Share

Chapter 4.1

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2023-07-08 19:23:48

Ingat na ingat siya sa kanyang paghinga sa takot na malaman nitong gising pa siya ng mga oras na iyon. Sobrang lakas din ng tibok ng puso niya at hindi niya alam kung bakit naging abnormal na lamang bigla ang pagtibok nito.

Nakatagilid siya at nakatalikod dito. Nakaharap siya sa lampshade sa silid kung saan may malamlam itong ilaw. Nakadilat ang kanyang mga mata ng oras na iyon at nakatingin siya sa lampshade ng mga oras na iyon nang bigla na lamang mapadako ang kanyang tingin sa bintana ng silid. Ito ay purong salamin at pagkatapos ay nanlaki ang kanyang mga mata.

Hindi niya pala nahawi ang kurtina at kitang- kita ng kanyang mga mata ang dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya. Punong- puno ito ng galit. Nakaharap din pala ito sa salamin at kitang- kita nito na dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.

Hindi siya nakagalaw at labis na nabigla, hindi niya lubos maisip kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay pilit niyang binabasa kung ano ang nakapaloob dito, ngunit hindi niya maarok kung ano ang nakapaloob sa mga mata nito bukod sa galit na kitang- kita sa mga mata nito.

Kung pwede lang lumabas ang apoy sa mga mata nito panigurado na tustado na siya at sunog na ang buong bahay dahil sa pagkakatitig nito sa kanya.

Tila siya natuod at hindi nakagalaw, halos maghabulan din ang kabayo sa kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso niya.

Nang makita niya ang paggalaw nito na bumangon at akmang lalapit sa kanya ay naging mabilis ang kanyang paggalaw at mabilis na bumaba sa kama. Sa kanyang pagmamadali ay nahulog pa siya sa kama na ikinasaldak niya sa sahig.

Napapikit na lamang siya dahil sa kirot na naramdaman niya dahil sa pagkakahulog niya sa kama.

Kahit na masakit ang kanyang pang- upo ay pinilit niya pa rin ang tumayo ngunit sa kanyang pagtayo ay nasa tabi na agad niya ito kaya unti- unti siyang napaatras.

Hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi mapalunok nang makita ang ayos nito. Tanging isang boxer shorts lamang ang suot nito, kaya ang taas ng katawan nito ay nakahantad at kitang- kita ng dalawa niyang mata.

Kahit anong pigil niya na huwag iyong tingnan ay hindi niya naman kinayang pigilan ang kanyang sarili dahil sa kanyang hormones. Napako ang kanyang titig sa katawan nito, na unti- unti nang lumalapit sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil nabangga na ang kanyang likod sa malamig na pader. Sumagad na pala siya sa pader kung saan wala na siyang maatrasan pa. Tanging ang yakapin na lamang ang sarili niya ang kanyang nagawa dahil wala na siyang maatrasan pa.

Napalunok siya lalo na nang magsalubong ang kanilang mga mata. May kakaibang kislap sa mga mata nito na tila natutuwa pa na nakikita siya na takot na takot habang papalapit ito sa kanya.

Natutuwa ba ito sa itsura niya? O dahil sa nakikita nitong natatakot siya? Pinaglalaruan ba siya nito?

Habang nakatitig siya rito ay tila nakita niya itong ngumiti, ngiting may ibig sabihin. Ngunit sa isang kurap niya lamang ay bigla na lamang nagbago ang ekspresyon nito at hindi niya tuloy masiguro kung namalikmata lamang siya.

Sa mga oras na iyon ay naging blangko na lamang ang ekspresyon nito at wala na halos mabasa sa mga mata nito.

Nang makarating ito sa harap niya mismo ay matiim siya nitong tinitigan. At pagkatapos ay itinaas nito ang isa nitong kamay sa isang panig ng kanyang ulo at medyo inilapit ang ulo nito. Medyo yumuko pa ito dahil mas matangkad ito sa kanya ng dahil nasa average lamang ang height niya.

