LOGINAuditor sa umaga. Asawa sa gabi. Kalaban sa katotohanan. Kapag puso, pamilya, at katarungan ang nagbanggaan—sino ang handa mong ipaglaban? Si Maria Ysabel Cruz ay isang ordinaryo pero masipag na auditor na napilitang akuin ang responsibilidad nang mamatay ang ina at bumagsak ang kalusugan ng kanyang ama. Sa desperasyon, nagkubli siya sa pangalang Maya Santos at pumasok sa isang contract marriage kay Renzo Alcantara—ang guwapo at makapangyarihang tagapagmana ng pinakamalaking construction empire sa bansa. Sa simula, naging perpekto ang lahat: natugunan ang gastusin ng kanyang pamilya, unti-unti siyang nahulog kay Renzo, at naranasan ang isang uri ng pag-ibig na akala niya ay para lang sa mayayaman. Ngunit gumuho ang ilusyon nang ma-assign siya bilang auditor sa mismong kumpanya ng mga Alcantara. Sa araw, siya ang matapang na Maria Ysabel na nag-iimbestiga sa mga katiwalian. Sa gabi, siya ang mapagmahal na Maya, asawa ni Renzo. Dalawang katauhan, iisang puso—at isang mapanganib na lihim. Hanggang sa mabunyag ang masakit na katotohanan: ang pamilya ni Renzo ang nasa likod ng ghost projects na kumitil ng maraming buhay at sa trahedyang pumatay sa kanyang ina. Ngayon, kailangan niyang pumili: Ipaglaban ang pamilya at katarungan para sa bayan… o ipagtanggol ang lalaking minahal niya? At si Renzo, may sarili ring laban: Patatawarin ba niya ang babaeng ilang ulit na nanloko sa kanya? O patuloy pa rin ba niyang mamahalin—Maya man siya o Maria Ysabel—kahit kapalit ay ang pamilyang kailanma’y hindi niya tinalikuran? Isang kwento ng pag-ibig, pagtataksil, at ang tanong na walang kasiguraduhan: Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa pag-ibig at katotohanan?
View MoreMAYA
Sahod ko, minus utang sa ospital ni Tatay. Minus utang sa libing ni Nanay. Minus unpaid school fees ni Teo. Negative six hundred twenty-two thousand pesos! Napabuntong-hininga ako. Kahit utangin ko pa ang future ko, hindi ko pa rin mababayaran talaga ’to. Binuksan ko na lang ulit ang message ni Tina para lumakas ang loob ko. “Bihira lang ang offer na gan’to! One year fake marriage lang, may five million ka na! Tapos divorce na kayo after. Kailangan lang talaga makapasa ka sa pa-interview ng CEO ng Alcantara Holdings Inc.!” Hindi lang mababayaran ang mga utang, mayroon pang pangsagot sa future bills! “Maya Santos?” tanong ng receptionist. “Ah, opo!” sagot ko, trying my best to sound sophisticated. Tumayo ako at habang naglalakad ako sa hallway papunta sa office, grabe ang kabog ng dibdib ko. Pagkabukas ng pinto, muntik na akong matumba. Pogi siya?! Akala ko kasi, dahil nga kailangan pa ng ganitong arrangement, pangit si Mr. Lorenzo Alcantara. O matanda na. At kahit ganun, willing pa rin akong patulan para kina Papa. Pero nakaupo sa executive chair ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa 26 years of existence ko. Matangkad, mestizo, perfectly styled ang hair, at may ngiting nakakahimatay. “Miss Santos?” tanong niya habang nakaupo ako sa harap ng desk niya. “Yes, sir?” sagot ko agad. Pinakinggan ko pa yung boses ko—dapat sosyal ang dating. Kaso parang nagmukha lang akong call center agent na pilit nag-e-English accent. Pinagmasdan niya ako. Nakakunot ang noo pero may bahid ng amusement sa mga mata. “Let’s get straight to the point. This is quite an unconventional arrangement, don’t you think?” “Well, well, well,” sagot ko, pilit na may confidence. “Unconventional times call for unconventional measures, di ba?” Huy, award! Parang pang-Miss U ang dating. Napatango siya. “Good. Let me ask you some scenario questions then. What if… late ako laging umuwi? Anong gagawin mo as my wife?” *As his wife?* Ba’t parang nakakakilig pakinggan? Kinabahan ako pero ngumiti. “Okay lang naman po. Hindi naman ako clingy, basta may five million— I mean, five million times trust tayo sa isa’t isa.” Natawa si Mr. Alcantara. At parang dumadagundong yung puso ko sa bawat tawa niya. “You’re very straightforward. How about this? If we’re at a charity gala, and someone asks you about your thoughts sa latest Rothko exhibition, how will you answer that?” “Oh, si Rothco…” *Si Felix Roco ba ’yun?