Share

CHAPTER 5

last update Last Updated: 2021-07-17 16:14:28

SHAWN

NATIGALGAL siya dahil sa ginawang pagsipa ni Charlene Dimagiba sa kanya. Hindi siya makapaniwala na isang babae lang makakapag-patumba sa kanya. What the hell? Subalit, aminado siyang nakuha nito ang buong atensyon niya. Tumaas ang sulok ng labi niya, hindi siya papayag ng hindi makakabawi sa panghihiyang ginawa nito.

Padabog siyang naupo sa couch, kasalukuyan naroon sila sa hideout place ng grupo niya. May mga newcomers kasi na nais sumali sa grupo niya. Kagaya ng iba, bago makapasok o maging miyembro ay kailangan magawa muna ang isang task na ipapagawa niya.

"Ready na ang tatlo, Shawn," sabi ni Sarmiento sa kanya.

Napasulyap siya sa tatlong Criminology student, saka napailing. Sumulyap siya kay Sarmiento at Garcia.

"Sige, simulan niyo na. Isang daang palo sa hita," tugon niya. Magkasabay na tumango ang dalawa.

Siya, si Sarmiento, Garcia, Morris at Morales ang pioneer sa Otaber Sigma Phi. Silang lima ang ikinaiilagan sa buong unibersidad. Sa lahat kasi sila ay anak ng mga politicians dito sa Mindanao. Ang ama niya ay ang Mayor ng Davao City, at malaki ang shares ng Ama niya sa unibersidad na ito kaya naman malakas ang loob niyang magtayo ng isang fraternity.

Ang kapatiran na itinayo niya ay para lang sa pang-karaniwang mga interes at mithiin nila. Ang mga miyembro niya sa Fraternity ay hindi lamang nagbabahagi ng kanilang mga pagsisikap at kaalaman tungo sa isang pangkaraniwang layunin ngunit bumubuo rin sila ng isang pangmatagalang pagkakaibigan kung saan natututo sila at lumalago nang magkasama. 

Nabaling ang atensyon niya nang magsimula na ang hazing. Common rituals na ang hazing sa isang kapatiran lalo na sa mga nagnanais maging miyembro nila. Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong silid. Si Garcia ang unang gumawa ng isang daang palo sa unang lalaki estudyante. Habang ang ibang miyembro ay naroroon lang para manuod.

Biglang bumalik sa isipan niya si Charlene Dimagiba, sinubukan niyang hanapin ito sa social media. Hindi naman siya nahirapan dahil naka-public naman ang account nito. Hmm, infairness sa amazona na iyon maganda ito. 'Yon tipong gumaganda pag tinititigan nang husto. Matangos ang ilong, mahaba ang mga pilik mata, mapupula ang labi at feeling naman niya may kurba rin ang katawan nito. Pinasadahan pa niya ng tingin ang ibang larawan ni Charlene sa social media.

Mayamaya pa ay narinig niyang nagku-kwentuhan ang limang miyembro niya.

"Napag-tripan yata nila Maureen 'yon bagong transferee sa MassComm department. Kinulong nila sa CR ng mga babae," natatawang kwento ng isang miyembro niya.

"Sino doon?"

"Hindi ako sure sa pangalan e, 'yon yata babaeng sumipa kanina kay Shawn sa cafeteria."

Sabay-sabay nagtawanan ang mga ito. Tumaas ang kilay niya saka tumingin sa relo niya. Pagabi na, totoo kaya ang sinasabi ng mga ito? Napabuga siya ng hangin at pa-simpleng lumabas ng hideout. Sisilipin lang niya kung totoo.

Hindi naman siya nahirapan pumasok sa school kahit sarado na dahil kilala naman siya ng security guard. Sinabi lang niya may naiwan siyang gamit sa locker niya. Nagtungo siya sa MassComm building, inisa-isa niya ang mga banyo hanggang sa umakyat siya sa third floor.

