalawang buwan na ang nakaraan hindi pa rin kami nagkabalikan ni Scott ngunit hindi naman kami estranghero sa isa't isa. Kapag nagkikita kami kinakausap niya naman ako ngunit hanggang doon lang talaga. Para lang kami kaswal na magkakilala ganun ang relasyon namin ngayon ni Scott. Gayunpaman kahit hindi pa kami okay. Madalas naman itong dumadalaw sa bahay. Halos araw-araw nga e, siguro kung kaya n'yang umaga at hapon. Gagawin ni Scott. Ganun siya ngayon kasipag na puntahan ako. Kami pala ng anak ko. Masipag siya pumunta rito. Nagdadala ng pagkain kahit hindi naman na kailangan at hindi ko nire-request sa kaniya. Even grocery palagi siyang may bitbit kapag pupunta riro. Sabi ko nga, kapag hindi siya tumigil ng pagdadala ng grocer