Share

CHAPTER 4

DANICA TRINA...

Nanatili s'ya sa hacienda kasama ang pinsan at ang kaibigan. Ang sabi ng mga ito, gusto daw nila makalanghap ng sariwang hangin, pero duda s'ya sa rason ng mga ito.

Alam n'yang pumunta ang mga ito sa hacienda para samahan s'ya habang nagpapagaling.

Lihim s'yang nagpapasalamat sa mga kaibigan na hindi s'ya iniwan. Maliban sa pamilya n'ya, tanging ang apat na kaibigan lamang ang nakakakilala sa kan'ya.

People always see her as a brat, a liberated and a happy go lucky woman , na wala nang ginawang mabuti sa buhay.

"Girls punta tayo sa gubat, maligo tayo sa ilog. Tapos magdala tayo ng mga pagkain at doon na tayo tumambay buong araw. How's that?" tanong ni Bianca sa kanilang dalawa ni Tati.

Nasa garden silang tatlo at nagkakape. Kagigising lang nila at madilim pa ang paligid. Nakasanayan na nilang gumising ng maaga dahil sa naging training nila sa military.

Minsan nga mas nauna pa silang magising sa mga kasambahay nila.

"Magandang suggestion yan Bianca, support ka namin d'yan, baka sa gubat ka pa magka lovelife," seryosong sagot ni Tati na ikinasalubong ng mga kilay ni Bianca.

"Hoy, bakit? May mga mensola ba sa gubat Trina?" excited na tanong nito na ang mga tingin ay nakatuon kay Tati.

Nagsalubong naman ang kan'yang mga kilay na tumingin kay Tati na may ngisi sa mga labi.

"Meron B, marami," nakangiting sagot ni Tati.

"Seryoso ka chanak? Gosh! Kung ganon ang pinaka daring ko na bikini ang susuotin ko. Shit! Baka sa gubat talaga ang swerte ko," parang nananaginip na sambit nito, habang nakapangalumbaba at umaktong nag-iisip.

"Oo naman, pwede ka na nga na n*******d doon eh," sagot pa ng pinsan sa kaibigan nila.

Lihim s'yang natawa dahil alam n'yang puro kalokohan na naman ang naiisip ni Tatiana.

"Gosh! I'm so excited na girls. Pero seryoso ka ba talaga chanak? Marami talagang mensola sa gubat?" hindi mapakaling dagdag tanong nito.

"Marami nga! Ang kulit nito. Sinabi nang maraming lalaki sa gubat, yong nga lang—," pambibitin ni Tati sa gustong sabihin.

"Yon nga lang what?" tanong ni Bianca na halatang excited sa sagot ni Tatiana.

"Basta!" maikling sagot ng pinsan.

"Bullshit! Ano nga?" bulyaw nito kay Tatiana.

Halatang nabitin ito sa gustong sabihin ni Tati.

"Yon nga lang puro maligno," sagot ng pinsan sabay tawa ng malakas. Masama naman silang tiningnan ni Bianca sabay kuha ng grapes at ibinato sa kanilang dalawa ni Tati.

"Hey! Don't waste the fruits B," saway n'ya rito. Inirapan naman s'ya nito at humigop ng kape.

"Tati how are you and Neo?" maya-maya tanong n'ya sa pinsan.

"Ang aga mong marites Trina. Hindi pa nga lumalabas si haring araw tsismis na yang inaatupag mo," sita ng pinsan sa kan'ya.

"Eh sa nagtatanong lang eh. Masama ba yon?" angal n'ya rito.

"No need to ask. Alam n'yo naman kung gaano kapatay ang baby ko sa alindog ko," pagmamalaki nito.

"Ang hangin! Shutaaa ang lakas talaga Trina," pasaring ni Bianca na sinakyan n'ya naman.

Maaga pa lang nagtatawanan na silang tatlo sa garden. This is them, people always look at them in different way, but what they doesn't know is that— they are very simple and very easy to be with.

Akala ng nakararami mga maarte silang lima, pero ang hindi nila alam kumakain sila minsan sa dahon ng saging. Hindi sila maselan at hindi maarte katulad ng pag-aakala ng iba. At mas lalong hindi sila mga matapobre kahit pa ipinanganak silang bilyonarya.

Nang magliwanag na, nagsimula na si Tati at Bianca sa pagluluto ng mga dadalhin nila sa kanilang swimming session sa gubat.