Narinig niyang may sumigaw. So, totoo nga. Naiiling na lamang siya. Pinagmasdan niya ang pinto ng banyo may nakarang kasi sa doorknob kaya hindi talaga mabubuksan mula sa loob. Inalis niya ang nakaharang at binuksan ang pinto. Patay malisya lang siyang luminga-linga sa loob ng banyo at sumulyap dito.

Bakas sa mukha ni Charlene ang gulat nang makita siya.

"Care to explain, why are you still here?" blanko lang ang mukha niya nang tinanong niya ang dalaga.

Huminga lang ito nang malalim saka kumaripas ng takbo palabas ng banyo. Kumunot ang noo niya. Ano 'yon? Walang thank you? Umingos siya at napailing.

"You are welcome!" malakas na pahabol na sigaw niya. Hindi marunong magpasalamat ang babaeng iyon.

Lumabas na siya at bumaba ng building. Walang pwedeng mam-bully kay Charlene kun'di siya lang. Pagbalik niya sa hideout place, patapos na ang hazing. Maayos naman ang tatlong bagong miyembro nila. Kaya naman, oras na para mag-inuman. Nilabas na ng iba ang mga alak at pulutan. Pag ganitong may inuman hindi na siya nag-aabalang umuwi sa kanila, tutal wala naman maghahanap sa kanya.

Nun minsan hindi siya umuwi ng halos isang linggo, ni hindi man lang siya tinanong ni Daddy kung saan siya galing. Tahimik lang ito at walang pakialam, siguro kahit mabaril siya sa daan hindi ito mag-aabalang mag-alala sa kanya.

At least, pag kasama niya ang mga miyembro niya sa kapatiran. Panandalian niyang nakakalimutan ang lahat ng problema niya sa pamilya. Nakahanap siya ng bagong pamilya sa tulong ng fraternity na ito. Dito sa kapatiran siya ang nasusunod, bawat salita niya ay pinapakinggan ng lahat. Dito nararamdaman niyang importante siya, dito hindi siya nag-iisa.

"Ano nga pala ang balak mo doon sa babaeng sumipa sa'yo kanina?" tudyong tanong ni Morris sa kanya.

Tumungga muna siya ng isang basong brandy. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang paghagod ng alak sa lalamunan niya.

"Kung iniisip niyong gaganti ako ng pisikal...hindi. Gagawin kong miserable ang kada araw niya sa school hanggang sa ito na ang kusang mag-dropout," aniya.

"Pero may itsura siya a' kung ligawan mo na lang kaya," kantiyaw ni Morales.

Marahan siyang natawa. Ligawan?

"Hindi siya ang tipo kong babae," diretsong sabi niya.

Nagtawanan naman si Morris at Morales. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Ano ba ang tipo mo? Mula highschool tayo hindi ka pa nagkaka-girlfriend. Malapit na nga kami magduda sa'yo," tukso naman ni Garcia na ikinatawa naman ng iba.

Binato niya ang mga ito ng junkfoods na pulutan nila.

"Basta! Hindi ako katulad ninyo na hayok sa babae, gusto ko pag nagka-girlfriend ako, siya na hanggang dulo," paliwanag na sagot niya.

Malakas na kantiyawan naman ang napala niya dahil sa sinabi niya. Lahat na pa 'Wow' at natatawa. Pinukol niya ang mga ito nang matalim na tingin. Bully siya pero pagdating sa relasyon hindi niya kayang manloko. Gusto niya kung magmamahal siya sa isang babae, sisiguruhin niyang ang babaeng iyon ang una't huli niya.

Lingid man sa kaalaman ng lahat na pagdating sa usapin tiwala at pag-ibig ay sensitibo siya. Iyon kasi ang turo ni Mommy sa kanya, kung magmamahal siya dapat isa lang. At saka, ayaw niyang sumubok magka-girlfriend kahit alam niyang maraming babae ang nagbibigay nang motibo sa kanya ay hindi niya pinag-uukulan nang pansin.

