Share

12

SHAWN

PAGKAUWI napansin niya agad ang mga sasakyan nakaparada sa labas ng bahay nila. Malamang bisita na naman ng kaniya Daddy ang mga kaibigan at kaalyado nito. Napailing at napabuga na lang siya ng paghinga. Pagkapasok tumutok sa kaniya ang pansin ng lahat. Bumati lang siya sa mga ito. Katabi ng Daddy niya ang Kuya niya, panigurado binibida na naman nito ang paborito nito anak. Naririnig niya kasi na nais patakbuhin ng kaniya Daddy ang Kuya upang maging konsehal sa distrito nila sa susunod na eleksiyon.

Dumiretso na lamang siya sa silid niya. Wala siya hilig sa mga ganiyan klaseng usapin. Wala rin siya balak sumunod sa yakap ng Daddy niya. Bahala na si Kuya Shane tutal ito naman ang mabait, matalino at masunurin na anak para kay Daddy. Pabagsak niya hiniga ang katawan sa kama at napatitig sa puting kisame. Pumasok sa isip niya si Charlene. Kung tutuusin hindi naman ito nawala sa isip niya, kaya mula sa University ay naisipan niya sundan ito ng hindi nito napapansin hanggang sa naki
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status