Hello po mga labs. Ang update ko po 6 pm onwards po. Maraming salamat po sa nag-aabang ng update kahit isang chapter lang ang lapag ko
Belle “Salamat sa paghatid. Dito na lang ‘wag ka ng bumaba para hindi ka gaano'n ma late sa office,” “Itinataboy mo agad ako?” “Hindi ah. Kasi tanghali na,” “Kapag nakarating ka sa bakery tsaka ako aalis,” laban ni Scott. Bubuksan ko na sana ang pinto sa tagiliran ko. Pinigilan ako nito nagtataka ako nilingon siya. Aysus naman kiss pala hinihingi sa “kin parang hindi lang nagsawa aba. Humarap ako dapat sa pisngi ko lang siya hahalikan kaya lang pilyo talaga nitong ni Scott Miguel. Hindi pumayag sa pisngi. Dahil saktong lalapat ang labi ko sa pisngi niya humarap ito sa 'kin timing sa labi ko dumikit ang labi niya. Nilaliman nito ang halik. Pinagbigyan ko yumakap ako sa batok niya mabuti na man naisip din putilin kahit napilitan si Scott. “Pwede na akong bumaba diba?” natatawa na lang ako nakikita sa mata niya, nabitin pa sa halik na aming pinagsaluhan. Kaya lang no choice siya. “Ingat ka kapag nasa office kana tawagan mo ako,” “Ano pa nga ang magagawa ko kahit gusto k
Belle Dalawang linggo na rin ang nakalipas na simula ng hindi na ako pumapasok sa Elite club, at sa loob ng dalawang linggo. Maayos naman ang takbo ng bakery ko. Nagustuhan ko na ang daily routine ko. Bahay pagkatapos ay sa bakery umiikot ang buong maghapon ko. Isa rin sa pinakagusto ko ako ang gumigising sa umaga para sa pagluluto ng baon at almusal ng dalawa kong kapatid. Matagal ko itong hindi nagawa simula ng kami'y naulila ni Tatay. Si Nanay ewan kung may balak pa kami kumustahin. Pero okay na rin naman kasi hindi na kami umaasa maalaala niya kami. Parang ulilang lubos na kami kasi wala na talaga hindi na siya nakaalala bumalik sa ‘min. Ayaw ko pang bumangon kaya lang may tumatawag sa phone ko. Pumasok na ang dalawa kong kapatid pero ako tamad pang bumangon kasi maaga akong nagising kanina dito kasi natulog si Scott kagabi. Napilitan akong sagutin. Siya pala ang tumatawag. Kagagaling lang dito kagabi tatawag agad ngayon. Naiiling nalang ako at napangiti. Kasi matiyaga
Belle Nang makarating ako ng bakery ko. Naabutan ko ang bestfriend kong busy sa chismisan sa dalawa kong tindera. Kilala na si Analisa ng dalawa kong tindera. Kapag nagkataon na wala ako pinapapasok na siya sa loob dahil kilala na si Analisa. “Aba may naligaw na bisita ah. Anong atin besh? Hindi ka yata natulog parang walang pasok mamayang gabi,” “Kinausap ka na ni Mamasang?” tugon sa ‘kin. Kaya pala pumarito ito siguro iyon din ang ibabalita akala’y wala pa akong alam. “Oo galing na ako roon sobrang saya ko beshsyup. Dahil lumabas na din ang totoo,” sabi ko pa na may kasamang giggle. “Iyon nga sana ang ibabalita ko. Mabuti nga kay Bea! Hindi na talaga tinanggap ni Mamasang. Balita ko roon sa kapitbahay niya, na kasamahan nating waitress. Nagtitiyaga raw ngayon magtrabaho sa videoke bar na malapit sa bahay nila. Bagay lang sa kaniya pala away masyadong bully akala kung sinong umasta.” Mahihirapan kasi humanap si Bea at Gerlie ng trabaho sa panahon ngayon mahirap ang buhay.
