공유

Chapter 2

작가: Moon
last update 게시일: 2026-02-01 19:36:55

Ang unang pumasok sa isip niya ay malamig.

Hindi yung klase ng lamig na dala ng aircon o ulan kundi yung lamig na parang galing sa loob ng katawan, gumagapang sa mga ugat niya, at dahan-dahang humihigop ng init ng buhay. Mabigat ang pakiramdam niya, parang matagal siyang nilunod sa tubig at ngayon pa lang pinapaahon.

May mahinang tunog sa paligid. Paulit-ulit. Beep… beep… beep…

‘Buhay siya?’ unang tanong na sumagi sa isipan niya.

Gusto niyang igalaw ang mga daliri, pero hindi niya pa kaya. Hindi ito sumusunod sa gusto niyang mangyari. Ang mga mata niya ay ayaw ding bumukas. Parang may makapal na aninong nakapatong sa talukap niya, pinipigilan siyang makita ang mundo.

‘Patay na ba ako?’ pero naririnig niya ang pagtunog ng mga machine at amoy gamot ang paligid.

Huling alaala niya ay ang pagtulak sa kanya ni Marcus, ang liwanag ng headlights, ang malakas na preno, at ang pakiramdam ng biglang pagbagsak—kasunod ang isang matalim na sakit sa dibdib.

Elena.

Iyon ang pangalan niya. Sigurado siya roon.

Kaya bakit—

“Amara… oh my God… Amara, gising ka na ba?”

Isang boses ang pumasok sa pandinig niya. Babae. Nanginginig. May halong iyak at takot. Sinubukan niyang magsalita, pero ang tanging lumabas sa bibig niya ay isang mahinang ungol.

Biglang nagkagulo ang paligid.

“Doctor! Nurse! She’s awake!”

“She moved—I swear, she moved!”

Parang may mga yabag na nagmamadali, mga kamay na humahawak sa braso niya, sa pulso, sa noo. Ang dibdib niya ay biglang bumigat, parang may malaking batong nakadagan dito.

Unti-unti niyang minulat ang mata, isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya. Dahilan para mapapikit siya ulit. Minulat niya ulit ang mga mata. Hindi naman niya maigalaw ang ulo. This time sigurado na siya na nasa ospital siya.

Puting kisame.

Maliwanag na ilaw.

Amoy ng disinfectant.

At mga mukhang hindi niya kilala ngunit nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakamahalagang taong nakita nila sa buong buhay nila.

“Mrs. Deveraux,” sabi ng isang lalaking naka-puting amerikana. “Can you hear me?”

‘Mrs. Deveraux? Sino yun?’

Sinubukan niyang iginalaw ang ulo, pero bahagya lang ang kinaya. Tumango siya, sinubukan niya man lang.

May isang babaeng tuluyang humagulgol sa tabi niya.“Thank God… two years… two years kaming naghintay…”

‘Two years?’

Gusto niyang magsalita. Sabihin sa kanila na nagkakamali sila. Hindi siya si Mrs. Deveraux. Ang pangalan niya ay Elena Marquez.

Pero nang bumuka ang bibig niya, paos at mahina ang tinig na lumabas.

“Tubig…”

Nagkatinginan sila, parang nakakita ng himala.

Habang inilalapit ang baso sa labi niya, nakita niya ang repleksyon niya sa salamin sa gilid ng kama.

At doon tuluyang tumigil ang mundo.

Hindi iyon ang mukha niya.

Mas maputi ang bala, matangos ang ilong. Ang buhok ay mahaba, makintab, kulay tsokolate. May peklat sa gilid ng kilay, maliit pero halatang matagal na nandoon.

Nanlaki ang mga mata niya.

‘Hindi ako ‘to.’

Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Ang mga tunog ng makina ay parang lalong lumakas, parang sumisigaw ng babala.

“Relax,” mabilis na sabi ng doktor. “Normal lang ‘yan. Kakagising mo lang.”

‘Pero hindi normal ang pakiramdam na ito. Hindi normal ang katawan na ‘to.Hindi normal ang pangalan na ibinibigay nila sa akin.’ sigaw niya sa kanyang isipan.

Lumipas ang ilang oras o baka araw, hindi niya alam. Nawalan ng saysay ang oras sa pagitan ng tulog at gising. Sa bawat pagmulat niya ng mata, may bagong detalye siyang napapansin. Ang kwarto ay masyadong malaki para sa isang ordinaryong ospital. May mga bulaklak na sariwa araw-araw. May mga taong pumapasok na tila sanay mag-utos at masanay sundin.

