Share

Chapter 2

PAGKATAPOS mag time-out ay agad na tinalunton ni Beauty ang meeting place nila ng kaibigan niyang si Pamu. They agreed to meet at the plaza.

Pamu was her gig buddy. Tulad niya ay reyna din ito ng karaketan. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon ay hindi pwedeng pumirmi lang sila sa iisang trabaho. Tulad niya ay may sinusuportahan din itong mga kapatid.

"Fren!" masigla siyang kinawayan nito mula sa di kalayuan. Nakaupo ito sa isang bench habang lumalantak ng hawak nitong chitchirya.

"Pamu, anong raket natin?" agad niyang tanong matapos umupo sa tabi nito.

"Raket agad agad? Hindi pa pwedeng huminga ka muna?" nandidilat ang mga matang utas nito.

Beauty let go of a tired sigh and leaned her back at the steel bench. Kahit paano ay naibsan ng lamig niyon ang hapong nararamdaman niya. "Oh, gusto mo?" Pamu offered her the junk food she was eating.

"No, thanks," matipid niyang sagot.

"Fren, cheer up." pisil nito sa kanyang kamay.

"I can't, Pamu. Madami pang gastusin sa bahay. Kelangan ko pang magbayad ng kuryente at tubig. Nahihiya na din ako sa mga bale ko sa tindahan ni Aling Chedeng."

Ilang sandali din niyang pinagmasdan si Pamu habang umiinom ito ng softdrinks. Sana nga ay maayos ang pasahod ng kliyente nila ngayon. Mayroon kasing mga barat din at talaga namang ino-over work sila sa raket.

"Five hundred thousand," nakangiting sambit ni Pamu

sa kanya.

"Ha?" kunot noong tanong niya makaraan ang ilang segundong pagkatigalgal.

"No tax. Buong five hundred thousand pesos ang makukuha mo. One hundred thousand ang paunang bayad if you agree, and after you finish your mission, you'll get the whole remaining four hundred thousand pesos!"

Natahimik si Beauty. She thought of the money she could get after the mission. Malaking halaga iyon at mabilis no'ng masosolusyonan ang mga problema niya.

Pamu faced her seriously. "Now, deal?"

Kunot noo niyang hinarap ito. "Teka, agad agad? Ni hindi mo man lang sinasabi kung ano ang gagawin ko? Mamaya niyan, illegal pala iyan makulong pa ako."

"Hindi, nuh," natatawang sagot nito.

"Ano nga ang gagawin ko?"

"Plain and simple, fren. You'll gate crash and stop a wedding."

"What?" nanlalaki ang matang reaksyon niya. Baka namali lamang siya ng narinig kay Pamu.

"You will stop a wedding ceremony," ilit nito.

"Seryoso? Pupunta ako sa isang kasal at mag-eeskandalo?"

"Well, hindi naman sa mag-eskandalo ka, just make sure they won't exchange I dos. Bahala ka na kung paano mo gagawin iyon. Basta kelangan matigil ang kasal. Tapos."

"No," sunod sunod niyangg iling.

"But five hundred thousand pesos is a lot of money, fren. Wala kang mapupulot na gano'ng kalaking pera, at kahit magdamag kang magpakapagod, magpakahirap, at magpakapuyat sa ospital o sa ibang raket mo, hindi mo kikitain ang ganong kalaking halaga."

"Alam ko, hindi naman ako tanga eh. Kaso lang Pamu, ang hirap naman yata niyang pinagagawa ng kliyente mo."

"Fren, ang isipin mo na lang, malayo ang mararating ng perang iyon. Mababayaran mo na ang bills ninyo sa bahay, pati mga utang niyo, maipapagamot mo pa ang tatay mo."

"Pero kapalit no'n, kailangan ko pang sumira ng relasyon ng mga taong nagmamahalan. Hindi kaya ng konsensya ko, Pamu," naniningkit ang matang apela niya.

"Correction fren, they're not lovers."

"A-ano?" buong atensyon siyang bumaling sa kaibigan. Beauty quietly listened as Pamu explained the situation.

The guy hired a woman to be his wife to protect his inheritance. Tingnan mo nga naman ang mga mayayaman, tingin sa mga tao, mga bagay na nabibili at napepresyuhan. At para lang matiyak na safe ang mana nila ay magagawa nilang manloko ng tao? Kawawa naman ang Daddy niya kung ganon. Nagpupuyos ang dibdib na kausap niya sa sarili.

"So, ano na fren? Payag ka na?" pamemewang ni Pamu sa kanya.

"Pag-iisipan ko pa, Pamu. Panloloko pa din ang pinapagawa ng kliyente mo sa akin."

Pamu made a sigh after looking at her. "Hay naku, kung wala lang sana akong raket sa araw na iyon, e di sana ako na lang. Five hundred thousand pesos din iyon, nuh. O siya, sige na nga, fren. I'll give you until tomorrow to think, okay? Itext mo lang ako sa desisyon mo."

Pagkauwi, tahimik na sinilip ni Beauty ang mga magulang na natutulog na sa kabilang kwarto nang bahay nila. Walang ingay na humakbang siya papasok at nilapitan ang mga ito.