Belle “Delivery po kaya ma'am Lovebelle Lozano?” Napunta ang atensyon namin sa bagong dating na delivery boy. Tapos na rin kaming kumain. Nagpapahinga lang si Analisa uuwi na rin ito mamaya. Sumama pa talaga si Analisa ng lapitan ko ang delivery boy. Nag-ring ang phone ko. Alam ko na si Scott ito kasi sabi niya, rito niya pinadeliver itong hawak ni kuya na malaking box. “Scott Miguel. Narito na,” anang ko kahit wala pa itong naitatanong sa ‘kin. “Love, X-press courier service ba ang dumating?” aniya. “Yeah kararating lang. Ito na ba iyon?” “Iyan na, Love,” sagot nito tumango ako kahit hindi niya ako nakikita. Walang sinabi si Scott kung pupunta ba siya ng apartment mamaya. Ayaw ko rin naman magtanong hiya ko lang dito baka busy lang din si Scott. Ganito naman ‘to biglang susulpot kahit walang sinasabi pupunta siya. “Wait lang Scott! Tatawagan kita mamaya receive ko lang at check ko ang nasa loob ng box.” “Copy ma'am Lazano. I will wait for your call later,” tugon ni Scott. “
Belle “Sir Daniel, woi bakit natulala ka na r’yan?” tanong ko ng pag-upo ko sa harapan niya tulala ito nakatitig siya sa mukha ko. “Luh! Sir Daniel? Nakakatakot naman iyon ang creepy mo ha?” anang ko pinitik ko ang daliri ko sa harapan ng mukha niya kaya ayun sa wakas na tauhan si sir Daniel. “I'm sorry,” doon lang ito nagising kumurap nakangiti na ngayon. Nasa loob kami ng food court ni sir Daniel. Dito namin naisip na magkita. May order na si sir Daniel na pagkain ngunit hindi pa nagagalaw dahil sa paninitig niya sa akin. “Ano nga pala ang kailangan mo bakit ka Nakipagkita sa akin? At ang inaakto mo sir Daniel, iyong totoo okay ka ba?” dinaanan ko sa biro. “Belle,” anang nito hinawakan ang kamay ko kaya namilog ang mata ko mabilis ko iyon binawi. “Bakit ganito sir Daniel? Magkaibigan tayo ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin dahil sa gusto mo,” “What do you mean, Belle?” sabi nito siya pa ang naguguluhan. Aba anong nangyari dito umuwi lang ng Mindoro parang sinap
Flashback “Daniel, paki bantayan mo ang kapatid mo. May lakad kami ng daddy mo,” bilin ni mommy sa ‘kin isang umaga kagigising ko lang iyan agad ang bumungad sa ‘kin. Alas nueve ng umaga pagtingin ko sa pambisig kong relo. Malamig kasi ang panahon kaya masarap matulog tinanghali ako ng gising lalo na sabado walang pasok. “May lakad po ako ngayon ng mga classmate ko, mommy. May tatapusin po kaming research,” tugon ko sa mommy ko. Huling taon ko na sa college. Akala nga ng parents ko. Hindi na ako susundan pa. Dahil fourteen years old na ako bago pa mabuntis si mommy sa bunso kong kapatid na babae. Hindi kami sobrang yaman may isang mini mart kami. Pareho si mommy at daddy magkatuwang nag-ma-manage sa mini mart at napalago nila iyon. Iisa lang ang kasama namin sa bahay si mommy kasi ay hands-on sa ‘min. Isinasama lang sa mini mart ang kapatid ko tuwing araw kaya wala itong yaya. Ngayon iyong tinutukoy ni mommy na pupuntahan nila ni dad na bagong property. Sa Tagaytay raw i
Belle Mariin akong napapikit. Wala akong maalala sa sinasabi ni Sir Daniel. May pakay ba ito sa ‘kin anong motibo? Hindi naman kami mayaman walang ari-arian na p'wedeng dahilan. Kahit talaga pukpukin ko pa ang ulo ko. Wala talaga akong naalala sa nakaraan. Wait nagka amnesia ba ako? Umiling agad ako kasi wala akong makapa sa aking sarili na nagka amnesia ako. Sobrang tagal na. Kung may amnesia ako dapat maalala ko na iyon. Mag twenty two na ako ngayon iyon kasi ang alam ko. “Hindi kita pipilitin sa ngayon little sis. Alam ko naman mahirap paniwalaan sa ngayon. Pero kung duda ka. Maari tayong magsagawa ng DNA test, para maniwala ka ako ang kuya mo na pabaya,” malungkot na saad ni sir Daniel kaya ako'y napangiti. Magaan naman talaga ang loob ko sa kaniya una pa lang. Sabi ko mabait ito pero ayaw ko muna ngayon maniwala mahirap na baka magkamali ang imbestigador ni sir Daniel. Hindi pala ako ang kapatid niya. “Sige sir Daniel. Payag ako na magpa DNA test.” “Talaga?” “Oo pa
