Share

CHAPTER 6

JOSHUA HADES...

Matapos makalabas ng hospital si Trina hindi n'ya na nakita pa ang babae. Hindi din s'ya interesado kung saan ito nagpunta. Focus s'ya sa buhay n'ya at sa babaeng mahal n'ya.

Malaki pa nga ang pasasalamat n'ya na nawala na lang ito bigla sa kan'yang landas. Tahimik ang buhay n'ya at walang nambwebwesit sa kan'ya sa araw-araw na ginawa ng langit.

Naunang nakalabas ng hospital ang kan'yang kasintahan at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay na binili n'ya para rito.

Ayaw pa sanang tanggapin ng kasintahan ang bahay na binigay n'ya dahil nahihiya ito, ngunit ipinagdiniinan n'ya ito sa dalaga dahil naaawa s'yang nakikitira lang ang mga ito sa tiyahin nito sa isang squatters area.

She don't look down Leizel dahil sa kahirapan din s'ya nanggaling. Lumaki din s'yang namamalimos sila dati ng kan'yang ina ng kaunting tulong para may pambili ng pagkain at nakikitira sa lola Teresita at mama Paulyn n'ya para may may matutulogan.

He admire Leizel for being hardworking and independent woman. Ito na lang ang tanging bumubuhay sa ina nito. He offered a job for her sa kompanya n'ya pero mariin itong tumanggi.

Ayon sa dalaga, gusto n'yang magtrabaho na galing sa pinaghirapan nito ang pag-apply at hindi dahil kinuha n'ya lang ito at inilagay sa pwesto. And by that attitude Liezel has, he loves her even more.

Kasalukuyan itong nagtatrabaho sa isang branch ng kan'yang bar bilang accounting head.

Naging waitress n'ya ito dati sa isang branch ng kan'yang bar hanggang sa— na promote itong manager at doon na sila madalas nagkakausap dahil ito ang nag-rereport sa kan'ya sa lahat ng mga nangyayari at galaw ng negosyo n'ya sa branch ng bar kung saan ito nakadestino.

Doon nahulog ang loob n'ya sa babae and later on niligawan n'ya and after three months of panliligaw, sinagot s'ya ng dalaga.

Napapangiti na lang s'ya kapag naalala ang panahon na naging opisyal na nobya n'ya si Liezel. S'ya ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo ng mga oras na iyon. Sobrang saya na tumalon- talon pa s'ya habang tumatawa ng marinig ang pagtanggap nito sa kan'ya.

Minahal n'ya ng todo ang dalaga at lahat ay gagawin n'ya para dito. Kahit na kalabanin n'ya pa ang lahat ay wala s'yang pakialam maipagtanggol n'ya lamang ang nobya.

Leizel is her dream, nasa dalaga ang lahat ng katangian na hinahangaan n'ya sa isang babae. Mahinhin, magalang, maalaga at mapagmahal sa pamilya.

Itinaguyod nito ang ina. Kahit dalawa na lamang ang mga ito sa buhay pero hindi ito sumuko. Ginawa ang lahat para lang mabuhay ang ina nito na sa dalaga lang din umaasa.

Naalala n'ya ang sitwasyon nila ng nanay n'ya sa mga ito. Kaya sa abot ng kan'yang makakaya, he always helped them, para hindi na maranasan ng mga ito ang hirap ng buhay— na s'yang pinag-aawayan nila palagi ng nobya, dahil ayaw nitong panay ang tulong n'ya sa mga ito.

Ayon dito sapat na ang malaking sahod na ibinibigay n'ya bilang accounting head ng kan'yang kompanya para mabuhay ng maayos ang mga ito.

Nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng tumunog ang kan'yang cellphone. Agad na sinilip n'ya ito para lang mapangiti ng makita ang ipinadalang litrato ng nobya.

"Sorry for messing up your kitchen sweetheart. Come home early please, I cook your favorite," mensahi ng nobya na ikinatawa n'ya ng mahina.

Napaka sweet nito at napakalambing. Sobrang maalaga din sa kan'ya kaya mahal na mahal n'ya ito.