* “It’s very… abstract. I can feel his emotions… in his art.” “Which piece specifically moved you?” Hala. “Hmm… the red one?” “The red one?” ulit ni Mr. Alcantara, halatang pinipigilan ang tawa. “How… profound.” Nag-init yung pisngi ko. Wala bang ibang shade of red yung paintings niya?! “Well, well, well,” inayos ko na lang ang upo ko. “Sometimes simplicity speaks louder than complexity.” Maitawid lang talaga! “You’re absolutely right,” sang-ayon naman ni Mr. Alcantara—na ikinagulat ko. “Okay, here’s my last question…” Napapikit ako. All right. Five million. For the win! “What if you discovered that my business practices were questionable? Let’s say, may corruption involved. Will you stand by me?” Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nawala ang kilig ko for a moment nang sumagi sa isip ko si Mama, at kung paano siya binawian ng buhay. “No.” “Just like that?” “Yes, po. Justice should be non-negotiable.” Tinitigan ako ni Mr. Alcantara nang matagal. Hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Yari na. Ba’t kasi nagpaka-Maya ka, Maya?! “Mali po ba ang sagot ko, sir?” tanong ko, halos pabulong. “No,” sagot niya. “It was… unexpected.” Napatango ako. Sabagay, kung ibang babae siguro, “yes” agad ang sagot. Baka hindi talaga para sa ’kin ’to. Hays. Tumayo na lang ako at bahagyang yumuko sa kanya. “Maraming salamat po sa oras n’yo, Mr. Alcantara.” Tumalikod ako, ramdam ang bigat sa dibdib habang naglalakad papunta sa pinto. Paglabas ko ng office, bumungad agad ang limang babae na naghihintay. Bigla silang natigil sa pagkukuwentuhan at sabay-sabay na napatingin sa akin—parang may exotic animal na naligaw sa building na ’to. Isa sa kanila, matangkad at mukhang model sa Vogue, sinipat ako mula ulo hanggang paa. “Oh my gosh, tingnan mo ’yung bag niya. Fake Hermès. Hindi ba siya nahiya?” Nagtawanan agad ’yung iba. Ramdam ko ang init sa pisngi ko, pero naglakad na lang ako na parang wala akong naririnig. “Excuse me,” tawag ng isa, mestiza na may mahabang straight na buhok, parang galing sa shampoo commercial. “Nag-apply ka rin ba sa contract offer ni Mr. Alcantara, kagaya namin?” “Yes,” sagot ko, sabay taas ng baba kahit ramdam kong nanliliit na ang pagkatao ko. “Oh, honey…” singit ng isa, kunwaring concerned. “I don’t think you understand what kind of arrangement this is. This requires… breeding, you know?” “Yup. Not everyone can just… fake it,” dagdag ng isa, sabay taas ng kilay. “Maybe you should try applying sa ibang lugar. Like… a call center?” sabi naman ng isa, halos mamilipit sa sarcasm. Gusto ko na lang lamunin ako ng sahig. Totoong mga Disney princesses sila—baka nakapag-travel na sa buong mundo sakay ng private plane. Samantalang ako, tatlong jeep pa ang sinakyan ko para lang makarating dito. Umupo ako sa pinakasulok ng waiting area, pilit na mukhang composed habang naghihintay ng resulta. “Five million. Hindi nakakapagbayad ng utang ang pride, Maya,” bulong ko sa sarili, paulit-ulit na mantra. Isa-isa silang tinatawag papasok, at paglabas nila, may kanya-kanyang comment tungkol kay Mr. Alcantara. “Hindi ko akalain na gano’n siya kaguwapo! Hindi lang pala mayaman, mukhang celebrity pa!” “For sure, isa lang sa atin ang mapipili. Yung bagay talaga sa kanya,” sabi ng isa, sabay sulyap sa akin. “True. Para namang insulto sa stature niya kung hindi equally elite ang mapipili,” dagdag pa ng isa. Sa sinabi nila, napaisip ako. Oo nga naman—malamang isa sa kanila ang mapipili. Bakit pa ba ako nandito? At talagang umaasa pa ako? Tumayo na ako, akmang aalis na, pero bigla akong tinawag ng secretary ni Mr. Alcantara.RENZODay 1Tinitigan ko yung contract sa desk ko. Meron ng signatures. Sa akin. At kay Maya.30 days. 30 days para buuin ang tiwala. O tapusin ang lahat. Hindi ko alam kung anong resulta ang mas gusto ko. Tumunog ang phone ko. Si Margaret. “Andito na po si Ms. Cruz. Papasukin ko na po?”