Belle “Halika sir Daniel pasok ka,” alok ko pa sa kaniya ng nasa tapat na kami sa nakasaradong pinto ng apartment ko. Pagbukas ko, nakapamewang Scott, ang sumalubong sa 'kin pati kilay nag-isang linya na tipid akong ngumiti. Si Bebeng nasa sala nanood ng TV. Sakto lang ang volume himala nahiya rin siguro kay Scott kasi nandito sa apartment namin. “Ate Belle, galing kami nila Kuya Scott, sa bakery. Kinuha ang damit mo,” anang Bebeng sa 'kin. Pero okay naman kahit na bukas na iyon kunin. Kasi pupunta pa ako ng umaga roon. Sa hapon pa naman ang lakad namin masyadong apurado itong boyfriend ko. “Kumain na ba kayo ha, Bebeng?” tanong ko rito. “Opo Ate,” tugon nito muling ibinalik ang atensyon sa pinanonood. Nilapitan ako ng possessive na boyfriend ko. Parang gusto ng ipatumba si Sir Daniel sa paraan ng pagtitig ni Scott dito. Ang akala talaga nito kaagaw niya si Sir Daniel. Paano niyakap ako sa baywang ko humalik din sa noo ko hindi na ako binitiwan ni Scott. “Ang tagal n'
Belle “Dumating na pala si ate Love!” saad ni Jaya ng pihitin ko ang pinto pabukas. Sadyang inaabangan ako ni Jaya dahil pagtingin-tingin ito sa pinto kahit nakabukas ang TV nanood ito hindi pa rin nakalilimot tumingin sa pinto. Siya lang ang nasa sala. Nasaan na naman sina kuya Daniel at Analisa. Si Bebeng din wala rin sa sala hindi kasama ni Jaya. Sino naman ang kausap nito bakit binalita niya narito na ako? “Kumusta? Bakit pala ikaw lang ang nandito nasaan ang iba?” tanong ko rito pagkatapos ay lumakad sa kaniya palapit sa kinauupuan ni Jaya. Umupo ako sa tabi niya tumingin ako sa TV. “Ate kumusta rin ang lakad mo? Natapos mo ba? Bakit wala ka naman dala sabi mo mayroon ka lang bibilhin?” “Ahehe oo nga kasi nagbago ang isip ko eh,” anang ko nagkamot ako ng buhok ko. Matandain talaga itong kapatid ko hindi p'wedeng lansiin dahil tatanungin ka ng paulit-ulit hanggang sa mauubusan ako ng isasagot sa kaniya. “Sana pala umuwi ka ng maaga ate. Nag-antay kaya si kuya Scott.
Belle Nkayuko ako at nakatingin sa magkabila kong paa ng mayroon akong makitang dalawang paa tumayo sa harapan ko kaya ako'y nag-angat ng tingin. “Tita Mabel?” mahina kong sambit. Mabuti na lang kumalma na ako. Dapat paalis na ako kung hindi ito ngayon dumating. Seryoso ang mukha ni tita Mabel nakahalukipkip pa sa harapan ko. “Ahm paalis na po ako. Gusto ko lang po sana mangumusta kay Abril. Nakita ko naman na ligtas na siya uuwi na po ako,” tipid ko pang ngiti kahit seryoso si Tita Mabel. Napalunok ako ng pasadahan n'ya ako ng tingin. Wala naman imik. Pero slight akong kabado. Bakit kaya ano ang ibig n'yang ipakahulugan sa kilos niya ngayon nakababahala. “Tita, upo muna kung gusto mo po akong makausap,” magalang kung alok sa kaniya. “Magandang hapon din po tita Mabel,” pagbati ko rin sa kaniya. Wala pa rin itong imik nakataas pa ang kilay niya nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako kahit gano'n ang ang pakitungo ni tita Mabel. “Anong ginagawa mo rito?!” may galit din sa b
