Share

Chapter 3

Author: Moon
last update publish date: 2026-02-01 19:37:29

Tahimik ang silid.

Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng mga makina regular, paulit-ulit, parang orasan na walang pakialam kung may gising na kaluluwa sa loob ng kwartong iyon. Nakahiga si Amara sa kama, nakatitig sa kisame, pilit inuunawa ang bigat sa dibdib niya isang bigat na hindi galing sa sakit ng katawan, kundi sa katotohanang hindi niya alam kung sino siya sa mundong ito.

Sa loob ng katawang iyon, si Elena ay gising na gising.

Alam niyang buhay siya. Alam niyang humihinga siya. Ngunit wala ni isang piraso ng buhay na ‘to ang pamilyar sa kanya.

Mahinang bumukas ang pinto.

Napapitlag si Amara. Agad niyang ibinaling ang tingin sa pintuan, ang mga daliri ay bahagyang kumapit sa kumot. May pumasok na dalawang tao isang babaeng nasa late fifties, elegante pa rin kahit may bakas ng pagod sa mukha, at isang lalaking matangkad, tuwid ang tindig, ngunit halatang may pinipigilang emosyon.

Tumigil sila sa may pintuan.

Parang natatakot lumapit.

Parang natatakot na baka kapag masyado silang umasa, muling mawawala ang babaeng dalawang taon nilang hinintay.

“Amara…”

Basag ang boses ng babae. Isang pangalan na hindi kailanman tumunog na kanya, ngunit ngayon ay diretsong tumama sa dibdib ni Elena.

Dahan-dahang lumapit ang mag-asawa. Ang babae ang unang umupo sa tabi ng kama. Nanginginig ang kamay nito habang dahan-dahang hinawakan ang kamay ni Amara parang baka kapag hinigpitan niya ang hawak, maglaho ito.

“You’re awake,” bulong nito. “You’re really awake…”

Namasa ang mga mata ng lalaki. Hindi siya agad nagsalita. Tumayo lang siya sa gilid ng kama, nakatingin sa anak na halos dalawang taon niyang kinausap kahit hindi siya sinasagot.

“Mom?” paos na tanong ni Amara.

Isang salitang hindi niya alam kung bakit niya nasabi.

Biglang humagulgol ang babae. Tinakpan nito ang bibig niya, pilit pinipigilan ang hikbi, pero hindi niya napigilan ang mga luha.

“Oh God… she remembers,” sabi nito, halos pabulong. “She remembers us…”

Pero hindi iyon totoo.

Hindi sila naaalala ni Elena.

Hindi niya kilala ang babaeng umiiyak sa harap niya, ni ang lalaking pilit pinipigilan ang emosyon. Ang alam lang niya ay may isang instinct sa loob niya, isang likas na pakiramdam na nagsasabing mahalaga sila. Na kahit hindi niya sila kilala, may parte ng katawang ito na nakakakilala sa kanila.

Hindi dahil alaala.

Kundi dahil dugo.

“Amara,” mahinang sabi ng lalaki sa wakas. “Ako ‘to… si Daddy.”

Nanikip ang dibdib ni Elena. Gusto niyang magsinungaling. Gusto niyang umoo. Gusto niyang gampanan ang papel na hinihintay nilang makita.

Pero ang katahimikan ang nanalo.

“I’m… sorry,” marahan niyang sabi. “My head feels… empty.”

Tumigil ang pag-iyak ng babae.

“Empty?” ulit nito, pilit ngumiti. “That’s okay, sweetheart. Normal lang ‘yan. Sabi ng doctors, pwedeng mangyari ‘yan.”

Ngumiti rin ang lalaki, kahit bakas ang sakit sa mga mata nito. “What matters is you’re here. You’re alive.”

Alive.

Isang salitang masakit pakinggan.

Kung alam lang nila.

Kung alam lang nila na ang babaeng minamahal nila ang anak nila ay hindi na bumalik. Na ang kaluluwang nasa loob ng katawang ito ay isang estranghera.

Isang babaeng namatay sa ibang pangalan.

“Do you remember anything?” tanong ng babae, marahan, parang takot na takot sa sagot.

Umiling si Amara.

“Not yet,” sagot niya. At iyon lang ang katotohanang kaya niyang ibigay.

Nagkwento ang babae. Tungkol sa pagkabata ni Amara. Tungkol sa mga hilig daw nito katulad ng  pagpipinta, palaging din daw itong tahimik ngunit matalas mag-obserba. Kung paano nito pinaglaban ang pag-ibig niya kahit hindi sila agad sumang-ayon.