Hindi s'ya pinayagan ng dalawa na tumulong. Pinaupo lamang s'ya ng dalawang kaibigan sa kitchen counter at tanging panunuod na lang ang ginawa n'ya.

Nagulat naman si nanay Meldy ng bumungad sa kusina.

"Ay naku mga batang ito, bakit ang aga n'yong nagising? Hindi ba kayo natulog?" bungad na tanong ni nanay Meldy sa kanilang tatlo.

Lumapit s'ya rito at niyakap ito mula sa likod at ipinatong ang kan'yang baba sa balikat ng matanda.

"Nay ayaw nila akong patulungin," parang batang pagsusumbong n'ya.

"Ay dapat lang kasi kagagaling mo lang sa sakit. At kayong dalawa, ilagay n'yo na yan d'yan, ako na ang gagawa n'yan," saway nito sa mga kaibigan at sermon naman para sa kan'ya.

"Naku nanay Melds kalma ka lang nay. Kayang-kaya namin to, peksman mamatay man si batman kasama na si superman basta lang maiwan si captain america!" sagot ni Bianca.

Pinalo naman ito ni Tati ng sandok na ikinaangal ng huli.

"Tang'ina Tatiana Callie Lewis bakit ka nananakit?" bulyaw ni Bianca kay Tati.

"Ang kapal kasi ng mukha mo, bilisan mo na nga d'yan, para makaalis na tayo!" sikmat ni Tati dito. Nagpapadyak naman ito dahil sa inis na ikinatawa nilang dalawa ni nanay Meldy na nanunuod.

"Hay naku mga bata kayo! Oh s'ya..., sa labas na muna ako mga anak, magdidilig muna ako ng mga halaman," paalam ng matanda. Kumalas naman s'ya kay nanay Meldy para makaalis na ito.

"Sige po nay! Pupunta pala kami sa gubat nay pagkatapos namin dito. Maliligo kami sa ilog at baka doon na din kami mag stay buong araw," pagbibigay alam n'ya sa matanda.

"Ok sige mga anak, basta mag-ingat kayo ha?" habilin ni nanay Meldy sa kanila.

"Opo nay, maraming salamat po," halos panabay na sagot nilang tatlo.

Hindi naman nagtagal at natapos na ni Tati at Bianca ang pagluluto. Kinuha n'ya ang mga lalagyan ng pagkain at isa-isa ng inilagay ang mga ito sa box at inilagay sa isang picnic basket.

Naghiwa din si Tati ng hilaw na mangga at naglagay naman si Bianca ng bagoong sa isang maliit na lagayan.

"Madi alam n'yo? Itong bagoong ang baho ng amoy pero ang sarap dilaan," maya-maya lang basag ni Bianca sa pananahimik nila ni Tatiana.

"So ano ngayon? Anong gusto mong iparating sa amin?" nakataas ang mga kilay na tanong ni Tati kay Bianca.

"Wala naman! Naisip ko lang na parang p****k mo lang Tati ang bagoong na ito," sagot ni Bianca.

"Hoy gaga! Bakit mo naman inihalintulad ang p****k ko sa bagoong na yan?" inis na bulyaw ni Tati rito.

"Eh kasi maamoy at mabaho pero gustong-gusto pa rin dilaan ni baby Neo," sagot nito.

Hindi n'ya na napigilan ang sarili.

Bumunghalit s'ya ng tawa lalo na nang kinuha ni Tati ang isang mangga na buo at ibinato kay Bianca ngunit mabilis itong nasalo ng isa sabay sawsaw sa bagoong na hawak-hawak at deritso kagat.

Napapikit pa ito ng malasahan ang mangga at bagoong.

"Hmmmm! Pareho ng amoy Tati!" pambubwesit pa ni Bianca kay Tatiana na mas lalo n'ya pang ikinatawa.

She's very thankful that she has Bianca na s'yang joker sa kanilang magkakaibigan. Hindi ito nauubosan ng kalokohan at palaging kasangga nito ay ang pinsan na si Tatiana na s'yang pikon sa lahat.

"Gaga ka talaga Bianca! Nakakadiri ka," bulyaw ni Tati dito.

"Hoy gaga! Bakit si Neo noong kinain yang p****k mo, hindi mo pinandirihan? Bagkus sinabi mo pa, ohhhh Neo, more, more ohhh! There lick Neo, ahhh, lick me more baby," sagot ni Bianca dito sa malanding tono.

