"Being single is smarter than being in the wrong relationship."
"So what kung late na ako umuwi? May problema ba roon, asawa ko?" nakangising sabi niya sa kanyang asawa habang nakalagay ang dalawang kamay sa kanyang baywang.
Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong hinila sa kanyang kanang braso at iginiya paakyat sa taas. "Patay mukhang dadalhin pa ata niya ako sa kuwarto niya," sabi niya sa kanyang isip habang sumusunod sa bawat galaw nito dahil sa takot niya na mahulog o makaladkad sa hagdan.
"I think kailangan mong maturuan ng leksyon, asawa ko," seryosong sabi ni John sa akin habang puno ng galit ang kanyang mga mata.
"Ba-bakit? Anong gagawin mo at dadalhin mo ako diyan sa kuwarto mo?" pakunwaring tanong niya kahit nasa isip niya na kung ano ang gusto nitong gawin sa kanya.
"Sa tingin mo ano ang ginagawa ng lalaki't babae kapag nasa kuwarto sila?" mapang-uyam na tanong niya sa akin habang nakakunot ang kanyang noo.
Umisip siya ng paraan para hindi matuloy ang binabalak nito kaya mabilis niyang iniikot ang kanyang braso kaya nawala ang pagkakahawak ni John sa kanyang braso. Mabilis niyang inapakan ang paa nito nangg ubod lakas kaya nakita niyang nagtatalon ito sa sakit, dahil na rin sa nakasuot siya ng 2 inches na heels at alam niyang masakit talaga 'yon.
"Oh shit! Why did you do that? Pangalawang beses mo ng ginagawa ang pag-apak sa paa ko talo mo pang a****n," hindi maipintang sigaw ni John habang hawak-hawak ang kanyang kanang paa na inapakan ko.
"Ooh! Masakit ba? Bagay lang sa iyo 'yan. Akala mo, porke't mag-asawa na tayo ay papayag na ako sa gusto mo, neknek mo!" sabi niya habang nakaturo sa leeg niya.
Nakita ni Khrystal na ibinaba nito ang kanyang paa at parang walang nangyari na ngumisi lang si John sa kanya. Dahil doon ay nakaramdam siya ng takot kaya napaatras siya. Naisip niya kung ano ang maaari nitong gawin sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-apak rito, sa laki ba naman ng katawan nito ay puwede siya nitong ihulog mula sa panglimang baitang pababa ng hagdan na ito.
"Ha-ha, sige na pupunta pa ako sa taas para magpalit ng damit. Bye!" mabilis na siyang tumakbo papunta sa kuwarto niya. Pagkapasok ay ni-lock niya agad ang pinto para siguruhing hindi makakapasok dito sa loob si John.
Nakatayo lang siya malapit sa pinto habang nakapamaywang. Pinapakiramdaman niya ito dahil baka gamitin nito ang susi para makapasok. Ilang minuto rin ang pinalipas niya bago siya napanatag na hindi na ito papasok sa kanyang kuwarto.
Nakarinig siya ng yabag na naglalakad papunta sa kabilang kuwarto. Siguro umakyat din si John para magpalit ng damit dahil pagdating niya ay nakapang- Americana pa ito habang nakatayong naghihintay sa kanya kanina. Mabuti na lang kumain muna sila ng kaibigan niya bago umuwi kaya wala ng dahilan pa para makita niya ang gu...este pangit niyang mukha.
"Sa susunod akala mo makakatakas ka pa sa akin, asawa ko? Huwag kang mag-alala dahil kapag natikman mo ang hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo ay hahanap-hanapin mo na 'yon!" malakas na sigaw ng baliw na asawa siya sa labas ng kanyang kuwarto. Mayamaya ay narinig niya pang tumawa ito na animo'y iniinis siya. Nakaramdam siya ng panggigil dahil sa boses nitong masakit sa tainga.
"BASTOS!" malakas na sigaw niya sabay bato ng unan sa kanyang pinto, inisip na lang niya na si John ang nabato niya nito. Inisip niya na kung puwede lang pumatay ng asawa para maging biyuda na agad ay ginawa na niya.