Tahimik lang si Elena sa loob ng katawan ni Amara. Nakikinig. Nagtatala sa isip. Parang nag-aaral ng papel na kailangan niyang gampanan. Tinatandan niya ang mga kunting impormasyon tungkol kay Amara. 

“Your accident…” biglang sabi ng lalaki, saka huminto. “We’ll talk about it when you’re ready.”

May kung anong kumirot sa dibdib ni Elena. 

Accident.

Hindi niya alam kung bakit, pero ang salitang iyon ay parang may bigat na masyadong mabigat para sa isang simpleng paliwanag. Alam niyang ang tinutukoy ng ama ni Amara ay ang aksidente na nangyari sa anak. Ngunit hindi niya maiwasang isipin ang aksidenteng dahilan kung bakit siya nasa katawan ni Amara ngayon.

“Sebastian knows?” tanong ng babae. “na gising ka na?”

Bahagyang tumigas ang ekspresyon ng lalaki. “Yes. He was here earlier.”

Napansin iyon ni Elena. Ang pagbabago sa tono. Ang bahagyang tensyon.

Hindi pala lahat ay maayos sa pamilyang ito.

May katahimikang bumalot sa kwarto. Isang katahimikan na puno ng mga bagay na hindi sinasabi.

Maya-maya, tumayo ang babae. “We’ll let you rest,” sabi nito, pinisil ang kamay ni Amara. “We’re just outside.”

Pagkaalis nila, bumalik ang katahimikan.

Pero ngayon, mas mabigat na.

Pumikit si Elena. Sa likod ng talukap niya, muling bumalik ang alaala ang mga ilaw ng sasakyan, ang sigaw, ang pagbagsak.

At ang mukha ni Marcus.

Hindi niya alam kung anong mas masakit ang mamatay sa pagtataksil, o ang mabuhay sa katawang may pamilyang umaasang babalik ang anak nilang hindi na kailanman magigising.

Dahan-dahang dumaloy ang luha sa gilid ng mata ni Amara.

Hindi niya alam kung para kanino ang luha.

Para ba kay Elena?

O para kay Amara?

O para sa dalawang magulang na naniniwalang nabawi na nila ang anak nila?

Sa labas ng kwarto, magkatabing nakatayo ang mga magulang ni Amara. Hawak ng babae ang braso ng asawa niya, nanginginig.

“She feels different,” bulong nito. “Parang… may nagbago.”

Tumango ang lalaki. “Pero buhay siya.”

“Natural lang ang pagbabago niya dahil hindi niya tayo masyadong maalala. Ang mahalaga buhay ang anak natin.” sabi ng ginoo sa kanyang asawa. 

At sa mundong ilang taon na silang nabuhay sa pag-asa at paghihintay, sapat na muna iyon. Sa pagkakataong ito ay pinangako niya sa sarili na poprotektahan niya anak kahit pa kailangan niyang kalabanin ang pamilya ng asawa nito. 

Sa loob ng kwarto, iminulat ni Elena ang mga mata niya.

At sa unang pagkakataon mula nang magising siya. Napagtanto niyang ang buhay na ito ay hindi lang tungkol sa kanya. Ito ay tungkol sa mga taong mawawasak kapag nalaman ang katotohanan.

At sa mga kasinungalingang kailangan niyang panindigan… para lang manatiling buhay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 10

    Napangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 9

    “Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 8

    “Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 7

    Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 6

    Hindi agad nakatulog si Amara noong gabing iyon.Tahimik ang kwarto masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay tinatawag na “tahanan.” Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang ilaw mula sa hardin ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa tabi niya, naroon si Sebastian, nakahiga rin, nakatalikod sa kanya.Magkalapit ang katawan nila, pero parang may invisible na distansya isang puwang na hindi kayang punuan ng isang kama lang.Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Mabagal. Kontrolado. Parang sanay laging magbantay, kahit sa pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw, maingat na parang takot siyang magising ito. Napaupo siya sa kama, hinila ang kumot sa balikat. May kirot pa rin sa katawan niya kapag masyadong matagal sa isang posisyon.“Hindi ka ba makatulog?” Napapitlag siya.Hindi pala tulog si Sebastian.“Sorry,” mahina niyang sabi. “I didn’t mean to wake you.”Umangat siya nang kaunti, sumandal sa headboard. Nakasuot siya ng simpleng shirt, walang coat,

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 5

    Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.Tumango si Amara. “Yes, Mom.”Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status