Hindi ako nakatulog. Dalawang araw matapos ang nangyari sa bar ay hindi na talaga ako nakatulog. Hindi mabura sa isip ko ang ginawa ni Ryven.
Sinusubukan kong ipilit pero sa tuwing pumipikit ay mukha niya ang nakikita ko at labi naman nito ang nararamdaman ko. Para na akong tangang paikot-ikot dito sa kama habang sinasabunutan ang sarili dahil hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.
Pasukan na naman. Bagay na iniiwasan ko dahil ibig sabihin lang non ay makikita ko ulit si Ryven. Hindi ko rin inaasahang gagawin niya ‘yon at mas lalong naguluhan ang isip ko dahil sa ginawa niya. Hindi ko makalimutan ang kuryenteng naramdaman ko no’ng magkadampi ang mga labi namin.
“Good morning class,” bati ng prof at kasabay niya sa pagpasok si Ryven kaya naman muli na namang nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap pa
Nakaupo kami ngayon ni Jai sa bench sa likod ng building habang hinihintay siyang magsalita. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil sa pagkailang.“U-uh… Kayo na ba ni Ryven?”Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. “No. B-bakit mo naman naitanong?”Ngumiti siya. “Nakita ko kung paano siya tumingin sa ‘yo,” sagot niya. Napaiwas ako ng tingin saka muling bumuntong-hininga.Maraming ibig sabihin ang tingin na ‘yon. Hindi dapat basta-basta nag-aasume. At kung tama nga ang hinala niya, hindi pa rin pwede.“That’s impossible,” sagot ko na lang, “‘yan ba ang balak mong itanong kaya mo ako gustong makausap?”Umiling siya. “No. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang nararamdaman mo.”Muli akong napatingin sa kaniya. Bakit? Ano namang p
“Okay ka lang?”Awtomatiko akong napalayo nang maramdaman ang mainit na hininga ni Ryven sa tainga ko. Doon ko lang na-realized na narito pala ako sa classroom namin at nasa tabi ko siya ngayon!“Anong ginagawa mo rito?” salubong ang kilay na tanong ko.“Huh? Kanina pa ako nandito, kanina ka pa rin tulala diyan. Ano bang iniisip mo? Ako ba ‘yan?”Mas lalong nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Assumero. Iniisip ko ang napag-usapan namin ni Jai kahapon. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya, nagi-guilty rin ako dahil parang ako pa ang nakagulo. Dagdag pa itong si Ryven na lapit nang lapit sa akin.“Huwag ka ngang assuming!”Bigla ay pumasok na naman sa isip ko ang paghalik niya sa ‘kin. Tangina! Bakit ba hindi ko na lang makalimutan ‘yon? Narinig ko ang mahinang pagtawa nito dahilan para mapatingi
What the hell did just happen?! Ngayon lang ako nakapagreact sa sinabi niya. Ngayon lang pumasok sa isipan ko kung anong ibig sabihin no’n! Shit! Ang slow ko nga talaga!Hindi na ako muling nakapagtanong pa dahil dumating na ang prof. This will gonna be awkward for the both of us.Natapos na ang klase nang mapansin kong wala na si Ryven sa upuan niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko man lang napansin na umalis na pala ito. Nagkibit balikat na lang ako saka naglakad paalis.Habang naglalakad sa corridor ay may narinig akong pamilyar na boses sa loob ng bakanteng room. Nang silipin ko ‘yon ay nakita ko si Jai na kaharap ang isang lalaki habang nagsasalita. Kahit na nakatalikod sa akin ang lalaki ay nakilala ko agad ‘yon. Si Ryven.Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagpipigil na pakinggan ang pinag-uusapan nila. Nanatili pa ako doon ng ilang segundo habang pinagpipili ang
Marami pa nga akong iniisip, dumagdag pa itong tumawag sa akin na hindi ko maintindihan. Anong kukunin ako? Sino ba sila?Ni-track na nga ni Fellin ang number na ‘yon habang tinatawagan ako pero hindi niya ma-track. Masyadong maingat ang tumawag sa akin kaya iisa lang ang suspect namin dito. Si Matthew.Ano ba talagang kailangan niya sa akin? Bakit hindi niya na lang ako diretsuhin? Mas lalo niya lang pinapagulo ang isip ko. Sa dami ng iniisip ay nakalimutan ko nang itanong kay Dad ang tungkol sa sinabi ni Matthew. Alam na nitong nakausap namin siya sa hideout pati na rin ang pagsunod ko kay Ryven sa isang mansyon noong gabing halos mabalian na ang paa ko pero hindi niya pa alam na muli kong nakausap si Matthew sa university. Palipat-lipat ng location si Matthew kaya mahirap itong hanapin. Ang dating mansyon na pinuntahan ko kung saan naroon siya ay may iba nang nakatira ngayon. Kaya imbes na mapalapit sa kaniya, mas lalo lang kami nit