Ayaw niya lang masaktan...ayaw na ayaw niya na may umaalis sa buhay niya. Kaya hangga't maaari ayaw niya rin magpapasok ng kahit sino sa buhay niya. Okay na sa kanya ang mga ka-miyembro niya. Ngumiti lang siya saka sabay-sabay silang nag-angat ng baso at nagpatugtog nang malakas na musika.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   SPECIAL CHAPTER

    SHAWN POVHALOS PUMUTOK ang mga ugat niya sa galit habang nanlilisik ang mga mata niya kay Abby."How dare you?! Anong ginawa ko sa'yo ha? Sabihin mo! Tarantadó ako pero hindi ako tanga, Abby. Alam mong hindi sa akin 'yan pinagbubuntis mo."Panay lang ang iyak ni Abby.Kung pwede lang manapak ng babae, kanina pa niya binangasan ito sa mukha. Nakakagigíl."Bakit sinabi mong akin 'yan? Tang ína ni garter nga ng panty mo hindi ko hinawakan. Tapos mabubuntís kita? Ano ka si Mama Mary?!"Nalasing siya, Oo. Nagkaroon pa siya ng pagdududa sa sarili na baka sa sobrang kalasingan niya nagalaw niya ito, pero kahit anong piga niya sa utak niya wala siyang maalala.Iyon pala, wala naman pala talaga. Nag imbento lang ito ng kwento sa Daddy nito at sa Daddy niya para mapagtakpan kung sino talaga ang nakabuntis rito. Dang!"I'm so sorry. Sorry. Please, understand me. Papatayín ako ni Daddy pag nalaman niyang–""I don't fúcking care, Abby! Naririnig mo ba ako? I don't care! Pasensyahan tayo, kung 'di

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   54 (FINALE)

    CHARLENE POVTAPOS NA ang ultrasound.. Baby Boy. Mini version ni Shawn. Tsk!Napalingon siya kay Shawn na tuwang tuwa pa rin na nakatitig sa ultrasound result na hawak nito. Kasulukayan nasa loob sila ng sasakyan nito."Kasing pogi ko 'to paglabas. Ay, hindi, lalamangan pa ako nito sa kapogian."Yabang na yabang sa lahi niya. Napailing siya.Hindi na lamang siya kumibo. Hinayaan na lang niya ito, lumutang sa tuwa. Bakas sa mukha nito ang excitement at saya, kahit papaano hindi maiwasang lumambot ang puso niya.Nang pinaandar na nito ang sasakyan, buong akala niya ay ihahatid na siya nito subalit napansin niyang parang iba ang daan nila.Gusto niyang mag usisa pero hindi siya nagsalita. Hanggang sa huminto sila sa parking lot ng City Hall. Nanlaki ang mga mata niya. Nasa Davao City Hall nga sila. Bakit siya don dinala ni Shawn?Napaharap siya sa binata."Nababaliw ka na ba? Bakit mo ko dinala rito?"Hindi siya makapaniwala. Bigla siyang kinabahan para rito, ano na lang ang iisipin ng m

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   53

    CHARLENE POV"EH 'DI SORRY, Mayor. Hindi ko na sabi na buntis ako, ayaw kasi ni Lord !" angil niya rito.Napapailing na lamang ito.Nang huminto ang kotse nito, hindi na niya inantay pang magsalita ito. Mabilis siyang bumaba ng kotse at naglakad papunta sa bahay nila."Shorty wait–!"Hindi dapat siya lilingon pero 'di sadyang gumalaw ang ulo niya palingon sa binata. Huminto pa siya.Nakalapit na ito sa kaniya."Alam kong ayaw mo na... but ..." napalunok ito. Tila hirap na hirap mag isip ng sasabihin."I want to be responsible for your pregnancy, it's my child. I'm ready to take that on."Seryoso ang gwapong mukha nito."Kinasal ka na 'di ba? Don't tell me gagawin mo akong kabít mo?" pataray na tanong niya.Iyon kasi ang binalita sa telebisyon nun nakaraan buwan. Sa America pa yata nagpakasal ito at ang Abby Velasquez na 'yon."Hindi pa. Hindi pa ako kasal." Pag amin nito.Hindi pa? So, may balak pa lang... Plano pa lang?"Okay lang naman sa'kin kahit mag co-parenting na lang tayo dala