Nagbihis na siya nang manipis na pantulog pagkatapos ay humiga na sa kanyang malambot na kama. Napansin niya na bagong palit lang ito dahil sa sapin nito na kulay pink at puno ng disenyong bulaklak. Sa mahigit dalawang buwan siyang nasa bahay nito ay wala pa ata silang matinong pinag-usapan o sweet moment na dalawa dahil sa nahahawa na siya sa pagiging bipolar nito.
Dahil sa sobrang stress at pagod na naramdaman niya ay unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata hanggang sa nakaramdam siya ng kapanatagan at tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.
LUMIPAS ang mga araw na wala silang ginawa kung hindi ang magtalo tuwing nagkikita sila. Pero ngayong araw ay cease fire muna sila. Dahil um-absent pa siya sa school para lang sa daddy niya na bibisitahin nila mamaya sa bahay nito.
"Nakapagbihis ka na ba? Bilisan mo kasi kanina pa tawag nang tawag ang daddy mo at mukhang gusto ka na niya makita," kumakatok na sigaw nito sa kanyang pinto.
"Oo, sandali lang! Susunod na lang ako sa 'yo sa kotse," pasigaw na sagot niya kay John. Mabilis niyang kinuha ang maliit na sling bag niyang itim na itinerno niya sa kulay rosas niyang bestida na paborito niyang suotin dahil ito 'yong huling naging regalo ng mommy niya sa kanya. Pagkatapos ay kinuha niya sa kabinet ang itim niyang sandals na may 2 inches na takong. Ito ang sinuot niya dahil baka sakaling may maisip na namang kalokohan si John ay madali siyang makakatakbo.
Bago siya tuluyang magbukas ng pinto ay sinulyapan niya muna saglit ang kanyang sarili sa salamin. Naglagay lang siya ng kaunting pulbo, lip tint at blush on sa kanyang pisngi para kahit papano ay mukha pa rin siyang diyosa kahit may kasama siyang halimaw o bipolar sa tabi niya. Gusto niya kasing maging maganda pa rin sa paningin ng daddy niya. Ayaw niya kasing isipin nito na nag-asawa lang siya ay mukha na siyang may sampung anak dahil mukha na siyang losyang.
Pagpihit niya sa doorknob at saktong bumukas ang pinto ay nakita niyang nakatayo sa hallway si John habang nakasandal sa railings. Tumikhim siya para malaman nitong nakalabas na siya ng kuwarto dahil baka hindi nito napansin mukha kasing malalim ang iniisip nito. Nakita niyang umayos ito ng tayo at magkasalubong ang kilay na tumingin sa kanya.
"Tsk," tanging lumabas sa bibig nito na kinainis niya. "Ang tagal mo namang kumilos kaunti na lang ata ay uugatin na ako rito sa labas," walang kangiti-ngiting sabi nito sa akin.
"Oo na! Ito na o binibilisan na ang kilos," sagot niya sabay lakad papunta sa hagdan. "Ano? Nagmamadali ka kanina di ba? Bakit nandiyan ka pa rin nakatayo?"
Tiningnan lang siya nito nang masama pagkatapos ay naglakad na rin kasabay niya pababa ng hagdan. Siguro nagtataka na siya sa pinapakita niyang ugali ngayon. Pangatlong araw na kasi simula ng ganito ko na siya tratuhin ko, na kapag galit siya ay mas galit ang pinapakita niyang ugali rito. Ayaw niya na kasing maging sunud-sunuran, umiiyak at palagi siya nitong inaapi.
Pagdating nila sa parking lot ay akala niya magpapaka-gentleman ito sa kanya pero hindi pala. Dire-diretso lang si John pumasok sa kotse pagkatapos ay binuhay ang makina nito. Naiwan siya sa labas na naghihintay para pagbuksan nito pero nginisihan lang siya nito. Nagmamartsang pumasok na lang siya sa likod ng kotse nito para doon na umupo.