Mabilis n'yang inayos ang mga gamit at pinatay ang computer at lumabas ng opisina.

Tinawag pa s'ya ng kan'yang sekretarya, ngunit hindi n'ya na pinansin pa ito. Deritso lang s'yang pumasok sa elevator at nagpahatid sa baba. Nagmamadali s'yang lumabas ng elevator ng marating ang ground floor.

Sobrabg excited s'yang umuwi dahil alam n'yang nasa condo n'ya ang kan'yang nobya.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit s'ya sa kan'yang kotse at agad na pumasok at pinaharurot ito paalis ng kompanya. Mabilis lang din s'yang nakarating sa kan'yang condo dahil mabilis ang pagpapatakbo n'ya ng kan'yang sasakyan.

Dalawa ang condong inuuwian n'ya. Ang isa ay ang nasa building ni Neo, ngunit minsan lang s'ya umuuwi doon dahil nandoon ang lahat ng mga anak ng kaibigan ng tatay n'ya.

Ayaw n'yang may nagbabantay sa mga galaw n'ya, lalo pa kapag dinala n'ya si Leizel doon. Masyadong mga tsismoso ang kan'yang mga kaibigan at paniguradong makakarating sa kan'yang nanay ang lahat.

Dito sa isang condo n'ya..., dito n'ya madalas dinadala si Leizel kapag gusto nilang masolo ang isat-isa. Hindi pa ito nakakapunta sa condo n'ya na nasa building na pag-aari ng mga Evans.

Narating n'ya ang naturang building at agad na nagpark at mabilis na lumabas ng sasakyan. Para s'yang hinahabol ng pulis sa kan'yang mga galaw dahil sa pagmamadali. Iba ang excitement na nararamdaman n'ya ngayon.

Ang isipin pa lamang na nasa unit n'ya ang nobya at hinihintay s'ya, para na s'yang sinisilaban sa pagmamadali.

Ganito pala ang pakiramdam kapag in love ang isang tao, palagi na lang excited na makita ang minamahal n'ya.

Pumasok s'ya sa loob ng building at deritso sa elevator. Tumayo pa s'ya saglit sa harapan nito at hinihintay ang pagbaba ng elevator.

Hindi naman nagtagal at bumukas ito. May isang lalaki sa loob na magulo pa ang buhok at gusot-gusot ang suot na damit at parang kagigising lang. Napailing na lamang s'ya habang pumapasok sa loob at ito naman ay palabas ng naturang elevator.

Ngunit bago pa sumara ang elevator, nakita n'yang lumingon sa kan'ya ang naturang lalaki at namataan n'ya pa ang bahagyang pagngisi nito sa kan'ya.

"Weirdo!" usal n'ya habang nakapamulsa at nakasandig ang likuran sa dingding ng elevator.

Ilang segundo lang at narating n'ya ang kan'yang unit. Mabilis s'yang lumabas ng elevator at deristo sa pintoan ng kan'yang bahay.

Binuksan n'ya agad ito gamit ang sariling key card at sinalubong s'ya ng isang mabangong amoy mula sa kung saan.

Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at sobrang tahimik ng loob. Nagsalubong ang kan'yang mga kilay dahil kani-kanina lang nandito ang nobya, ngunit ngayon sobrang tahimik ng unit n'ya at mukhang walang tao.

Naglakad s'ya patungo sa kusina ngunit wala s'yang nakita kahit anino ng tao.

Kung kaya nagpasya s'yang pumasok sa kwarto para silipin kung nandoon si Liezel at nagulat s'ya ng pagbukas n'ya ng pinto, nagliliparang mga petals ang sumalubong sa kan'ya. At isang napakaganda at napakaseksing babae ang nakangiting bumungad sa kan'ya.

"Surprise!" masayang bati ni Liezel sa kan'ya na ikinangiti n'ya ng matamis. Naglakad ito palapit sa kan'ya at ikinawit ang mga braso sa kan'yang leeg.