Ano ba ang dapat kong maramdaman? Tama ba na makaramdam ako ng inis? May karapatan ba ako?Pagkatapos kong makita si Ryven at Jai na magkadampi ang mga labi ay pinilit kong makaalis doon nang hindi gumagawa ng ingay. Ayoko silang istorbohin, wala akong karapatan.Sobrang bigat ng dibdib ko nang makita ‘yon na halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pero pinilit kong umalis dahil mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko kapag nanatili pa ako ng matagal doon.At ang pahamak kong ID, nasa bulsa lang pala ng palda ko! Sa sobrang lutang ko no’ng araw na ‘yon ay hindi ko namalayang nailagay ko pala ito roon dahil natanggal ang pin.Dalawang araw na ang nakararaan nang mangyari ‘yon, dalawang araw na rin akong naiinis sa tuwing pumapasok. Ngayon nga na dapat ay nag-aayos na ako pero nakahiga pa rin ako sa kama habang titig na titig sa kisame. Hanggang sa marinig kong tumuno
Lumipas ang isang buwan na wala kaming pansinan. Minsan ay binabati namin ang isa’t isa kapag nagkakasalubong ang tingin sa room pero tanging tango lang ‘yon. Hindi namin kinikibo ang isa’t isa. At dahil doon ay nakahalata na ang barkada. Inaasar pa rin kami nina Jasper pero sa tuwing nakikita na nito ang seryoso naming ekspresyon ay kusa na rin siyang humihinto. Kahit si Jiro ay nagtataka rin sa biglaan naming hindi pagkibo sa isa’t isa. Pero alam kong inoobserbahan kami nito. Ganoon din naman ang misyon ko, ang obserbahan silang dalawa.Lumipas ang mga araw at weekends na naman, pinaka-inaabangan ng mga estudyante dahil ibig sabihin ay gimik. Nagpasya akong pumunta ng mall para makapag-shopping. Matagal ko na rin itong hindi nagagawa at since hindi naman masyadong busy ngayon ay uubusin ko ang oras ko dito.“Vanna?” Awtomatiko akong napalingon doon nang may magtawag sa akin. Si Jasper pala ito. Narito ka
Lumipas ang isang linggo at kaarawan na nga ni Emma. Engrande ‘yon at ginanap sa five star hotel. Sinalubong niya ako nang makapasok at iginiya sa table kung saan nakaupo na sina Jasper at Jiro. Wala pa si Ryven.Umupo na lang ako doon habang nililibang ang sarili. Nagsimula ang program na hindi siya dumadating. Hanggang sa patapos na ito pero wala pa rin siya. Nagsimula na akong kabahan at nagtingin-tingin sa paligid dahil baka nagkasalisi lang kami. Pero wala pa rin siya. Tinext ko na rin siya pero walang reply. Tinanong ko na lang si Jasper kahit na alam kong aasarin din naman ako nito.“Nakita mo si Ryven?” tanong ko. Napatingin ito sa akin. Akala ko ay aasarin niya ako pero nakita ko rin ang pag-aalala sa mukha niya.“Hindi nga. Kanina ko pa rin siya hinahanap,” sagot nito. “Ikaw, Jiro?” baling niya naman kay Jiro.“I’m tracking his location,
I woke up with a hangover. Shit! Ang sakit ng ulo ko! Bumangon ako para tingnan ang orasan and my jaw dropped as I saw what hour is it now. It’s already 3 o’clock in the afternoon! Sinapo ko ang ulo ko.Muli akong nahiga dahil sa hilo. I’m slowly remembering what happened yesterday while staring at the ceiling. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko Si Fevianna.May sinabi ba ako sa kaniya?I can’t remember at all. Tumayo ako para kumuha ng gamot pero kasabay rin non ang pagtunog ng telepono ko. Tiningnan ko ‘yon pero kumunot ang noo ko nang makita ang maraming messages galing kina Jasper, Jiro, Emma at… Fevianna.I immediately checked her message at kahit na walang nakakatawa ay para akong tangang nakangiti habang nagbabasa.From Vanntot:Where the hell r u?!!!Ramdam ko ang inis nito kahit sa text la