Tawa na lang sila ng tawa dahil sa kalokan ni Bianca. Maya-maya lang sumeryoso si Bianca at humarap kay Tati at matamang pinagmasdan ang mukha ng kan'yang pinsan na namumula.

"Hindi kayo nag kiss sa lips pero nakain ang p****k mo Tati? Wow ha! Infernes ang galing ni Neo! Ano madi magaling bang mag pinta si Neo?" hirit pa ni Bianca.

"Anong mag pinta? Pintor ba si Neo?" takang tanong n'ya.

"Ay isa pa tong gaga! Syempre binubrutsa n'ya si Tati gamit ang bibig at labi n'ya kaya pintor s'ya," kalokohang sagot nito sa tanong n'ya. Napakunot noo pa s'ya dahil hindi n'ya ma gets ang sinabi nito.

Ngunit ng makuha ang ibig sabihin ng kaibigan, napanganga s'ya at nanlaki ang mga matang hinarap ang kaibigan.

"Is that true Tatiana? Ano masarap ba?" hindi makapaniwalang tanong n'ya rito. Pinitik naman nito ang kan'yang noo na ikinasimangot n'ya.

"Isa ka pang marites! Magsama kayong dalawa ni Bianca!" bulyaw ng pinsan sa kan'ya.

"Eh para nagtatanong lang eh! Curious lang naman kami ah!" busangot na sagot n'ya rito.

"Oh my gosh! Bahala kayo sa mga buhay n'yo," inis na sagot ni Tati sabay walk out palabas ng kusina. Bumunghalit naman silang dalawa ni Bianca ng tawa dahil sa inasta ng pinsan.

"Napaghalataang guilty ang h*******k," tumatawang sabi ni Bianca.

"Tantanan na natin si Tati B, baka mabaril tayo," sabi n'ya sa kaibigan.

Matapos nilang maayos ang lahat ng kailangang dalhin, tumulak na sila patungo sa gubat.

Kabayo ang sinakyan nila at tig-iisa silang tatlo.

"Ang sarap talaga sa ganitong lugar no? How I wish dito na lang tayong lima hanggang sa tumanda na tayo. But sad to say na hindi naman pwede dahil may mga obligasyon tayo sa buhay na kailangan nating harapin," reklamo ni Bianca.

"Don't be sad B, pwede naman tayong magbakasyon dito kahit kailan natin gusto. My place is open for you guys, kahit wala ako rito at gusto n'yong pumunta, just go ahead," alo n'ya sa kaibigan.

"Hays! Trina you are so bait, pero bakit hindi nakikita ni Joshua yan? You know what? Hindi ako nagbibigay komento sa mga pambabastos n'ya sayo, pero kapag ako napuno sa pananakit n'ya sayo, I don't care kung anak pa s'ya ni ninong Howald. Baka nga mabugbog pa yan ng mga tatay natin kapag nalaman ang mga pinagagawa n'ya sayo," may himig na galit sa boses ni Bianca na nagsalita.

"I already asked permission from Trina to assassinate Joshua and that bitch, pero ayaw n'ya. Mabait pa rin sa mga gumagago sa kan'ya," sabat naman ni Tati.

Marahas s'yang bumuga ng hangin habang nakatuon ang mga mata sa malawak na taniman ng mangga na nadadaanan nila.

"Hayaan n'yo na sila girls. I already make up my mind, I know na kalabisan na ang ginagawa kong pagpapakatanga kay Joshua, but I can't help it. Mahal ko eh. But I think what I did is too much na. So I decided na layuan na s'ya, para na rin may peace of mind na kami pareho," malungkot na sagot n'ya sa dalawa.

"You know what girl? You don't deserves him naman eh! Marami pang ibang lalaki na mas gwapo, hot at mayaman kaysa sa kan'ya. And most of all, may gusto sayo.., hindi yong ikaw ang naghahabol. Cheer up Trina, isa kang dyosa. Ipakita mo sa Joshua na yon na hindi s'ya kawalan. Hayaan mo s'ya na mabaliw sa impaktang iyon at hintayin natin na makarma s'ya. Manuod lang tayo at makitawa kapag nalaman n'ya kung gaano ka impakta ang sinasamba n'yang babae," mahabang litantya ni Bianca.