Hinapit n'ya naman ito sa bewang at mapusok na hinalikan sa mga labi na ikinaganti naman nito ng mapusok ding halik. Ipinasok pa nito ang dila sa kan'yang bibig at nag espadahan ang mga dila nila at nagpalitan ng laway.

Nang kapusin ng hangin, lumayo s'ya muna dito at idinantay ang noo sa noo ng dalaga habang may matamis na ngiti sa mga labi.

"Happy Monthsary sweetheart," masayang bati n'ya rito. Bumusangot naman ang mukha nito at inirapan s'ya. Mahina s'yang natawa dahil mukhang alam n'ya na ang irereklamo nito. At hindi nga s'ya nagkamali, bigla na lamang s'ya nitong sinumbatan.

"Kainis ka, akala ko nakalimutan mo! Akala ko masusurpresa kita," reklamo nito at lumayo sa kan'ya ngunit mabilis n'yang hinablot sa braso ang kasintahan at niyakap ito ng mahigpit.

"Hey! Hey! Don't be mad sweetheart! Hindi ko naman kasi pwedeng kaligtaan ang petsa na naging akin ka. Importanti sa akin yon, kaya makalimutan ko na ang lahat huwag lang ang araw na iyon at ikaw," malambing na alo n'ya rito.

Ngumiti naman ito at yumakap sa kan'ya na ikinatawa n'ya. Dinukot n'ya ang regalo n'ya para rito mula sa bulsa ng kan'yang suit na suot.

"Here's my monthsary gift for you my love," malambing na sabi n'ya rito. Sinamaan na naman s'ya nito ng tingin at pinandidilatan.

"Ayan ka na naman Josh. Ilang beses ko bang kailangan'g sabihin sayo na hindi ko kailangan ang regalo? Ikaw lang at ang pagmamahal mo Joshua Hades El Frio ay sapat na sa akin," sermon nito. Ganito ito palagi kapag may ibinibigay s'ya rito. Hindi mawawala ang sermon at pangaral nito sa kan'ya lalo na sa mga material na bagay.

"Hmmmm! No choice, nabili ko na eh," rason n'ya na mas lalong ikinasama ng tingin nito sa kan'ya na sinuklian n'ya lang ng isang kindat at ninakawan ito ng isang halik sa labi.

"Huwag ka ng magalit sweetheart, promise last na to," alo n'ya sa kasintahan.

"Promise yan?" paniguradong tanong nito sa kan'ya.

"Oo nga promise," nakangising sagot n'ya, dahil ilang beses na s'yang nag promise dito pero hindi naman s'ya nito napipigilan kapag may binibili s'ya para sa dalaga.

"Hmmmm! Ok! Basta last na talaga to Josh ha?" tanong ulit ng nobya sa kan'ya. Lihim s'yang napangisi dahil mukhang malaki talaga ang duda nito sa sinasabi n'yang pangako.

"Yes baby last na talaga to," sagot n'ya at binuksan ang box na may lamang bracelet. Not just an ordinary bracelet, kundi isang glamorosong bracelet dahil napapalibutan ito ng mga diamonds.

It's a signature piece ng isa sa pinakasikat na jeweler sa buong bansa.

It costs millions but who cares? He can afford to buy and spoil anything for Liezel kahit magkano pa ang halaga n'yan.

"W-Wow ang ganda Josh!" masayang turan ng kasintahan ng masilayan ang naturang bracelet.

"Yes it is beautiful sweetheart and this is for you," nakangiting sagot n'ya sabay kabit ng bracelet sa palapulsohan ng kasintahan.

Yumakap ito sa kan'ya matapos n'yang maikabit ang bracelet.

"I love you Josh," saad nito. Hinalikan n'ya ito sa buhok at hinapit ng mahigpit.

"And I love you more sweetheart! Mahal na mahal kita," puno ng pagmamahal na turan n'ya sa dalaga.

Kumalas ito sa kan'ya at hinatak s'ya papunta sa balcony ng kan'yang kwarto. At bumungad sa kan'ya ang isang napaka romantic na set up ng table at its a dinner for two.