Inay, Itay, tama bang tanggapin ko iyong alok ni Pamu? Piping tanong niya sa mga ito. Marahan niyang hinaplos ang buhok ng kanyang Itay pagkatapos ng mahabang sandaling pagtitig rito. Itay, sana po kung ano man ang maging desisyon ko, sana huwag po kayong magalit sakin.

Bagaman ay salat sila sa maraming bagay ay minulat siya ng mga ito sa magagandang asal, att nangungna sa mga iyon ay ang pagiging tapat at paggawa ng tama. Kagat labi niyang kinumutan ang mga ito. She went back on her room quietly.

Tulalang tiningnan niya ang ceiling ng kanyang kwarto. She wanted to think of rational things, but the proposal kept on barging her mind.

Kahit na siguro pagsabay sabayin niya ang trabaho at ang mga raket niya sa ilang taon ay hindi niya kayang buuin ang five hundred thousand pesos na alok sa kanya. Kahit na magdamag siyang kumanta sa kalapit na bar sa bayan, kumanta sa kasal, magtinda ng mga kung ano anong beauty products, magtutor, at gumawa ng thesis ay hindi niya kikitain ang halagang iyon.

Lord, tulungan niyo naman po ako. Pasensya na po kung idinudulog ko pa po sa inyo ito gayong alam ko naman mali na tanggapin iyng alok. Sana po, maging tama ang maging desisyon ko. Kelangan na naman po kasing matingnan ang kalagayan ni Itay. Mukhang hindi na kasi tumatalab ang mga tableta sa kanya. Lord, help me. Piping panalangin ng dalaga.

Malalim na ang gabi nang dalawin siya ng antok. Malakas na alarm buhat sa selpon ang nagpagising sa tulog na diwa ni Beauty.

Pahinamad na tinalunton ng kanyang kamay ang selpon at tiningnan ang oras. Sa umpisa ay malabo pa ang paningin ngunit nang tumagal tagal ay nanlalaki ang matang napabalikwas siya ng bangon. Seven o-clock! Halos pasigaw na binasa niya ang oras. Paktay ka Beauty! Sa Operation Room pa naman ang schedule ng shift niya ngayon at 7:30 am ang schedule ng operasyon na aasistehan niya.

Hala! Dali dali siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo ng bahay. "Good morning Inay, Itay." Nagmamadaling bati niya sa mga magulang na nadaanan niya sa maliit nilang sala at kusina.

Pagkatapos maligo ay patakbo niyang tinalunton ang kwarto at nagbihis ng uniporme. "Anak, hindi ka ba muna kakain ng agahan?" Pahabol na tanong ng kanyang Ina.

"Inay, hindi na po. Late na po ako sa duty. Bye po." Maliksing hinalikan niya ang mga ito sa pisngi at lakad takbong tinalunton ang highway.

"JOV, NAGSTART NA BA?" Humahangos na pumasok sa staff quarter si Beauty at mabilis na nagpalit ng scrub suit.

"Ang swerte mo, girl! Nadelay ng konti ang operation." Ani ng matalik niyang kaibigan at kasamahan sa operating room na si Jovito, Saka pa lamang nakahinga ng maluwang ang dalaga. Maliksi niyang sinuot ang OR gown at inayos ang mga kagamitang kailangan sa operation. Maya maya pa ay ipinasok na ang pasyente. Pagkuway sumunod na din ang anesthesiologist at surgeon.

The operation will be Thyroidectomy. This operation will remove the thyroid gland of the patient. Thyroid gland is responsible for the metabolism of the body. The patient has a confirmed cyst on his thyroid so technically, only a part of his Thyroid will be remove. Ibig sabihin lang nito hindi ako ganoon kangawit ngayon na nakatayo! Beauty told herself.

Nakaramdam na naman kasi siya ng pamimigat ng mga mata. Ilang araw din siyang halos walang tulog dahil sa mga raket niya. At ngayon na yata bumabawi ang katawan niya sa puyat.

Dear Lord God. Please give me endurance to stand long here. Piping dasal niya habang inaasistehan ang surgeon na nag-oopera sa fifty three year old na pasyente.

Matagal tagal na din ang itinayo niya sa tabi ng surgeon nang magulantang siya sa tunog ng malakas na landline di kalayuan sa pwesto nila.

"Ano?" She heard Jov slightly yelled at the phone. Hindi man mawari ni Beauty ay nanatili siyang matatag sa pagkakatayo. She felt a sudden unexplainable palpitation on her heart. Patuloy lang siya sa pag-aabot ng instrumento sa surgeon nang maramdaman niya ang presensya ni Jov sa likod niya.

"G-girl.." Mahinang anas nito. Gusto man niya itong lingunin ay hindi maaari. "Beauty." Pagtawag nito sa pangalan niya.

"Jov? Bakit?" She asked without turning her head to faced her friend.

"Ang n-nanay mo." Lunok ni Jovito ang bumungad sa kaniya ng lingunin niya ito kaagad.

"N-asagasaan daw ang nanay. Isinugod daw dito at-"

Jov's news made her incapable to move. She was shocked, and fright was slowly invading her system.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status