Napalunok siya at halos hindi huminga nang magpantay ang kanilang mga mukha. Halos maramdaman niya rin ang bawat paghinga nito na tumatama sa kanyang mukha at mula doon ay naamoy niya ang amoy ng alak.

Siguro kanina pagka- alis na pagka- alis nito sa munisipyo ay mabilis itong nagpunta sa isang bar upang mag- inom.

Ngunit sa tantiya niya naman ay hindi naman ito sobrang lasing nang mga oras na iyon, saktong nakainom lamang kumbaga.

Tinitigan siya nito sa mukha at pagkatapos ay napatingala. Narinig niya din ang mahina nitong pagtawa, pinanuod niya lamang ito at hindi nagsalita, pagkatapos ay napakunot ang noo dahil sa inaakto nito.

Para itong baliw dahil tumatawa ito na wala namang sinasabi o binibitawang salita.

Pagkatapos ng ilang saglit itong tumatawa ay tumigil ito at muling tumitig sa kanya, at pagkatapos ay ipinilig ang ulo nito habang nakatitig sa kanya.

Umangat ang isang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kanya.

"Sa tingin mo talaga magugustuhan kita?" Tanong nito habang nakataas ang sulok ng labi nito at tiningnan siya nito pataas pababa at pagkatapos ay umiling.

"Hindi ang klase mong babae ang magugustuhan ko," dagdag pa nito.

Sobrang sakit para sa kanya ng mga binibitawan nitong salita sa kanya ng mga oras na iyon. Alam naman niya na hinding- hindi talaga siya nito magugustuhan at malayong- malayo talaga siya sa mga babaeng tipo nito.

Bakit kailangan pa nitong ipamukha talaga sa kanya na napakapanget niya? Bakit kailangan pa nitong ipamukha sa kanya na napakababa niya?

"Gagawin mo talaga ang lahat para akitin ako..." Nangungutyang sabi pa nito.

"Hindi ko ginusto ito..." Mahinang sabi niya na halos pabulong na lang din. Nangingilid na naman ang kanyang mga luha ng mga oras na iyon at malapit nang tumulo mula sa kanyang mga mata.

"Hindi mo ginusto?" Sarkastikong tanong nitong muli. "Ito talaga ang gusto mo, una palang." Dagdag nitong muli at pagkatapos ay inilapit na ang mukha nito sa kanya.

Naipilig niya ang kanyang ulo dahil ayaw niyang salubungin ang mukha nito ngunit iyon pala ang isang malaking pagkakamali niya dahil dumampi ang mga labi nito sa kanyang leeg. Ramdam na ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod ng mga oras na iyon.

Sino nga ba ang hindi manghihina ang mga tuhod sa mga pinagsasasabi nito?

"Pagbibigyan kita sa gusto mo..." Makahulugang bulong nito bago nito tuluyang halikan ang kanyang leeg.

Agad umangat ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. Sobra- sobra na ang pang- iinsultong ginawa nito sa kanya at hindi na niya hahayaan pa ang sariling mas insultuhin pa siya nitong lalo kaya inipon niya ang kanyang lakas upang itulak ito.

Ngunit naging mas maagap ito at idinagan nito ang katawan sa kanya. Ang mga kamay nito ay itinaas sa pagitan ng kanyang ulo kaya hindi siya nakagalaw na ng tuluyan.

Nang iharap nito ang kanyang mukha ay wala siyang nagawa dahil hindi siya makakilos dahil nga naipit ang kamay niya sa dibdib nito.

Kaya nang bumaba ang mukha niya ay tila isinahod na lamang niya iyon. Halos ayaw gumalaw ng kanyang katawan ng oras na iyon dahil alam niya pagkatapos ng gabing iyon ay iinsultuhin na naman siya nito.

Hinalikan siya nito, halik na madiin at tila nagpaparusa. Halos maiyak siya dahil sa diin ng pagkakahalik nito sa kanya ay halos malasahan na niya ang sarili niyang dugo ng mga oras na iyon.