Malamlam ang ilaw at may malaking kandila sa gitna ng mesa. Natatakpan ang mga pagkain sa mesa at may isang bote ng wine sa gilid na nakalagay sa isang metal bucket na puno ng ice. May mga petals din ng bulaklak na nagkalat sa buong balkonahe.

Nilingon n'ya ang kasintahan at pinanggigilan na pinisil ang ilong nito at hinalikan sa labi.

"Ako ang dapat ang gumagawa nito sayo sweetheart, grrrrr!" gigil na sabi n'ya.

Tinawanan lamang s'ya nito at ninakawan ng halik sa mga labi bago s'ya inaya na kumain na sila dahil baka lumamig na ang mga pagkain.

Inasikaso s'ya ni Leizel at ganon din s'ya rito. Masaya silang nag-uusap habang kumakain. Ganito ang buhay na gusto n'ya. Tahimik at masaya kasama ang babaeng minamahal.

Pagkatapos nilang kumain binuksan nito ang wine at nagsalin sa dalawang wine glass at ibinigay sa kan'ya ang isa. Tinanggap n'ya naman ito at nakipag cheers sa nobya.

"Cheers to our monthsary sweetheart," aya sa kan'ya ni Liezel.

"Cheers!" sagot n'ya sabay dikit ng kanilang mga wine glass na naglikha ng tunog at sabay na uminom.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap at pagplano tungkol sa future nila. Masaya silang nagbibigay ng mga ideas sa isat-isa.

Halos maubos na nila ang naturang wine at medyo namimigat na ang kan'yang talukap. Hindi n'ya alam kung bakit ang bilis n'yang tinamaan sa iniinom na wine.

"I think you need to go to bed Josh," suhestyon ni Liezel.

"Kaya ko pa sweetheart," tanggi n'ya, ngunit tumayo na ang kasintahan at inalalayan s'yang tumayo at inakay patungo sa kama.

Bumagsak ang kan'yang katawan sa malambot na kama at sa nanlalabong mga mata nakita n'yang hinubad ni Liezel ang damit na suot nito habang may nang-aakit na mga ngiti sa labi.

Hindi n'ya alam siguro dahil sa epekto ng kalasingan n'ya, unti-unti n'yang nakikita ang mukha ni Trina na s'yang nakatayo na hubot-hubad sa kan'yang harapan. Ipinilig n'ya ang ulo at pilit na inaalis sa isip si Trina.

"It's time Josh," malanding boses ang narinig n'ya bago naramdaman ang mapusok na halik mula sa kasintahan. Biglang nag-init ang kan'yang katawan at hinapit ng mahigpit si Liezel at mapusok na ginatihan ng halik.

"Fvck! I want you sweetheart!" anas na sabi n'ya habang ang mga kamay ay lumalamas sa malulusog na dibdib nito. Hindi n'ya na kaya pang pigilan ang sarili. Nangako s'ya na pagakatapos na ng kasal nila gagawin ang bagay na ito, but its too late.

Hindi na kayang pigilan ng kahit ano ang apoy na nagsisimula ng tumupok sa katinuan n'ya.

Naging agresibo ang pagpapalitan nila ng haplos at halik ng nobya. Halos hindi n'ya na makilala ito dahil sa sobrang wild ito ngayon. Epekto din siguro ng alak na ininom nila qt nagugustohan n'ya ito.

Naging sobrang init din ng kan'yang katawan ng mga oras na iyon na halos mapiga n'ya na si Liezel sa kakapisil sa buong katawan nito.

Kinapa n'ya ang pagkababae nito na basang-basa na at malakas itong napaungol dahil sa biglang paghagod n'ya sa pagkababae ng kasintahan.

Kumikiwal ang katawan nito at panay ang sabunot sa kan'yang buhok. Sumubsob din s'ya sa dibdib ng nobya at marahas na s******p ng salitan ang dalawang u***g nito.

"Ahhhhhh! Josh!" ungol ni Liezel ng pagsabayin n'ya ang pagsipsip sa mga u***g nito at ang paglabas-masok ng kan'yang daliri sa basang pagkababae ng kasintahan.

Malakas na hiyaw at ungol nilang dalawa ang pumuno sa apat na sulok ng kan'yang kwarto ng mga oras na iyon.