Mabuti na lang bukas ang pinto sa likod. Ngumisi siya nang makita niya na nakatingin si John sa kanya sa review mirror ng kotse nito. Tumingin siya sa labas ng bintana at naghintay na makaalis na sila pero lumipas na ang limang minuto ay nandito pa rin sila kaya napatingin ulit siya kay John."Bakit di pa rin tayo umaalis? Bilisan mo kasi baka naghihintay na si daddy," nakataas ang kilay na sabi niya.
"Hindi tayo aalis hangga't hindi ka lumilipat dito sa front seat. Ano ako drayber mo?" kunot ang noong sagot niya sa akin.
Sumunod na lang siya sa utos nito para walang away. Isa pa nami-miss niya na rin ang dad niya kaya gusto niya na makarating sa bahay nila. Lumabas na siya ng kotse para lumipat sa front seat nang makaalis na sila. Pabalagbag siyang umupo sa tabi nito habang nakasimangot na isinara niya ang pinto. Napansin niya sa gilid ng kanyang mata na ngumisi si John sa kanya na parang nang-aasar dahil siguro nasunod ang gusto niya. Kung hindi lang sila dadalaw sa daddy niya ay hindi talaga siya sasakay sa kotse nito.
Habang umaandar ang kotse ay talo pa nilang nasa simbahang dalawa dahil sa sobrang katahimikan sa loob. Kulang na lang may paring magsasalita sa harap habang nakikinig sila rito. Hanggang sa nakarating sila sa tapat ng gate ay wala pa rin silang imikan. Bago binuksan ng guwardiya ang gate ay sumaludo muna sa kanila ito bilang paggalang siguro sa kanila. Ngumiti muna siya kay Kuya Art at kumaway, bata pa lang kasi siya ay guwardiya na siya rito.
Ilang minuto lang ay nasa harap na sila ng bahay. Paglabas niya sa kotse ay nalanghap niya agad ang sariwang hangin sa paligid at malamig na simoy nito na dumadampi sa kanyang mukha. Wala pa ring pinagbago ang ganda ng buong paligid dahil sa maraming puno, halaman at mga bulaklak na nakapaligid sa kanilang mansion. Idagdag pang may malaki at malawak na espasyo kung saan maaaring pagdausan ng kasiyahan. Dalawang buwan din siyang hindi nakapunta rito kaya na-miss niya ang lugar na kanyang kinalakihan.
"Tara na, naghihintay na sa atin ang dad mo. You know what to do, my wife, Khrystal."
Tumingin na lang siya nang masama kay John bilang tugon sa sinabi nito.
Pagkatapos ay humawak sa kanyang braso para kahit papaano ay magmukha silang sweet sa harap ng kanyang daddy. Naglakad lang sila papasok sa bahay na akala mo talaga ay isa silang mag-asawang perpekto at nagmamahalan.
Habang nakaratay sa higaan sa loob ng ospital at naghihintay na lang kung hanggang kailan siya babawian ng buhay. Wala siyang ibang nasa isip kung di ang tuparin ang plano niya bago man lang siya mawala.Pagkatapos niyang makita sa telebisyon ang larawan ni John kasama ni Khrystal habang karga nito ang anak nila na masayang nakangiti ay biglang sumikip ang dibdib niya dahil sa galit at inggit na kanyang nararamdaman.Kaya pilit niyang iniabot ang remote na nakapatong sa maliit na kabinet para patayin ang telebisyon. Kung bakit ba lahat na lang ng kamalasan ay ibinigay ng Diyos sa kanya. at sa dami ring magmamana sa pamilya nila ng sakit na Leukemia ay siya pa ang napagbigyan.Kung noon ay isa siyang masaya, mabait, malambing at puro positibo lang ang nasa isip. Ngayon ay wala na siyan