Belle “Nurse! Gising na ang pasyente,” sigaw ng Tita Mabel ang narinig ko. Napatingin ako sa loob kahit hindi ko sila makikita. “Nurse kapag okay na po. Pakisabi sa tita Mabel. Bisita ako. Si Belle kamo,” bilin ko sa kaniya. “Miss sandali lang ha? Pasensya ka na hanggang dito ka na lang muna,” paalam nito sa akin at nagmamadaling muling pumasok sa loob ng ICU. Malalim akong napabuntong hininga. At least gising na si Abril iyon ang mahalaga sa ngayon. Mag-aantay naman ako kahit mamaya, abutin pa ako ng hating-gabi mag-aantay ako para makausap ito at si tita Mabel. Nag-antay ako sa nakasarado pinto. May maliit iyon na salamin ngunit hindi naman gano'ng makikita ang loob ng ICU. Lalo na kung saan ang p'westo nila tita Mabel lalo na ang kinahihigaan ni Abril. Mabuti na lang may isang mahabang upuan sa gilid. Sandali muna akong nagtungo roon upang umupo habang nag-aantay ng tamang oras kung maaari na akong pumasok. Mahaba pa naman ang oras. Aabot ako mamayang seven ng gabi sa u
Belle “Ate anong oras kami magsasara?” tanong ni Bebeng. Kasi mamaya raw lalabas kaming lahat. dahil treat ni Analisa. Ewan ko kay Analisa bakit galante ngayon at gusto sa restaurant daw kami kumain ng hapunan, kahit pwede naman sa apartment na lang kasi marunong naman akong magluto ngunit mahigpit ang pagtanggi ng bestfriend ko. Minsan ko lang daw siya ngayon makasama tatanggi pa ako sa libre niya. Aayaw pa ba ako e, libre na ng kaibigan ko. Isa pa. Lahat kami i-li-libre daw niya. Kasama pa nga si kuya Daniel sa lakad namin mamaya sumangayon na lamang ako matagal na rin kaming walang bonding ni Analisa kaya pinagbigyan ko ngayon. "Ate Belle, saan ka pala pupunta?" tanong ni Bebeng. "May kikitain lang ako bunso. Uuwi rin naman agad ako sa apartment hindi ako magtatagal." "Dapat ate magpaganda ka na lang eh para sa lakad natin mamaya," "Kakain lang naman tayo kailangan pa ba iyon?" "Oo nga pala maganda ka na ate. Kahit ano naman ang ayos mo gusto ni Kuya Scott," sabi ni
Belle Nagpasya akong umalis ng wala akong nakuhang tawag o text galing kay Scott sa pag-aantay ko sa kaniya sa bahay nila. Ang lungkot naman kasi wala sila rito ako ang mag-isang naiwan kahit sangkaterba ang kasambahay nila. Hindi ko naman sila mga kilala. Sa bahay na lang ako mag-aantay kay Scott upang makausap ito. “Ma'am saan ka po pupunta?” naabutan ko sa living room ang isa nilang kasambahay naglilinis. “Ate uuwi na muna ako. Pakisabihan na lang po si Scott, umuwi na ako sa bahay ha?” bilin ko. “Ayaw mo po antayin?” tanong pa nito tila gusto akong pigilin ngunit naglakad na ako palapit sa pinto. “Hindi ko kasi sigurado kung uuwi iyon agad. Gusto ko sa bahay na muna magpahinga. Salamat sa pag-aalala,” tugon ko sa kaniya at tuluyan ng lumabas ng pinto. Mabuti hindi nag-usisa sa akin ang guwardiya nila Scott ng magpaalam ako lalabas muna. Pagdating ko sa labas ng gate nila Scott. S-sandali lang akong nag-antay ng taxi nakasakay agad ako. Nang nasa taxi na ako hindi k
Belle "Abril! M-my God," nataranta ako sa nangyari. Hindi ko naisip na buntis ako. Dahil nagmamadali akong tumakbo upang tulungan si Abril sa baba. “A-Abril.. Abril gumising ka,” wika ko at iniangat ko ang ulo ni Abril. Nanlaki ang mata ko ng pagtingin ko sa kamay ko umaagos ang dugo sa sugat galing sa ulo ni Abril. Shit may sugat ito kaya siguro nahimatay dahil tumama ang ulo niya. At kung saan ay hindi ko alam. “Tulong! Please tulong!” malakas kong sigaw at sumunod mayroon nagtakbuhan. Sumulpot si tita Mabel at tatlong kasambahay na nanlalaki ang mata nila pagkakita kay Abri. Hindi ako makapagsalita dahil umaapoy ang mata ni tita Mabel. Kahit hindi ko kasalanan pero na-guilty ako sa pagkahulog ni Abril. Lalo pa napuruhan pa ang dalaga. Sana walang masamang mangyari kay Abril dahil habang buhay ko ito dadalhin sa konsensya ko. “Abril,” nauutal na saad ni tita Mabel tumakbo palapit sa dalaga. Nakita ko pa nanginig ang kamay ni tita Mabel sa pagkataranta lalo na hindi pa du