Kinabukasan nagising si Joshua na sobrang sakit ng ulo. Napangiwi pa s'ya ng sumagi ang sakit sa kan'yang sintido. Ngunit natigilan s'ya ng maramdaman na may nakayapos sa kan'ya.

Ng silipin n'ya ito nakita n'ya ang magandang mukha ng nobya na mahimbing na natutulog. Pilit n'yang inaalala ang lahat ng nangyari at nang maalala, matamis s'yang napangiti at niyapos ito at mas lalo pang idinikit ang hubad na katawan dito.

"I love you sweetheart and good morning," bulong n'ya sa natutulog na si Liezel. Kita sa mukha nito ang pagod at lihim s'yang napangiti dahil s'ya ang may kagagawan kung bakit ito pagod.

Nanatili muna s'yang nakayapos sa babae ng ilang minuto bago nagpasyang bumangon at maligo.

Magluluto din s'ya ng almusal nila para may makain sila mamaya paggising ng kasintahan.

Dahan-dahan n'yang kinalas ang mga braso na nakayapos sa kan'ya at kinintalan ng halik sa noo ang dalaga bago dahan-dahang bumangon at bumaba sa kama.

Nakita n'ya ang pulang marka sa puting kumot na mas lalong ikinalapad ng kan'yang ngiti.

He is her first, s'ya ang unang lalaki sa buhay ni Liezel at sisiguraduhin n'yang s'ya din ang panghuli. He is now thinking having a family with Liezel. He, his wife and their kids.

With that thoughts malapad ang mga ngiti n'yang tinungo ang banyo para maligo.

Nakaramdam s'ya ng hindi matawarang excitement kapag naiisip n'yang bubuo s'ya ng pamilya kasama ang babaeng minamahal.

He will be a father and a husband soon. At pinapangako n'ya na walang makakahadlang sa kanilang pagmamahalan ni Liezel. Babanggain n'ya ang lahat ng gustong humarang at pumigil sa desisyon na gagawin n'ya.

Habang naliligo biglang sumagi sa kan'yang isip si Trina. Ngayong hindi na ito nagpapakita sa kanila, medyo panatag na ang kan'yang loob na walang manggugulo sa buhay nila.

Soon, yayayain n'ya si Liezel na magpakasal na sila. At sisiguraduhin n'yang papayag ang nobya. Lahat ay gagawin n'ya para maging asawa n'ya na ito. Ganon s'ya ka desidido at ka seryoso sa dalaga.

Nasa babae na ang lahat ng katangian na hinahanap n'ya. At kahit anong panira pa ang gawin ni Trina dito, hinding-hindi n'ya iyon paniniwalaan, dahil s'ya ang mas nakakilala kay Liezel at napatunayan n'ya pa yan kagabi ng s'ya ang makauna dito.

Wala mang natandaan sa nangyari, ngunit malinaw na ebedensya ang pulang marka ng dugo sa kumot para patunayan n'ya na malinis n'yang nakuha ang kasintahan.

S'ya ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo ngayon. Isang karangalan para sa mga lalaki na s'ya ang unang lalaki sa buhay ng babaeng minamahal.

At pinatunayan n'ya lang sa sarili na hindi s'ya nagkamali sa pagpili kay Liezel at ipinaglaban ito sa mga humuhusga rito.

Marami s'yang naririnig tungkol dito ngunit hindi n'ya lahat yon pinaniniwalaan dahil hindi yan ang nakikita n'ya sa nobya.

At walang makakadikta sa kan'ya sa gusto n'yang paniwalaan sa buhay. At mas lalong walang makakadikta sa kan'ya kung sino ang mamahalin n'ya at gustong makasama hanggang sa pagtanda n'ya.

Mga Comments (121)
goodnovel comment avatar
Nan
Magsisisi karon sa huli
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
Ang Dali mo pang utuin Joshua paniwalang paniwala ka sa girlfriend mo
goodnovel comment avatar
Jobelle Derano
tangang hades,demonyita pala ang gf,d nya alam.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status