Hanggang sa hindi na niya napigil pa ang kanyang luha sa pagtulo. Bigla itong napatigil nang malasahan siguro nito ang alat sa kanyang mga labi, ngunit ilang saglit lamang itong tumigil at muli na naman siyang hinalikan, sa puntong iyon ay hindi na ganun katulad kanina ang paraan ng paghalik nito kundi mas maingat na ito at mas marahan na.

Sa kabila ng karahasan nito kanina ay nagawa nitong baguhin ang nararamdaman niya sa paraan ng halik nito sa mga oras na iyon. Nagawa na nitong buhayin ang apoy sa pagitan ng kanyang mga hita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Epilogue

    Masakit ang ulo niyang napabangon. Sobrang sakit ng ulo niya ng mga oras na iyon. Bumaba na siya sa kaniyang kama at pagkatapos ay pumunta sa banyo at doon ay naglabas siya ng sama ng loob. Pagkatapos ng ilang sandali ay naghilamos na siya dahil nailabas na niya ang lahat ng kaniyang nainom kagabi.Kailangan niya ng mainit na kape para kahit papano ay mabawasan man lang ang sama ng pakiramdam niya.Nang makahilamos nga siya ay kaagad na nga siyang nagbihis at bumaba na sa baba.Naabutan niya doon si Eunice na may kausap na babae sa sala. Nang marinig nga nito ang kaniyang mga yabag ay napatingala ito."O gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay na magising." Sabi nito pagkatapos ay tumayo at kaagad siyang hinila na doon sa harap ng babaeng kausap nito.Nakita niya ang mga invitation na nasa ibabaw ng lamesa. "Nasukatan na kami, ikaw na lang ang hindi nasukatan. Kailangan mo ng masukatan ngayon dahil ira- rush nila ang sayo. Bukas na ang kasal." Masayang sambit nito sa kaniy

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 96

    Hapon na ng mga oras na iyon at nag- uumpisa na ang sayawan. Kanina kase ay puro kainan lamang at puro kwentuhan. Well, siya wala naman siyang kakwentuhan doon kundi si Vin lang. Wala daw kase si Aya ng araw na iyon dahil may date daw ito.Napa- sana all na lamang siya ng mga oras na iyon dahil ang mga nakikita niya ay mga love- birds.Sina Axe Finn at Eunice ay nagsimula ng magsayaw at sila ang star ng dance floor ng mga oras na iyon. Ang mga mata ng bawat indibidwal na naroon ay nasa kanila lamang.Pumailanglang ang sweet na music at halos magdikit na ang mga katawan ng mga ito na halos wala ng maski hangin ang makadaan sa pagitan nilang dalawa.Kitang- kita niya kung paano magngitian at maghagikgikan ang mga ito.Napakuyom siya ng kaniyang mga kamay at napatingala sa langit. Bakit ganuon? Ang lupit ng tadhana sa kaniya. Hindi man lang siya nakaramdam ng saya sa buong buhay niya puro na lang sakit ang nararamdaman niya.Ito ba talaga ang nakatadhana sa kaniya? Ang masaktan na lang n

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 95

    Nagising si Jazz dahil sa mahinang tapik sa kaniyang pisngi. Namulatan niya si Eunice na nakangiti sa kaniya."Nandito na tayo." Malawak ang ngiting sabi nito at pagkatapos ay bumaba na ng sasakyan.Napahikab siya at pagkatapos ay napainat ng kaniyang katawan. Antok na antok pa siya. Parang matutulog niya lang at pagkatapos ngayon ay ginigising na siya.Ilang sandali pa ay bumaba na rin siya ng sasakyan at sumunod sa kaniya. Pagbaba niya ng sasakyan ay halos matigil siya sa kaniyang paghakbang pababa ng sasakyan dahil sa tagpong nakita niya.Magkayakap si Eunice at...Axe Finn?Tila ilang daan kutsilyo ang tumarak sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Parang ayaw niyang maniwala sa kaniyang nakikita. Dinadaya pa siya ng kaniyang mga mata?Kinusot niya ang kaniyang mga mata upang tingnan kung totoo nga ba ang lahat ng iyon at nang magmulat niya siya ay iyon pa rin ang nakikita niya. Magkayakap ang mga ito at pagkatapos ay may ilang kalalakihang nakahawak ng mga bulaklak at isa- isang bi