“Give me two minutes. Then send her to Conference Room A.”Kinuha ko yung case files at nagpunta sa conference room.Pagpasok ko, natigilan ako. Andun si Maria Ysabel. Hindi si Maya.Of course, it’s understandable. Kailangan niyang magpanggap pa rin or parang inannounce na namin sa mundo yung panlolokong ginawa niya. And I would not want that to happen. Kahit galit ako sa kanya. I would prefer her to keep things the way they are.Smart move.Ang hirap lang this time because I know that it’s Maya, my ex-wife underneath.Ngayon, mas nakikita ko na. Yung slight nervousness niya sa kung paano ina-adjust niya yung bracelet niya. She has mannerisms na nakikita ko kay Maya na ginagawa rin naman ni M
RENZOTiningnan ko si Maya. Nakatayo pa rin pero obviously nasaktan sa sinabi ko. “Hold on,” sabi ko kay Margaret bago takpan ang phone. “Nasa ‘yo na ba ang lahat ng evidence para bukas?” tanong ko kay Maya.“Yes, sir,” sagot niya agad. Voice back to Maria Ysabel mode. Professional. “Lahat ay ready na. I’ll send it to your email tonight.”“Good.” In-open ko na yung phone. “Confirm the meeting. 2PM. Conference Room A. And tell Atty. Galang that Ms. Cruz will send preliminary documents tonight.”“Understood, sir. Is there anything else?”“No, that’s all.”I hung up. Then I turned to Maya.“So. Tomorrow. 2PM…”“Wait lang po,” sabi niya.Natigilan ako. “What?”May tina-type siya sa phone niya. Mabilis. Nakakunot ang noo niya sa pag-concentrate. “Anong ginagawa mo?”“One minute lang po,” sabi naman niya. Natapos siyang magtype. Tapos kumuha siya ng notebook sa bag niya at nagsulat naman. “Maya, what…”“Konti nalang, sir,” sabi niya. Ni hindi tumitingin sa akin. Pinanood ko siya magsul
RENZOMy vision went red. Wala pang one week after namin mag-sign ng annulment papers. Naka-move on na siya agad?I walked over. Hindi ko kayang pigilan sarili ko. “Maya,” sabi ko. Mas mabigat ang tono ko sa gusto ko. “I need to talk to you. About the audit reports.”Lumingon siya sa akin. At nakita kong nanlumo yung ngiti niya. Yung liwanag niya kanina, dumilim.Napalitan ng takot at pag-aalala. “Audit reports, sir?” Ulit niya. “Akala ko… Akala ko lahat ng work-related ay kay Ma’am Marga ko po sasabihin. Yun po yung sabi niyo.”@#$!Tama siya. Yun nga pala yung sabi ko.“Iba ‘to,” sabi ko agad kahit nagmamadali yung utak ko sa pag-iisip ng excuse. “It’s… It’s urgent. Regarding… regarding some discrepancies sa Q2 findings. Kailangan nating i-clarify bago yung meeting bukas sa legal.”Smooth. Mukhang may sense. “Oh,” reaksiyon niya. “Mag-send nalang po ako ng email…”“Now,” sabi ko. “It needs to be now.”Tumingin ako kay Carlos. Cold. Dismissive. “We’ll need privacy. Company busi
MAYA“Naalala mo yung nasa 7-eleven tayo?” pagpapatuloy niya. “Nung nagpakita yung asawa mo. Dun ko lang nalaman na kinasal ka na pala.”Napatingin ako sa malayo. “Sa totoo lang, nabasag yung puso ko nun.”Napahawak siya sa dibdib niya at nangiti ng bahagya. Tapos tumingin sa akin ng seryoso.“Alam ko nasasaktan ka ngayon. Nakikita ko. At alam kong dahil yun sa kanya.”“Hindi naman…” ide-deny ko sana. Pero dere-deretso siya magsalita. “Ayokong i-take advantage yun. Hindi ko siya balak palitan or anything like that. Gusto ko lang malaman mo na may nakakakita sa’yo sa kung sino ka talaga. May nagpapahalaga sa ‘yo. At kung anuman nangyari sa inyo ni Mr. Alcantara, anumang nasabi niya o ginawa niya, hindi mababago nun yung halaga mo. Worth it kang mahalin. Worth it kang piliin.”Nangilid ang luha ko. Dahil natumbok niya kung anung nararamdman ko. Feeling ko wala akong kwentang tao. Kaya iniiwan ako ng mga mahal ko sa buhay. Si Nanay. Si Renzo. Hindi ko deserve mahalin. Hindi ko deserve






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews