Share

Chapter 53

Nanlaban sa tila ipo-ipong amihan sina Mang Salde at Mang Hamin. Kapwa nila ibinigay ang bigat ng kanilang katawan sa kumpol ng mga ginagamit nilang pandingas.

Wala kaming kung anumang makakapitan upang hindi mahila ng malakas na hangin kaya ang maghawakan at magdaganan lamang ang aming ginawa upang makaligtas.

Sa pagitan ng mga pag-ihip, waring naulinigan ko ang panawagan at pag-inda ng aking kapatid na si Chadie. Humihingi pa rin siya ng saklolo habang sumasabay ang tinig ng ilang kababaihan na nagwiwikang "Dito lang siya"....

"Chadie... nandito na kami, lumaban ka lang!," sigaw ko na pagpapahayag ng suporta sa aking kapatid. "Please pakawalan n'yo na ang kapatid ko... ibalik n'yo na siya sa katawan niya..," pakiusap ko sa mga elemento.

"Chadie... Chad!!!," paghuhumiyaw sa iba't ibang direksyon nina Ian, Pete, Kuya Bobby, at Brix.

Ilang sandali pa, humupa ang amihang nanunuot at nakapagpanginig ng aming mga kalamnan tagos hanggang sa aming mga buto.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status