" I agree with B, Trina. Masyado mo nang binababa ang sarili mo sa kakahabol sa gagong iyon. Give yourself some respect Dani at ang pinaka importanti, mahalin mo muna ang sarili mo," segunda pa ng kan'yang pinsan

Tumango s'ya rito bilang tugon.

Kung tutuusin tama naman kasi ang mga ito. Masyado n'ya ng binababa ang sarili kay Joshua. At masyado ding mababa ang tingin nito sa kan'ya.

She already made up her mind. Siguro ganon talaga ang palagi n'yang naririnig sa kasabihan na "pinagtagpo pero hindi tinadhana".

Pero ganon pa man, nagpapasalamat pa rin s'ya na minahal n'ya si Joshua. Wala s'yang pinagsisihan sa kan'yang ginawa. She promised to herself na sa susunod na makatagpo s'yang muli ng lalaking mamahalin, hindi n'ya na gagawin ang ginawa n'ya kay Joshua.

She will love the man but not to the point na halos gumapang na s'ya sa lupa sa pagmamakaawa na mahalin din s'ya nito pabalik.

Narating nila ang gitna ng gubat at naging maingay silang tatlo ng makita ang napakalinaw na ilog. May mataas na parte ng bato kung saan may dumadaloy na tubig, kung kaya nagmukha itong waterfalls pero mababa nga lang.

May kubo syang pinagawa sa naturang gubat para mapagpahingahan at pwedeng tulogan kapag gusto n'yang mag overnight sa lugar na ito.

It's made from a hard wood ang buong bahay at bulletproof ang buong kubo pati na ang mga glass part. Sinadya n'ya ito para sa proteksyon na rin.

She doesn't know kung ano ang mangyayari sa kan'ya. Sa linya ng trabaho nila hindi na nila minsan alam kung sino ang mga kaaway nila, kaya mainam ng handa at maingat sa paligid.

Kahit dito sa kan'yang hacienda, she is not one hundred percent sure na safe s'ya rito. Who knows baka nasa paligid lang ang mga kalaban nila at sinusundan silang tatlo.

Kaya hindi sila palagi nawawalan ng baril. Kahit saan may bitbit silang baril para proteksyon na rin.

Itinali nila ang tatlong kabayo sa puno at umakyat na sa kubo. Inilagay nila ang kanilang mga pagkain sa mesa na nasa balkonahe ng naturang kubo at nakaharap ito sa ilog.

From the balcony they can clearly see the view of the crystal clear water at ang mga naglalakihang puno ng kahoy sa kabilang side.

"Fvck! This is paradise! Ang ganda dito, at ang bango ng amoy ng hangin, hmmmm!" si Bianca habang nakapikit at ninanamnam ang simoy ng hangin.

"I think the smell is from the wild orchids sa paligid. Marami dito banda sa likod," sagot n'ya.

"Gosh ang ganda talaga dito! Trina kapag ibebenta mo tong lugar na to, ako na ang bibili ha?" bilin nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya lang.

Nagsimula na silang bumaba sa ilog para maligo. They are wearing their best swimsuit at sa alindog nila, sino ang mag-aakala na isa silang mga assassin at sundalo? No one! Mapagkamalan pa silang mga modelo dahil sa mga katawan nila.

Naunang naglakad si Tati kaya kitang-kita nila ang malaking dragon tattoo nito sa likod.

"Tatiana pareho kayo ng tatoo ni Neo? Ano yan couple tattoo? " kantyaw n'ya sa pinsan.

"Nahhh! He doesn't know about this. Kakapalagay ko lang nito noong isang linggo," sagot ng pinsan.

"Hindi ka pa nahubaran ulit besh kaya hindi n'ya pa nakita ang tattoo mo?" tanong ni Bianca dito na nakatanggap ng isang matalim na tingin mula kay Tati.

Masaya silang lumusob sa napakalamig na tubig. Nagtampisaw sila at masayang naglalaro ng habulan na parang mga bata. Halos wala silang kapaguran sa pabalik-balik sa paglangoy paroo't parito.

Ngunit natahimik sila ng magsalita si Bianca.

"Putang'ina bakit ang kati ng p****k ko?" sabi nito sabay kamot ng pagkakbabae nito sa labas ng bikini na suot.

"Gusto na sigurong magpawasak," buska n'ya sa kaibigan.

"It's a no for me Trina. Para lang to sa crush ko no? S'ya lang ang pwedeng sumira ng hymen ko," sagot nito na panay pa rin ang kamot.

