CHARLENE
PAGKAPASOK niya sa school, dumiretso siya kaagad sa first subject niya. Napansin niyang, hindi siya sinulyapan ni Eun Woo. Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Nailang ba ito? Umiiwas na ito sa kanya?
Pagkaupong-pagkaupo nagulat pa siya nang biglang gumewang ang upuan niya at natumba siya. Nagtawanan ang lahat. Great! Wala naman nakakatawa pero tumatawa sila. Ang saya-saya!
Tinignan niya ang paa ng upuan, halatang sadya ang pagkakabali nun. Humugot siya nang malalim na paghinga. Ngumiti na lang siya at kumuha ng panibagong upuan. Sa buong klase, hindi na siya kinausap ni Eun Woo. Nalungkot tuloy siya. Nang matapos ang klase, naunang tumayo si Eun Woo at nagmamadaling lumabas ng classroom.
Nagkibit balikat na lamang siya. Kaya naman, mag-isa na lang siyang nagtungo sa cafeteria para kumain. Naupo siya sa bandang dulo table, at tahimik na kumain nang biglang may bola ng basketball ang lumipad at nag-landing mismo sa kinakain niya. Tsk! Dagli siyang napalingon sa pinanggalingan ng bola.
Kitang-kita niya si Shawn na nasa kabilang table lang niya, nakangisi sa kanya. Kinuha niya ang bola at malakas na hinagis iyon pabalik sa binata.
"Hey, Shorty! Hindi pa ako tapos sa'yo," turan nito.
Naningkit ang mga mata niya at tumayo saka naglakad palapit dito.
"Stupid." mahinang sabi niya saka inismiran ito.
Tatalikuran na sana niya ito nang hinaklit nito ang braso niya. Madilim na ang anyo nito.
"What did you say? Did you just called me Stupid?" angil nito sa kanya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
"I’m sorry. If I hurt your feelings when I called you stupid. I really thought you already knew," sarkastikong sabi niya saka tinaasan niya ito ng kilay.
Pagak na natawa ito kasabay nang paglapit ng mukha nito sa mukha. Infairness, amoy mint candy ang hininga nito.
"I really don't like your sarcastic tongue. But, If you call me stupid, one more time. I'm gonna kick you out of this school. Try me," matalim na bigkas ni Shawn sa kanya.
Pero kung inaakala nito matatakot siya. Nagkakamali ito.
"Talaga ba? Do you think I'm sarcastic? Okay, ayoko rin naman sa ugali mo na kasing baho ng imburnal!" paasik na wika niya saka akmang tatalikuran nito.
Wala siya sa mood patulan ang mga ganitong klaseng tao. Pero hindi pa siya nakakalayo nang biglang may humaklit ng buhok niya. Napaatras siya at kamuntik nang matumba. Ah, Shit!
"Ang sabi ko hindi pa ako tapos sa'yo!" bulyaw ni Shawn sa kanya habang nakahawak sa mahaba niyang buhok.
Gigil na hinila rin niya ang buhok nito at malakas na sinabunutan. Naghihiyawan na ang lahat ng estudyante sa loob ng cafeteria. Karamihan sa mga ito ay sinisigaw ang pangalan ni Shawn. Ginawa ng sabong ang pag-aaway nila ni Shawn. Napaka-ungentleman nito, kapal ng mukha manabunot ng babae. Argh!
"Bitiwan mo ang buhok ko kung ayaw mong mawalan ng kinabukasan!" pagbabanta niya kay Shawn. Banta na kayang-kaya niyang gawin.
"Bitiwan mo rin ang buhok ko! You b*tch!"
"You piece of sh*t! Ayaw mo talaga a--" malakas na sigaw niya saka ginawaran ito ng isang marubdob na sidekick. Tumilapon ang binata sa kabilang table. Napasinghap ang lahat. Inayos muna niya ang nagulong buhok sabay hakbang palapit kay Shawn.
