تسجيل الدخولNapangiti na lang siya ng hilaw nang makita ang madilim na mukha ni Sebastian.‘Brown out ata! Ang dilim ng mood niya.’“Bakit ka naman nanggugulat mahal kong asawa?” Nilambingan pa niya ang boses niya. Ngunit mas lalo lang sumama ang mood ni Sebastian.‘Now you're calling me mahal kong asawa. When you're clearly thinking of someone else.’“Mahal mong asawa? Really?”Nanlaki naman ang mata ni Amara nang ilapit ni Sebastian ang mukha nito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap nang matitigan nito ang mukha ng lalaki.“Ang pogi.” Wala sa sarili niyang sambit.Narinig naman ni Sebastian ang sinabi ni Amara.“So, you think, I'm handsome?”Amoy na amoy ni Amara ang hininga nito. Amoy mint na parang may cool air sensation.“Yeah, so handsome.” Para siyang nahihipnotismo. Pero totoo rin naman ang mga sinabi niya. Napatingin naman siya sa labi ng lalaki.‘Shocks! Ano kaya pakiramdam mahalikan niyan.’“Tsk!”Nabalik naman siya sa huwisyo dahil sa pag-asik nito.“Bakit ka pala nandito?” tanong
“Bakit ganyan ka makatingin?” Hindi namalayan ni Sebastian na tapos na pala ang asawa sa paghuhugas.“Wala. Naninibago lang ako sa mga kinikilos mo.” Batid ni Elena ang pagdududa sa boses ni Sebastian. ‘Patay! Masyado ko bang ginalingan kaya nahalata niya?’ tanong nito sa isipan. Natatakot siya na baka mabuko na hindi siya ang Amara na nakilala nila.“Bakit hindi ba ako ganito dati?” tanong niya kay Sebastian at tinitigan ito sa mga mata. Ginamit na naman niya ang amnesia card. Wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ‘yun lang.“Butler?” Nang hindi sumagot si Sebastian ay binalingan niya ang butler na tahimik lang sa sulok. “Kung hindi kapangahasan ang aking sasabihin, My Lady. Noon ay hindi ka kailanman tumapak sa kusina. Palagi mo lamang inuutos ang mga kailangan mo.” Napangiwi naman si Amara sa narinig hindi niya alam kung ano ang isasagot. Marami pang sinabi ang butler na hindi niya akalain na ganun pala ang totoong Amara. “Hindi ko maalala.” Tumawa siya ng pakak. Nahihiya si
“Good Morning.” Napatingin naman sila sa babaeng kadarating lang malawak ang ngiti nito sa labi habang nakatingin kay Sebastian. ‘She looks familiar. I think I've seen her somewhere. Hmmmm… Saan nga ba?’ “What are you doing here, Selene?” tanong naman ni Seb. Pero hindi niya tinapunan ng tingin ang babae. Patuloy lang ito sa pagkain. Naglakad naman si Selene palapit kay Sebastian at umupo ito sa tabi ng lalaki.Hindi alam ni Amara kung hindi ba talaga siya nakikita ng babae o sadyang di lang siya nito pinapansin. Nakatuon ang atensyon nito sa asawa. Napataas naman ang kilay niya ng inilingkis ng babae ang kamay sa braso ng asawa. Lihim naman siyang napangiti nang tanggalin ni Sebastian ang kamay ni Selene. “Ahemmmm! HUBBY,” nilambingan ni Amara ang boses niya. Nakuha naman nito ang atensyon ni Selene. “Kumain ka pa o baka kasi mangayayat ka nakapitan ka pa naman ng bacteria.” nakangiti niyang turan. “Butler,” binalingan nito ng tingin ang butler. “Pakikuha ako ng alcohol.” Tumang
Maagang nagising si Amara, napatingin naman siya sa mukha ni Sebastian na mahimbing pa ring natutulog. Napatitig siya sa mukha ng asawa niya mala anghel ang mukha nito, matangos ang ilong, mapupula ang labi na para bang ang sarap halikan. ‘Ang pogi naman ng asawa ‘ko’Napakagat naman siya labi, pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi. ‘Lord, ito ba ang gantimpala mo sa akin dahil sa mga naranasan ko dati? Thank you so much!’Dahan-dahan naman niyang tinanggal ang kamay nito sa bewang niya at bumangon. Ingat na ingat siya at baka magising ang asawa niya. Nagbihis muna siya at lumabas na papunta sa kusina para magsimula na magluto. “Good Morning, Madame,” bati sa kanya ng isang lalaki. Nakasuot ito ng itim na tuxedo may suot din itong puting gloves. Sigurado siyang butler ito. “Good Morning,” pabalik kong bati sa kanya. “Saan ang punta mo?” tanong nito. Napanguso naman siya dahil sa tanong nito na para bang pinagdududahan siya nito. “Sa kusina po, balak ko sanang ipagluto
Hindi agad nakatulog si Amara noong gabing iyon.Tahimik ang kwarto masyadong tahimik para sa isang lugar na dapat ay tinatawag na “tahanan.” Nakahiga siya sa kama, nakatingin sa kisame, habang ang ilaw mula sa hardin ay bahagyang sumisilip sa pagitan ng kurtina. Sa tabi niya, naroon si Sebastian, nakahiga rin, nakatalikod sa kanya.Magkalapit ang katawan nila, pero parang may invisible na distansya isang puwang na hindi kayang punuan ng isang kama lang.Naririnig niya ang mahinang paghinga nito. Mabagal. Kontrolado. Parang sanay laging magbantay, kahit sa pagtulog.Dahan-dahan siyang gumalaw, maingat na parang takot siyang magising ito. Napaupo siya sa kama, hinila ang kumot sa balikat. May kirot pa rin sa katawan niya kapag masyadong matagal sa isang posisyon.“Hindi ka ba makatulog?” Napapitlag siya.Hindi pala tulog si Sebastian.“Sorry,” mahina niyang sabi. “I didn’t mean to wake you.”Umangat siya nang kaunti, sumandal sa headboard. Nakasuot siya ng simpleng shirt, walang coat,
Dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng lahat.Ang araw ng paglabas ni Amara sa ospital.Maagang gumising ang buong floor. May mga nurse na pabalik-balik sa kwarto niya, inaayos ang mga papeles, chine-check ang vital signs, at paulit-ulit na nagpapaalala ng mga dapat at hindi dapat gawin. Para sa kanila, isa itong tagumpay isang pasyenteng dalawang taon nasa coma, ngayon ay pauuwiin na.Para kay Amara, isa itong simula na hindi niya alam kung handa na ba siyang harapin.Nakatayo siya sa harap ng salamin, maingat na inaayos ang coat na ibinigay ng ina niya. Hindi pa rin siya sanay sa sariling repleksyon. May mga araw na parang tanggap na niya ang mukha sa salamin, may mga araw namang pakiramdam niya ay nakatingin siya sa isang estranghera.“Comfortable ka ba?” tanong ng ina niya, nakatayo sa likuran.Tumango si Amara. “Yes, Mom.”Isang simpleng sagot. Isang salitang natutunan na lang niyang gamitin kahit hindi pa rin ganap na kanya.Pumasok si Sebastian ilang sandali matapos iy