"Makati ba talaga? Bakit panay pa rin kamot ko d'yan?" puna ni Tati.

"Makati nga! Aahon nga muna ako, titingnan ko lang," paalam nito sabay ahon at tumayo sa may bato habang nakatalikod sa kanila at sinilip ang loob ng bikini.

"Abnorma talaga itong si Bianca," reklamo ni Tati ngunit naputol ang iba pang sasabihin ng biglang tumili si Bianca.

"Holy shit! Help! Trina help me!" nagsusumigaw nito habang tumatalon-talon sa batuhan.

Nagulat sila at biglang kinabahan kung kaya mabilis silang umahon sa tubig at nilapitan ang dalaga.

"What happened?" nag-aalalang tanong nilang dalawa ni Tati dito.

"K-Kunin mo Tatiana, kunin mo please," mangiyak-ngiyak na utos nito.

"Kunin ang ano? Putang'ina magsalita ka nga ng maayos B!" singhal ni Tati rito.

"K-Kunin mo ang linta Tati, may linta sa puringkingking ko! Oh my gosh, please help me!" naiiyak na sabi nito. Napangiwi naman silang dalawa ni Tati sa narinig.

Kaya pala nangangati ito at kamot ng kamot yon pala ay may linta na s********p sa balat nito.

"Tumahan ka gaga! Para linta lang eh! Hindi pa nga yan anaconda ang tumuklaw d'yan sa p****k mo, halos himatayin ka na," sermon ni Tati dito at pumwesto na para tulongan si Bianca na makuha ang linta.

Hindi naman nagtagal at natanggal ito. Halos hindi na makahinga si Bianca dahil sa sobrang kaba. Tawa naman sila ng tawa ni Tati sa hitsura nito na parang binuhusan ng limang gallon ng suka dahil sa sobrang pagkaputla.

Masaya silang bumalik sa mansyon kahit na may nangyari kay Bianca sa ilog. The best day of her life with her bestfriends. Kahit papaano nakakalimutan n'ya ang lalaking minamahal at s'ya ring lalaki na palaging nananakit sa kan'ya.

Tatlong buwang ang itinagal n'ya sa hacienda. Kasalukuyan s'yang bumabyahe ngayon pauwi ng Maynila. Nakatanggap s'ya ng tawag mula kay Tatiana na pinapa report sila ng kanilang ninong Spike.

Baka may bagong misyon at sa kanila ibinigay ang trabaho. Sakay ang sariling helicopter na s'ya din ang nagpipiloto, tumaas sa ere ang naturang sasakyan.

Hindi naman katagalan ang kan'yang naging byahe. Deristso s'ya sa kanilang mansyon sa Cassandra Village dahil gusto n'ya munang makita at makasama ang pamilya, bago tumulak papunta sa kanilang base para sa trabaho.

Pagkalapag ng kan'yang helicopter sa helipad ng kanilang mansion, agad n'yang pinatay ang makina at agad na bumaba.

Deritso s'ya sa elevator at nagpahatid sa living room ng kanilang bahay. Walang tao sa sala kung kaya dumeritso s'ya sa kusina at narinig na nag-uusap ang buong pamilya habang kumakain.

"So ikakasal na si Joshua?" narinig n'yang tanong ng kan'yang ina. Natigil s'ya sa akmang pagpasok at natulos sa kinatatayuan.

"Yes ma, in two weeks time. Buntis na daw kasi ang girlfriend n'ya kaya nag decide na silang magpakasal," sagot ni Ebrahim sa tanong ng kanilang ina.

Hindi n'ya namalayan na tumulo na pala ang kan'yang mga luha. Akala n'ya kaya n'ya na, akala n'ya ready na s'yang layuan ito, pero bakit ang sakit-sakit sa puso na marinig na ikakasal na ito at buntis na ang babae.

Parang dinudurog ang puso n'ya. Para s'yang pinapatay ng mga oras na iyon, na halos hindi na s'ya makahinga dahil sa pananakit ng dibdib.

Mga Comments (35)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang swerte mo Trina sa mga kaibigan mo malas ka lang sa taong minahal mo dahil hindi ka kanyang pahalagahan niya
goodnovel comment avatar
Gracia
ang ganda ng story ...
goodnovel comment avatar
Jeff S Gauci
Parang trying hard magpatawa si Bianca. Sana pati hindi mali mali grammar kc kaka turn off eh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status