Bakas sa mukha nito ang pagkabigla. Umingos siya. Sino ka ngayon? Umuklo pa siya para kuwelyuhan ito at inilapit ang mukha niya sa mukha nito.
"Don't ever underestimate me. Hindi lahat ng tao kaya mong i-bully. Huwag ako, Mr. Shawn Rebato. Dahil hindi ako ang tipo ng tao magpapa-bully," mariin saad niya saka marahas na binitawan ang kwelyo nito.
Natameme lang ito sa kanya. Tila nalunok nito ang dila at hindi na nakapagsalita pa. Tinaasan niya rin ng kilay ang mga estudyanteng naroroon. Naghihimutok pa rin siya sa labis na inis kaya padabog na umalis na siya sa cafeteria. Dumiretso na siya sa classroom niya naupo sa pwesto at yumuko sa table niya. Tahimik siyang humikbi, ito ang unang beses na may humamak sa pagkatao niya. Tao rin naman siya, nasasaktan din siya. Tinatablan din siya nang masasakit na salita.
Ilan minuto pa ay dumating na ang Professor nila sa next subject, hapon na nang matapos niya ang lahat ng subjects. Bago umuwi naisipan muna niyang magtungo sa female restroom, walang tao sa loob. Nang matapos siya umihi at akma na siya lalabas nagtaka siya dahil ayaw nang bumukas ang pintuan ng banyo. Hala? Bakit ayaw?
Oh, my God! Labasan pa naman na ng mga estudyante dahil ala-singko na ng hapon. Idagdag pang nasa pangatlong palapag siya nagbanyo. Kainis! Sira ba talaga ang doorknob o may nagbiro sa kanya na ikulong siya rito?
"Hoy! Buksan niyo ang pinto! May tao rito! Buksan niyo!" paghingi niya nang saklolo.
Pero nalukot ang noo niya nang makarinig na tila may humahagikgik sa labas ng banyo. Si Shawn ba iyon? Bakit parang mga babae ang tumatawa?
"Hoy! Huwag kayo magbiro ng ganito, kailangan ko pang umuwi! Please lang!" himutok niya habang pinipilit na buksan ang doorknob.
Hindi siya pwedeng makulong doon sa banyo. Magtataka at mag-aalala si Mama sa kanya. Huminga siya nang malalim sabay buong lakas niyang pinagsisipa ang pinto. Shit! Naulinigan na lang niya ang papalayong mga boses na nagtatawanan. Nanggagalaiti siya, pag malaman lang niya na si Shawn ang may pakana nito. Hindi lang sidekick ang ipapatikim ko sa mayabang na lalaking iyon.
"Shit!" angil siya sabay hampas sa pinto. Kahit anong gawin niya hindi talaga niya magawang buksan ang pinto. Malakas na sumigaw siya. Sana man lang may may makarinig sa kanya ng sa gayon makauwi na siya.
"Tulong!! May tao po rito! Tulong!" pagsusumamong sigaw niya.
Pasadlak na napaupo siya sa gilid ng pinto. Napatingin siya sa cellphone niya. Bakit ba walang signal sa loob ng banyo? Kung matatawagan man lang sana niya si Mama. Napabuntong hininga siya. Mag a-alas-sais na nang hapon. Patay! Ano bang gagawin ko? Yumuko siya at niyakap ang dalawang tuhod niya. Ayaw niyang maiyak pero naiiyak na talaga siya.
Ilan sandali pa ay nakarinig siya ng mga yabag. Mabilis siyang napatayo at sumigaw ng tulong. Sana lang talaga ay makuha niya ang atensyon ng kung sino man ang papalapit.
"Please, tulungan niyo ako! Andito ako sa loob ng banyo! Tulong!" sigaw niya nang napakalakas.
Mayamaya pa ay may biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nagulat siya sa taong nagbukas niyon. Hindi niya inaasahan na si Shawn Rebato ang bumungad sa kanya.
Luminga-linga ito sa loob ng banyo saka sinulyapan siya. "Care to explain, why are you still here?" blanko ang mukhang tanong nito.