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 94

    Napilit nga siya nitong umuwi ng Pilipinas. Kinunsensiya pa nga siya nito bago siya nito napilit. Napapabuntung- hininga na lamang siya kapag naaalala niya ang pamimilit nito sa kaniya.Nasa eroplano na sila ng mga oras na iyon. Hindi pa nga pala niya nasabi sa kaniyang anak na uuwi siya ng Pilipinas. Gusto niyang sorpresahin ito.Muli siyang napabuntung hininga dahil rito. Akala niya ay nagbibiro lamang si Eunice sa sinasabi nito ngunit napatunayan niyang totoo nga pala ang sinasabi nito at hindi biro.Hindi niya naman kase inakalang seryoso ito at meron nga talaga itong boyfriend sa Pilipinas at nag- aya na sa kaniyang magpakasal.Unang- una ay lagi niya naman kasama ito at wala naman itong nakukwento sa kaniya. Paulit- ulit niya ring tinanong ito kung sigurado ba ito sa gagawin nitong desisyon dahil kapag naikasal na ito ay hindi na ito pwedeng mapawalang bisa pa. Wala naman itong ibang sagot sa kaniya kundi seryoso daw talaga siya at nagmamahalan daw sila ng kaniyang boyfriend ka

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 93

    Kasalukuyang nakahawak si Jazz ng lapis ng mga oras na iyon. Mayroon na naman silang fashion show kung saan ay mga gown naman ang kanilang irarampa. For sure ay magiging busy na naman siya ng sobra- sobra.Isang taon na ang lumipas simula nang makabalik siya sa Paris at napakalaki na ng ipinagbago ng negosyo niya. Nagkaroon na siya ng ilang branch at nakilala na talaga siya hindi lang sa Paris kundi pati na sa mga karatig na bansa.Sa isang taon na iyon ay napakarami ng nangyari. Si Eunice noon ay grabe ang paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginawa ng Kuya nito sa kaniya. Hindi daw nito alam na may ganuon pala itong plano at isa pa ay hindi niya daw alam na nagpakamatay si Via dahil sa lalaki.Doon niya nalaman na ang babaeng tinutukoy noon ni Vince ay kapatid nila ni Eunice. Mas matanda daw ito kay Eunice at talaga daw na malapit ito sa kaniyang Kuya. Sobrang sweet daw nito at napaka- masiyahin kaya napakalaking tanong talaga noon sa kanila kung bakit ito nagpakamatay.Ngunit ganun

  • BACHELOR SERIES #2: AXE FINN DEL FUENTE   Chapter 92

    Nang umagang iyon nga ay kausap niya si Vin sa kaniyang silid."Mama naman. Iiwan mo ako?" Punong- puno ng hinanakit na sabi nito. Kahit bata pa ito ay matanda na kung mag- isip ito dahil nga lumaki itong walang ama.Nang umagang iyon ay kaaakyat lang nito sa kaniyang silid at labis na nagtaka kung bakit daw may maleta doon at saan daw ba siya pupunta. Walang kaide- ideya ito sa kung saan siya pupunta.Gulong- gulo ito ng mga oras na iyon at hindi nito napigilan ang sariling mapaiyak.Wala na noon si Axe Finn at nakapasok na sa opisina. Plano niya talaga iyon na walang makaalam na aalis siya kundi siya lang at si Aya.Lumapit siya rito at pagkatapos ay hinawakan ang mukha nito."Vin alam mo namang hindi ko pwedeng pabayaan ang shop ko doon diba?" Palusot niya rito.Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang shop dahil doon nagsimulan ang lahat ng pangarap niya. Ibinuhos niya ang lahat doon para matupad iyon at maraming luha ang naging investment niya doon."Aya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status