Share

Austen-Henderson Series 1: TENDER LOVING CARE
Austen-Henderson Series 1: TENDER LOVING CARE
Author: Tinea Garcia

Chapter 1

"YOU WHAT?" tiim bagang ulit ng half-korean na si Euh Jin nang marinig ang sinabi ng kanyang amang si Tonio.

"You heard me son. I'm going to give the custody of this company to Bethina," mahinahon nitong ulit sa kanya.

"Fuck. You'll give this company to your mistress? Wow, I work hard for this company and you'll just throw it away to that woman?" sumbat niya.

"You know there's another option, son. Settle down and have kids."

"No fucking way. I won't do that," nakikipagtagisang tuon niya rito.

"Then, you're officially fired," pinal ngunit kalmadong tugon nito. Euh Jin cussed silently. Nagambala ang pagsagot sana niya rito nang marinig ang katok sa pintuan.

With poise and curves, Bethina went inside and gave him a fake smile. Darn you, gold digger! You will not get this company. Never. He silently cursed while looking at Bethina's wicked smile.

"Euh-Jin, since you are already terminated as the CEO, I would like you to behave with Bethi---"

"Fine. Expect my marriage next week," sansala niya.

"Really? I didn't know you have a girlfriend?" his father raised a brow.

"I have." If I had to hire a woman I will marry, I will, just so I can get rid of this wicked bitch.

He silently dismissed his father and walked past the door. Mad, he rode the elevator completely ignoring the scrumptious stares from the female population.

He hated being the center of attraction. He was aware that he has the looks, the body and the money, and any girl would easily jump into marriage with him. Pera lang naman ang katapat ng lahat. He believed that money controls women. Well, his late mother was the exemption.

He shoved out the phone in his slacks and called his assistant. "Get me a woman I can marry next week."

Nakakunot pa din ang kanyang noo nang marinig ang sagot ng assistant. "No, listen Kevin," he murmured at the verge of his temper. "You have to find me a woman or you'll be bidding farewell to your job."

He ended the call. He noticed a woman boldly gawking a few meters away from him. The woman in her skimpy dress would really pass as his twin cousins' toy.

"Hi, lover boy. I know a way on how to cool you down." The woman opened her mouth, bit her thumb, and gave him a malicious look.

What a waste! he disgustedly thought. When the elevator reached the basement, he instantly went out and walked with a steady look to his way.

"Ang suplado mo naman. Akala mo naman kung sino kang gwapo," the woman hissed. He heard it but he remained unresponsive.

"NAY, TAY, ANDITO NA PO AKO," masayang tawag ni Beauty sa mga magulang niya. Pay- day ngayon kung kaya't nakapaggrocery siya ng bahagya. Ubos na din kasi ang supply nila sa bahay.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak," saad ng kanyang ina pagkatapos niyang magmano sa mga ito.

"Nay, ito na po iyong gamot ninyo ni tatay," sabay abot niya rito ng supot na dala niya. Sa Mercury niya pa iyon binili sapagkat wala namang ganong brand ng gamot sa generics.

"Naku anak, hindi ka na sana nag-abalang bumili pa," malumanay na wika ng kanyang Itay. Ngumiti lamang siya sa mga ito at marahang pinaupo ang kanyang ama sa may kalumaan nilang sofa.

"Tay naman, mga maintenance ninyo po iyan ni Inay. Kelangan niyo pong inumin ang mga yan." Bagaman ay pagod ay minabuti niyang maging masigla sa harap ng mga ito.

"Eh paano ka na niyan anak? Edi ubos na naman ang sahod mo?" Nag-aalalang tanong ng kanyang Ina.

"Nay, wag po kayong mag-alala. May natira pa po dito. Saka po, may mga raket naman po ako eh, at may naitabi din. Kaya ko na po ito." Marahan niyang inabot at pinisil ang mga kamay ng mga magulang. "Lagi niyo pong iinumin ang mga iyan Inay, ha?" pagngiti niya.

"O siya nay, Itay, bihis lang po ako."

"Sige anak, maghahain lang ako ng hapunan natin," nakangiting tugon naman ng kanyang Ina.

Nang makapasok sa kwarto ay nanghihinang umupo si Beauty sa kanyang pang-isahang kama. Yari iyon sa kawayan at ang foam niyon ay sobrang nipis na. She saw her reflection on the old cabinet. At twenty-four, she looked older than her age. She sighed, kaagad na dinukot ang kanyang lumang wallet para tingnan ang laman niyon.

Two hundred and twenty pesos na lamang ang natitira sa sahod niya. Binilang niya ang barya sa coin purse niya at forty-nine pesos na lamang iyon.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga. Tuwing sahuran, ganitong ganito ang nangyayari sa kanya. Minsan pa nga ay halos piso na lang ang natitira sa sahod niya.

Ang isang patak ng luha mula sa kanyang mga mata ay nasundan pa ng isa. Bitterness filled her mind.

Sana ipinanganak na lang akong mayaman! Piping hiling niya. Sana hindi nahihirapan sila Inay at Itay. Sana naipapagamot ko sila nang maayos. Sana... Mga puro sana na madalas ay naiisip niya.

Hindi naman sila masasabing naghihikahos noon. Ang kanyang Ina ay isang dating kahera sa groserya habang ang kanyang Itay naman ay retiradong guro. May maipupundar naman sana ang mga ito kung hindi lang tinamaan ng sakit ang kanyang mga magulang.

Her father has a diabetes while her mother was hypertensive. Nakuha ng kanyang Ina ang sakit nito nang pinagbubuntis pa lamang siya nito. Dala ng peligro ay sumailalim ito sa ceasarian section upang maisilang lamang siya ng ligtas. At hanggang ngayun ay nanatili na rito ang sakit nito.

She was in high school when her father discovered he has diabetes. Nang panahong ding iyon ay unti unting nawala ang mga pundar ng mga ito dahil sa pagpapagamot ng ama. Tanging ang lumang bahay na lamang nila ngayun ang natira sa kanila. She was just lucky she was able to continue her schooling at Silang University as she was offered a full scholarship in midwifery and nursing because of her brilliant mind.

At ngayon nga ay apat na taon na siyang nagtatrabaho bilang nurse sa Chan Hospital sa may bayan. Isa itong pribadong hospital na pag-aari ng isang Pilantropong Chinoy.

Tunog ng kanyang mumurahing selpon ang nagpanumbalik sa huwisyo ni Beauty. Agad niyang kinuha iyon at binasa ang text.

Pamu: Fren, may raket ako sayo. Usap tayo bukas pagkatapos ng shift mo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status