Huminga siya nang malalim saka patakbong lumabas na ng banyo. Kailangan na niyang magmadaling umuwi dahil gabi na at sasakay pa siya ng bus.
"You are welcome!" naulinigan niyang sigaw ni Shawn.
Alam niyang para sa kanya ang sarkastikong sigaw nito. Nakalimutan niya mag-thank you, siguro bukas na lang. Nagmamadali na talaga siya.
SHAWN POVHALOS PUMUTOK ang mga ugat niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata niya kay Abby."How dare you?! Anong ginawa ko sa'yo ha? Sabihin mo! Tarantadó ako pero hindi ako tanga, Abby. Alam mong hindi sa akin 'yan pinagbubuntis mo."Panay lang ang iyak ni Abby.Kung pwede lang manapak ng babae, kanina pa niya binangasan ito sa mukha. Nakakagigíl."Bakit sinabi mong akin 'yan? Tang ína ni garter nga ng panty mo hindi ko hinawakan. Tapos mabubuntís kita? Ano ka si Mama Mary?!"Nalasing siya, Oo. Nagkaroon pa siya ng pagdududa sa sarili na baka sa sobrang kalasingan niya nagalaw niya ito, pero kahit anong piga niya sa utak niya wala siyang maalala.Iyon pala, wala naman pala talaga. Nag imbento lang ito ng kwento sa Daddy nito at sa Daddy niya para mapagtakpan kung sino talaga ang nakabuntis rito. Dang!"I'm so sorry. Sorry. Please, understand me. Papatayín ako ni Daddy pag nalaman niyang–""I don't fúcking care, Abby! Naririnig mo ba ako? I don't care! Pasensyahan tayo, kung 'di
CHARLENE POVTAPOS NA ang ultrasound.. Baby Boy. Mini version ni Shawn. Tsk!Napalingon siya kay Shawn na tuwang tuwa pa rin na nakatitig sa ultrasound result na hawak nito. Kasulukayan nasa loob sila ng sasakyan nito."Kasing pogi ko 'to paglabas. Ay, hindi, lalamangan pa ako nito sa kapogian."Yabang na yabang sa lahi niya. Napailing siya.Hindi na lamang siya kumibo. Hinayaan na lang niya ito, lumutang sa tuwa. Bakas sa mukha nito ang excitement at saya, kahit papaano hindi maiwasang lumambot ang puso niya.Nang pinaandar na nito ang sasakyan, buong akala niya ay ihahatid na siya nito subalit napansin niyang parang iba ang daan nila.Gusto niyang mag usisa pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa huminto sila sa parking lot ng City Hall. Nanlaki ang mga mata niya. Nasa Davao City Hall nga sila. Bakit siya don dinala ni Shawn?Napaharap siya sa binata."Nababaliw ka na ba? Bakit mo ko dinala rito?"Hindi siya makapaniwala. Bigla siyang kinabahan para rito, ano na lang ang iisipin ng m
CHARLENE POV"EH 'DI SORRY, Mayor. Hindi ko na sabi na buntis ako, ayaw kasi ni Lord !" angil niya rito.Napapailing na lamang ito.Nang huminto ang kotse nito, hindi na niya inantay pang magsalita ito. Mabilis siyang bumaba ng kotse at naglakad papunta sa bahay nila."Shorty wait–!"Hindi dapat siya lilingon pero 'di sadyang gumalaw ang ulo niya palingon sa binata. Huminto pa siya.Nakalapit na ito sa kaniya."Alam kong ayaw mo na... but ..." napalunok ito. Tila hirap na hirap mag isip ng sasabihin."I want to be responsible for your pregnancy, it's my child. I'm ready to take that on."Seryoso ang gwapong mukha nito."Kinasal ka na 'di ba? Don't tell me gagawin mo akong kabít mo?" pataray na tanong niya.Iyon kasi ang binalita sa telebisyon nun nakaraan buwan. Sa America pa yata nagpakasal ito at ang Abby Velasquez na 'yon."Hindi pa. Hindi pa ako kasal." Pag amin nito.Hindi pa? So, may balak pa lang... Plano pa lang?"Okay lang naman sa'kin kahit mag co-parenting na lang tayo dala