At palaging may isang bakanteng upuan sa tabi ng kama niya.

Hanggang isang gabi, hindi na ito bakante.

Narinig niya ang mahinang pagbukas ng pinto. Hindi siya natutulog nagpapanggap lang. Natutunan niya nang gawin iyon, mas ligtas ang manahimik kaysa magsalita baka magkamali pa siya.

May presensyang pumasok sa kwarto. Tahimik, mabigat. Parang hangin bago ang bagyo.

Huminto ito sa tabi ng kama niya.

“Doctor said you opened your eyes today.”

Mababa ang boses. Malamig. Walang emosyon.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at doon ay nakita niya siya.

Matangkad. Broad ang balikat. Nakasuot ng itim na coat na parang kakalabas lang sa meeting jo sa libing. Ang mga mata niya ay kulay abo, matalim, at puno ng mga bagay na hindi niya kayang basahin.

Pero isang bagay ang malinaw. Hindi siya masaya. Hindi siya relieved. Parang… nag-iingat.

“Aurelia,” sabi nito, parang sinusukat ang pangalan sa dila niya. “Do you recognize me?”

Tumitig lang siya sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kung magsisinungaling ba siya, baka mabuking. Kung magsasabi ng totoo, baka isipin nilang nabaliw siya.

Kaya pinili niya ang gitna.

“Hindi… sigurado.”

May bahagyang pagbabago sa ekspresyon nito. Isang kisap ng emosyon—pero agad din niyang tinago.

“Sebastian Deveraux,” pagpapakilala nito. “Your husband.”

Parang may sumabog sa loob ng ulo niya.

Asawa.

‘Ako may asawa?’

‘Bilyonaryong asawa?’

Biglang nag-flash sa isip niya ang mga salitang narinig niya mula sa mga nurse, na nagbulungan sa hallway.

Deveraux Group.

Billionaire.

Power couple.

The wife who never woke up.

Siya ‘yon o… ang katawang ito.

Tumango siya, kunwari nauunawaan.

Lumapit ito ng kaunti. Hindi niya hinawakan ang kamay niya. Hindi rin siya nito hinalikan sa noo. Wala ni isang galaw na magpapakitang matagal siya nitong hinintay.

Sa halip, tinitigan lang siya nito parang sinusuri.

“Get some rest,” sabi nito sa wakas. “We’ll talk when you’re stronger.”

Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad palabas ng kwarto, iniwan siyang nakatitig sa kisame, humahabol sa hininga.

Sa katahimikan ng gabi, doon niya tuluyang inamin sa sarili niya ang katotohanan.

Siya ay patay na.

At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, nagising siya sa katawan ng isang babaeng may asawang bilyonaryo—isang lalaking hindi sigurado kung siya pa ba ang babaeng pinakasalan nito.

At kung may isang bagay siyang sigurado.

Ang buhay na ito ay hindi aksidente.

At ang paggising niya … ay simula pa lamang.

Nagulat naman siya ng may pumasok sa loob ng silid.

“So it's true you're awake.”

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 10

    Napangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 9

    “Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 8

    “Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 7

    Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 6

    Hindi agad nakatulog si Amara noong gabing iyon.Tahimik ang kwarto masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay tinatawag na “tahanan.” Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang ilaw mula sa hardin ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa tabi niya, naroon si Sebastian, nakahiga rin, nakatalikod sa kanya.Magkalapit ang katawan nila, pero parang may invisible na distansya isang puwang na hindi kayang punuan ng isang kama lang.Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Mabagal. Kontrolado. Parang sanay laging magbantay, kahit sa pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw, maingat na parang takot siyang magising ito. Napaupo siya sa kama, hinila ang kumot sa balikat. May kirot pa rin sa katawan niya kapag masyadong matagal sa isang posisyon.“Hindi ka ba makatulog?” Napapitlag siya.Hindi pala tulog si Sebastian.“Sorry,” mahina niyang sabi. “I didn’t mean to wake you.”Umangat siya nang kaunti, sumandal sa headboard. Nakasuot siya ng simpleng shirt, walang coat,

  • Awakened as the Billionaire's Wife   Chapter 5

    Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.Tumango si Amara. “Yes, Mom.”Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iy

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status