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   52

    CHARLENE POVCONGRATULATIONS THE NEW MAYOR OF DAVAO CITY.... MAYOR SHAWN REBATO !!Lahat ay nagdidiwang, lahat ay masaya dahil sa pagkapanalo ni Shawn Rebato. Landsline ang resulta ng botahan, halos lahat ay gusto makabalik ang isang Rebato sa lungsod nila.Kiming ngumiti siya sabay hawak sa maumbok niyang tiyan. Mag li-limang buwan na ang tiyan niya, pero hindi halata sa katawan niya. Mukha lang siya busog na lumaki lang ang puson.Kaya naman pag lalabas siya ng bahay, nagsusuot siya ng oversize tshirt para lang hindi halata.Mayamaya ay pinátay na niya ang telebisyon, tumutok na siya sa negosyong pinagkakaabalahan niya ngayon. Online Affiliate siya, gumagawa siya ng content video para iba't ibang produkto, kung minsan naman ay nag la-live selling din siya.Ilan buwan din niya pinagtiyagaan ang pagiging Online Affialiate at kahit papaano naman nagbubunga ang effort at puyat niya makapag-edit ng video o live selling.Kumikita siya ng hindi bababa sa bente mil kada linggo. Mayroon na r

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   51

    CHARLENE POV"HINDI ba darating si Shawn?"Pang apat na tanong na iyon ni Mama. Napasulyap siya sa cellphone niya. Nangako itong hahabol at sabay nilang sasalubungin ang bagong taon.Eleven thirthy na ng gabi subalit wala pa rin si Shawn, kahit isang text o tawag wala siya natanggap. Hindi niya tuloy malaman kung ano na ang nangyari sa kasintahan."Baka parating na 'yon, Ma."Sinusupil niya ang lungkot sa mga mukha niya. Bumuga siya ng malalim na paghinga.Naniniwala siyang tutuparin nito ang pangako nito. Umaasa pa rin siya makakahabol ito.Pagpatak ng alas dose. Naglabasan na ang lahat at maingay na sinalubong ang bagong taon. Maraming nagpapa-ingay ng mga motor, nagsisindi ng paputok, nagtatambol ng mga kawali at kung ano ano pang pampaingay.Nagsabay sabay na rin silang nagsalo-salo sa medianoche. Hanggang sumapit ang alas kwatro ng umaga walang Shawn Rebato ang dumating.Pilit niyang tinatawagan ito ngunit naka out of coverage area ito. Naiiyak na siya pero pinipigil pa rin niya.

  • BAKIT NGA BA MAHAL KITA?   50

    CHARLENE POV"MERRY CHRISTMAS!" malakas na pagbati nila ng sabay sabay ng tumuntong ng alas dose ng umaga ang orasan.Yumakap siya kay Mama at Tiya."Merry christmas, Ma – Tiya," ngiting ngiti siya sa mga ito.Kasalukuyang nasa Davao siya ngayon, umuwi siya ng Tagum bago pa magpasko. Nag-resign na kasi siya sa pinapasukan call center. Hindi na niya malaman kung bakit na demoted siya dahilan para mawalan na siya ng gana pumasok."Anong plano mo, Anak? 'yon apartment mo umalis ka na ba doon?" sunod sunod na tanong ni Mama sa kaniya.Kumuha muna siya ng macaroni salad sa mesa saka tumingin rito."Opo, Ma. Umalis na po ako sa apartment ko. Balak ko po muna mag pahinga kahit ilan linggo lang tapos mag hahanap na po uli ako ng trabaho," aniya sa Mama niya. Bakas ang pag aalala nito sa kaniya."Okay lang ako, Ma. Ayaw niyo ba 'yon makakasama niyo ako ng matagal rito?" nakangising sabi niya para lang mawala ang pag aalala nito.Bumuntong hininga ito sabay kiming ngumiti."Baka makahanap ka ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status