Share

Chapter 4

Author: Moon
last update publish date: 2026-02-01 19:37:57

Lumipas ang ilang araw.

Hindi agad napansin ni Amara kung kailan eksaktong nagbago ang pakiramdam niya kung kailan huminto ang hilo sa tuwing iminumulat niya ang mga mata, kung kailan hindi na parang binabagsakan ng bato ang dibdib niya sa bawat paghinga. Ang alam lang niya, isang umaga ay nagising siyang mas magaan ang katawan, mas malinaw ang isip, at mas buo ang loob.

At doon nagsimula ang lahat.

“Let’s try standing today,” mahinahong sabi ng physical therapist na si Nurse Claire, habang inaayos ang walker sa harap niya.

Tumango si Amara, kahit sa loob-loob niya ay may kaba. Hindi ito ang unang beses na susubukan niyang tumayo, pero ito ang unang beses na pakiramdam niya ay baka… kaya na niya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang mga paa sa sahig.

Malamig.

Isang simpleng sensasyon pero para kay Elena, na nasa loob ng katawang iyon, parang paalala iyon na buhay siya. Na may lupa pa rin sa ilalim ng mga paa niya, kahit hindi niya alam kung saan patungo ang landas.

“Okay,” sabi ni Nurse Claire. “Hold the bars. Don’t rush.”

Huminga nang malalim si Amara at dahan-dahang itinayo ang katawan niya. Nanikip ang mga binti niya, parang may humihila pababa, parang may pumipigil sa kanya. Umalog ang tuhod niya, at saglit siyang nawalan ng balanse.

Pero hindi siya bumagsak.

“There you go,” masayang sabi ng nurse. “That’s it.”

Napapikit si Amara. May kung anong kumirot sa mata niya hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa bigat ng emosyon. Isang bagay na napakaliit para sa iba, pero para sa kanya, parang isang malaking tagumpay.

“I’m standing,” mahina niyang sabi.

“Yes,” sagot ng nurse. “You are.”

Sa loob niya, si Elena ay napangiti isang ngiting may halong pait. Dahil habang natututo ang katawang ito na muling tumayo, alam niyang may isang bahagi ng sarili niya na kailanman ay hindi na makakabangon mula sa pagkakahulog.

Mula noon, naging bahagi na ng araw-araw ni Amara ang rehab.

Sa umaga physical therapy. Sa hapon occupational therapy. Mga simpleng galaw na kailangang ulit-ulitin paghawak ng bola, pag-angat ng kamay, paglakad ng ilang hakbang nang hindi sumasandal.

Nakakapagod.

May mga araw na gusto na lang niyang sumuko, humiga, at hayaang bumalik ang katahimikan. Pero sa tuwing makikita niya ang mga magulang ni Amara sa gilid ng kwarto nakangiti, umaasa, parang bawat maliit na progreso ay isang himala pinipilit niyang magpatuloy.

Para sa kanila.

At para sa sarili niyang konsensya. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa kundi mamuhay bilang Amara. Hindi niya alam kung bakit, pero baka ito na ang pagkakataon niya para magkaroon ng panibagong simula.

“Memory still blank?” tanong ng doktor isang hapon habang tinitingnan ang chart niya.

“Yes,” sagot ni Amara, kalmado na ang boses. “I still can’t remember anything.”

Tumango ang doktor, parang ine-expect na iyon. “Post-traumatic amnesia. Common in cases like yours.”

At doon tuluyang nabuo ang paniniwala ng lahat—

Na wala siyang alaala.

Na hindi niya kilala ang sarili niya.

Na ang babaeng nagising mula sa coma ay isang blangkong papel na kailangang sulatan muli.

At para kay Elena, iyon ang naging kaligtasan niya.

Dahil sa likod ng katahimikan niya, sa likod ng mga sagot na “I don’t remember,” ay ang isang isip na laging alert, laging nag-oobserba.

Pinapanood niya ang mga tao sa paligid.

Kung paano umiwas ng tingin ang ilang nurse kapag nababanggit ang aksidente. Kung paano palaging may tension sa tuwing papasok si Sebastian sa kwarto tahimik, kontrolado, pero parang may laging sinusukat.

At kung paano nagbabago ang ekspresyon ng mga magulang ni Amara sa tuwing may tanong tungkol sa nakaraan.