CHARLENE POVCONGRATULATIONS THE NEW MAYOR OF DAVAO CITY.... MAYOR SHAWN REBATO !!Lahat ay nagdidiwang, lahat ay masaya dahil sa pagkapanalo ni Shawn Rebato. Landsline ang resulta ng botahan, halos lahat ay gusto makabalik ang isang Rebato sa lungsod nila.Kiming ngumiti siya sabay hawak sa maumbok niyang tiyan. Mag li-limang buwan na ang tiyan niya, pero hindi halata sa katawan niya. Mukha lang siya busog na lumaki lang ang puson.Kaya naman pag lalabas siya ng bahay, nagsusuot siya ng oversize tshirt para lang hindi halata.Mayamaya ay pinátay na niya ang telebisyon, tumutok na siya sa negosyong pinagkakaabalahan niya ngayon. Online Affiliate siya, gumagawa siya ng content video para iba't ibang produkto, kung minsan naman ay nag la-live selling din siya.Ilan buwan din niya pinagtiyagaan ang pagiging Online Affialiate at kahit papaano naman nagbubunga ang effort at puyat niya makapag-edit ng video o live selling.Kumikita siya ng hindi bababa sa bente mil kada linggo. Mayroon na r
CHARLENE POV"HINDI ba darating si Shawn?"Pang apat na tanong na iyon ni Mama. Napasulyap siya sa cellphone niya. Nangako itong hahabol at sabay nilang sasalubungin ang bagong taon.Eleven thirthy na ng gabi subalit wala pa rin si Shawn, kahit isang text o tawag wala siya natanggap. Hindi niya tuloy malaman kung ano na ang nangyari sa kasintahan."Baka parating na 'yon, Ma."Sinusupil niya ang lungkot sa mga mukha niya. Bumuga siya ng malalim na paghinga.Naniniwala siyang tutuparin nito ang pangako nito. Umaasa pa rin siya makakahabol ito.Pagpatak ng alas dose. Naglabasan na ang lahat at maingay na sinalubong ang bagong taon. Maraming nagpapa-ingay ng mga motor, nagsisindi ng paputok, nagtatambol ng mga kawali at kung ano ano pang pampaingay.Nagsabay sabay na rin silang nagsalo-salo sa medianoche. Hanggang sumapit ang alas kwatro ng umaga walang Shawn Rebato ang dumating.Pilit niyang tinatawagan ito ngunit naka out of coverage area ito. Naiiyak na siya pero pinipigil pa rin niya.
CHARLENE POV"MERRY CHRISTMAS!" malakas na pagbati nila ng sabay sabay ng tumuntong ng alas dose ng umaga ang orasan.Yumakap siya kay Mama at Tiya."Merry christmas, Ma – Tiya," ngiting ngiti siya sa mga ito.Kasalukuyang nasa Davao siya ngayon, umuwi siya ng Tagum bago pa magpasko. Nag-resign na kasi siya sa pinapasukan call center. Hindi na niya malaman kung bakit na demoted siya dahilan para mawalan na siya ng gana pumasok."Anong plano mo, Anak? 'yon apartment mo umalis ka na ba doon?" sunod sunod na tanong ni Mama sa kaniya.Kumuha muna siya ng macaroni salad sa mesa saka tumingin rito."Opo, Ma. Umalis na po ako sa apartment ko. Balak ko po muna mag pahinga kahit ilan linggo lang tapos mag hahanap na po uli ako ng trabaho," aniya sa Mama niya. Bakas ang pag aalala nito sa kaniya."Okay lang ako, Ma. Ayaw niyo ba 'yon makakasama niyo ako ng matagal rito?" nakangising sabi niya para lang mawala ang pag aalala nito.Bumuntong hininga ito sabay kiming ngumiti."Baka makahanap ka ng