Belle Nang maisuot ko ang binigay ni Scott na boxer short. Nagitla ako ng bigla na lang hinablot sa kamay ko ang hinubad kong undies ko kaya mabilis niyang iyong nakuha sa akin. Malakas na humalakhak ng manlaki ang mata ko at pilit na kinukuha sa kamay niya. Pisti mahilig mang-asar. “Bakit ba? Anong nakakahiya?” tinanong pa ako talaga naman gusto akong asarin. “Scott woi akin na nga ‘yan lalabhan ko,” bulalas ko dahil hawak pa rin niya iyon kahit anong lukso ko hindi ko sa kaniya maagaw. “Ako na ang maglalaba nito mabilis lang ako. H'wag ka ng tumalon. Baka mapaano si baby,” “Paano ayaw mo naman ibigay?!” “Ako na nga makulit naman. Mabuti pa matulog ka na alas-otso na ng gabi bawal sa buntis magpuyat,” Hindi na ako nakapalag ng pangkuin niya ako at maingat na inilapag sa kama. “Nahihiya ka pa rin?” tudyo nito. Aba'y itatanong pa talaga natural ah. “Kung gusto mong mauna matulog, ‘wag mo na akong antayin, love," aniya at mabilis niya akong hinalikan ako sa labi. “Kasi
Belle Tuluyan lang akong hinila ni Scott hindi lang lumingon kina tita Mabel at Abril. Naulinigan ko pa na umiiyak ang dalaga habang pinatatahan ni Tita Mabel. Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Tita rito dahil nakalayo na kami ni Scott. Isa pa mahina lang boses ni Tita Mabel halos pabulong lang animo ayaw iparinig sa ‘min ni Scott. Nang makarating kami ng living room. Naabutan pa kami ni tita Mabel at Abril. Nagmamadali si Abril maglakad habang hinahabol ni Tita Mabel sa likuran nito. Hindi naman gaano'n kalayo ang agwat nito ngunit parang may panghili akong nadama. Ang astig ni Abril hinahabol ni tita Mabel dahil lang galit ang dalaga. Tumingin ako kay Scott naramdaman siguro nitong mayroon akong gustong sabihin sa kaniyang kaya pumaling siya ng tingin sa akin. “Uuwi siguro si Abril. Ayaw mo bang kausapin ng maayos? Okay lang aantayin kita rito,” saad ko ngunit mabilis lang umiling si Scott. “Love, kung kakausapin ko siya. Parang binigyan ko lang si Abril ng dahilan para paasa
Belle “Scott wala akong ginawa,” saad ko rito. Kahit ito lang ang maniwala sa ‘kin okay na ako. Nag-antay ako ng isasagot ni Scott. Napanguso ako ng pagmasdan niya ako pagkatapos naningkit ang mata niya palitan kaming binigyan ng tingin ni Scott. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isip ni Scott nakapa seryoso kasi kaya hindi na lang ako nagsalita. “Anong nangyari bakit kayo nag-aaway?” si tita Mabel ang nagtanong. Napayuko ako kasi nabasa ko sa mata nito ang dismayado. Kung sa akin lang o para sa ‘min dalawa ni Abril hindi ko mahulaan. “T-tita M-Mabel, wala po akong ginawa kay Abri. Nagulat po ako paglabas ko ng CR. Nakaabang na siya sa akin. Hinayaan ko po siya na insultuhin ako para umiwas po sa posibleng gusot na mangyayari. Ayaw ko po siyang patulan bilang respeto po sa inyo. Dahil pamamahay n'yo ayaw kong magkaroon ng gulo. Iiwan ko na siya rito para iwasan ngunit bigla na lang niya akong hinila sa buhok ko at sinabunutan niya ako. Iyong nadatnan n'yo po kanina. Bumitiw po si