Five months later…Dumalas nang dumalas ang pagde-date nilang mag-asawa. Sa totoo lang ngayon lang ulit naranasan ni John ang maging masaya sa kabila ng sakit niya. Wala na kasi siyang rason para matakot at itago pa ang totoong pagkatao niya.Madalang na lang kasi siya kung magalit at nakakasabay na rin siya sa pagbibiro ng kanyang kapatid at ng ibang tao sa paligid niya. Kung dati ay iniiwasan siya tuwing makakasalubong siya ng ibang emplayado sa kanilang kompanya dahil sa takot tuwing makikita siya ngayon ay hindi na. Dahil tuwing pumapasok siya sa opisina ay ngumingiti na siya at bumabati na rin tuwing may makakasalubong na binabati rin siya.“Nakakatuwa na ang anak nating si Janice nuh? Marunong na siyang dumapa at gumapang. Tapos napakabungisngis din niya,” tuwang-tuwang sabi ni Khrystal habang nakatingin sa anak nilang nakasakay sa stroller na iniregalo ng ninang niyang si Danell
ISANG linggo na rin ang lumipas simula nang malaman ni John na magkapareho sila ng kanyang asawa na may sakit na Borderline Personality Disorder. Akala niya sa pelikula o sa panaginip lang nangyayari ang ganoong mga bagay pero nagkamali siya dahil mapagbiro talaga ang tadhana.“So nagagalit ka na niyan? Sa tingin mo ba kapag sinabi ko sa ‘yo agad ang tungkol doon may magbabago ba sa sitwasyon natin? Hindi mo ba ako susungitan o aawayin man lang?” inis na tanong ni Khrystal kay John. “Oo, merong magbabago. Kung sinabi mo agad ang tungkol doon edi sana hindi ako natatakot na iwan mo kasama ng anak natin,” sagot ni John pagkatapos ay tumayo malapit sa bintana. “Edi sana hindi ginamit ni Marianne ‘yon para i-black mail ako na ipapaalam ang tungkol sa sekreto ko kapag hindi ako sumunod sa kanyang gusto,” bulong na sabi niya sa kanyang isip pagkatapos ay
“Long time no see, Khrystal! Oo nga pala condolence sa pagkamatay ng dad mo. Nalaman ko lang no’ng sinabi sa akin ng Papa nitong si John. Saka akalain mo ‘yon kayo palang dalawa ang itinadhana ng kalangitan na maging mag-asawa. By the way, pasok pala kayo sa loob. Sa sobrang tuwa ko na nakita ko kayong magkasama e nakalimutan ko ng papasukin kayo,” natutuwang sabi ni Doc. Dormis sa kanila ni John.Saglit na tumingin si Khrystal sa mukha ni John upang makita ang reaksyon nito. Hindi siya nagkamali na makita ang pagtataka na mababakas sa mukha nito dahil sa nalamang kilala siya ni Doctor Dormis.“Kami rin po natutuwang makita kayo pero kailangan po muna namin ulit umalis Doc. Crystelle. Mukhang may kailangan pa kaming pag-usapan dalawa…” sabi ni Khrystal na alanganing ngum
MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…“Totoo ba ‘tong mga nakasulat dito sa papel na ‘to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?” nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni
Hindi mapigilan ni John ang mag-isip habang naglalakad papasok sa pinto ng kanilang bahay. Pumasok siya at umuwi na walang ibang iniiisip kung di ang nangyari kagabi. Pinagsisihan niya na nasaktan niya ang kalooban ng asawa niya at higit sa lahat ay muntik na niya itong saktan. Gano’n siguro kapag lasing nawawala ang kontrol mo sa sarili at sa sasabihin mo. Iyon kasi ang sumunod na beses na nag-inom siya ulit.Mahal na mahal niya ang asawa at anak. Wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ang maging masaya ito at ‘wag mawala sa piling niya. Kaya nga ginawa niya ang lahat para lang hindi sila guluhin ni Marianne at huwag sabihin dito ang itinatago niyang sekreto.Maaga niyang tinapos ang mga gawain sa opisina para dumiretso sa Flower Shop at bumili ng isang pumpon ng pulang rosas na ibibigay niya sa kanyang asawa. Alam niya kasing paborito niya ito kaya ‘to ang naisip niyang peace offering sa kanya.