“You don’t have to force yourself,” sabi ng ina niya isang gabi, habang inaayos ang kumot. “We’re just happy you’re here.”

Ngumiti si Amara. “I know.”

Pero sa loob niya, may tanong na paulit-ulit na bumabagabag. Kung talagang masaya sila na buhay siya… bakit parang may takot sa mga mata nila?

Isang hapon, matapos ang rehab, pinaupo si Amara sa wheelchair at inilabas sa maliit na garden ng ospital. Mainit ang sikat ng araw, at sa unang pagkakataon mula nang magising siya, nakaramdam siya ng konting normalcy.

Umupo si Sebastian sa bench sa tapat niya.

Tahimik lang siya, gaya ng dati.

“How’s the rehab?” tanong nito, parang casual, pero may layo.

“Better,” sagot ni Amara. “I can stand now.”

Tumango siya. “Good.”

Walang “I’m proud of you.” Walang ngiti. Pero may bahagyang pagluwag sa balikat niya isang detalyeng hindi nakaligtas kay Elena.

“You still don’t remember anything?” tanong niya.

Umiling si Amara. “No.”

Matagal siyang tinitigan ni Sebastian, parang may hinahanap sa mukha niya. Parang may gustong makita o baka may kinatatakutan siyang makita.

“Maybe that’s for the best,” sabi nito sa wakas.

Nanikip ang dibdib ni Amara. “Why?”

Sumandig si Sebastian sa bench, tumingin sa malayo. “Some memories are… heavy.”

Hindi na siya nagtanong pa.

Pero doon lalo naging malinaw kay Elena na ang amnesia ay hindi lang kondisyon.

Isa rin itong proteksyon.

Sa mga sumunod na araw, mas naging confident si Amara sa rehab. Nakakalakad na siya ng ilang hakbang nang walang walker. Kaya na niyang humawak ng kutsara, magbukas ng pinto, magsuklay ng buhok.

At sa bawat galaw, pakiramdam niya ay unti-unti niyang inaangkin ang katawang ito kahit alam niyang hindi ito kailanman magiging tunay na kanya.

Isang gabi, mag-isa siya sa kwarto, nakaupo sa gilid ng kama. Tinitigan niya ang mga kamay niya makinis, may peklat na hindi niya alam kung saan galing.

“These hands lived a life,” bulong niya.

Isang buhay na hindi niya naranasan.

Isang buhay na kailangan niyang ipagpatuloy.

Sa salamin, nakita niya ang repleksyon ni Amara matatag, tahimik, parang laging may itinatagong emosyon. Hindi na siya katulad ng babaeng bumagsak sa dilim noong gabing iyon.

Pero sa loob-loob niya, buhay na buhay pa rin si Elena Marquez.

Ang babaeng tinulak.

Ang babaeng namatay.

At ang babaeng ngayon ay natutong maglakad muli sa isang mundong hindi kanya, sa isang kasinungalingang kailangan niyang panindigan.

Habang pinapatay niya ang ilaw, isang bagay ang malinaw sa isip niya. Kung may dahilan man kung bakit siya nabuhay muli, hindi iyon aksidente.

At balang araw, kapag handa na siya.

Lalakad siya hindi lang para mabuhay.

Kundi para alamin ang buong katotohanan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 10

    Napangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 9

    “Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 8

    “Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 7

    Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 6

    Hindi agad nakatulog si Amara noong gabing iyon.Tahimik ang kwarto masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay tinatawag na “tahanan.” Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang ilaw mula sa hardin ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa tabi niya, naroon si Sebastian, nakahiga rin, nakatalikod sa kanya.Magkalapit ang katawan nila, pero parang may invisible na distansya isang puwang na hindi kayang punuan ng isang kama lang.Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Mabagal. Kontrolado. Parang sanay laging magbantay, kahit sa pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw, maingat na parang takot siyang magising ito. Napaupo siya sa kama, hinila ang kumot sa balikat. May kirot pa rin sa katawan niya kapag masyadong matagal sa isang posisyon.“Hindi ka ba makatulog?” Napapitlag siya.Hindi pala tulog si Sebastian.“Sorry,” mahina niyang sabi. “I didn’t mean to wake you.”Umangat siya nang kaunti, sumandal sa headboard. Nakasuot siya ng simpleng shirt, walang coat,

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 5

    Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.Tumango si Amara. “Yes, Mom.”Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status